Isang Gabing malakas ang ulan na may kulog at kasamang kidlat na pinapa- lakas lalo ng hanging habagat na halos mabuwal na ang mga puno ng kahoy.
Dalawang tao sinubukang suongin Ang malakas na Bagyo para lang makauwi sa kanilang bahay, isang lalaking pangalan g dodong at isang babae na ang pangalan niya ay Nene na nagdadalang tao pa at malapit ng manganak.
Isang masukal na daan ang kanilang tinatahak, at wala ni isa mang bahay o Kubo man lang na kanilang pagsisilungan...
"...Sana Hindi nalang tayo umuwi, at doon nalang tayo nagpalipas Ng Gabi kila inay." Sabi ni Nene na iniinda Ang sakit Ng tiyan na parang manganganak na.
Sa gitna ng kanilang paglalakad, di kalayuan may narinig si dodong ng tunog na papalapit na rumaragasang tubig sa kanilang kinatatayuan. Kaya dali-daliang hinila ni dodong si Nene upang bumilis Ang kanilang paglalakad, tila nawaglit sa isipan ni Dodong na buntis si Nene.
"Bilisan mo ang paglalakad baka maabotan tayo ng BAHA!" ...sigaw ni Dodong Kay Nene dahil sa malakas ang ulan kaya kailangan niyang sumigaw.
"aaaray! Dodong! dahan-dahan naman, masakit ang tiyan ko...parang manganganak na yata ako." sabi Nene na iniinda ang sakit ...isang malakas na kulog na may kasamang pagkidlat Ang narinig nila na lalong nagpapatakot kay Nene... "Aaaaaahhhh!" napasigaw si Nene Ng malakas.
"Sorry... sorry...mahal, kasi kung Hindi natin bilisan baka maabotan tayo ng baha." isang mahinang boses ni Dodong na nagmamakaawa.
...At silang dalawa ay nag-iba ng landas upang hindi maabotan ng malakas na baha. Dumaan sila sa gilid ng bundok na dahan-dahan namang bumabagsak ang mga lupa, ngunit hindi ito had lang upang huminto sa kanilang paglalakad.
Di kalayuan ay natanaw nila Ang malaking puno ng mangga,na sa isip ni Dodong na pwedeng gamitin bilang masilungan pansamantala.
"...halika doon tayo sa may puno ng mangga, doon tayo sumilong." Sabi ni Dodong na tila nahihirapan na sa kanilang sitwasyon.
" Sige Dodong dahil ramdam ko na parang manganganak na ako, Hindi ko na kayang maglakad Dodong... naghihina na ako..." naghihinang sabi ni Nene.
" kayanin mo mahal...malapit na tayo."
Kaya binuhat niya nalang si Nene dahil sa hindi na nito kaya pang lumakad...at nang binubuhat na niya ay isang malaking puno ang bumagsak sa likuran nila, na tila ba ay isang maswerteng pangyayari na Hindi sa kanila bumagsak ang malaking puno... at nagpatuloy si dodong sa pag lalakad hanggang nakarating sila sa malaking puno ng mangga, ngunit malakas parin ang ulan. Kaya naisipan ni Dodong na kumuha ng mga dahon ng saging upang gawing bubong na kanilang masilongan.
"DODONG!!!" sigaw ni Nene
"maanganganak na yata ako!!!"
kaya dali-daliang bumalik si Dodong...at sa pagbalik Niya isang....
"uhaaa...uhaaa..." isang iyak ng bagong silang na bata ang kanyang naririnig, at dahan-dahan niyang dinampot...at tinitingnan niya sa mukha, at dahan-dahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata habang nakatitig sa kanya ang bagong silang na bata, at niyakap niya ito upang mainitan ang katawan nito...sabay bigkas ng pangalang "BEN...anak ko... ". at inilapit Niya sa kanyang nanay na kahit nanghihina ay Makita parin ang saya sa kanyang mukha ng masilayan Ang bagong silang niyang anak.
Hindi nagtagal ay tumila narin ang ulan, kasabay ng pagtila ng pagsubok sa Buhay ni Ben...
Umuwi sila sa kanilang tahanan at namuhay ng tahimik at masayang pagsasama para bagong buhay na si
BEN...
thank you for reading...sa unang kabanata sa Buhay ni Ben.