Chereads / Master Dilan / Chapter 1 - PROLOGUE

Master Dilan

Firedragon0315
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

Young Master Dilan

Prologue

Third POV's

"Nakuha mo?" hindi mapakali ang mata habang inilibot sa buong paligid ang mga mata. Masyado na malalim ang gabi. Isang babae ang nanganganak sa isang maliit na clinic. "Pag nakuha mo. Ibigay mo ito sa kanya." utos ng isang babae. Inilapag sa palad ng babae ang isang sobre na sa tingin ng kausap niya ay naglalaman ng malaking halaga. "Wala dapat makakaalam, naiintindihan mo? Alam na niya ang ibig sabihin niyang sobre na inabot ko sayo." dagdag pang pahayag ng babae sa kausap. Tumango naman 'to.

Sinipat muli ng babae ang madilim na lugar. Mula sa eskinita na may natatanaw na liwanag don. Doon nanganganak ang babaeng pinag-uusapan nila. May isang lalaki, may sumunod pa dito ang biglang lumitaw na kasalukuyang nag-uusap na napadaan. Mabilis na kumubli ang babae. Habang ang nasa kotse nagsarado ng bintana upang hindi siya mapansin o may makakilala sa kanya. Maingat ang dalawa na walang makakita at makaalam sa kanilang sadya sa lugar.

Ilang sandali pa ay may isang sumilip sa eskinita. Dala nito ang isang nakaputing tela na bitbit habang iniabot nito ng mabilis lang sa babaeng kausap, kangina ng babae sa loob na nasa kotse. "Heto tanggapin mo pinabibigay niya sa 'yo. Wala sana makakaalam. Dahil sa oras na may makalabas nito sa kahit na sino. Dalawa tayo manganganib ang buhay. Kasama na roon ang pamilya mo." paalala ng babae ng kunin ang sanggol na hawak ng kausap nito.

"Wag kang mag-alala. Sabihin mo sa kanya na mananatili itong isang napakalaking sekreto. Wala akong ibang pagsasabihan. Mananatili na tikom 'to." animo'y si-nipper pa ang kanyang bibig maipakita lang ang pagtupad sa kanilang usapan.

"Mabuti naman. Sige na, balikan mo na siya at aalis na kami." sumakay na rin sa kotse ang babaeng may hawak sa sanggol. Maingat niyang iniayos ang bata sa kanyang kandungan upang wag ito maabala sa pagtulog. Nakaalis na sila sa lugar at nakalayo.

*****

"Mani, Mani, Popcorn." malakas na sigaw-sigaw ng isang binata tindero. Magiliw at masigla itong nagsasayaw pa sa kanyang pagtitinda sa gitna ng kalsada. "Mga suki, bili na kayo ng Popcorn. Masarap at marami akong flavor. Cheese, Caramel salty, BBQ flavor at AKO." natatawa na lang ang bawat mapadaan at mapadako sa kanyang small cart na di-bisikleta. Kahit ang lalaki natatawa na lang sa gawi niyang yon. Sa mga inilabas ng kanyang bibig. Nais niya lang ay makabenta upang makauwi na sa bahay niya.

Kaya kahit sikat ang araw at tumitirik ito na tumatama sa kanya patuloy pa rin ito sa pagtitinda maubos lang ang kanyang dalang paninda.

Idinaan niya pa sa pagsasayaw. "Ate, Kuya, lapit na po dito at bumili na kayo ng Mani at Popcorn ko." nagtatawanan ang ilang kababaihan na mga estudyante. Mga napatigil ang mga ito sa paglalakad dahil sa narinig ang mga pagsigaw niya ng malakas.

"Manong magkano 'ba Mani mo?"

"Yung Popcorn na flavor ay ako? Magkano? Can I buy one?" biro ng dalagita habang tumawa.

"Seryoso? Mayroon ka 'nga ba flavor ay IKAW? Pwede rin ba ako pabili? Nang matikman ko naman ang bagong flavor na narinig ko sa 'yo." tumawa, wikang sabi ng isang magandang babae. Napangiti ang binata. Inabutan niya ito ng binili nitong popcorn. Kinikilig pa ang ilan sa mga babaeng siyang nakahawak pa sa malambot niyang kamay.

Mula naman sa may kabilang side. Sa kabilang kalsada may isang babae ang napahinto. Na patigil siya at tumingin sa mga pinagkakaguluhan ng mga babae na kanyang nakikita. Ilang mga kababaihan ang mga natatanaw niya na nag-sisikumpol sa kabilang kalsada. Isang binata ang nakikita niya. GWAPO! Mukha lang bata pa. naisip niya.

Sinipat niya yon ng tingin at hindi niya inalis ang mata niya sa binata lalaki ng may ilang minuto. Na curious siya. Kaya ng huminto ang stoplight at magkulay pula. Sumabay siya sa mga tumatawid na tao. Inilakad niya ang mga paa niya habang ang mata niya sa lalaki hindi niya inaalis. 

Sa kabilang kalsada palang ay dinig na niya ang maingay nitong sigaw. Na siyang mabilis nakatawag ng atensyon niya upang puntahan at silipin ang nangyayari sa lugar saan marami ang nagkukumpulan. Na patulala siya ng mapagsino at makilala ang taong nasa kanyang harapan. Napaatras siya habang napatutop ng kamay ang kanyang bibig. Nangilid rin ang kanyang mga luha sa mata.

Hindi siya nakapag salita o walang kahit isang letra ang nais lumabas dahil sa kanyang pagkagulat sa nakikita ng mga mata niya.

Siya ba talaga 'yan? hindi makapaniwala na naisambit habang nanlaki ang mata namilog sa sobrang gulat.

Pero... Hindi maaari na maging siya 'yan. Imposible! Napailing siya kasama ang malalim niyang paghugot ng hininga.

Hindi lang siya nagulat. Namangha siya sa kanyang nakita. Hindi talaga makapaniwala na ang taong nasa kanyang harapan. Kamukhang-kamukha ng taong nasa isipan niya. Gagap ng kamay pa rin niya ang bibig. Tumulo ng tuluyan ang luha niya.

"Manong, pabili ako." 

"Ayy salamat naubos niyo rin itong paninda ko. Maraming salamat sa inyong lahat." dagdag na sabi ng binata na magiliw na nakipag usap pa sa mga customer niya. Ang mga kabataan mga nagpakuha pa ng mga litrato bago siya umalis sa lugar. Pumayag naman siya. Kaya 'nga ang halos lahat— Giliw na giliw sa kanya— ang mga kadalagihahan. Lahat kinikilig na yumakap at idinikit ang mga katawan sa kanya. Lagi kasing nakasmile ang binata habang enjoy niya lang asikasuhin ang bawat makukulit na lalapit sa kanya. He needs money kaya dapat talaga na pagsipagan niya ang trabaho ng sa ganun marami siyang nauuwing pera araw-araw. Target niya ay ubos ang paninda niya sa tuwing naiisip niyang dadayo siya sa lugar na kanya pinupwestuhan. Malapit sa school.

"Bukas ulit!" kinikilig pa ang mga dalagita nang magpaalam na siya. "Bye, Kuya Pogi. Bukas ulit!" nakindat pa ang mga ito habang ang babaeng isa napansin niya na tulala pa rin nakatingin sa kanya habang ito ay nakatayo.

Kunot ang noo ng binata. Kinilala ang babae. Pero hindi ito pamilyar sa kanya. Kaya naman sa huling pagtitig niya dito. Siya rin na pagliko ng sinasakyan niyang cart. Nilagpasan na niya ito.

Sino kaya siya? Bakit ganun makatingin? Tapos mukhang umiyak pa siya. Hindi naman siguro ako kamukha ng boyfriend niya? nai-iling na lang niya ang kanyang ulo habang i-pinadyak na ang paa sa pedal ng kanyang bisikleta.

"Kuya Daryl" malayo pa lang siya ay sumisigaw na agad ang kanyang nakababatang kapatid.

Anak ito sa pangalawang asawa ng kanyang Ina. Muktik pa 'nga madapa. Hindi tumitingin sa mga taong nakasalubong kaya ng mabangga nawalan ng balance at muntik na bumagsak sa kalsada. Buti nalang. Marunong ito tumimbang ng kanyang katawan. Nakahinga ito sa muntikan na pagkabagok.

"Mag dahan-dahan ka naman. Muntik ka na talaga kangina." sermon niya. Pero, nagtataka siya kung bakit ganun ang itsura ng kanyang kapatid. Maliban sa nagmamadali ito na makita siya. Tingin niya ay may problema. Napansin agad niya ng mapansin ang hindi pamilyar nito na pagsalubong sa kanya sa tuwing siya ay papauwi.

"Sorry, Kuya Daryl." bagsak ang paypay nito na tumugon. Malungkot na parang may nangyari.

"May problema ba?" tanong niya. Tila ay tama ang hula niya ng mapansin ang luha ng nakababatang kapatid sa mata.

"Anong problema?" tanong niya ulit sa kapatid.

Napatingin siya sa way na papunta sa bahay nila nagkakagulo. Maraming mga tao. Bigla nalang siya inakyatan ng kanyang kaba sa dibdib. Nag tatakbo na siya. Hindi na hinintay pa ang sagot ng nakababatang kapatid.

Sa pinto pa lang ng magawa niyang hawanin ang kanilang mga kapitbahay. Nakita agad ng mata niya ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Mabilis siyang patakbo na tinungo ang babaeng nakahandusay sa sahig hindi na niya pinansin ang mga nakaharang sa kanyang daan. Hindi nga niya naririnig ang bulungan at mga daldal ng kanilang mga kapitbahay. Kundi ang Ina niyang nakahandusay sa sahig ang agad at mabilis niyang nilapitan.

Tumulo na ang luha niya sa mata.

Nasasaktan siyang makita ang kanyang Ina na walang malay at walang buhay.

Sumigaw siya. Mahigpit na niyakap ang kanyang Ina. Hindi makapaniwalang hindi na siya nahintay nito. Kahit nasa bahay na nga siya pero hindi na rin niya magawang kausapin ito o sagutin ang mga pag kamusta niya sa maghapon nito na pananatili sa bahay nila.

Umiyak siya, walang tigil na bumabagsak ang luha niya until nakapasok na pala ang kapatid niyang mas bata sa kanya at yumakap sa kanya "kuya" tumulo ang luha nito sa mga mata. Napakasakit na iniwan sila ng kanilang Ina ng hindi man lang niya nakausap o nakapag paalam man lang sana siya. "inay" tawag niya subalit hindi na rin siya naririnig.

Paano na ang gagawin nila ngayon? Na wala na ang kanilang Ina.