Chereads / I'm in love with a Pop Star / Chapter 35 - Trudy

Chapter 35 - Trudy

Ngayon ko lang siya nakita dito sa Dangwa at ngayon lang ako nakakita ng maganda na wala nang gaganda pa kahit mga artista ay walang panama sa itsura niya. Ah, bago k aba ditto, pasensiya na ha, kasi ngayon kang kita nakita dito sa lugar namin, sabi ko ksi gusto ko siya makilala. Pumasok siya sa shop, at nakita ko ang kaniyang suot, hapit na pantaas o lady long sleeves na pink ang kulay at tight skirt na hanggang tuhod. Mahaba ang kaniyang buhok at maputi siya parang labanos. Makinis ang kaniyang balat at sexy siya kung titingnan.

Teka, okay, di naman ako tibo pero, kung ako ay ganun, liligawan ko siya hehe!. Nahiya tuloy ako sa suot kong maluwag na dress parang daster. Kasi ang bahay naming ay sa likod lang ng shop, so, bibihira akong magayos or magsuot ng magandang damit. Pero siya ay tumawa at umupo sa mesa. Maliit lang kasi ang mga upuan at mesa na tigalawa. Ay, mesa yan bala malaglag ka, ah, dito ka umupo, ang sabi ko at tinuro ang maiit na upuan, na para siyang batang paslit nang naupuan. Kasi ang height ata niya ay 5'8". Ako naman ay 5'4", so para kaming mag-ina kung titingnan. Ako pala si Sanya, 21 years old at nakatira sa New Divisoria Condominium sa may Ermita. Napadaan lang ksi ako sa mall dahil binisita ko ang father ko ditto. Ikaw, ano ang pangalan mo?

Ako si Trudy, pero ang complete name ko ay Trudence Sangalang, 18 at single pa rin hanggang ngayon, ay bakit ko ba nasabi iyon, hay, nakakahiya ka Trudy. Hihi!, ah, okay, well, ako naman, may boyfriend na three years at ako ay isang lawyer. Ang father ko ang may ari ng mall sa gilid niyo, dagdag ni Sanya sa akin at ngumiti ng kay ganda.

Ah, patay, kayo pala ang may-ari ng mall na iyan, wow, ang yaman mo pala!, sabi ko na hindi makapaniwala sa narinig. Baka gusto mo ng maiinum, juice or softdrinks, may coke mismo kami dito.

Ah, salamat na lang, pero need ko na rin umuwi, so, nice to meet you Trudy at salamat sa hospitality. Alam mo ang gaan ng loob ko sa iyo, minsan, pasyal ka naman sa condo ko ha!, Eto ang address ko at tawag ka muna bago ka pumunta. Nga pla, ito ba ang trabaho mo, nagbabantay ng flower shop?

Hindi, sa tatay ko ito, isa rin akong abogado, actually kakagraduate ko lang at naghihintay ng result sa bar exams.

Kinakabahan nga ako eh!, sabi ko habang naktungo ang ulo, di ako mkatingin ng diretso sa kaniya, ang ganda kasi niya, nakakahiya.

Alam mo, makakapasa ka rin at huwag ka mag-alala, okay!, So see you ha!, may kompiyansang sagot ni Sanya habang hinawakan ang aking baba at itinaas ito papalapit sa kaniyang mukha. Alam mo kung iniisip mo'ng maganda ako, since nakikita ko kung paano mo ko'ng tingnan, mas maganda ka kesa sa akin lalo na kung maayusan ka, dagdag niya pa at hinipo ang dulo ng aking ilong. Ang cute ng ilong mo!, Bye, okay. Andyan na ang sundo ko, sabi ni Sanya na nakangiti at sabay takbo papalabas sa shop. Wow, jaguar, ang mahal ng tsekot niya!, My gad!, ibang level na ang babaeng ito, ang giit ko na di makapaniwala sa bago kong kaibigan na sing yaman ata nila Ayala o Villar. At dito nagsimula ang mabuti naming pagkakaibigan ni Sanya.

Hindi naman ako katangkaran and balingkinitan lang ang aking pangangatawan. Di naman ako kaputian pero kung ikukumpara kay Sanya, lamang lang siya ng mga apat na ligo, hehe!. Pero mas mahaba ang buhok niya sa akin at ang akin ay nangungolt sa may parten ng aking bangs at dulo ng buhok. Madalas akong nakasalamin, dahil nga sa kahiligan kong magbasa lumabo ito, kaya may grado na ang aking salamin, bata pa lang ako. Niregaluhan ako ng aking pinsan na nagtatrabaho sa Japan ng contact lences pero natakot ako na suutin. Sa isip ko kasi baka ako mabulag kapag namali ng lagay eh minsan pa naman napaka-careless ko kumilos. Ang pruweba nito ay ang napakarami kong pasa sa tuhod at binti.

Pero sa ngayon iniiwasan ko nang makabangga ng lamesa o ng handle ng sofa, kasi kailangan kong mag pustura o

mag suot ng bestidi o skirt sa trabaho. Ngayon na may law firm na tumanggap sa akin, kailangan akong magpakitang gilas. Sabin i Sanya ninang raw niya ang may-ari ng aking papasukan at ibinida niya na magaling daw ako at mapapagkatiwalaan. Talaga naman oo, isang lingo pa lang kami nagkakilala magkakilala na agad kami. Ganyan ata talaga ang mga mayayaman, madaling magtiwala at maboka. Biro mo, natanggap agad ako kahit di pa ako nakikita ng pobre. Anyway, pagkakataon ko na ito na magkatrabaho at para matulunga sina amang at inang. Maayos na naman ang lagay ni amang at bumalik na uli sa pagbabantay sa shop. Sa isang buwan kong pagbabantay doon marami din akong nakilala at natutunan.

Masungit man o mabait ang customer, matututo kang makibagay at makibiruan. Minsan hindi lang natin napapansin na may mga taong kailangan lamang ng ngiti at konting pasensya kasi di naman natin alam kung anu ang pinagdadaanan nila, di ba. Minsan mas mabigat pa ang problema na dala nila kaya sila nakasimangot o masungit sa araw na iyon.

Simula nang nagkakilala kami ni Sanya sa flower shop, naging close na kami. Lagi niya akong tinatawagan at kinakamusta. May boyfriend siya at ang guwapo parang si Alden Richards ang mukha noong bata pa ito. Mukha naman mabait kasi pati ako kasama sa chocolates or flowers kapag may pasalubong kay Sanya. At kapag ayaw ni Sanya ang mga regalo galing kay Sam, (yup, Sam ang pangalan ng guwapong bf ni bestfriend ko) sa akin niya lahat binibigay. Lagi niya sinasabi na marami siya noon o nakakain na siya noon. Gusto niya raw na makain at maranasan ko ang lahat lahat para maging masaya ako at aking pamily. Hindi ko alam bakit niya ginagawa sa akin ang mga ito pero lubos akong nagpapasalamat kasi naging magkaibigan kami. Pero hindi ko siya mainitindihan. Si Sanya parang tanga lang na madalas pa ay bumubuntot sa akin kahit saan ako magpunta at parang guwardya lang kung magbantay.

Ano kaya ang nakain niya at gusting gusto akong kasama. Siguro kasi wala siyang kapatid na babae, siguro yon nga ang dahilan. Hmmm!