Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Miss White

Firedragon0315
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.3k
Views
Synopsis
Miss White is just a poor employee at a big company where she works. She met Mr. Del Falco, a wealthy businessman. Her boss, Mr. Del Falco was a man who was rude but was able to fall in love with Miss White because of her qualities that were different from others. The rude boss became a sweet and caring boss. Miss White enjoyed what Mr. Del Falco showed her.    But one day, Mr. Del Falco suddenly could not remember her because of an incident where they were supposed to get married that day. But Mr. Del Falco did not come.   What will Miss White do if Mr. Del Falco drives her away? It was against the will of her heart. Will she follow the wishes of Mr. Del Falco or will she stay by his side?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

Miss White

Chapter 1

Third POV's

"Hay, naku! Napaka aga binu-buraot mo na agad ako." angal na pahayag ng driver ng tricycle. Buntong hininga ito habang nagpatuloy. "Ikaw pa naman ang unang pasahero ko. Ang malas ko naman." malalim na napa-buntong hininga at malungkot na wika.

"Manong naman!" malambing na wika ng babae. "Nakikiusap lang naman. Kulang talaga itong dala kong pera. Hindi ko naman alam na nagtaas na pala ngayon ng pamasahe sa tricycle." biro niya. Nginitian niya ang driver.

"Oh siya! Napakarami mo talagang palusot. Sige, singkwenta nalang." lumiwanag agad ang mukha ng babae.

"Talaga po?" ayaw pa agad maniwala.

"Oo na, lugi na ako sa singkwenta! Pero ayos lang. Basta sa susunod dagdagan mo bayad mo ahh!" biro pabalik ng driver ng tricycle.

"Oo naman po. Tatandaan ko po kayo. Kaya wag kayo mag-alala. Sa inyo ako madalas na sasakay." sabi niya ng masigla na bumaba mula sa loob ng tricycle.

"Mukhang maganda ang trabaho mo. Pero bakit ang kuripot mo pagdating sa pamasahe sa tricycle?" natawa siya.

"Manong naman. Sinabi ko na nga po. Kinulang lang itong dala kong pera. Kasi nga po ay hindi ko alam na nagtaas na pala ng pasahe. Sakto inutang ko lang din po itong pamasahe na ibabayad ko sa inyo. Kaya pasensya na po." pahayag niya ulit na nakangiwi ang mukha nahihiya. Naririnig kasi sila ng mga dumadaan. Napahinto pa ang ilan at nakatingin sa kanila ng driver habang sila mga nag-uusap at nagta-tawaran sa pamasahe dahil kulang ang hawak niyang pera .

"Hindi ba malaki ang sahod diyan?" tanong ng driver. Tumawa ulit siya.

"May balak po ba kayo mag-apply?" biro niyang tinanong si Manong. Natawa din ito.

"Sa edad ko... Palagay mo ba ay tatanggapin pa ako dyan sa pinakamataas na building na 'yan?"

"Palagay ko po ay hindi." natatawa niyang sagot.

"Babatukan kitang bata ka!" sagot ng driver. Mukhang napikon sa sinabi niya.

"Joke lang po. Pero anong malay niyo?" ngumiti siya.

"Siguro kung ka-edad mo ako. Baka sakali matanggap ako if mag-apply ako dyan sa pinakamataas na building na papasukan mo." wikang malungkot ni Manong.

"Bakit naman po? Bata pa naman po kayo."

"Niloloko mo talaga akong bata ka! Sige na. Pumasok ka na at baka malate ka pa sa trabaho mo." itinaboy na siya nito.

"Manong, sa sahod ko pangako. Babayaran ko ang kulang ko sa inyo. At pag na regular ako. May bonus pa kayo." kinindatan niya si Manong Driver bago magmadali na tumakbo papasok sa entrance ng pinakamataas na building.

Napailing nalang si Manong saka niya pinaandar muli ang kanyang tricycle.

Habang ang babaeng pasahero niya nag-tatakbo na papasok sa building na halos madapa na siya. Ang haba kasi ng suot niyang palda. Hindi sa kanya. Hiniram niya lang iyon. Sa iksi ng mga binti niya at sa haba ng binti ng may-ari ng palda. Para na siya tuloy nakasuot ng saya ng mga matatanda.

Ay, ang malas. Bakit ba kasi ang haba nito? Habang hinihila niya ang palda. Isang lalaki ang nakabanggaan niya.

"Sorry po!" hinging pasensya niya nahihiya. Nakatingin kasi ito sa hawak niya.

"Tumingin ka rin sa dinadaanan mo." sabi nito sa kanya at umalis. Saglit niya ito sinundan ng mga tingin.

Napabuga siya ng hangin. "Pogi" usal niya na nasabi.

Grabe! Late na ako... nagmamadali na siya. Kung pwede lang mag-teleport. Kangina ko pa ginawa. Jusko. Unang araw ko sa trabaho. Ganito ang mga pinagdaanan ko. Paano pa kaya mamaya? nag-aalala siya.

Una sinisisi niya ang sarili na kulang ang pera na nautang niya.

Pangalawa ang suot niyang palda.

Pangatlo nang makabangga siya ng tao. Sinungitan pa siya.

Napailing ang ulo niya. Lumakad na siya ng diretso. Hawak pa rin ang suot niyang palda.

Malapit na siya sa may receptionist area sa may Front desk may sumalubong naman agad sa kanya na isang payat na babae. Sexy at maganda. Nakangiti rin ito sa kanya. Nagtaka siya.

Kilala ko ba siya? tanong niya sa sarili. Magkasalubong ang kilay. Kinikilala niya if nakita o nakilala na ba niya ito.

"Miss White?" tawag sa pangalan niya.

"Yes, kilala ko po ba kayo?" tanong niya.

"Maybe hindi pa! Kasi now pa lang tayo nagkita. Day-off ko kasi nung magpasa ka dito ng mga credentials mo. So, hindi pa tayo nagkita. Ngayon pa lang." paliwanag ng babae. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha.

Ang ganda niya! manghang wika niya habang nabubulong sa isip napalunok din siya.

"Ganun po ba? Kaya po pala hindi pamilyar yung mukha niyo." natatawa din niya nai-tugon.

"I'm sorry po pala... I'm late." Hinging pasensya niya sa babae.

Hindi sumagot ito. Kundi tiningnan siya nito. Hinagod ang suot niya at natawa.

"Miss White, 'yan naba ang pang malakasan mo?" Naka taas kilay na saad nito.

"Ano po?"

"I mean. Yung suot mo. Iyan na ba talagang meron ka?"

Kahit siya natawa nalang sa tanong ng babae.

"I'm sorry Ma'am, mahirap lang kasi ako wala akong kakayahan bumili ng mga mamahaling mga damit. Hiniram ko lang din po itong suot ko sa kapitbahay ko. Wala pa po kasi akong cash sa ngayon na ipam-bibili ng mga maisu-suot ko para sa unang araw ko. Kahit pamasahe ko 'nga po ay inutang ko rin po." She tells the truth. Hindi na siya nagsinungaling pa at sinabi na niya ang katotohanan sa mga napuna pa nito sa kanya.

Ipinaliwanag niya. Bakit pa siya magsisinungaling kung ito naman ang totoo. Sinagot na niya lahat ng mga katanungan nito at natatawa na lang ito. Nakapa brave niya raw at sobrang totoo masyado. Hindi man lang daw siya talaga naghalo nang kahit kaunti lang na pagsisinungaling o kaya naman ay nilagyan niya ng bahagyang kayabangan.

Wala talaga siyang pera para bumili ng bagong damit. Iyon nga na sinuot niya ay nakiusap pa siya kung maaari na mahiram niya nalang muna. At kung masira man niya ay nangako siyang babayaran o palitan na lang niya sa oras na makasahod na siya. Buti nga. Pumayag ang may-ari. Dahil kung hindi. Baka sakali na hindi pa siya natuloy ngayon sa kanyang unang araw. Mas malaking problema pa ito kesa sa sumuot siya at nang hiram ng damit na hindi sa kanya.

"I really like you, Miss White." nakangiti ito nang sabihin sa kanya ng babae. "I think magkakasundo tayong dalawa. Except lang sa isa. Baka mahirapan ka. Pero I think soon makukuha mo rin siya sa pagiging positive at honest mo pagdating sa pagsagot-sagot." honest din nito na sabi sa kanya. Kinabahan tuloy agad siya sa winika nito at paalala.

Sinabi nito na medyo mahigpit ang kanilang boss. Pero mabait naman raw yon ang dagdag agad ng babaeng kausap niya. Kinakabahan tuloy siya habang umakyat sila at nakasakay sa elevator.

Kakayanin ko ba? Kinakabahan ako sa ugali ng boss na nasabi niya. Bulong niya habang nakatingala.