Hailey POV
"Bakit nga ba ganito kalupit sa akin ang tadhana?" naisambit ko nalang bago lumabas ng kotse.
Malamig na hangin ang bumungad sa akin at napayakap ako sa aking sarili. Kamalas malasan ba naman sa gitna nang madilim na kalsada pa ako nasiraan ng sasakyan. Agad kung kinapa ang cellphone ko sa bulsa at sakto din na low battery na dahil buong araw akong hindi nakapag charge dahil abala ako sa pag iimpake nang mga gamit. Inilawan ko ang gulong gamit ang flashlight ng aking cellphone at tama nga ang hinala ko flat ang gulong nito.
Hindi naman ako takot sa dilim pero ngayon parang tinatablan na ako ng takot, napakadilim ng paligid at tanging ilaw lang ng aking kotse ang nagsisilbing liwanag ko.
Pagkaraan ng ilang minuto sa pagpaplano kung ano ang gagawin ay may motor na huminto katabi ng kotse ko. Agad bumaba ang taong sakay nito at tinanggal ang helmet na suot niya. Sandali akong napatulala sa mukha niya at hindi maitatangi na may hitsura ito.
"Uhm.. Miss nasiraan ka ba ng kotse?" bruskong boses na tanong nito habang papalapit sa akin.
"Oo may nadaanan siguro akong matulis na bagay kaya na flat ang gulong ng kotse ko" tugon ko sa tanong niya.
"Malayo pa ang talyer dito nasa kabilang nayon pa. Kung ayos lang sayo pwede ka naman makiangkas sa motor ko at bukas nang umaga ipapaayos natin ang kotse mo" pag aalok nito ng tulong sa akin.
Nag aalangan pa ako kung sasama ba ako sa lakaking ito. Pero no choice na din naman ako kaysa maiwan sa madilim na kalsada at baka ano pa ang masamang mangyari sa akin. Hindi malabo na may mababangis na hayop dito at ako pa ang gawing hapunan. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang lalaking ito.
"Sige salamat nga pala" pagsasang ayon ko at pasasalamat dito.
"By the way, I'm Rhyle Del Fierro" pakilala nito sa akin sabay abot nang kamay.
"Hailey Crane" tugon ko at inaabot ang kamay nito para makipag shake hands.
Kinuha ko ang bag na pinaglagyan ko nang damit at mga importante na gamit sa likod ng kotse na kaya ko lang dalhin at bitbitin. Inalalayan naman ako ni Rhyle at kinuha ang mabibigat na bag sa akin. Nakasakay na ako sa motor nito at swabe lang ang pagpapatakbo niya. Hindi naman pala masiyadong malupit ang tadhana dahil may taong tumulong pa din naman sa akin.
"Malapit lang ang villa namin dito, doon muna tayo mananatili habang pinapakuha ko pa ang kotse mo sa driver ko. Bukas nang tanghali maari ka nang maka byahe sa pupuntahan mo."
Lumipas ang tatlongpung minuto ay nakarating na kami sa Villa na sinasabi nito. Napakaganda at napakalawak nang lugar kahit na gabi ay malinaw mo itong makikita dahil sa dami ng ilaw na nakapalibot dito. Binuksan nang gwardiya nito ang gate at mabilis naman nitong ipinarada ang motor. Kung ganito ba naman kaganda ang tanawin na makikita mo araw araw ay tiyak na malilimutan mo kahit sa sandali ang iyong mga problema.
Pumasok na kami habang bitbit nito ang mga gamit ko. Napaka engrande nang loob nito, napakalinis at maganda ang pagkakadesinyo ng mga kagamitan. May nakita akong litrato at malamang na kuha ito noong limang taon pa siya. Napakaganda ng kanyang ngiti habang hawak nito ang laruang kabayo.
"Nasa itaas ang guest room sa kanang bahagi, ilalagay ko muna ang mga gamit mo hintayin mo muna ako dito sa sala at magluluto pa ako sa kusina para sa hapunan natin. Halata naman na hindi ka pa kumakain dahil sa mahabang biyahe."
"Ahh.. Oo anim na oras na akong nag byahe galing pa kasi akong Manila."
"Would you mind if I ask bakit ka lumuwas dito sa probinsya ng Cebu?"
"Ahm.. It's confidential I will share to you when I'm ready."
"Oh sure, no problem sige maiiwan na muna kita iaakyat ko muna ito."
"Sige salamat."
Umupo muna ako dito sa sofa habang hinihintay ko si Rhyle na bumaba. Kasalukuyan ko munang tinitignan ang mga larawan. Saktong pagbaba nito sa hagdanan ay hahawakan ko sana ang larawan nitong nakahubad na kita ang magandang hubog ng katawan habang nakasakay sa kabayo nitong puti mabuti nalang at agad ko itong naibalik at umakto na parang walang nangyari. Hindi naman ako nito nakita mas mainam na baka isipin pa nitong pinagpantasyahan ko ang mala adonis nitong katawan.
"Maiwan na muna kita diyan ah, iinitin ko muna sa kusina ang ulam kanina medyo lumamig na eh" pagpapaalam nito sa akin at pumunta ng kusina.
In fainess ang bait naman pala nitong si Rhyle mabuti nalang at hindi masungit. Oo nga pala kailangan kung mai-charge ang cellphone ko, teka pupuntahan ko muna sa kusina para makapagpaalam ako baka isipin pa nito napaka feel at home ko.
"Ahm.. Rhyle pwede ba ako maki-charge ng cellphone?" pagtatanong ko rito.
"Sure sa may sala pwede dun" sagot naman nito sa akin habang humahawak ng sandok.
Hays.. Sa wakas nakapag charge na din ako. Buti nalang at hindi ko nakalimutan ang charger dalhin at nailagay ko sa bag. Pinalitan ko ang number ko para walang maka contact sa akin habang umalis ako paluwas nang probinsya tanging kaibigan ko lang na si Jane ang nakakaalam ng bago kung numero. Alas otso na pala nang gabi at medyo kumakalam na ang tiyan ko, sakto naman at tinawag na ako nito sa kusina.
"Maupo ka na, hindi ka ba allergic sa pasayan at alimango? Di bale may fried chicken naman at tocino."
"Hindi naman Rhyle, salamat nga pala ah."
"Wala yun, kahit sino naman siguro nakakita sayo ay tutulungan ka talaga, sige kumain ka na...Mabuti nalang at ako ang nakakita sayo."
Medyo hindi ko narinig ang huli nitong sinabi dahil hininaan nito ang boses curious tuloy ako kung ano ang sinabi nito, di bale nalang gutom na talaga ako. Sinimulan ko nang kumain at medyo naiilang pa ako sa pagsubo dahil nakatingin ito sa akin. Baka iniisip nito na ang lakas kung kumain. Nako nakakahiya naman babagalan ko nalang.
"Kain ka na din" pag-aalok ko dito.
"Ahh.. Haha oo sorry nailang ka pa tuloy" paghihingi nito nang paumanhin na ginantihan ko naman ng tipid na ngiti.
Natapos na kaming kumain at nabusog talaga ako medyo naparami ang kain ko dahil nalipasan na din ako nang lunch kanina. Nag alok ako rito na ako na ang magliligpit at maghuhugas pero pinigilan ako ni Rhyle dahil pagod pa daw ako sa biyahe at guest ako nito, may maglilinis naman daw nito kaya hindi na ako nagpumilit pa dahil inaantok na din ako sa haba nang biyahe ko kanina. Kinuha ko ang cellphone sa sala at charger nito. Inihatid naman ako ni Rhyle sa guestroom at katabi lang naman nito ang kwarto niya.
"If you need something don't hesitate to knock my door."
"Sige salamat talaga Rhyle."
"Welcome, sige pumasok ka na. Tomorrow ayos na yung kotse mo."
Sinuklian ko naman ito nang ngiti bago pumasok sa kwarto at mabilis na humiga sa malambot na kama, tiyak na makakatulog agad ako nito dahil sa pagod.