Chereads / The Grey-eyed Mafia Boss / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

Wearing only her bra and pajama pants, eating a mouthful of ice cream while watching a horror movie, sabog ang buhok at umiiyak. Ganiyan ang itsura ng self-proclaimed independent woman na si Samantha.

Kung siguro may makakakita sa hitsura niya ngayon ay mahihiya siya ng todo. Pero  wala naman, kung pupwede nga siyang maghubad ay ginawa na niya. Kaya nga lamang ay baka sipunin siya.

Hindi niya ba alam kung anong katangahan ang pumasok sa isip niya at idinaan niya sa panonood ng horror movie ang pagiging broken niya.

Oo, broken siya.

Ang isang self-proclaimed independent woman na tulad niya ay broken. Ipinangalandakan niya pa man din sa mga kaibigan na kahit kailan ay hindi siya iiyak ng dahil sa lalaki. Pero anong nangyari, kinain lang din niya, nabulunan pa.

Iniisip niya pa rin kung paano nagawa sa kaniya ng fiance niya iyon. Nakabuntis 'to ng iba at ang mas malala pa ay ang pinsan niyang babae. Hindi ba ang saya lang.

Napatigil siya sa paghagulgol ng may marinig siyang kalabog na nanggagaling sa labas.

Agad siyang napatayo.

Habang hawak ang kutsara niya ay naglakad siya palapit sa bintana na malapit sa puwesto niya.

Nang sumilip siya ay napasinghap siya pero agad niya ring tinakpan ang bibig niya.

May nakita siyang anino at palapit ito sa pintuan ng bahay niya.

Agad siyang tumakbo palapit sa pinto at sumilip sa peephole.

Napahinga siya ng maluwag ng mukhang guni-guni niya lamang iyon o baka naman ang pusa na naman ng kapit-bahay niya.

Pero para makasigurado ay binuksan niya ang pinto niya ng dahan-dahan, ganoon na lang gulat niya ng may makita siyang lalaki sa labas ng pintuan niya.

Parang nanlambot ang tuhod niya ng makitang nababalot ito ng dugo.

"O-oh my God!!" Bulong niya ng nanginginig pa ang labi niya.

Dali-dali siyang lumapit dito at lumuhod sa tabi nito. Agad niyang hinawakan ang braso nito at kinapa ang pulso nito.

Napahinga naman siya ng maluwag,buhay pa ito. Hindi niya alam ang gagawin niya kung sakaling patay na ang lalaki.

Hindi pa siya handang makulong at masyado siyang maganda para makulong.

Hinila niya ito papasok.

Napabuga na lang siya ng hangin.

"Whooo! Bakit ang bigat naman nito."

Almost ten minutes passed and now she successfully pulled the man inside her room.

Pumunta siya ng kusina niya para kumuha ng basin at towel. Nilagyan niya ng maligamgam na tubig at umakyat na siya sa itaas.

Hinubad niya ang suot nitong jacket at pants nito. Wala namang malisya sa kaniya dahil photographer siya at natural  na sa kaniya ang makakita ng katawan ng lalaki.

Nang mahubad na niya ang pangitaas nito. Kinuha niya ang towel na nasa palanggana at dahan dahan itong idinampi sa braso at dibdib nito. Pinunasan na rin niya ang mukha nito. Nagdadahan dahan siya dahil may nakita siyang sugat sa braso nito. Kumuha siya Ng bandage na nasa first aid kit niya at nilinisan ang sugat nito.

She's sure na dito nanggaling ang dugong na nsa damit nito.

Medyo pinagpawisan siya dahil malim ang sugat nito.

Mayroon din itong maliit na sugat na binalutan din niya Ng benda.

Buti na lamang ay marunong siya pagdating sa first aid kung hindi, naku! Tiyak na mas lalong lumala pa ang kalagayan nito.

Nang matapos niya itong linisan at gamutin ang mga sugat nito, ay kumuha siya ng spare shirt and pants ng kapatid niya na nakastock sa kabinet niya.

Pero napatigil siya ng mapadako ang tingin niya sa suot na boxer ng lalaki. Nagdadalawang isip siya kung tatanggalin niya ito o hindi na.

Napatitig siya roon, pero unti-unting namula ang mukha niya ng makita ang bagay na nakaukbol sa pagitan ng hita niya.

Sinapo niya ang magkabilang pisngi at tumalikod sa direksiyon ng lalaki.

"Gosh! Samantha hindi ngayon ang oras ng kamanyakan!" Saway niya sa sarili at tinapik-tapik ang magkabilang pisngi.

Nang mahimasmasan ay napagdesisiyunan niya na huwag nalang hubadin ang suot nitong boxer.

After she manage to dressed him with shirt and pajama pants, she silently stare at his face. At inaamin niyang guwapong tunay ang lalaki.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising at bigla siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama.

Tinignan niya ang katabi niya at nakita nuyang naroroon pa Rin ang lalaki. Napatingin siya sa hitsura niya at napangiwi siya Ng mapansin niya ang suot. Bra and pajama pants. Hindi man lang niya naalalang magbihis kagabi. Pero hindi 'yon ang inaalala niya, dahil ang natatandaan niya ay sa sofa siya natulog.

'Siguro nag-sleep walk ako.'

Para namang kinilabutan siya sa naisip.

Napalingon siya sa katabi, hindi niya maiwasang mapatitig dito. Matangos ang ilong, mapula ang mga labi, cute ang mga pilik-mata at ang kilay ay medyo kumapal. Mas nadedepina ang hitsura nito dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha nito.

Napatigil ang mata niya sa panga nito, mayroon doong maliit na peklat at hindi niya ba alam pero nakadagdag ito sa kakisigan ng lalaki.

Wala sa sariling inilapat niya ang daliri sa bahaging iyon. She trace her fingertips on his define jaw through his chin, on his reddish and kissable lips na parang kagabi lamang ay maputla, patungo sa tungki ng ilong nito, pero bigla siyang napatigil. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa abuhin nitong mata, at parang napapasong inalis ang mga daliri niya. Pero ang mas lalong nagpabigla sa kaniya ay ang paghawak nito sa kamay niya.

Nabigla siya ng hilahin nito ang kamay niya, napapatong siya sa ibabaw nito. Bigla nitong binago ang puwesto nila at ngayon ay ito naman ang nasa ibabaw niya. Bigla itong nagsalita.

"Who are you?"