Chereads / I'm in love with a Pop Star / Chapter 44 - Sanya is hurt

Chapter 44 - Sanya is hurt

Sanya, masaya ako sa balita mo, pero bakita parang nagpapaalam ka na. I mean oo nga at pinasasalamatan mo ang aking mga magulang pero agad agad. Marami pang panahon na pwede mong gawin iyan, sagot ko na lubos ang pagtataka. Trudy naman, please, wala, talagang gusto ko lang tumanaw ng utang na loob sa inyo. Mahal ko kayo and especially ikaw. Ah…I mean as my best friend and partner in everything!, pagtatakpan ni Sanya sa mga tanong ni Trudy sa kanya. Sanya, anong nangyari noong nasa ospital ka, nagpunta si Sam no? Bakit, alam na ba ng dad mo na gay ka o what?, giit ko na may pag-aalala.

Trudy, I want to rest na, tsaka na lang tayo mag-usap, okay!, pag-iwas ni Sanya. Sanya, magsabi ka ng totoo, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang totoo, anu'ng sinabi ni Sam sa dad mo?

Yeah, Sam told my dad na may relasyon tayo and beyond friendship ito. Hindi pa naintindihan ni dad noong una but eventually naalala niya nung several times na nahuli niya ko na kung hindi babae ang kasama ko e mga bading sa condo, sa school o sa bakasyon kung saan-saang lugar. Nag-hire pa nga siya ng private investigator para malaman ang totoo and simula noon lagi na niya ako binabantayan and he organizes schedules for suitors na bumisita dito or sa mga places that I visit or love to stay in for weekends, patuloy ni Sanya at ito's nalungkot ng ibunyag na gusto ng daddy na ipakasal siya kay Sam sa lalong madaling panahon.

Sanya, may edad ka na at makaka-decide na sa iyong sarili, di ba!, pilit kong ipinauunawa na may karapatan siyang huminde dahil nasa tamang edad na siya para mag-desisyon. Pero nang magka-usap sila ng daddy niya noong bumisita ito sa ospital. Ni-reveal nito na malaki ang pagkakautang niya sa daddy ni Sam at sa pagpapakasal lang nilang dalawa maaring mabawi ng kaniyang ama ang kanilang kumpanya. Ang step mom niya ang naglustay ng milyon milyong salapi ng kaniyang ama at ngayon ay hindi niya alam ang gagawin para matulungan ito sa kinahaharap na mga kaso at utang na siya lang ang makakagawa ng paraan sa ngayon. At iyon ang pagpapakasal kay Sam, na hiniwalayan na niya kamakailan lamang.

Hindi masabi lahat ni Sanya kay Trudy pero naibulalas din niya ang mga sama ng loob at kuwentong nagpapabigat sa kaniyang damdamin ngayon na mas hihigit pa sa mga galos niyang natamo ng sila ay kinidnap ng mga bayaring tauhan ni Mr. Si.

Naawa si Trudy sa kaibigan at niyakap niya ito ng mahigpit na para bang ayaw na niyang bitiwan pa kahit kalian. Trudy, kahit anung mangyari sana lagi ka lang sa tabi ko ha! Ayaw kong mawala ka, please!, ani Sanya na parang bata na nagmamakaawa sa itsura nitong parang iiyak na at mga mata'y lungkot na lungkot talaga.

Mahal ko si Sanya at malaki din ang utang na loob ko sa kaniya kaya hindi ko rin siya maiwan.

Kahit ayaw ko kay Sam napapayag pa rin ako ni Sanya na maging maid of honor niya at dumalo sa nalalapit nilang kasal mga dalawang buwan na lang pagkatapos magpasko. Tuloy pa rin ang getaway pero si Sam hindi makakasama dahil sa business meetings and conference na aatenan nito. Pinagkasundo sila ng kanilang mga magulang bata pa lang sila. Hindi naman sila Chinese na may ganuong tradisyon na ang tawag ay arranged marriage. Pero and hindi ko alam ay ganuon din si Sam, meron din siyang napupusuan ibang babae ng makita ko one-time sa may Ermita na may kasamang seksing babae at pula ang buhok. Ahh… naalala ko na siya si Lucy, isa sa mga dancers sa club na dapat ay papasukan ko, pero hinindian ko dahil nga strip club iyon at all the way talaga, bata pa ako noon kaya hindi pupwede. Ayoko din dahil okay naman ang kita ko sa club na pinagtatrabahuhan ko at magsayaw man ako at maghubad mga isang taon lang iyon at itinigil ko rin dahil nakakita rin ako ng mas maayos na trabaho sa convenience store.

Sino ba makakapagsabi na magiging abogado din ako. May mga naging kaibigan ako sa bar at mga kolehiyala din sila. Buti si Sanya hindi niya naranasan ang buhay na mayroon ako noon. Hindi man alam ng aking mga magulang dati ipinaalam ko rin katagalan ng makagraduate na ako. Kasi gusto ko ng magbagong buhay at kumita ng pera sa maayos na paraan na hindi ko na kailangan pang maghubad para umasenso.

Siguro marami sa inyo ang nakaranas ng klase ng buhay na meron ako dati pero huwag kayo magalala at lagging maniwala na may pag-asa. Hindi man ngayon, baling araw kayo rin ay magtatagumpay at liligaya basta maghintay, magtrabaho at magtiyaga. Huwag kayong magssawa na magbanat ng buto at kumita ng pera sa maayos at marangal na trabaho. Minsan nabubulagan tayo sa laki ng salapi na kikitain pero buhay o dangal naman ang kapalit. Hindi ko sinasabing masama at walang dangal ang mga katulad ko at iba diyan na pumasok sa ganitong trabaho, pero kung may choice kayo, mas maganda huwag na itong klaseng hanap buhay na ito. Kahit maliit lang ang kita basta hindi kayo mababastos o masisira, okay lang. Mahirap ang maghangad ng mas higit pa sa kung anung meron ka. Sapat na kita ay okay na. At kung papalarin, dun mo na ibuhos lahat lahat at magsumikap ng todo para umasenso. At kapag umasenso ka na huwag mo kakalimutan ang mga taong tumulong at nagmahal sa iyo ng walang wala ka pa.

Okay, so natuloy din ang aming bakasyon sa Italy. Hindi nakasama si amang at inang dahil medyo may edad na sila at takot na bumyahe. Kaya ako, si Sanya, Sarge, girlfriend nitong si Mary lang ang lalakad. Ang bunso kong kapatid na si Nilo ay teen-ager na at may mga barkada na kasamang mag-ka camping kung saan. So, may social life na ang aking kapatid, daig pa ako, hmp!, sambit ko ng hindian ni Nilo ng yayain ko sa cellphone nang tumawag ako kanina sa kaniya at kasama raw niya ang kaniyang mga barkada at busy sila.

Okey!, sana naman nasa mood itong si Sanya, daang kasi'y lagging busy at para bang walang bukas kapag asa telepono na at kapag tungkol sa business nila ni Sam. Oo nga pala lasama na ako sa bagong tayong law firm nila Sam. Ang pangalan ay San Pedro Law Office. Oo, iyon pala ang apelyido ni Sanya. Nagtataka lang ako bakit hinid niya isinama ang last name ni Sam. Anyway, wa ko care. Mabait kung mabait siya pero ng makita ko na tinu two time niya ang aking beshie, war na kami ng tisoy na 'yon. Plus siya ang nagsabi sa dad ni Sanya na may relasyon daw kami ng bespren ko. Hmp, kung hindi ba naman pang-asar at stupid. Okey, so anu na nga pala ang ihahanda ko sa bakasyon namin nila Sanya? Hmm!, sasamahan daw ako niya mamaya sa mall. At take note, pwede na lumabas dahil nasa alert Level 2 na ang Metro Manila sabi ng gobyerno so pwede na mag-malling at kumain sa labas. Medyo may kausap pa si Sanya sa phone at galit na ibinagsak ito. O, anu naman friend, problema uli sa office? Gusto mo puntahan ko at ayusin na lang iyon kesa iba pa ang pinagagawa mo.

Bakit ba anidto ako lagi, need ko rin pumasok sa office, plus sayang ang pinapasweldo mo sa akin, anu ko P.A. mo and friend for hire o for life, kaya ako may sahod, hehe!, tanung ko na nagtataka bakita parang hindi nga ako madalas pumasok sa office. Dito ako pinagagawa ni Sanya ng paper works. Then, kapag may hearing na ang clients ko tsaka lang ako papasok sa office and aatend ng courthouse dates. My gad!, anu ko sikat na lawyer na at her beckon call lang aapear o ang peg!, sabi ko sa aking sarili at sabay tingin kay Sanya na nakakunot na ang noo sa akin dahil sa aking walang puknat na titig sa kaniynag mga mata.

Why are you staring at me like that, may dumi ba ang mukha ko?, tanung ni Sanya sa akin habang lumalakad papunta sa ref at kumuha ng juice at isang piraso ng strawberry at isinubo ito na parang gutum na gutom, kaya kinuha na niya ang isang plastic box nito at inilapag sa tall kitchen side table kung saan ang mini bar ay nakapwesto. Wala naman, nagtataka lang ako bakit palagi akon nandito sa condo mo at wala sa office, Sanya, baka magtanung na ang mga kaooficemate ko at baka sabihin na ma favoritism ka at may special treatment sa kaibigan mo at ako iyon remember.

So what, you are indeed my best friend at wala na silang pakialam doon. Basta piapasahod ko sila ng maayos at marami akong perks sa kanila pagdating sa trabaho at clients nila, I assure you wala kang maririnig na reklamo. Besides, you're my personal assistant and pinaka matalinog lawyer and researcher ko so I won't give you up compared sa mga experienced nan a lawyers sa office. I told dad that you're a U.P. grad kaya impressed siya and nang sunud sunod mong napapanalo ang mga cases natin sa opisina, so, sino ang kailangang magrekalamo. I think ikaw na laging nagtatrabaho at need ang relaxation din paminsan, pahabol ni Sanya at naupo sa tabi ko sa sala.