"Ang pag-iibigan natin ang siyang maglalantad ng katotohanan at magpapabuhay ng ating nakaraan hanggang sa kamatayan."
Joyce, ang bababeng nangakong babaguhin ang kapalaran na sinapit ng kaniyang mga kaibigan.
Sina Ara, Leah, Jovelle, Shine, Gerecho, Sean at Simon ang mga kaibigan nito simula pa nung bata pa sila. Hindi maipagkakaila ang kani-kanilang bukod tanging mga katangian na naghuhubog sa kanilang samahan. Sa ginhawa man o hirap sila ay nariyan para sa isa't-isa.
Lahat ito ay naglaho nang sila'y napunta sa taong 1875 na kung saan ang naghahari pa ay ang mga kastila sa loob ng Pilipinas. Nalaman nila ang kanilang mga ninuno ay nagkaroon nang malupit at mapangahas na trahedya dahil lang sa pagkamatay nang isa sa kanilang mga matalik na kaibigan, na sanhi nang pagkasunod-sunod na kamatayan na sinapit nila.
Upang makabalik ulit sa panahon kung saan sila nararapat ay naatasang sila na hanapin ang sagot sa pagkamatay nang isa sa kanila na dulot nang pagkamatay nilang lahat.
Mailalantad ba nila ang katotohanan sa likod ng mapait na pagkamatay nang isa sa kanila o sila'y mabibigo at ang kanilang buhay ang kapalit nito?