Chereads / Secretly admiring you / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

MIAHZAKIAH POV

Hindi ako makatulog dahil hindi ako makapag move on sa nangyari. Tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung totoo ba na naka video call ko siya. It's already 6am at gising na gising ako. Ilang oras akong nakatulala kakaisip. Tutal hindi pa naman ako inaantok nag cellphone muna ako. Nag on ako ng active status sa messenger. Kung makikita man ako nila mama na online sasabihin ko na nakatulog na ko. Ayokong mapagalitan. Pagka on ko ng active status napansin ko na online si Zaugustus. Gising na ba siya o naka on lang talaga? dagdag pa sa iisipin ko. Nag scroll nalang muna ako sa facebook. Wow! halos lahat ng kaibigan ko nasa bakasyon ngayon habang ako may schoolworks.

Nagsawa nako sa facebook kaya nag open muna ako ng tiktok. Sa hindi inaasahan nag message si Zaugustus sakin.

"Hi, good morning. Ang aga mo ata magising" bati niya

Good na good ang morning.

"Hello, good morning. Hindi pa ako natutulog"

"Ha? bakit? are you okay?"

Omg, ang aga ko kiligin teka lang.

"Yah, I'm okay. Can't sleep"

"May iniisip kaba?"

Ikaw. Ikaw palagi, Zaugustus.

"Wala naman"

Nagtuloy tuloy ang usap namin. Kung siya lang kausap ko araw araw hinding hindi ako magsasawa eh. Okay lang kahit sumabog cellphone ko magtuloy tuloy lang.

"Anyways, are you free mamaya? church tayo"

Sobrang greenflag mo na. Naiinlove ako lalo sayo ano ba.

"Yes, saan?"

"Sa malapit na simbahan sainyo. Send mo location mo ako na bbyahe"

Pakasalan mo na din kaya ako. Wala akong maisagot sakanya. Sobrang kinikilig na ko. Sinend ko yung location ko. Malapit lang pala siya samin. 1 jeep lang then andito na. 4:30pm kami mag sisimba. Pwede bang ifast forward yung orasan? gusto ko na siya makasama.

"Take some rest, Miah. Wala ka pang tulog. See you later!"

"See you!"

Hahanap na ko ng pang kasal na suot. Wala naman na ata siyang magagawa kapag nakaganon nako no? mag mumukha nga lang akong tanga. Tanggal angas ko sa lalaking to. Napapasunod ako sakanya. Kahit hindi pa ako inaantok nilayo ko na ang phone ko. Pinipilit matulog.

Fast forward

"MIAHZAKIAH!" sigaw ni ate

Tinatamad pa akong bumangon kaya sumagot nalang ako habang nakahiga.

"Bakit?"

"Nandito na si Zaugustus!"

Bigla akong natauhan. Shet magsisimba nga pala kami. Agad akong tumingin sa orasan. 4:15pm. 15 minutes left.

"Teka lang"

Mabilisang kilos. Nakakahiya naman kung pag aantayin ko pa siya. Siya na nga tong bumyahe. Nag jeans and plain black polo nalang ako then ipapartner ko sa rubber shoes. Nagtoothbrush at nagliptint. Syempre hindi pwedeng makalimutan ang pabango. 4:25pm nako natapos at bumaba ako agad.

"Hi, sorry natagalan"

Tinignan ako ni Zaugustus paa hanggang ulo.

"Parehas tayo ng suot" sabi niya

Totoo nga! naka jeans and black polo siya. Iba lang ang color ng rubber shoes. Umalis na din kami kaagad.

Ako yung nasa side ng mga kotse. Sanay na ko dito dahil kapag kasama ko si ate dito din ang pwesto ko. Kapag muntik ako masagasaan sasabihin non sayang di natuluyan. Kala mo hindi kapatid eh. Ilang saglit pa nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Zaugustus sa waist at ginilid ako. Kinikilig ako pero kailangan kong pigilan. Baka ganto siya kapag babae ang kasama niya.

"Dito ka sa side mas safe dito" sabi niya

Hanggang sa makarating kami sa simbahan hawak niya ang waist ko. Tinanggal niya lang yon nung umupo na kami. Tumingin nalang ako sa altar. Hindi pa nagsisimula ang misa.

"Alam mo, Miahzakiah. First time ko hawakan yung babae sa waist. Physical touch kasi love language ko eh"

Shet first time niya at saakin pa. Lord, pwede niyo na po akong kunin.

"First time ko din hawakan sa waist. Quality time, love language"

Physical touch at quality time. Nagsimula na ang misa.

Fast forward

"Miah, sunset na"

Nasa labas kami ng simbahan at tanaw na tanaw ang sunset. Ang aking paboritong paalam. We both love sunset kaya nagstay muna kami para pag masdan yon. Magkatabi kaming naka upo. Nag kkwentuhan. Unti unti na kaming nagiging close ni Zaugustus. Nahuhulog ako lalo sakanya.

Maya maya pa ay tumayo siya. Hindi ko na pinansin kung saan siya pupunta. Focus muna ako sa sunset. Sobrang ganda talaga ng sunset halos lahat ng tao maaappreciate ang ganda nito. Nawala ang focus ko sa sunset nung may narinig akong click. Napalingon ako kay Zaugustus na kinukuhaan ako ng litrato.

"Smile, Miah"

Ngumiti naman ako. Sakanya ako ngumiti hindi sa camera. Pagtapos ng ilang click lumapit na siya sakin para ipakita ng result ng mga litrato.

"Ang ganda ng pagkakuha mo. Ang ganda ng sunset" sabi ko habang nakatingin sakanya

"Parehas kayong maganda" sabi niya sabay ngiti

Hindi ko na napigilan ang kilig ko. Napahampas ako sakanya ng mahina.

"Baliw!" sabi ko

Ihahatid ko pa siya sa sakayan ng jeep pauwi sakanila. Nung nakarating na kami sa sakayan ng jeep at nakasakay na siya. Inantay ko muna umalis yung jeep bago ako umuwi. Gusto ko maging sigurado na safe siya. Mamaya icchat ko siya kung naka uwi na ba siya.

Habang naglalakad ako pauwi hindi ko malimutan ang pagkuha ng litrato ni Zaugustus. Nasa gallery niya na ang pagmumukha ko.

A few minutes later

"Hi, Miah. Naka uwi na ako" update mula kay Zaugustus

"Hello, sorry uli napaghintay kita kanina"

"No, it's okay. Anyways, send ko na pictures mo"

Akala ko 2 pictures lang kasi dalawa lang pinakita niya sakin kanina. Yung nakatalikod ako tapos yung nakangiti. Nagulat nalang ako ng 6 yung sinend niya. Yung apat pictures ko nung nakasakay na siya ng jeep.

"Thank you, inantay mo muna makaalis yung jeep. Alam kong maliit na bagay lang yon para sayo pero para sakin, hindi. Naaappreciate ko yon, Miah"

"Wala yon!"

Nagtuloy tuloy ang usap namin. Dapat pala parents niya ang kasama niya magsimba ngayon pero umuwi daw sila ng probinsya. Yung tatlo niyang kapatid may sari sariling lakad kaya siya ang naiwan.

Ganto siguro kapag hulog na hulog kana sa tao. Sobrang saya mo kapag kausap mo siya. Hindi ko namamalayaan ang oras kapag siya ang kasama ko. Ang comfortable niya kausap tipong kahit ubos na topic niyo siya pa mag iisip ng bago.

I'm the happiest when I'm with him.