Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Perks of Marrying Dr. Lopez

Larizza_Meili_Che
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.6k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

"You may now kiss the bride." Napatingin ako sa babae na nasa aking harapan, walang ka rea-reaksyon ang mukha niyang tumitingin sa akin, tila ba'y tutol siya sa kasalang nagaganap saamin ngayon. Bahagya akong lumapit sa mukha niya ngunit napahinto ako nang makita kong umatras sya.

"Okay, it's dooone!" Masiglang wika niya sabay kuha ng belo sa kanyang buhok at hinubad ang gown na suot suot. Agad agad siyang lumakad palayo na para bang walang kasalang nangyayari.

"Yana!" Pasigaw na tawag ko sa kanya, ngunit hindi siya lumingon at nagpatuloy parin sa paglalakad. "Yana sandali" mabilis akong tumakbo para kausapin siya.

"Sandali." Bigla kong hinawakan ang braso niya at humarap naman siya sa akin. Bakas sa mukha niya na naghihintay siya sa anumang sasabihin ko

"Salamat pala kasi pinakasalan mo ako kahit sa Marriage Booth lang." Ngiting saad ko sa kaniya. "Ok" maiksing sagot niya saakin.

"Hwag ka mag alala, sa susunod sa totoong simbahan na." Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya ngunit tinabig niya ito at tumawa siya ng malakas.

" Ano sa tingin mo? May gusto ako sayo dahil pinakasalan kita? Tignan mo nga itsura mo? You're such a nerd na may tigidig. Stupid!" Nagtawanan ang mga taong nakapaligid saamin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga pinagsasabi ni yana

"P-Pero bakit mo ako pinakasalan sa Marriage Booth?" Mahinang tanong ko. She smirked

Unti unti syang lumapit sa akin at bahagya siyang ngumiti, alam kong puno ng kaplastikan ang ngiting namumutawi sa mga labi niya.

" Kahit papaano, gusto kitang pagbigyan kasi naman, ikaw ang gumagawa ng projects ko, ikaw gumagawa ng assignments ko, pinapakopya mo pa ako tuwing quiz natin and im just returning the favor, pero hanggang doon lang iyon" tinapik tapik niya ang aking balikat, napa awang ang bibig ko, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Aalis na sana siya ngunit nilapitan siya ng isang kaklase namin. "Yanaa. Pirmahan mo muna itong attendance sheet. "Sabay abot niya ng kapirasong papel. "Attendance Sheet?" Naguguluhang tanong ni yana habang hawak hawak ang papel na inabot sa kanya.

"Oo, pirmahan mo na yan nagpapatunay lang yan na kay Rebreb ka lang dapat ikasal." Nakangiting saad ng kaklase namin sabay abot ng ballpen.

She rolled her eyes.. "Fine, One weird nerd is enough, Here!" Pagkatapos niyang pirmahan ay agad agad na siyang umalis.

Hindi ko akalaing ginamit lang ako ni Yana. Sobrang sama ng ugali niya. Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Galit na galit ako sa sarili ko, hiniyaan ko lang siyang gamitin ako.

"Oh yan. Ikaw din, pirmahan mo din yan." Sabay niyang abot ng papel na binigay niya kay Yana kanina. Agad kong pinirmahan ang papel at tsaka umalis.

Hindi ko yata kayang pumasok sa subject namin ngayon. Gusto ko nang umuwi.

"Rebreb!! Sandali" pinunasan ko ang luha ko at tamad akong lumingon sa kaniya.

"Nako Rebreb, heto pala ang attendance sheet. Marriage Contract tuloy ang napapirmahan ko sainyo."

"ANO?!"