Chapter 11 - 11

"Anong problema ang sinasabi ng mga 'to? Austin, hindi ako natutuwa, ha."

Wala sa sarili akong napatigil sa paglalakad nang marinig ang boses ni Doctora Vallero sa loob ng silid na ginagamit nila bilang clinic nitong mga nagdaang buwan.

"Eh kasi Doctora Vallero, sinasabi nitong intern na may nagawa siyang kasalanan—"

"Hindi ba't sinabi ko na ayusin niyo ang trabaho niyo? God! Ikaw ang nag-recruit diyan kahit na sinabi ko namang huwag na dahil walang karanasan tapos ngayon, sinasabi mong may nagawang kasalanan? The fuck? Paano pa maitatama 'yan eh kaunti na lamang at manganganak na si Lyana?"

Tila napintig ang aking mga tainga nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Doctora Vallero. Napahawak ako sa malaki kong tiyan nang banggitin niya iyon. Pitong buwan na ang nakakalipas nang magtagumpay ang embryo transplant na ginawa nila. Akala nila ay hindi kaagad makakabuo dahil iyon ang karaniwang nangyayari sa ibang surrogate mother ngunit laking pasasalamat namin nang unang beses lamang ay may nabuo na kaagad—at kambal pa.

"I know, I know. Alam ko naman na kasalanan ko. Pero ano pang magagawa natin? Hindi rin naman niya sinasadya dahil unang beses niya," tila naiinis na sambit ng kausap ni Doctora Vallero.

Sa pagkakaalam ko ay si Doctor Austin Del Rios ang kausap niya dahil sila na lamang naman ang natira rito sa bahay para samahan ako. Isa si Doctor Del Rios sa mga doctor na nagsagawa ng embryo transplant sa akin noon kaya naman kilalang-kilala ko na siya. Mabait din siya sa akin kahit na doctor ko lang naman siya kaya't agad kong natandaan kung sino siya.

Bukod kay Doctor Vallero ay siya lamang ang tanging Pilipino sa walong doctor na nagsagawa ng embryo transplant sa akin noon kaya't hindi na nakakapagtaka na naiwan siya rito samantalang ang ibang doctor ay agad nang bumalik sa ibang bansa matapos ang transplant.

"Hindi sinasadya? Austin, alam mong sa trabaho natin, hindi puwede 'yan! What the fuck? So ano na? Anong gusto mong ipaliwanag ko sa pinsan ko, ha? Na pumalpak tayo, ganoon ba? Alam mong hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya ang bagay na iyon," mariing sambit ni Doctora Vallero kaya't mas lalong nagsalubong ang aking kilay.

Palpak?

Muli kong hinimas ang aking tiyan habang nakakunot ang noo. Imposible naman na pumalpak sila dahil buntis na ako ngayon. Kung palpak sila, e 'di sana, hindi na ako nabuntis, hindi ba?

"E 'di huwag mong sabihin. Let's keep this a secret… tayong dalawa lang ang nakakaalam."

Bahagyang umawang ang aking mga labi nang marinig ang sinabi ni Doctor Del Rios. Sikreto? Anong sikreto ang itatago nila mula sa pinsan ni Doctora Vallero?

Mula sa labas ay dinig pa rin ang sunod-sunod na malakas na pagbuntong hininga ni Doctora Vallero kaya naman hindi ko mapigilang mas lalong ma-curious sa kung ano man ang pinag-uusapan nila… kung bakit naging palpak ang pagbubuntis ko sa mga mata nila.

Hindi ko mapigilang kabahan habang hinihintay ang kung ano mang sunod na sasabihin nila. May diperensya ba ang bata? Anong mayroon? Anong problema? Ano ang masama? Ano ang sikretong itatago nila?

"Lyana will know. Alam mo 'yan, Austin."

Tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Doctora Vallero. Malalaman ko? Ang alin? Pati ba ang totoo ay itatago rin nila sa akin? Sa akin mismo na nagdadala ng bata sa sinapupunan ko?

Wala sa sarili kong naikuyom ang aking palad dahil sa narinig. Bakit pati sa akin ay kailangan nilang itago ang kung ano mang bagay na iyon?

Alam kong wala akong magiging karapatan sa bata sa panahong isilang ko siya pero hanggang nasa sinapupunan ko ang batang 'to, may responsibilidad at karapatan pa rin ako sa batang ito. Kahit hindi man ako ang nanay niya sa dugo, nasa sinapupunan ko pa rin siya ngayon kaya't hanggang nasa akin siya, nasa akin pa rin ang responsibilidad ko bilang panandaliang ina.

"Alam mo rin naman na hindi puwedeng malaman ni Lyana kahit na ano man ang mangyari. Kahit magkapatayan pa, hindi niya maaaring malaman ang lahat dahil mas lalo lang magkakagulo ang lahat," sambit ni Doctor Del Rios pabalik sa sinabi ni Doctora Vallero.

Napalunok ako. Magkakagulo? Bakit?

Muli kong narinig ang malakas na pagbuntong hininga ni Doctora Vallero sa loob. "Exactly! Magkakagulo lahat kapag nalaman nila kaya't ayusin niyo 'to!"

"Inaayos na nga, 'di ba?" Bakas ang pagka-inis sa boses ni Doctor Del Rios kaya't agad na nagtagpo ang aking dalawang kilay.

Ano ba kasi ang pinag-aawayan nilang dalawa?

"Austin, kung ano man ang sinasabi mong solusyon, hindi iyan ang tamang solusyon. Kapag nalaman nila ang totoo, sino bang masisisi? Ako! They will blame me for all of this for pete sake! Baka nga matanggalan pa ako ng lisensya kapag nagkataon!"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig. Si Doctora Vallero… matatanggalan ng lisensya? Ganoon ba talaga katindi ang problema? Mas lalo akong kinabahan kaya't wala sa sarili kong sinapo ang aking tiyan. May masama bang nangyari sa baby? Pero wala naman akong nararamdaman na masama… maayos naman ang pagbubuntis ko, ah?

"I know. Kaya nga sinasabi nating itago nalang natin ang lahat. Tayong dalawa lang ang makakaalam ng lahat ng ito, Doctora Vallero. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita ilalaglag. Sa oras na ilaglag kita sa kanila, pati ako madaramay. Hindi ako papayag na mawalan ng lisensiya dahil lang sa simpleng pagkakamali---"

"Simple?!" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Doctpra Vallero. Ngayon ko lamang siya narinig na magtaas ng boses nang ganoong kalakas kaya't mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Austin, this is not a simple problem! Are you fucking out of your mind, huh? Nag-iisip ka ba? Sa tingin mo simpleng pagkakamali lang ang lahat? No, it's not!" dagdag niya pa.

"Magiging simple ang lahat kung wala tayong pagsasabihan," kalmadong sambit ni Doctor Del Rios. "Hindi ko hahayaang mawalan ka ng lisensya at hindi rin puwedeng mawalan ako ng lisensya. Magkakampi tayo rito, naiintindihan mo ba? We just have to keep quiet and everything will go according to their plan. That's it. Walang makakaalam kahit sino."

"Paano kung sakaling may makaalam, huh? Paano kapag nalaman ng pinsan ko? Ng asawa niya? Magiging magulo ang lahat, Austin—"

"Kaya nga hindi natin sasabihin para hind imaging magulo!" Muli akong napaigtad nang pati si Doctor Del Rios ay magtaas na rin ng boses. Malakas siyang bumuntong hininga na animo'y pinapakalma ang sarili. "I'm sorry for shouting. I'm just pissed."

"Anong gagawin natin? Austin, everything was so perfect! Ayos na ayos ang lahat at wala tayong kahit ni isang pinroblema tapos ngayon, sasabihin mo na una palang, may problema na pala? God! Pakiramdam ko ay mababaliw ako dahil sa kapalpakan mo."

Mas lalo akong kinain ng kuryosidad dahil sa sinabi ni Doctora Vallero. Una pa lamang ay palpak na? Sa paanong paraan?

"I just found out recently, too. I was hesitant to do the test but…"

"Then we should have did that earlier so we can abort the child!"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi ni Doctora Vallero. Abort the child… Wala sa sarili akong napahawak sa aking tiyan. Gusto nilang ipalaglag ang bata?!

"Alam mo rin naman siguro na hindi papayag si Lyana kapag sinabi mo iyan." Malakas na bumuntong hininga si Doctor Del Rios matapos sabihin iyon kay Doctora Vallero.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi habang nakahawak sa aking malaking tiyan. Bakit naman nila gugustuhing i-abort ko ang bata? Nagpakahirap akong magturok nang magturok ng kung ano-ano para lang masigurong mailalagay nang maayos ang embryo sa loob ng tiyan ko at maipagbuntis ang anak ng mag-asawang iyon tapos… gusto nilang ipa-abort?

At isa pa, napakalaki na rin ang perang ginastos nila sa akin. Ano 'yon, nag-aaksaya lang sila ng pera, ganoon ba? Anong gagawin ko, ibabalik ko sa kanila lahat?

Higit sa lahat, hindi ako papayag na ipa-abort ang bata. Hindi ko man siya anak pero alam kong may buhay ito. ALam kong choice naman ng babae kung magpapa-abort ba o hindi pero wala akong ibang choice kung hindi ang hindi ko ipa-abort ang bata.

Namatay na ang anak ko nang dahil sa akin kaya't hindi na ako papayag na may mawalan na naman ng buhay dahil sa kapabayaan ko. Hindi ako papayag.

"And what? She's already seven months pregnant, Austin. There's no way that she could abort the child anymore. We can't also produce another one. Naghihintay na ang pinsan ko ng bata!"

"Then give him the child. Anak niya rin naman ang batang iyon."

Mas lalong nagtagpo ang aking kilay dahil sa sinabi ni Doctor Del Rios. Kung anak naman pala ng pinsan ni Doctora Vallero ang bata, ano naman ang pinoproblema nila? Wala naman pala silang dapat na ika-problema—

"That child is his child but it doesn't belong to his wife!" Natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sigaw ni Doctora Vallero. Nanginginig ang boses niya marahil ay dahil sa labis na galit. "Paano kapag nalaman ng asawa niya na hindi naman pala sa kaniya ang bata, ha?"

Ilang beses akong napakurap dahil hindi ko maintindahan ang sinabi ni Doctora Vallero. Hindi ang asawa ng pinsan niya ang nanay ng bata? Kung hindi siya, e 'di sino? Kaninong egg cell ang ginamit nila? Sino ang nanay ng bata?

"Problemahin mo nalang kapag nalaman na nila."

"Austin, nag-iisip ka ba o sadyang tanga ka lang? Kung hindi naman kasi tanga ang kinuha mong intern, e 'di hindi na tayo magkakaproblema ng ganito. Dalawa lang ang vial na may egg cell na naroon—sa asawa lang ng pinsan ko at kay Lyana. May pangalan pa! Kaya paanong nagkamali siya ng kuha?! No wonder Lyana got pregnant that easy!"

Muntik nang lumaglag ang panga ko sa sahig nang mapagtanto kung ano ang ibig nilang sabihin. Dalawang egg cell lang ang naroon. Sa akin at sa asawa ng pinsan ni Doctora Vallero. Kaya kung hindi ang asawa ng pinsan ni Doctor Vallero ang ina ng bata, ibig sabihin…

"Hindi naman malalaman ni Lyana na nagkapalit ang egg cell nila ng asawa ng pinsan mo. As long as hindi niya malalaman na siya pala ang totoong nanay ng bata, wala tayong dapat na ikapag-alala. We'll keep this a secret from everyone, all right?"