Chapter 2 - II.

Tantan wakes up from this abrupt hallucination. Nasa altar na pala siya facing the statue of Mama Mary with five vases filled with roses. Just behind him is a horizontal line of people waiting to plant their offerings.

''Rose niyo po?'' yung boses ulit, baritone. Kahalintulad ng tunog ng isang kalmadong dagat. Galing ang boses sa isang matangkad na binata sa tabi niya wearing a white over-sized polo tucked in a black pants. Sakristan? Pero hindi pa siya nakikita ni Tantan.

Nag-simula siyang mag profiling in his head kung sino 'to. Si Ram na patola sa bakla kasi nagpapalibre lagi ng Pepsi at ensaymada after mass dahil walang pambili ng pagkain ang magulang? Si Dennis na amoy nilang paminta dahil ang daming klase ng face powder sa bag tapos favorite si Justin Bieber pero ayaw umamin?

Si Terrence yung mayabang na anak ng lay minister who happens to be the baranggay captain na may issues of corruption? Si Owel na mabaho ang hininga at naka-brace na nursing student at may nanay na mahaderang collector?

Si Timbal? Si Lucas? Si Arman? Si Bagyo? Si Habagat? Hindi eh. Wala sa cabinet of thoughts niya. Sino to? Bagong salta?

Mapupunta ang paningin niya sa mukha nito and he starts to memorize every detail. Brown eyes, mapungay ang pilik-mata, matangos ang ilong, makapal ang kilay, makinis ang balat pang-baby, malaki ang tenga, may red scratches ang leeg, naka-gel pababa ang maikling buhok.

Naka-pili agad si Tantan ng favorite part ng mukha niya. Iyong labi na katamtaman ang kapal at kulay apple pink. Paborito niyang kulay yun sa kaniyang color pencils.

Maiku-kumpara niya ang arrangement ng mga parte ng mukha nito sa isang sala na maayos ang placing ng set pieces. Gusto niyang kunin ang bawat parte, ibulsa at i-arrange din based on his liking.

Kukuha ang binata ng isang maputlang rosas mula sa likuran. ''Sakin po dapat yan eh, pero sa'yo na. Madami pa kasing naka-pila. Tusok niyo lang sa paso. Paki-bilis.'' may diin na yung boses. Teka? Pamilyar. Ito yung boses kanina sa speakers, the one who is telling everyone to fall in line properly and get inside the church. Siya pala 'yun.

Ayaw niyang paghintayin ang mga nasa likod so he swiftly grabs it from the boy's hand pero mahuhulog ang rosas sa sahig.

The two of them simultaneously kneels to get it at magpapatong ang mga kamay nila. An electrifying feeling zooms in Tantan's hand travelling through his nerves, making time stop. Ang puting linya sa kisame ay muling sasabog at aalsa.

Papalibutan silang dalawa, dancing, swirling and jiving like there's no tomorrow as the ceiling crumbles and opens up with a battalion of singing angels marching towards them.

Kinonekta sila ng linya tulad ng kung paano nito kinonekta ang mga characters sa kisame. Ito si ganito, ito si ganiyan. Siya ito, siya iyan. Ngayon ay kaisa na sila ng isang mas malaking larawan.

Sisikip ang lagusan ng hangin ni Tantan, barado ang kaniyang mga ilong as he questions ano ang pakiramdam na'to.

Minsan nang na-kwento sa kaniya ng mga kaibigan ang konsepto ng kilig. Kapag naramdaman mo daw ang kilig, nakaka-kiliti. Parang pag kumain ka ng ice cream na sobrang tamis at lamig. Mapapa-pikit ka daw tapos pag-pikit makaka-kita ka ng rainbow saka unicorns. Sobrang sarap sa pakiramdam ayaw mo nang magising.

Kilig ba'to?

Parang hindi. Kabaliktaran. Masikip at masakit sa dibdib. Tapos bumukas pa ang langit sa itaas niya na parang sinusundo siya. It was deadly yet immaculate.

Isang bagong pakiramdam na dulot ng isa na namang matagal na pag-hihintay. He hates waiting for all the wrong reasons.