Chereads / Tormented Life / Chapter 6 - CHAPTER 4

Chapter 6 - CHAPTER 4

A/N : Please read this → Don't read if you are 18 years old and below or you're a closed minded one. I'm putting this note on every chapter for you to be cautious . Not every chapter has  bed scene but bad words are. So please , I don't want anyone complaining later about it. Thank You . Please enjoy reading.😘

CHAPTER 4

"Sa may itim na gate lang," sabi ko sa taxi driver.

Hindi ako bumaba agad, sinilip ko muna ang bahay namin mula sa bintana ng taxi. Nakasara pa ang mga draperies sa full glass window. Nakahinga ako nang maluwag. It only means na hindi pa nakakauwi si Harren galing sa trabaho. Mabuti't naunahan ko siya. Kapag nalaman niyang umalis ako ng bahay, sampal nanaman ang aabutin ko.

Tuluyan na akong bumaba at dumiretso sa loob ng bahay para mag-ayos. Binuksan ko ang mga nakasarang kurtina, at hinugasan ang mga pinggang naiwanan ko kanina bago ako umalis, tapos dumiretso na ako sa C.R para maligo. Ayaw ko nga sana dahil nilalamig ako. But I have to. Baka maamoy ni Harren na naka-pabango ako, malaman niya pang umalis ako.

I've been sick for three days. Pabalik balik ang lagnat ko, at inuubo rin ako. Ayoko namang magpunta sa ospital para magpa-check up. Natatakot ako baka kung ano pang malaman ko. Minsan maayos ang pakiramdam ko, minsan hindi. Pero iba ngayon. Siguro dahil naambunan rin ako kanina. My eyes are heavy, and burning. Tamad na tamad akong kumilos. Lagi rin akong walang ganang kumain. Minsan kahit nakakadalawang subo pa lang ako, pakiramdam ko masusuka na 'ko. Alam kong iba 'to. And I really need to consult a physician. Hindi na rin kasi tumatalab ang mga paracetamol sa'kin. Kaso natatakot talaga ako. Ospital ang isa sa mga lugar na ayaw na ayaw kong puntahan. I can't bear to see people in pain, people struggling for life. Ayoko namang magpasama kay Harren. Sasabihin nanaman 'non nag-iinarte ako. 

My husband acts more colder now. Hindi niya ako kinikibo simula noong nakita niya kame ni Liam sa kalsada. Kahit dumaan daan na ako sa harapan niya, wala pa rin. Nakikita niya lang ako kapag may kailangan siya, o kapag nag-iinit ang katawan niya. 'Yon nga ata ang dahilan kung bakit hindi na bumaba ang lagnat ko. Lagi nalang kasing pagod ang katawan ko. He can't get enough of me. 

I also tried a hundred times to explain to him na wala naman talaga akong kinalaman sa biglaang pagsulpot ni Liam noong nakaraang linggo. Pero ayaw niyang maniwala. Mas pinaniniwalaan niya 'yong akala niyang nakikipag halikan ako sa kalsada. Ewan ko, hindi niya na ata talaga ako kayang pagkatiwalaan. I already broke his trust, alam ko 'yun. Pero ginagawa ko naman ang lahat para maayos kung anong nasira ko eh. Hindi pa ba sapat lahat ng pinag-dadaanan ko ngayon? Kulang pa ba?

Pinatay ko ang aircon sa kwarto bago ako humilata sa kama. Nagtalukbong ako ng comforter. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa lamig. Parang bale wala nga lang ang pagsusuot ko ng PJs, at long sleeved top. Tumatagos pa rin ang lamig. Sumasabay pa ang lakas ng hangin mula sa labas dahil umuulan.

Hindi pa sana ako magigising kung hindi pa padabog na sinara ni Harren ang pintuan ng kwarto. Pilit kong idinilat ang isang mata ko at sinilip ang wall clock. Alas siyete na. Ang tagal ko rin palang nakatulog. But it didn't help. Parang mas bumigat pa nga ata ang pakiramdam ko. Nalipat ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyang naglalakad papunta sa'kin. Nakakunot ang noo nito, halatang mainit nanaman ang ulo. Patay nanaman ako nito. Humagod ang lamig sa buo kong katawan nang bigla niyang hilaan ang kumot na nakabalot sa'kin. Hindi na 'ko pumalag pa, niyakap ko nalang ang sarili ko para kahit papano hindi ako lamigin.

"WHAT'S THIS BRELLUNA?! I'm fucking tired from work, tapos pag-uwi ko wala pang pagkain?! You should have told me para kumain nalang ako sa labas!"

Kakakita pa lang namen pero sermon na agad ang natanggap ko. Hindi na lang ako umimik. Tinalikuran ko siya at sinubsob ang mukha ko sa kama. Not now, Harren please. Wala talaga akong lakas para magpaliwanag. Alam kong magagalit siya 'pag nakita niyang walang nakahaing hapunan sa mesa. Pero anong magagawa ko? Hindi kaya ng katawan ko. At isa pa, hindi ko naman alam na dito siya mag-hahapunan ngayon. Ilang araw na kasi siyang umuuwi ng madaling araw.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama, at bigla niya akong inikot paharap sa kanya. Mahina lang naman ang pagkakahila niya sa balikat ko, pero pakiramdam ko nabugbog ako. Ang sakit ng katawan ko.

"YOU LOOK AT ME WHEN I'M TALKING TO YOU!" sigaw nanaman niya. Pinilit kong idilat nang maayos ang mga mata ko para makita ko siya, pero hindi ko talaga kaya. Kusa silang nagsasara, kaya pumikit nalang ulit ako.

"Sorry hindi ako nakapagluto, masama kasi ang pakiramdam ko," paliwanag ko sabay hila sa comforter at binalot ito sa katawan ko. Bakit ganon, patay na nga ang aircon pero nagch-chill pa rin ako.

Narinig ko naman ang sarkastik niyang tawa. "Ano nanamang drama mo ngayon ha Brelluna?"

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Halos inaapoy na nga ako ng lagnat ganyan pa rin siya umasta. Bakit ba kasi hindi pa ako masanay-sanay. Eh ganyan naman talaga siya. 'Pag may sakit ako, lagi niyang iniisip na nag-dadrama lang ako. Minsan tuloy iniisip ko, baka kahit nag-aagaw buhay na ako sa harapan niya papalakpakan niya lang ako at sasabihan ng 'best actress'. He never believes me. And that hurts. 'Yong kahit totoo na 'yong sinasabi ko ayaw niya pa ring maniwala. Nakakabaliw 'yong ganon.

Hindi na 'ko nagbalak pang sumagot. Hinigpitan ko nalang ang pagkakapit sa comforter na nakabalot sa'kin at hinila ito pataas sa leeg ko. Kulang nalang yakapin ko ang mga tuhod ko para lang maibsan ang lamig. Wala na rin naman akong narinig mula kay Harren. Nagulat na lang ako nang bigla niyang ilapat ang likuran ng kamay niya sa noo ko, tapos sa leeg ko. Sinisigurado niya ata kung nilalagnat talaga ako.

Tumayo siya ng kama at lumabas ng kwarto. Sinundan ko siya ng tingin. San naman kaya 'yon pupunta? Himala hindi niya ako pinilit na ipaghanda siya ng pagkain.

'Pag balik niya, may dala dala na siyang maliit na palanggana. Pinatong niya ito sa side table at muli siyang umupo sa tabi ko. Pinagmasdan ko siya habang nilulublob niya ang puting bimpo sa tubig at piniga ito. Inalalayan niya ako para humiga nang maayos, tapos nilagay niya ang basang bimpo sa noo ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact sa ginawa niya. I looked straight to his eyes kahit na nanglalabo ang paningin ko. His face is serious, but I can sense care. Napangiti ako sa sarili ko. Concerned pa rin pala siya sa'kin kahit papano. 

"Don't look at me like that..." sabi niya habang inaayos ang bimpo sa noo ko. Napansin niya sigurong nakangiti ako habang nakatitig sa kanya. "...This is nothing. I'm only doing this because I need my slave back."

Nakakalungkot 'yong sinabi niya pero binalewala ko nalang. Para kasing iba 'yong salita niya sa kinikilos niya. Bumait siya bigla. Kailangan ko pa palang magkasakit para lang maging mabait siya sa'kin. I gently closed my eyes. Ninamnam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko at paghawi ng ilang hibla ng bangs ko mula sa noo ko. Kung magiging ganto lang siya sa'kin buong magdamag, sigurado akong bukas magaling na 'ko.

"I'll be back Brell. Just stay still."

Dinilat ko ang mga mata ko nang magpaalam siya sa'kin. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Ano nanaman kayang gagawin niya ngayon. I'm starting to get curious kung bakit ang bait niya. Dahil ba may sakit ako? If that's it, sana palagi nalang akong may sakit. Para palagi siyang mabait sa'kin. Pati 'yung way ng pagpapaalam niya sa'kin kanina, ang lambing. Kulang na nga lang halikan niya ako sa noo. Nakakapanibago. Hindi ako sanay na ganito siya.

Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko. Naguilty tuloy ako bigla. May nagawa akong malaking kasalanan. At 'pag nalaman niya 'yon, tiyak akong magwawala nanaman siya sa galit.

Nakipag-kita ako kay Liam kanina.

"Bakit hindi ka sumunod sa'kin sa New York? I've waited for you Brelluna."

Ramdam kong nagtatampo siya sa tono pa lang ng pananalita niya. Yumuko ako at ginamit ko ang pagkakataong hindi ko nakikita ang mga titig niya para buohin ang sagot ko sa utak ko.

"I didn't have the chance. Bantay sarado sa'kin si Harren."

What I said was a lie. Ang totoo, wala talaga akong balak sumunod sa kanya sa New York noon. Sinabi ko lang 'yon para tigilan niya na 'ko. Dati nagkasundo na kame ni Liam na lilipad kame sa Amerika sa oras na malaman ni Harren ang tungkol sa lihim naming relasyon. Pero hindi ako tumupad. I chose to stay with my husband. Hindi lang dahil na-realize kong siya talaga ang mahal ko, kungdi dahil 'yon ang tama. Siya ang pinakasalan ko, kaya dapat lang na siya ang piliin ko and not Liam.

"At hindi mo man lang ako nagawang tawagan para sabihing hindi ka makakasunod?"

"Hindi ko alam ang contact number mo."

"That's impossible. I remember I told Farrah to give it to you." mabilis na tugon niya na para bang nabasa na niya kung anong idadahilan ko.

Inabot ko ang tinidor at pinaglaruan ko ang cake na nasa platito ko. "How could I call you? Alam mo naman pala kung anong lagay ko sa asawa ko. Halos patayin na niya ako noong mahuli niya tayo. Sa tingin mo ba magagawa pa kitang tawagan?" sabi ko sa kanya. Binubugbog na nga ako ni Harren, siya pa ba ang iisipin ko? Isa pa, ang buong akala ko may sarili na siyang buhay. 'Yon kasi ang huling balita sa'kin ni Farrah tungkol sa kanya. May iba na raw siyang kinakasama sa America.

"Yeah. Farrah told me everything. G*go talaga 'yang Harren na 'yan. He'll pay for what he did to you, and to me." gigil na banta niya. Bigla niya namang itinabi ang plato niya, at pinisil niya ang magkabilang kamay ko. "Alam mo ba ang ginawa sa'kin ng asawa mo? Binaliktad niya 'ko. Pinakulong niya 'ko sa kasalanang di ko naman ginawa. He's an as***le! Iba talaga ang nagagawa ng pera ano?"

I can see anger in his eyes. Pero hindi ko siya masisisi kung ganon nalang kalaki ang galit niya sa asawa ko. Nabalitaan ko nga na pinakulong siya ni Harren. Pero hindi ko alam ang buong kwento. Pinaghigpitan ako ni Harren noon kaya hindi ko nagawang puntahan ang mga hearing ni Liam. Nalaman ko nalang na nasa kulungan na ito. Though I can't also blame my husband. Sobrang laki rin naman kasi talaga ng kasalanan namin sa kanya. Pasalamat na nga si Liam at pinakulong lang siya nito. Kilala ko ang asawa ko. Kaya niyang gumawa ng mas higit pa don kung gugustuhin niya.

Taranta akong napatingin sa pintuan ng restaurant na kinakainan namen nang marinig kong bumukas ito.

"Relax Brelluna. Sinabi ko naman sa'yong hindi tayo makikita dito ng asawa mo."  paalala ni Liam. Naaalibadbaran na siguro siya dahil panay ang tingin ko sa pintuan sa tuwing bubukas ito.

Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga, "Hindi talaga ako mapakali. Baka malaman 'to ni Harren eh." sagot ko. Sampal nanaman ang abot ko 'pag nalaman niyang nakipag kita ako kay Liam. Ayoko rin naman talagang makipag-kita. But Liam left me with no choice! He blackmailed me. Pupuntahan niya daw ako sa bahay kapag hindi ako nakipag kita sa kanya. And I don't want that to happen. Mapapatay na talaga ako ng asawa ko pag nahuli niya nanaman si Liam na pinupuntahan ako. Mas mabuti nang sa labas nlang kame magkita. Mas madali akong makakalusot.

"Takot ka na sa kanya ngayon ah." sabi ni Liam na parang natatawa pa. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya. Does he meant na mahina na ako ngayon? Dahil dati nagagawa ko pang lokohin ang asawa ko? 

Umiwas ako ng tingin. "Oo takot na 'ko....And it's your fault." 

Napansin ko ang biglaang pagbabago sa itsura niya. Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why are you blaming me Brelluna? May kasalanan ka din ah." sagot niya. 

I sighed. "I know. At pinagsisihan ko 'yon."

Padabog niyang binato ang hawak niyang tinidor sa mesa. "Nagsisi ka kasi nahuli tayo ng asawa mo. E kung hindi niya tayo nakita, ano na tayo? Tayo pa rin ba hanggang ngayon?" 

Matagal bago ako nakapagsalita. Buo na ang sagot sa utak ko, pero hindi ko masabi nang diretso.

"I...I don't think so."

I can sense na malapit na siyang mainis. Pero sinabi ko lang naman ang totoo. Maling mali na pumatol ako sa kanya dati, gayong kasal na ako. It was a wrong move. Nag-aasam ako ng pagmamahal galing kay Harren, pero hindi nito maibigay sa'kin 'yon. And then Liam came. Hindi ko naman talaga siya minahal. But I liked him because he made me feel loved.

"You liar." he said while staring straight to my eyes. "Alam kong sa'kin ka pa rin hanggang ngayon kung hindi lang tayo nahuli ng asawa mo."

Napapikit ako ng madiin. He really can't get it. Bakit ba hindi niya nalang tanggapin na we're already over. Tapos na ang lahat sa'min, pero ang dating sa'kin, parang ipinipilit niya pa rin kame. It has been a year. Nawala na siya sa buhay ko, pati sa utak ko. Pinaikot ko na ang mundo ko kay Harren. Kay Harren lang. Sa pagbabalik niya, ginulo niya lang ulit ako eh. 

"Brelluna!"

Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang inip na boses ng asawa ko. Sa pagbabalik tanaw ko sa pinag-usapan namen kanina ni Liam, hindi ko na namalayang nakatayo na pala sa gilid ko si Harren.

"Uhh, ka-kanina ka pa diyan?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Inirapan niya naman ako, which means his answer is yes. 

"Ano bang iniisip mo? Nangangalay na 'ko rito." iritableng tanong niya.

Bumaba naman ang tingin ko sa hawak niyang silver tray. May nakapatong roong mangkok, isang baso ng tubig, at ilang mga paracetamol. Gusto kong kusutin ang mga mata ko para lang masiguradong tama ang nakikita ko.

Is this true? My husband brought me food? Hindi ko alam, pero biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Sana araw araw na lang may sakit ako. Ang sarap naman palang mag-alaga ng asawa ko. Bakit ngayon ko lang naramdaman 'to. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. He's just giving me a bored look. Nilapag niya ang tray sa side table. Umupo siya sa tabi ko at inabot sa'kin ang mangkok na puno ng mainit na sopas.

"Eat." utos niya. 

Binuhat ko ang sarili ko at sumandal sa headboard ng kama. "I-ikaw ba ang nagluto nito?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang mangkok mula sa kamay niya.

"Malamang. May iba pa bang tao dito?" sarkastik na sagot niya. Dumali nanaman ang pagiging masungit niya. Kahit normal na usapan tinatabla niya 'ko. Pero binalewala ko nalang. Ayokong masira ang sandaling ito. Minsan lang ako alagaan ng asawa ko. 

Sumubo ako nang kaunti para tikman muna sana kung masarap ang luto niya. Pero masyado ata akong nagmadali sa pagsubo, at napaso ang dila ko sa init. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong kutsara na siyang kinabigla niya. Agad niyang binawi ang mangkong mula sa mga kamay ko.

"Ano ka ba! Hindi ka nag-iingat! Hipan mo muna!"

Nanlaki ang mga mata ko. Di ko alam kung matatawa ako o ano sa pinakita niyang reaksyon. Napaso na nga ang dila ko, pinagalitan niya pa 'ko. Hindi ba talaga siya marunong maglambing? Pinanood ko siya nang magsalok siya ng kaunting sopas gamit ang kutsara, at hinipan ito. Tapos tinapat niya ito sa bibig ko. Napaatras naman ako at tumingin sa mukha niya na may bahid ng pagtataka. Umiwas siya ng tingin, pero hindi niya pa rin binababa ang kutsara sa harapan ko. Kanina pa siya hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. Mukhang hindi rin siya sanay na inaalagaan ako. Pakiramdam ko nga naa-awkwardan siya sa mga pinag-gagawa niya.

"Ano, kakainin mo ba o hinde?"

Kinabahan ako bigla sa matapang na tono ng boses niya kaya naman sinubo ko na ang laman ng kutsara. Bakit ganon, may kumukurot sa isang bahagi ng puso ko sa simpleng pag-aalaga lang niya. Parang sa isang iglap lang, nakalimutan ko na lahat ang mga sampal at pananabunot niya sa'kin. Ang bilis kong bumigay. Ganon ko ba talaga siya kamahal?

Pinagmasdan ko lang siya habang sinusubuan niya ako. Tahimik lang kame. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtama ng kutsara sa babasagin na mangkong 'pag nagsasalok siya ng sabaw. Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ko. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya. Hindi na ba siya galit sa'ken? 

Tumanggi na ako nang muli niyang itapat ang kutsara sa bibig ko.

"Busog na 'ko Harren."

Napansin kong bumaba ang tingin niya sa hawak niyang pagkain. Marahil nagtataka siya kung papano ako nabusog, gayong hindi ko pa nga nakakalahati ang laman ng mangkok. Eh anong magagawa ko, hindi na talaga kayang tanggapin ng sikmura ko. 'Pag pinilit ko baka maduwal na ako. Wala pa rin talaga akong ganang kumain. Mabuti nga't kahit papano naparami ako ng subo.

"Last one, Brell."

Tipid akong napangiti. Bakit ang sarap sa pakiramdam na pinipilit niya akong kumain. Bigla ko naman naalala ang sinabi niya kanina. Na walang ibang ibig sabihin 'to, he just want his slave back. Nakakalungkot na ganon nga lang ang gusto niyang mangyari. Pero sige. Okay lang sa'kin, basta ba alagaan niya 'ko. Nanamnamin ko ang pagiging prinsesa ko ngayon kahit panandalian lang. 'Pag gumaling na 'ko, I'm back to being a slave.

"Hindi ko na talaga kaya." sagot ko at muli na akong bumalik sa pagkakahiga. Napansin kong umiling-iling nalang siya at binalik ang mangkok ng sopas sa tray. 

"Fine."

Hinila niya ang comforter pataas sa leeg ko, at sinigurado niyang walang lamig na makakapasok. Gulat akong napatitig sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero umiwas lang ulit siya ng tingin. Inabot na niya ang tray at binitbit ito palabas ng kwarto. Pinagmasdan ko lang ang likuran niya habang naglalakad siya palayo.

Something's wrong with my husband today. Ang bait ng mga kinikilos niya. Lalo tuloy akong nagu-guilty. Natatakot ako sa maaari niyang gawin sa'kin 'pag nalaman niyang nakipagkita ako kay Liam. Baka buhusan niya ako ng kumukulong sopas.

Umikot ako patagilid, at hinigpitan ko ang pagkakapit sa comforter. Gusto ko sanang matuwa sa pinapakita sa'kin ng asawa ko. Pero sa tuwing pumapasok sa isip ko ang pagbabalik ni Liam, naiiyak ako sa inis. Why does his comeback made things more complicated?

"Bakit ka pa kasi bumalik dito?"

May halong panunumbat sa salita ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para itanong 'yon sa kanya. Do I already sound na siya talaga ang sinisisi ko sa lahat? At mukhang 'oo' ang sagot sa tanong ko nang mapansin ko ang pagbabago sa reaksyon niya. His lips opened like he was surprised.

"Wow. And now I'm the antagonist in you and Harren's love story dahil bumalik ako?" maanghang na tanong niya.

"It's not that, Liam. What I meant was, okay na 'ko. Konti nalang at alam kong magiging maayos na kame ni Harren." paliwanag ko, pero parang hindi ata maganda ang dating ng sinabi ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. Alam kong konti nalang mauubos na ang pasensiya niya.

"You're already okay? Well... I'm not Brelluna...

...Ganon nalang ba 'yon? I expected na pwede tayo, tapos 'nung nagka-hulihan na bigla mo na 'kong nakalimutan? You didn't even fight for me! I don't want to overthink things, pero bakit pakiramdam ko ginawa mo lang akong panakip butas?"

Kumirot ang puso ko. Bakit parang tinamaan ako sa sinabi niya? Dahil ba totoo? That I just used him? Huminga ako nang malalim at hinanda ang sarili ko sa maaaring maging reaksyon niya sa sasabihin ko.

"Tama ka. I didn't love you in the first place, Liam."

Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Kaya naman mula sa pagkakayuko, ay inangat ko ang mukha ko para tingnan siya. Tama ang pakiramdam ko, nakatingin nga siya nang masama sa'kin. Bumalik ako sa pagkakayuko. I felt guilt. Parang masyado atang masakit ang sinabi ko.

"You're really are a liar." he said in gritted teeth. "Hindi mo 'ko minahal?

...Then why did you do it with me?"

Humagod ang kuryente mula sa mga kamay ko pataas sa mukha ko. Talagang ang diin pa ng pagkakasabi niya. I knew it. I knew this would come. Darating ang araw na isusumbat niya sa'kin ang nangyari sa'min. 

"That was just a one night stand, Liam."

Kung nagulat siya, mas nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi ako nag-isip nang maayos. Mali atang sinabi ko 'yun. Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang mesa. Nakuha tuloy noon ang atensiyon ng ibang customers sa loob ng restaurant. Nakatingin silang lahat sa table namen.

Pinandilatan ko siya ng mata, "ano ka ba, 'wag ka ngang gumawa ng eksena dito." suway ko.

Bigla niya namang inabot ang kamay ko at nilapit niya ang mukha niya sa bandang tenga ko. Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa gilid ng mukha ko.

"Common Brelluna, we both know that wasn't just a one night stand." he whispered huskily in my ears.

"...Admit it, you liked it too. Don't you remember? It was you who said you wanted to do it...with me."