Chereads / Beloved Night / Chapter 2 - Kasaysayan

Chapter 2 - Kasaysayan

.....

Taong Dalawang daan siyamnapu sa kalendaryo ng Emperyo. (Year 290 in Solar Calendar).

Nang ipatupad ng mga Hari sa buong kontinente ng Sefhar ang "The Last Witch Hunts".

Na syang kumitil sa mga buhay ng nakakarami, di lamang sa mga lahi ng Witch maging sa mga taong nadamay sa digmaan.

Isang kalagim-lagim na Digmaan sa pagitan ng mga Tao -Witch Hunters- at ng mga Witch.

Na umabot ng dalawang taon at siyam na buwan bago tuluyang magupi ng mga Witch Hunters ang lahi ng mga Witches.

At sa taong dalawang daan siyamnaput tatlo, nang maitala sa kasaysayan ng mundo ang pagkalupig ng lahi ng mga ito.

Akala ng lahat na babalik na muli ang kapayapaan sa mundo sa oras na magapi na nila ang mga tinatawag nilang 'salot'..sa mundong ibabaw, na tumutukoy sa mga Witches.

Ngunit iyon ang inaakala ng mga namumunong mga hari sa kontinente ng Sefhar.

Nang sampung taon ang lumipas, taong Tatlong daan tatlo (Year 303 in Solar Calendar)... nang magsimulang maghasik ng digmaan ang lahi ng mga Bampira sa mga Mortal, sa pamumuno ng bagong Hari ng mga Bampira.

At sa hindi inaasahan na syang magliligtas pala sa lahi ng mga tao mula sa makapangyarihang mga Vampire.

Ay ang nag-iisang Witch na siyang sukdulang kinasusuklaman ng lahat ng mga mortal.

Dahil, mula sa isang maliit na bayan ng Selgon, na syang nakakasakop sa kagubatan ng Laviste..

Ay naninirahan ang kaisa-isang Witch na nagtataglay ng mala apoy na kulay na buhok na syang pagkakakilanlan ng mga lahi nito.

Isang White Witch na nagngangalang Aria Crostt- na syang naaayon sa kasaysayan ng mundo ng Matthiassa ay siyang Witch na makapagbibigay ng panibagong pag-asa sa lahi ng mga Witches at siyang magliligtas sa buong mundo sa kamay ng Hari ng mga Vampire na magtatangkang lipunin ang lahat ng lahi ng mga mortal.

...