Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

While it's Raining

Firedragon0315
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.9k
Views
Synopsis
Sa isang madilim na eskinita. Sa kalsada unang nakita at nakilala ni Happy si Rudolph. Ang mysteryoso na lalaki na unang tumulak sa kanya sa kaangasan ng pag-uugali. Isang pagkakataon muli tulad ng nauna nilang pagkikita ang mangyayari habang madilim at malalim ang gabi. Until nag-sunod-sunod napadalas ang pagkikita ng dalawa. Minahal ni Happy si Rudolph ng hindi niya alam ang tunay na pagkakakilanlan nito. Hanggang saan dadalhin ng pagmamahal ni Happy para kay Rudolph kung malaman niya ang katotohanan sa tunay na pagkatao ng lalaking laman na ngayon ng puso niya. Matatanggap niya kaya oras malaman niya na ginamit lang pala siya at hindi siya tunay na minahal nito. Ano kaya ang gagawin ni Happy? kalimutan o magpapatuloy lang siya sa kung ano ang sinasabi ng puso niya?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

Sa isang eskinita naglalakad ang isang babae. Dahan-dahan lang ang paglalakad nito habang hawak ang cellphone niya ng kanan niyang kamay. Nagtetext siya.

Someone text her. Kaya't napahinto siya agad sa kanyang paglalakad. Subalit ilang sandali— Hindi na niya mabilang pa kung ilang beses siya napa hugot ng malalalim niyang hininga. Kinakabahan kasi siya. Ang kaba na nararamdaman niya ay nagmula ng makaramdam siya na may kakaiba sa paligid.

Hindi ito agad nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Tahimik lang siya na nakikiramdam. Lumilibot ang kanyang mata sa paligid. Hindi ito mapakali. Hinahanap niya ang bagay na pakiramdam niya nakatingin at kangina pa nakatitig sa kanya. Hindi nagbuka ng bibig o tinangka na magsalita ng babae.

Pakiramdam niya may tao talaga sa paligid.

Inay ko. May tao ba? bigkas niya. Natatakot na rin siya ng tila may humawak bigla na malamig na bagay sa kanyang balikat. Napapitlag siya sa gulat— takot at napagalaw. Inay ku po. Sigaw niya.

Nais niya mag-tatakbo. Ngunit may napansin ang kanyang mata. Isang tao ang nakita ng mga mata niya ang nakahiga ngayon sa sementadong kalsada. Nilapitan niya ito. Nasa kabilang side ito ng kalsada kung saan ay nakatayo parin siya ng nagulat ng bigla nalang kumulog at kumidlat.

Walang malay ang tao na naabutan niya na nakahiga sa sementadong sahig ng maluwang na kalsada.

"Kuya, gising." Subalit ilang beses niya ito ginigising— hindi talaga ito magising. Paano na gagawin ko? Naitanong niya sa sarili ng biglang Ko kni siya sa gulat ng kumidlat ulit ng malakas kasama ang malakas na kulog.

Yumuko ang babae. Umupo siya ng nakaluhod sa gilid ng nakatihaya ngunit walang malay na gwapong lalaki. "Kuya, gumising ka.

Bu-buhos na yung ulan."

Bahala ka na 'nga. Naiinis na rin ang babae kaya't naisip niya na iwan na lang ito na nakahiga sa kalsada habang natutulog.

Ilang beses pa tinangka na gisingin ng babae ang lalaki. Subalit ayaw talaga magmulat ng mga mata nito.

A-angat na sana ang babae upang tumayo ng bigla na lang nagmulat ang mga mata ang lalaki. "Sino ka?" malakas pa ang boses pa nito ng magtanong. Tila ay na galit ng makita ang babae sa harapan nito.

"Napadaan ako 'nakita kita natutulog dito. Ano ba ang nangyari?" tanong ng babae. "Tumayo ka na muna at mukhang bu-buhos na ang malakas na ulan. Halika, humawak ka sa kamay ko tutulungan kita tumayo." alok ng babae inilahad niya ang kamay niya upang ibigay sa lalaki. Ngunit mas tila nagalit ito at hindi nagustuhan ng mailahad niya ang kamay niya upang tulungan ito tumayo.

"Tumabi ka" magaspang na pagkakasabi ng lalaki ng itulak nito ang babae dahilan para mapaupo at bumagsak ang babae sa sementadong kalsada.

"Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino." pahayag ng lalaki. Sina-maan nito ng tingin ang babae ng lingunin niya ito bago umalis.

Ang yabang naman ng lalaki na 'yon. Bulong ng babae habang kanyang sinusundan ng tingin ang naglalakad palayo na lalaki.

Dahan-dahan na umangat ang babae upang tumayo. Ngunit pabagsak muli siyang napaupo ng malakas na bumuhos ang ulan na may kasamang malakas din na kulog at kidlat. Nagulat na naman siya. Napamura. Bakit mo ba ako kanina pa tinatakot? tanong niya ng umangat ang mukha n'ya upang tumingala at bumigkas. Nakakainis ka, hindi na nakakatuwa. Kinikilabutan ako sayo. pahayag na wika ng babae.

Tumayo na rin ang babae. Basang-basa siya ng ulan. Pinagpag niya ang kanyang suot na damit maging ang kanyang suot na palda.

"Hala!" sigaw ng kaibigan niya. "Anong nangyari sayo, Ate?"

"May nakita akong baliw na lalaking natutulog sa kalsada. Sukat ba naman itulak ako at mapaupo sa kalsada saka naman bumuhos ang malakas na ulan." paliwanag niya, kinukuha niya ang isang towel na nakasampay sa may labas lang ng bahay na inuupahan niya.

"Baka sipunin ka!" sabi ng kaibigan niya. Kumuha ito ng mainit na maiinom upang ibigay sa kanya. "Oh! heto inumin mo muna." ibinigay sa kanya ang isang baso may laman na maligamgam na tubig. "Gusto mo ng kape?" tanong nito. Umiling ang babae.

"Baliw talaga yung lalaki kangina. Hindi ko siya palalagpasin sa susunod na magkita kami. Bwisit siya. Nabasa ako ng ulan ng dahil sa kanya." pahayag ng babae habang hinihigop ang tubig na maligamgam. "Pag nakita ko talaga siya. Itutulak ko rin siya gaya ng ginawa niya." nanggagalaiti siya. Sabi niya habang napaangat ang kilay ng kanyang kaibigan ng dahil sa mga sinabi niya.

"Naku te, bakit tulak lang? Bakit hindi mo halikan sa labi ng magising ang baliw na yon para malaman agad niya sa maling tao siya nagkamali ng maitulak ka niya."

"Ayaw ko, hindi pa ako nababaliw para gawin iyon sa gaya niya." sagot ng babae. "Lalong hindi ko ibibigay ang first kiss ko sa tulad niyang baliw. Baka mamaya hindi lang baliw ang isang iyon. Baka nga murder suspect ang isang yon?" kinilabutan siya sa kanyang naisip. Paano nga kaya kung masamang tao pala ito? Buti nalang pala at tulak lang ang ginawa nito sa kanya at hindi siya sinaktan. Bigla tuloy siya nakaramdam ng takot at kaba ng napaisip siya.

"Aba, pwede mangyari. Marami na dito sa lugar natin ang napapabalita na papatay ng pagala-gala na murder. Hindi malayo na magkatotoo ang nasabi mo about that guy." pagbabalita ng kaibigan ng babae.

Napalunok ang babae habang iniisip niya— paano nga kaya kung murder ang isang iyon? Ang lalaki na nakita niya at tumulak sa kanya.

"Grabe kung ako ang ginawa 'an ng ganun at tinulak. Baka natadyakan ko pa siya ng siya ang bumalibag at hindi ako. Hindi ako papayag na malalamangan niya ako sa bagay na ako lang ang masasaktan habang siya hindi." sabi pa ulit ng kaibigan ng babae.

Napaisip ulit ang babae. Tama nga naman ito. Dapat hindi siya pumayag ng itinulak siya ng lalaki at saka siya iniwan nito at umalis nalang ng hindi man lang magpasalamat o mag sorry man lang sa ginawa nito sa kanya. Bigla nalang ito umalis at iniwan siya after nito itinulak siya at makita ang pagbagsak niya sa sementadong kalsada habang bumuhos na ang malakas na ulan. Napaka walang modo talaga ng lalaking yon. Walang awa na iniwan talaga ako matapos ko siya pakitaan ng maganda at tulungan siya na gisingin para balaan sa papa-bagsak na ulan. Kaya nga lang ang baliw na yon. Bigla pa ito nagalit sa ginawa kong yon at kabutihan sa kanya. pabulong ng babae sa sarili niya habang ang kaibigan niya naman nakapamewang na nakatayo sa harap niya ng maupo siya sa silya sa labas ng bahay nila.