Chereads / Luha ng Isang Mahirap / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

Luha ng Isang Mahirap

Chapter 2

"Mabuti naman at dumating ka. Kangina pa ako naghihintay sayo at naisip ko na baka aatras ka na sa usapan nating dalawa." pahayag ng Ale na kinuha agad ang dala niyang bag i-sinakay sa van na naghihintay sa may hangganan. Napa-buntong hininga ang dalaga. Kinabahan talaga siya pero alam niyang mahihirapan na siyang umatras at tumanggi na ngayon ay sakay na sila ng van at nasa kalagitnaan na rin ng kanilang biyahe.

"Malayo pa ba po ta'yo?" tanong niya sa Ale na nakikipag-usap sa mga kasamang lalaki. Mas kinakabahan pa siya sa mga sumunod na pangyayari. Nang may tumawag ito at pabulong kung makipag-usap.

Sinusubukan niya na makinig subalit masyado mahina ang bulong na pagsasalita ng Ale. Tinatakpan pa nito bahagya ang bibig habang nakadikit don ang cellphone sa kanyang bibig. Mahinang-mahina ang bulong talaga habang nagsasalita. Pakiramdam tuloy ng dalagang babae na totoo ang sinabi ng tiyahin niya sa kanya. Subalit hindi kasi siya naniwala na maaari nga na ganon ang pakay ng Ale sa kanya.

Wag naman sana nagkamali ako. Nai-bulong niya sa isip habang hindi inaalis ang tingin niya sa Ale. Ngumiti ito ng lingunin siya at may kausap pa. Mas lumakas pa ang kutob niya sa mga tinginan nito. Kinabahan na talaga siya at nais niya na bumaba upang tumakas o tumakbo. Ayaw niya na.

"Ale, bababa nalang po ako sa kanto." sabi niya, sinabi rin niya sa driver. "Kuya, sa kanto nalang po paki hinto niyo."

"Bakit? Anong nangyayari? Bakit gusto mong bumaba?" takang tanong ng Ale. Ibinaba na nito ang cellphone at pinutol ang pakikipag-usap sa kung sino man ang kausap nito.

"Yung tiyahin ko po. Baka hindi pa nakainom ng kanyang gamot." paliwanag niya at pagdadahilan na lang niya payagan lang siya makababa nito sa van. "Sige na po, nag-aalala ako sa tiyahin ko. Umiiyak kasi siya kangina ng umalis ako." nakiusap muli siya. Ngunit nabigla siya ng mapansin niya sa harapan ng sasakyan ang isang bumukas na gate at doon ay pumasok ang van na sinasakyan nila. Napatingin siya at napabaling ng tingin sa Ale at sa harapan ng van kung saan ay ilan saglit lang huminto na ang van na sinasakyan nila.

"Nandito na tayo." wika ng Ale nakangiti. "Halika na! Bumaba ka na at tiyak na magugustuhan mo dito tumira." sumalubong ang kilay niya sa sinabi na yon ng Ale.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong niya pa rin sa nakangiti na nakatingin sa kanya saka ito bumaling ng may isang babae ang sumalubong sa kanila. Ipinagbukas ito ng pinto ng Ale.

"Kamusta?"

"Ayos lang, siya ba?" nagbubulungan ang dalawang babae sa kanyang harapan. Napaatras siya. Napahawak ang dalawa niyang kamay sa gilid ng upuan. Mahigpit ang pagkakahawak niya at napanggigilan niya iyon. Halos mawarak niya ang cover ng upuan ng sasakyan.

Tumingin sa kanya ang isa pang babae na kausap ng Ale. "Mas bata at mukhang mas maganda ito sa nauna." pahayag na sabi nito ng makita siya. Kabog-kabog ang dibdib niya. Hindi na niya nagustuhan ang kanyang naririnig sa mga pag-uusap ng dalawang babae.

Tumikhim siya.

Tumingin naman ng biglang napahinto sa pag-uusap ang dalawang babae. "Uuwi na po ako" pahayag niya ng sabay na nagkatinginan ang dalawa sa kanya. "Pasensya na po. Kailangan ko na talaga po ang umuwi. Naghihintay na po ang tiyahin ko sa akin." pahayag niya, pagsisinungaling pa rin at baka makuha niya sa pakiusap ang dalawa.

"Naku, anong oras na, hindi ka na makakauwi. Ipagpabukas mo nalang." ang isa sa bagong dating ang nagsabi. Tatlong babae na sila na ngayon na nag-sibatian sa isa't-isa habang mga masasaya ito na parang mga excited sa naging pagdating nila ng Ale.

"Tamang-tama, makikilala na agad siya ni Senior. Matutuwa talaga iyon. Batang-bata at maganda ang nadala mo. Saan mo naman siya nakuha? Yung huli na dinala mo rito. Naku, galit na galit si Senior. Pinalayas. Pero iyang isang dala mo. Mukhang magugustuhan niya at tiyak na hindi mapapalayas." excited nito na pahayag narinig niya. Nagdasal agad siya sa pagkakamali niyang nagawa sa pagsama at pagtanggap sa trabaho na alok ng Ale ng hindi niya pinag-iisipan.

Hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. Lalo ng marinig niya ang pagbanggit ng mga ito sa pangalan na senior. Sino kaya ang taong nabanggit nila? Ito ba ang may-ari ng pagka-laki-laking bahay? Naitanong niya sa sarili habang bumulong. Kabado talaga siya ng sabihin ng mga ito na bumaba na siya sa sasakyan. "Baka pwede pong umuwi nalang ako?"

"Hindi na 'nga pwede. Gabi na sa daan pag once na bumalik ka pa. Madami rito ang nagkalat na mga manloloko." saad na pahayag ng Ale at dalawang babae na kasama nito.

Kayo nga ang manloloko. Napabuntong hininga siya habang mas gumitgit siya sa dulo ng van upang umiwas sa tatlong babae. "Sige na po, nakikiusap ako. Baka pwede na umuwi nalang ako. Ayos lang 'ho na gabihin ako o umagahin sa daan makauwi lang po ako. Nag-aalala lang po ako sa tiyahin ko. Sige na, pakiusap po." nagmamakaawa siya at sinubukan pa rin ang makiusap kahit alam niya na malabo na siyang payagan.

"Sinabi na bukas nalang, wag matigas ang ulo kung ayaw mong mapahamak sa daan." sambit na pahayag ng isa. Seryoso ito na sinabi. Hindi naman ito galit pero tingin niya ay nakukulitan din ito sa paulit-ulit niya dito na pakiusap.

Huminga siya ng kanyang hininga ng mahigpit. Nag-iisip siya. Tatlo na ang babae ngayon na kasama niya. Nag-uusap-usap pa rin ang mga ito at narinig niya pa rin ang pagbanggit ng mga ito sa tinatawag nilang Senior.

Sino kaya talaga ang Senior na nababanggit nila? Nakakatakot kaya siya? O, baka naman na nakakatakot talaga? Kasi naman sa narinig ko pinalayas ang babaeng unang dinala dito. So, anong ugali kaya ang meron ang Senior na 'yon?

"Oo, mukhang magugustuhan nga ni Senior. Maganda ang batang nakuha mo at tiyak na hindi niya ito mapapalayas. Sana nga ay magustuhan niya ng hindi na sumasakit ang ulo natin sa paghahanap ng babae niya. Napakahirap niya hanapan ng babaeng magugustuhan niya. Bakit ba kasi ang arte niya? Sumasakit ang ulo ko, kay Senior lalo pag-mainit na ang ulo." narinig niya ulit na sabi ng isa sa tatlong babae na nasa labas ng van.

Mas gumilid siya sa gilid ng pinto ng van. Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa cover ng upuan. Talagang malapit na niya mawasak ang cover sa takot at kaba niya sa pag-iisip niya paano siya makakatakas at maiwan ang tatlong babae sa labas.

Lumingon ang mga mata niya. Gumagala ito sa buong paligid subalit nakita niya ang pinaglalagyan ng van. Ang buong bakuran napapaligiran ng sobrang nakapataas na pader.

Paano pa siya tatakas kung ang buong paligid ay napapaligiran ng mataas na pader. Kasing tataas ng dalawang palapag ng gusali ang taas?

Anong gagawin ko? nai-tanong niya sa sarili habang na bulong-bulong siya at ipina-pasyal ang mga mata sa buong paligid habang busy pa sa pag-uusap ang tatlong babae sa labas.

Paano na ang gagawin niya kung sakali na wala siyang makita na malulusutan o paraan para malisan ang napakalaking bahay?