DARK SERIES 1 - JEOPARDY
Firedragon0315
CHAPTER 1
Hating gabi na. Sobrang tahimik na rin sa buong paligid. Patay ang ilaw. Habang malalim, mahimbing ang tulog ng isang lalaki. Hindi na nga nito namamalayan ang nangyayari sa labas at loob ng bahay niya. Wala naman magnanakaw. Ngunit sa labas ng kanyang bahay. May isang tao ang nakakubli ng hindi niya namamalayan. Nakatanaw ito mula sa may bintana. Sa beranda ng kanyang kwarto. Nagtatago ito mula sa labas. Sa mismong tapat ng kwarto niya. May ilang oras na rin ito nakatayo lang, nagmamatyag sa bahay ng lalaking mahimbing na natutulog. May sumbrero itong suot. Kulay asul. Pan-talukbong sa mukha upang incase may mapadaan. Madali niya matatakpan ang mukha. Ibaba lang niya ang kanyang sumblero upang hindi siya makilala.
Walang nakakakilala sa kanya. Madalas lang siya na magbantay at sumusunod sa mga kinikilos, maging sa mga lugar kung nasaan ang lalaking binabantayan niya. Isang sasakyan ang huminto saglit at napa sulyap sa bahay. Ilang minuto rin ito na nakahinto sa harap ng bahay ng lalaki. Nakatanaw.
Nakita ito ng taong nagtatago. Ngunit ang mukha ay hindi nito nakita. Napataas ang kilay ng taong yon habang nakatitig sa kotseng pula. Pulang kotse ang huminto sa harap ng bahay. Pero hindi magkasama ang taong nakakubli, at ang taong sakay ng sasakyan. Magkaiba sila. Maging ng hangarin ay hindi parehas. Maaari na ang isa sa kanila ay may balak na masama at ang isa naman napadaan lang talaga o baka kakilala ng taong may-ari at nakatira sa bahay.
Ilang minuto pa. Hindi umalis ang sasakyan. Pero ng bigla nalang bumukas ang ilaw mula sa kwarto na tinatanaw. Agad na ito umalis at pinaandar ang kanyang sasakyan. Tinitingnan ito ng nakakubli na tao. Maging ang plate number ng sasakyan na pula nakuha nito. Napabuga ito. Seryoso na 'kasunod ang mga mata nito sa papalayong sasakyan. Tinatanaw pa rin nito kahit malayo na ang narating ng sasakyan. Lumiko na nga iyon sa may isang kanto. Hanggang mawala sa paningin niya. Nakatingin pa rin ito.
"Mommmm" Napasigaw ito ng maimulat nito ang kanyang mata kasambay nun ay ang pagtawag niya sa kanyang ama.
"Dadddddd" napabalikwas ng bangon ang lalaki. Pinagpapawisan. Takot na takot ang itsura nito. Malakas ang pintig ng dibdib niya. Kumakabog. Parang pumuputok sa labis na takot na nararamdaman niya mula sa bangungot.
Binangungot na naman siya. Isang bangungot na hindi siya maiwan. Isang pangyayari na nais na sana niya kalimutan. Ngunit. Hindi rin niya magawa sa patuloy na pagbabalik sa kanya sa nakaraan.
Madalas na naman siya bangungutin nitong mga nakaraang araw. At sa dalas n'on. Madalas na naman siya mabalisa at hindi mapakali sa takot na baka ang murderer sa panaginip niya ay muli siyang balikan. Baka muli siya nito ibalik sa mga masasakit na dala ng kanyang karanasan sa nakaraan. O, di kaya. Isunod na siya nito sa mga magulang niya.
Natatakot siya.
Natatakot siya na baka ganun 'nga ang mangyari. Matapos siyang buhayin nito. Ilang taon na ang nakalipas matapos patayin nito ang kanyang mga magulang.
Ma-swerte ba matatawag na binuhay siya nito? Matapos na sabay pagsasaksakin at patayin sa harap niya ang dalawa niyang magulang.
Kung swerte nga niya na nabubuhay pa siya until now. Pero malas niya dahil halos madalas siyang binabalik-balikan ng mga nakaraan. Halos madalas niyang sinisisi ang kanyang sarili kung bakit namatay ang kanyang magulang.
Kasalanan nga ba niya?
Siya nga ba ang dahilan? O, may ibang dahilan ang tao na y'on kung bakit ganun nalang ang ginawa sa kanyang magulang. Karumal-dumal na pangyayari na hindi talaga makakalimutan ng binata na lalaki. Ang bawat saksak. Ang bawat tilamsik ng dugo sa dalawa niyang magulang. Ang makita ang unti-unti na pagbagsak ng dalawa niyang magulang matapos na tumamo, nang napakaraming saksak maipagtanggol lang siya at maprotektahan sa murderer.
Kita niya kung gaano karaming dugo ang nagkalat sa sahig. Gusto niya sumigaw. Ngunit tila napaos ang kanyang boses habang naririnig niya ang mga sigaw ng kanyang Mommy at Daddy. Pinapatakbo siya ng mga ito. Ngunit tila maging ang kanyang dalawang binti at paa ay ayaw gumalaw. Nawalan ng lakas para magawang tumayo at tumakbo palayo. Nangangatog ang mga binti niya. Hindi niya maitayo ng diretso habang pinipilit niyang tumayo pero ibinabagsak siya n'on. Nanghihina. Nilalamon siya ng galit sa sarili ng hindi niya magawa na tulungan ang dalawa niyang magulang habang nakikipaglaban na mapanatili siyang buhay habang lumalaban naman ng saksak ang murderer. Na nais siyang malapitan.
Naipunas niya ang isang palad niya sa kanyang mukha. Hindi niya matiis ang ginagawa ng murderer. Inilibot niya ang kanyang mata. Nang may makita siyang bagay. Isang flower base. Ginapang niya iyon maabot niya lang at makuha. Nang mahawakan n'ya. Ang sumunod na ginawa niya. Tumayo ng diretso, nag-umpisa na ilakad ang mga paa na nangangatog pa rin sa sobrang takot. Nang malapit na siya sa murderer kanyang ini-angat ang hawak na flower vase at hinampas sa likod ng murderer.
Napangiwi sa sakit ang taong nais pumatay sa kanila. Ang gusto nito ay lahat sila mamatay sa sarili nitong kamay. Tila baliw ito na napangiti pa habang napalingon sa batang pinukpok ang kanyang likod. May takip ang mukha nito. Kaya hindi nila makilala kung sino ang nasa likod ng maskara na suot nito.
Galit ito na tumingin sa batang lalaki. Lumakad ang mga paa nito at lumapit kay Jeopardy. Dahil bata pa siya. Wala siyang lakas na labanan ang murderer. Isang hampas lang nito ay tumilapon na siya agad. Pero bago pa mangyari yon ay nakagat niya ito sa braso. Napadaing ulit ito sa sobrang sakit. Napamura. Ngunit walang salita ang lumalabas sa bibig nito. Ayaw nito na mabosesan siya ng pamilya na nais nito patayin. Lalo ng batang ngayon pinanggigilan niya. Pero kahit marami ng saksak ang Ina ng bata. Nakagawa pa rin ito ng paraan na makalapit sa kanyang anak. Ang ama ni Jeopardy, ang asawa ng babae. Bagsak niya at hindi na magawang tumayo sa dami ng saksak na tinamo matapos ang ipangharang ang sarili wag lang ang mahal niyang asawa ang tamaan.
Napakatapang ng ama ni Jeopardy. Napakatibay nito. Kapalit man ang buhay. Nagawa niyang protektahan ang kanyang asawa at anak. Naiiyak ang Ina ni Jeopardy habang tinitingnan ang kanyang asawang nakahandusay na sa sahig. Wala na ito halos buhay. Pero kanya pa rin ini-lalaban ang sarili habang inaabot sila. Ang kanyang mag-ina. Pilit na igina-gapang ang sarili. Subalit sa dami ng dugo na nawala dito. Sa dami ng dugo na halos pinaligo. Hindi na rin kinaya nito. Tuluyan na bumigay ang ama ni Jeopardy. Nawalan na ito ng buhay. Habang dilat ang magkabila nitong mata. Nakatingin sa kanilang mag-ina.
Umiiyak si Jeopardy. Wala pa rin boses ang lumalabas sa kanya. Habang ang Ina niya ay yakap siya. Umiiyak din at gaya niya hindi napigilan ang nararamdaman kalunglutan sa kabila ng mga sugat nito sa katawan. Ngunit ang murderer. Saglit lang natigilan. Umangat na muli ang kamay nito na may hawak na patalim. Napapalibutan iyon ng dugo na nagmula sa kanyang ama at ina. Sasaksakin sana si Jeopardy subalit iniharang ng kanyang ina ang katawan at hindi sinasadya na mahila nito ang takip na maskara sa mukha ng murderer. Laking gulat ng Ina niya ng makilala kung sino ang murderer na nais umubos sa pamilya nila. Ngunit si Jeopardy. Walang kahit anong maalala mula sa mga putol sa utak niya na pangyayari ng araw na yon.
Matapos ang huling naaalala niya. Wala na siyang matandaan maliban sa nagising siya kaharap na ang mga nakayuporme na mga pulis and inspector. Nasa hospital na siya ng magising siya at isang nakawawasak na balita ang natanggap din niya ng araw na yon. Kapwa namatay ang mga magulang niya. Ang mommy niya hindi na rin na revive after nito iharang ang katawan sa saksak na sana sa kanya. Dumaplis pa ang mahabang kutsilyo na ginamit ng murderer ng bumaon iyon sa katawan ng mommy niya at tumagos sa kanya na nasa likod ng kanyang Ina. Kaya nawalan din siya ng malay dahil sa dugo na nawala sa kanya. Swerte niya lang dahil sa daplis lang ang nangyari sa kanya at siya ay nasagip pa ang kanyang buhay. Pero ang mommy niya… After her operation bumigay din ito.
"Jeopardy ayos ka lang?" hindi na niya namalayan ang pagdating ni Tuti sa loob ng kwarto niya. Nakapasok na pala ito. Nang hindi man lang naramdaman. Kung hindi pa bumukas ang ilaw ng kwarto niya ay hindi niya din mapapansin at kung hindi rin ito nagsalita. Baka akalain niyang multo ang kasama niya.
"Ayos lang ako." nanghihina niyang tugon. Tila naubos ang lakas niya. Para siyang pagod na pagod sa bangungot na yon.
Parang hinigop ang lakas niya. Pero wala naman siyang maalala sa mga sa mga sumunod sa panaginip niya. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa biglang pag-kirot at pananakit n'on. Iniisip niya ang karugtong, ang itsura ng murderer. Ang mukha nito. Gustong-gusto niya maalala nang sa ganun madali sa kanya mahuli ito. Ngunit kahit anong pilit niya. Ayaw mabuo ang mukha nito sa isip niya. Blangko, maitim at malabo ang nakikita niya sa tuwing iisipin niya sa tuwing ipipikit niya ang kanyang dalawang mata.
"Mukhang binangungot ka na naman. Ikukuha kita ng tubig sa baba. Saglit lang ahh! Iwan muna kita ulit." sabi ni Tuti. Iniwan nga siya nito. Hindi na ito nagtanong pa. Alam na niya kasi ang nangyari kay Jeopardy. Alam ni Tuti kung ano ang nangyari ngayon na nadatnan niya ng pasukin niya ito sa kwarto ng namumutla, nanginginig, hinihingal at kinakapos ng hininga. Takot na takot habang tumulo pa ang luha nito sa mata.
Nakalabas na rin si Tuti ng kwarto ni Jeopardy. Ngunit hindi siya agad nakababa ng hagdan ng saglit siya tinawag ang pansin niya ng bintana sa may dulo ng kwarto ng pasilyo kung saan ay natatanaw ang labas ng bahay ni Jeopardy.
Malakas ang pakiramdam ni Tuti. Naiiba ito sa iba dahil sa lakas ng kanyang pakiramdam sa mga kakaibang pangyayari sa loob at labas ng bahay at opisina ni Jeopardy. Madalas niya maramdaman na tila may tao sa labas ng bahay. Bahagya siyang sumilip. Nagtago siya at saka niya ikinubli ang kanyang sarili. Tama ang hinala niya. May tao nga sa labas ng bahay ni Jeopardy. Hindi niya napansin yon kangina nang nag-tatakbo siya sa hardin sa labas ng bahay upang mag ehersisyo sa araw-araw na rin niya nakagawian.
"Sino naman kaya yon?" naitanong na nai-bulong niya sa sarili. Napapansin na niya ito madalas. Ngunit madalas ay wala siyang makita na bakas ng tao sa labas. Pero ngayon. Natatanaw niya ang isang bulto. Isang tao na naka-sumbrero ang nakatayo sa may madilim na parte sa may kalsada. Hindi na siya nagtataka. Pero ang nais niya malaman at alamin ay kung sino ito. Hindi nalang niya muna sasabihin sa kaibigan niya. Ayaw niya na maging ang nakita niya ay isipin pa nito at dagdag sa i-pinag-aalala. Panatilihin muna niya ito na isang sikreto habang hindi pa niya natuklasan kung sino ang tao na yon.
Napasinghap siya. Habang kagat ang ibabang labi. Maingat siya na lumayo sa may bintana upang bumaba sa baba para ikuha ng tubig si Jeopardy. Hindi na siya nagtagal pa sa pagsilip sa bintana. May naisip naman na siya upang makilala ang tao na yon. At malaman ang pakay nito sa madalas na pagbabantay at pagsunod nito sa kanyang kaibigan. Naisip niyang mas maigi na alamin niya muna. Bago siya gumawa ng hakbang. Bago niya sabihin o banggitin ito sa kanyang kaibigan. Kaya naman habang naglalakad siya sa pasilyo at bumaba ng hagdan. Gumagana ang utak niya. Nagpaplano. Iniisip ang mga gagawin niya na pagkilos para mapabilis ang pag-iimbestiga niya sa katauhan ng taong madalas niya maramdaman na nakasunod sa bahay man o sa opisina.
Nakarating na siya ng kusina. Binuksan niya ang ref na may maraming laman. Puno ito ng maraming stock ng mga pagkain nila sa bahay. Kumuha lang siya ng tubig. Hindi na siya nagtagal. Lumakad na siya pabalik papunta sa kwarto muli ni Jeopardy habang bitbit ang tubig na kinuha niya.