Una Gonzales."
"Not on the list." She stated tsaka tinawag ang sunod sa pila.
"Am- baka wrong spelling" Umikot ako sa pwesto nya at malayong tinanaw ang screen ng laptop nya. My last name was spelled wrong.
"This is the right spelling of my name." Sabi ko tsaka pinakita sa kanya ang student id ko.
She looked at it once tsaka muling nagtype.
It took a good 5 min before she faced her laptop in my direction to show the results.
"Name not found." Basa nito sa nakalagay sa screen.
"Pero I received a confirmation message." Paliwanag ko.
"Can I see the confirmation message just to double-check?" Tanong nito.
"Sure." Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang phone ko pero wala don. Kakabahan na sana ako then I remember that I put it inside my bag dahil "No battery."
Bakas sa mukha ng kaharap ko ang pagkadismaya sa sinabi ko. I can also see her trying to stay nice.
She sighed deeply." How about the letter?" She asked after a few seconds.
" Oh, I have it." Pagkasabi ko'y lumiwanag ang mukha nito marahil ay nakakita din ng pag-asa katulad ko. I can't blame her, this is also exhausting for her and first-day pa lang to.
Ako ang una sa pila dahil maaga akong pumasok para dito. At kung titignan kung gano kadaming tao ang nasa likod ko. Kahit akong natingin lang ramdam ko na agad yung pagod.
"Here." Iniabot ko sa kanya ang acceptance letter. A letter that they only send just for accepted applicants. To be specific, sa mga siguradong pasado at gagraduate.
Pero bakit hindi nya mahanap ang name ko?
Wait-No. That cant be haha. Pasado ako. Gagraduate ako. I have the letter as proof so hindi ako dapat magaalala.
Haha. Nanikip ang dibdib ko don ah.
"Okay let me just scan this once again baka system error lang or anything dahil may letter ka namang natanggap." She said. Tumango lang ako at ngumiti. Nginitian ako nito pabalik tsaka muling itinutok ang atensyon sa laptop nito.
I looked around while waiting. Sa kinatatayuan ko tanaw ko na agad kung gano kabongga ang celebration para sa buwan na to. I mean never pa naman naman kaming nadissapoint sa school na to. I know I cannot say the word 'Perfect' to describe it dahil may lapses din naman ito pero sobrang minimal and babaw lang that everybody rates this school as a " Almost Perfect" school.
Which i couldn't agree more. This school never disappoints dahil base nga sa motto ng school at owner nito " Everything you do should be made out of love."
Wow. Shakespeare alayk it.
" Excuse me. Ms. Gonzales."
" Yes.." Tsaka ko lang napansin ang suot nitong name tag.Elaine Perez.
"Ms. Perez?" Sagot ko.
"I'm sorry but I can't really find your name on our list." Saad nito. Imposible to. I pulled an all-nighter para lang matapos ang resume ko para dito tapos sorry dahil wala ang pangalan ko.
"How come? I have an acceptance letter? Paanong wala ako sa list?" Sagot ko dito. Nagsisimula nang maubos ang pasensya ko. Pumasok ako ng maaga para dito.
"That's actually weird, to be honest. Kasi, you received a letter pero wala ka sa list." Pag-amin nito. Tsaka dinampot ang telephone na nakalagay sa gilid ng laptop nito.
"So what should I do for this? Do I have to send a new one again? Or do I need to talk to someone?" I continuously asked. I'm not trying to be rude pero am really not having a good time over here. And I know she's feeling the same way for obvious reason pero I just can't accept this.
"Actually yes.. if you can wait a couple of minutes...I'm just going to call our head facilitator since sya naman ang mag-encode ng lahat dito, I'm just here to confirm their acceptance and to send out instructions." She explained.
" Thank you," I said tsaka naglakad sa malapit na bench at umupo.
7:30 pa lang ng umaga pero yung mood ko patanghaling tapat na nakakaloka.
"Meow." Napatingin ako bigla sa ilalim ng bench na kinauupuan ko. Pusa OMG!
"Hi, bebe!" Tawag ko dito tsaka inilapit ang likod ng hintuturo ko para amuhin at himasin. Mukhang maamo naman ito at sanay sa tao dahil hindi pa nakakalapit ang kamay ko ay ito na mismo ang nagkusang ikuskos ang pisngi nito sa kamay ko.
Meron akong pusa sa bahay si Norman, matagal ko na syang pusa pero hindi ko alam kung ano bang breed nya,kulay puti ito na may black and grey spots sa mukha at katawan,basta ang alam ko lang galing sya sa koreanong kaibigan ni mama kaya everytime na may nagtatanong kung anong lahi ng pusa ko ang sinasabi ko korean. Tama man o mali basta yun na yon.
Pero katulad ng pusa na to ang pangarap kong pusa. Mataba at mabalbon. Mukhang maraming nagpapakain dito. At ang pinakagusto ko sa lahat. Yung kulay nito na itim na itim. Kaso ayaw ni mama dahil malas daw.
Patuloy lang itong nagpapahimas ng katawan. Napakacute kung hindi lang deadbatt ang phone ko sandamakmak na picture na ang nakuha ko.
Nagpahimas lang ito ng nagpahimas. Nag-aantay atang bigyan ko sya ng pagkain.
"Malas mo wala akong dalang food ngayon." Saktong pagkasabi ko ay ngumiyaw ito tsaka umalis at lumapit sa kaharap naming bench na may nakaupong magjowa at nakain ng corndog.
"Balimbing na pusa." Porket wala akong maibigay lumayas na.
Dahil wala naman akong magawa dahil patay ang phone ko at naiwan ko ang libro ko sa bahay.Pinagmasdan ko na lang ang sutil na pusa. Na-cutan yung magjowa sa kanya kaya inaabutan sya ng piraso ng corndog.
Tignan mo tong magjowa na to. Ang aga aga corndog ang tinitira. Tapos panay harutan pa.Umay
Binalik ko na lang ang tingin ko sa pusa. Kasalukuyan nitong nilalaro ang wire ng power bank nung babae.
Natigilan ako." May power bank ako."
Yes. May power bank nga ko nawala sa isip ko. Kinuha ko sa bag ang phone ko kasama ang power bank,tsaka ko sinaksak sa charger ang phone ko.
Mga ilang minuto akong nagantay na umilaw to pero mukhang nadrain ko ata dahil hanggang sa tawagin ako ni Ms. Perez ay hindi padin sya umiilaw.
"This is Ms. Kitty." She introduced.
Automatic na nangasim ang mukha ko ng makita ko kung sinong nakatayo sa harap ko.
Kaya naman pala.
"Una." Umpisa nito.
"Kitty." Banggit ko sa pet name nito. Pet name na sya mismong nagpakalat sa buong campus. Kesyo ang cute daw katulad nya. The Campus Queen Wannabe na wala naman laman ang utak at puro pagpapakikay lang ang alam.
Mukha mo.
"I never thought I'd see the day na tatawagin mo ko for help." Ngingisi-ngising turan nito.
"And seems like I'll never see the day na hindi ka magiging conceited."Sagot ko...
"Whatever." She replied tsaka mataray na tinanong kung anong kailangan ko. It's already 8:15 yung couple of minutes na paghihintay na sinabi sakin ay inabot ng syam-syam. And just by looking at kitty,hindi ko masisisi si Ms. Perez for making me wait.
I'm already hungry. Hindi pa ko nagbbreakfast,wala pa kong energy to fight kitty that's why I just showed her the letter and let Ms. Perez explain the rest.
"Suspicious." She commented after hearing the story.
Syewpisyus. I mimicked it in my head.
She then place her pink-covered laptop on the table. And just by looking at it. Gusto ko nang iluwa lahat ng organs ko. I mean there's nothing wrong with pink pero neon pink with rhinestones?glitters?chains? At kung ano ano pang abubot na hindi ko magets?Really? Sa summer? Matino ka pa ba?
Her style is fine. Pinterest girl. That girl outfit. Pero her things? Uncontrollable na te.
"Well, it seems like you're not really on the list." She said after mins of typing.
"That's ridiculous!"
" Baka nagkamali ka lang? " I fired at her. Nagsisimula na kaming magkaron ng mga audience dahil medyo lumalakas na ang boses namin.
" Nagkamali?"
"Never ako nagkamali . Kung gano ako kalinis at kaganda tignan,ganon din ako magtrabaho." Tsaka nito isinara ang laptop at dinampot.Paalis na sana ito ng muling humarap sa direksyon ko at lumapit.
"Alam nyo dalawa lang yan e." She said but her voice is much louder this time ,Acknolwdging the audiences presence.
" Its either nagkamali ako sa trabaho ko or you forged the letter." Tsaka ako tinalikuran at naglakad palayo.
"Kitty-"
"I'm done here." She dismissed tsaka tuluyang naglaho sa paningin ko.Wala pang ilang minuto ay bumalik na sa tamang takbo ang lahat,gumagalaw na ang pila habang ako nakatayo padin sa gilid still in shock sa nangyare,After recovering i went to the same bench i was sitting earlier at tulalang napaupo.
"Peste ka talagang kiki ka!Isasampal ko sayo tong letter na to kapag napatunayan kong ikaw ang nagkamali sinasabi ko sayo." Pabulong na sigaw ko. May araw ka din sakin.Sino ba sya sa akala nya?!
Kung hindi lang talaga ako graduating kanina ko pa kinalbo yang kiki na yan.
So ano nang gagawin ko ngayon? Parang nagsisi pa ata akong lumabas ako ng bahay.Kung alam ko lang na ganto mangyayare tinuloy tuloy ko na lang sana ang Homeschool program ko.
Dahil sa bahay lang ako nag-aaral wala akong problema. Nakakafocus ako,hindi ko kailangang pumasok ng maaga,pumila at lalo na makisama. Lalong lalo na walang kiki sa bahay. Nakakapanginit talaga ng dugo ang babaeng yon.
I inhaled exhaled for good minute while trying to clear my mind and removed kitty's ass face in my mind.
"Excuse me..Ms.Gonzales?" Rinig kong tawag sa pangalan ko kasabay ng mahinang tapik sa balikat ko.
"Yes?"
Shet.
I did'nt know na kaya palang mag-invite ng school namin ng anghel galing langit.
Normal lang batong ganto kagwapo dito? Kung alam ko lang di sana dati pa ko pumasok sa school atsumali sa program na to. Grabe!
"Hmm...You need help?" Tanong ulit nito.
" Ah, y-yes!" Shet. Oh yes! Pwede mo ba kong buhatin gamit ang mga maskulado mong braso dahil nanghihina na yung tuhod ko sa ngiti mo. Parang malulumpo na ata ako.Tapos mainit yung ulo ko pede mo ba kong i-kiss?
"Sure basta ba wag mo ko idedemanda pag-nalumpo ka tsaka san ba? Sa cheeks ba sa noo or sa lips?" Nakangiting sagot nito. Tsaka ito mahinang tumawa ng manlaki ang mga mata ko.
Is he a mind reader or did I just say my thoughts out loud?Nakakahiya!
I cleared my throat and brushed my hair using my hand to hide my embarrassment if natago nga talaga nito yung kahihiyang nararamdaman ko ngayon. I deeply sighed tsaka tumingin dito with my I-didn't-say-anything-stupid face and i-don't-give-a-fuckface habang nakatayo lang ito sa harap ko at pinagmamasdan ang mukha ko.
"Vien." Maikling pakilala nito tsaka iniabot ang kanang kamay.
"Una." Sagot ko, then I stretched my arm to shake his hand.
Angel, to describe this guy is an understatement, it won't give him justice, but that's the only word I can think of at the moment dahil naghahang yung utak ko sa kagwapuhan nito.
"So Una, How can I help you?" Tanong nito.Napansin kong nakasuot din ito ng Red Polo shirt na may logo ng school at logo ng org.
Pinakita ko sa kanya yung letter tsaka ipinaliwanag kung ano yung issue. Inabot naman nito yung papel tsaka nakakunot ang noo na binasa ito,tinanong din ako nito kung saang link ako nag-send ng resume,anong oras ko natanggap yung letter at kung ano-ano pang tanong na may kinalaman sa program.Tumango lang ito sa mga sagot ko habang seryosong nakatitig sa papel na hawak.
May jowa na kaya to?Meron na siguro ang pogi e.
Iniangat nito ang tingin mula sa papel at tumingin sakin tsaka ngumiti at muling binalik sa papel ang atensyon.
Wow.The way his face glows when he smile, his rosy cheeks and yung dimples nya sa magkabilang pisngi.And his nose,hindi ko napigilang hawakan ang ilong ko,ang unfair ng mundo.Pati yung mga labi mamulamula at mukhang malambot parang alaga sa lip balm.
Possible palang magkaroon ng perfect na mukha.
"Saglit lang ha...I'm just checking something." Saad nito.
"Sige lang, take your time. I'm checking something din e" Sagot ko. Pero mukhang hindi nito napansin ang huling sinabi ko at ibinalik ang pansin sa letter.
Sige lang pagpatuloy mo lang yan,bubusugin ko lang yung mata ko dito.
After 5 minutes he nicely folded the letter in half at tsaka iniabot ito sakin. "Mukhang legit naman tong letter na nakuha mo.May seal din ng school and ng org namin so its true."
"Pero according to kitty ay wala ka daw talaga sa listahan." Pesteng kitty. Pangalan pa lang nag-iinit na ulo ko.
"Is there anything that i can do para maayos to? I need to start ASAP and kung magpapasa naman uli ako ng application mapupunta ako sa dulo ng pila." Paliwanag ko.
Saglit itong tumitig sakin tsaka ngumiti, at muli, na namang naglaway ang puso ko ,ang lalim ng dimples nito sa magkabilang pisngi.
"Well, there is, If you want to fix this ASAP you can go directly sa Head admin ng org nato. There you can explain the issue and show the letter as a proof." Paliwanag nito tsaka inabot pabalik sakin ang letter.
"Of course,san ko ba pwede makita yung Head admin na sinasabi mo?"
He smiled once again,tsaka tinignan ang oras sa relo na suot.
"Sa kabilang building lang.. if you want I can walk you there.." Alok nito.
Shet double shet. Sign ba to lord na hindi sya extra sa buhay ko? Eto na ba yon?
"Hindi okay lang,kaya ko naman."Pilitin mo ko, please!
"I mean,wala pa naman yung kasama ko,wala—" Napatigil ito nang may tumawag sa pangalan nito. Istorbo!Sumenyas lang ang lalaki kay tobby na sinagot naman nito ng tango. It seems like they're having a full conversation just by nodding their heads and raising their eyebrows,just like us girls.
"Sorry Ms. Gonzales ako yung nag-offer pero i think i have to back out,nandyan na pala yung hinihintay ko." Paliwanag nito habang marahang kinakamot ang batok at may maliit na ngiti sa labi.
"It's okay. Thank you parin sa tulong." Sabi ko tsaka nag-paalam matapos ibigay nito sakin ang directions papuntang Office ng Head Admin.
I am so not enjoying this day. Mali ba yung desisyon kong umalis sa comfort zone ko at lumabas sa mundo't makipaghalubilo? Dapat ba inenjoy ko na lang ang Homeschool era ko hanggang graduation?
It took me decades to find the org head office since ngayon lang ako nakapunta sa school litong lito ako kung saan ako dapt pumunta. Good thing I was able to bump into someone na nagmagandang loob na ituro sakin ang office ng admin.
And here i am, I've been standing here for good fives minutes,5 minutes pa lang pero prang gusto ko nang umuwi at magmukmok sa kwarto.
One of the things that I hate the most in this world or Pet peeves as they usually call it are Noisy eaters. And Mr.Lemery the infamous org leader is doing exactly the same thing.
"First and Last name?" He asked then he take a huge bite of his big mac burger. Then he chewed it so loud that you can hear every single drop of grease that's in his food na ang iba ay naiipo pa sa gilid ng bibig nito. Di rin nakaligtas sa paningin ko ang mga piraso ng pagkain nito na timatalsik kada bubuka ang bibig nito. I swear to god pag tumagal pa ko sa kwarto na kasama to,imbis na makagraduat ako sa kulungan ang bagsak ko.Parang gusto kong lumapit sa tabi nya at one on one sya turuan kung pano ang tamang pag-kain at pag-nguya.
Oh lord guide me! Give me a lot of patience.