Chapter 6 - CHAPTER 05

DANAH'S POV

Kakatapos Lang ng aming klase.

Oras na ng among break time.

Napatingin ako sa pinto at kagaya nga ng inaasahan ko kaagad kong nakita si klint na nakatingin sakin sabay kumaway.

Napangiti ako at napakaway din.

Napatingin ako Kay Justine na nakatingin ng masama kay klint.

Luhh sya anyari dito??

Bakit siya ganyan makatingin? Magkakilala kaya sila?

Parang galit na galit gustong manakit ah

"Hoyy anyari sayo?" Tanong ko kay justine.

takte baka nga magkakilala nga sila?

"Wala bakit?" Sagot niya sakin.

"Parang galit ka kay klint. kilala mo ba sya?" Tanong ko ulit.

baliw na sya Kung magalit ng walang dahilan.

Sasagot na sana sya ng may maalala ako "ah..tine, hindi ako makakasabay sa inyo ngayon dahil ililibre ako ni klint kasi it-tour ko sya kaya pakisabi na lang kila chacha ha! Alis nako" paalam ko.

pudangs here I come!

"Ayoko nga! Kakakilala palang pero sumasama ka na kaagad sa taong Hindi mo kilala. mamaya may balak yan sayo, masyado kang nagtitiwala masyado, tsk!" judgemental naman neto, bakit ba mukhang mainit ulo niya kay klint.

Wala namang ginagawa sa kanyang masama.

"Hindi yan, grabi ka Naman Hindi mo panga kilala yung tao, bye na hinihintay nya nako, pakisabi na lang kila ash ahh." Pagkasabi ko non ay hindi na sya nagsalita pa, kaya umalis nako.

Naglakad nako papunta kay klint.

"Let's go!" Aya ko kay klint ng magkaharap kami at pagkasabi ko non ay naglakad na kami palibot sa buong eskwelahan.

Habang naglalakad ay nagtanong kami sa isa't Isa.

"Klint, san pala nakatira?" unang tanong ko.

Gwapo si klint at mukhang taga ibang bansa.

"Uhm I'm from U.S talaga but my parents wants to live here kaya naman dito na kami tumira, wala akong masyadong kilala dito kasi lumaki ako sa ibang bansa, and nagtransfer ako dito Kasi kilala tong school nato at malapit lang saamin." Kwento niya sakin.

ahh kaya naman pala, and yung pagsasalita niya ng tagalog medyo may pagka slang.

"Ahh may lahi kaba??"

"Wala pero si dad may half sya kaya siguro gwapo ako nakuha ko kay dad." Nakangiting sagot niya, totoong gwapo si klint pero ang hangin pre.

"Hangin ahh, btw may mga friends ako dito ipapakilala kita sa susunod para may makilala kapang madami." nakangiti Kong sambit.

"Sige, thank you nga ulit sa pagt-tour"

"Wala Yun Basta libre moko ahh" nilawakan ko ang ngiti ko.

HAHAHA dadamihan ko sa pag order mamaya.

"HAHAHA siguro malakas ka kumain. patay ang wallet ko niyan!!"

HAHA sinabi mo pa! pudangs is life ako noh!

"Iready mona, dahil talagang Patay yang wallet mo" biro ko.

"Joke Lang" bawi ko.

Habang tinutour ko si klint ay madami kaming napagkwentohan at nung natapos ay nilibre nya ko.

Ang Dami nya nga biniling pagkain.

Tapos hinatid nya ako sa room.

Nasa tapat na kami ngayon ng pinto ng section ko.

"Salamat sa paghatid ah at sa pag libre sakin"

"Wala Yun ako pa nga dapat magpasalamat sayo dahil kahit Hindi pa tayo gaano magkakilala ay sinamahan mo parin ako." Aniya.

"HAHA Wala Yun friendly Lang talaga ako." Lalo na kung may pagkain, joke hahaha..

"O, sige na papasok na ko magbebell na." Paalam ko.

"Sige, thank you ulit. Bye."

"Wisi, bye den." at pumasok na ako...

Nakita Kong nagcecellphone si Justine at naupo na ako.

"Uyy jus anong nangyari kanina nung Wala ako?" tanong ko.

Pero amptek Hindi ako pinansin nakatutok parin sya sa selpon nya.

Luh, snober.

"Oy, ano di kaba nag linis ng tenga mo hah!?" takte kokotongan ko na to.

Wala parin akong nakuhang sagot.

Lumapit ako sa kanya lala pa naman si sir e "HOY ANO BA HINDI MO BA AKO NARIRINIG HAH!!" kala mo ahh sinigawan ko Mismo sya sa tenga.

Nakita kong nagkabuhol buhol yung kilay niya halatang naiinis.

"Ano ba! bakit kaba naninigaw sa tenga!?" Inis niyang Saad.

Kasalanan mo Hindi moko pinapansin e. Tas ngayon nag rereklamo ka, e ikaw Yung nagbibingi bingihan e.

"Chineck ko lang baka Kasi nabingi kana." pabalang kong sagot.

"Tsk" inis niyang asik.

Naiinis nako dito bat ba Ang sungit neto.

Pagold ampotek.

"Bakit ba ang sungit mo hah!" Naiinis na talaga ako sa kanya.

Parang ano!

"Pake mo ba!" Pabalang niyang sagot sa akin.

Aba may mali dito e.

"Alam mo ok naman tayo kanina e bakit kaba Ganyan may dalaw kaba" inis Kong sabi.

nakakagigil sya.

"Shut up! Lalaki ako baka ikaw oo magpalit kana nga." Asik niya.

tss, nakakagigil na talaga....grrrr

"Bwisit ka! bahala ka sa buhay mo. May sapak ampotek!".

Pagkasabi ko non ay naupo na ako at Hindi ko na sya pinansin pa kahit pa naguwian Hindi Rin nauna akong nagbike sakanya hindi ko na sya hinintay naiinis Lang ako sa kanya.

Basta bahala sya sa buhay nya...

Hindi siya gold para suyuin at lalong Hindi siya astig.

Nang makauwi ako ay dumiretso din ako agad sa kwarto at sumalampak agad sa kama.

Pinagsusuntok ko yung unan ko sa inis nakakainis siya may sapak bigla bigla na lang nagsusungit na Akala mo may regla.

Ayoko sa lahat yung ganyang biglang tinotopak siya pero kahit anong Gawin ko gusto ko parin siya at ayun ang nagpapalambot ng puso ko lagi sa kanya.

Hayst.. itulog kona lang to.