Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 7 - Chapter 7: He is Mad

Chapter 7 - Chapter 7: He is Mad

Dalawang linggong nang lumipas mula noong magdate kami ni Greige at nakabalik dito sa bahay. Nabigyan muli ako ng time para makausap si Zen at Gin sa skype. Naipagpatuloy ko na rin ang naiwang trabaho ni Athena dito sa kanyang mini-office bago maaksidente.

Nakilala ko rin ang kanyang secretary na si Tery. Medyo may pagkamadaldal ang isang ito pero masipag naman siya sa trabaho at masarap din namang kasama.

"Alam niyo po Ma'am kahit two weeks pa lang tayo nagkakilala, magaan na ang loob ko sa inyo." sabi nito habang nakatitig pa rin siya sa monitor. "Mas gusto kita maging lady boss kaysa sa kanya."

Hanggang ngayon nahihirapan at nalilito pa rin siya sa pagbanggit ng tamang pangalan. Sinabihan siya nila Mom and Dad na maging maingat sa salitang bibitawan niya. Kaya heto, hirap na hirap siya.

"Why?" Habang nagta-type din sa computer.

"Madali po kasi kayo pakisamahan, understanding saka mabait kaysa sa--kanya!" Tumigil muna ako saglit sa aking ginagawa at tumitig kay Terylene.

"Gano'n naman talaga eh ang magkambal hindi magkatulad ng ugali." paliwanag ko sa kanya habang siya nakanguso na ngayon habang nakatutok pa rin sa monitor.

"Kaya nga po mas bet ko kayo kaysa sa kanya." dagdag pa niya.

Mga ilang segundo napadako ang aking paningin sa suot kong relos.

Napatayo ako sa kinauupuan at napansin din niya ito, "Bakit po, Ma'am?"

"Dito ka muna. Mayroon lang akong pupuntahan saglit." agara kong sagot.

Napansin ko ang expression ng mukha niya---nakangisi lang ito.

"Pupuntahan mo si Sir Greige noh?" pang-aasar niya pa. "Na-missed mo kaagad."

Usisera din talaga ang isang 'to. Sa halip na sumagot, naglakad na lang ako palabas ng office at nagpaalam na sa kanya.

"Sige Ma'am ingat po kayo." dinig kong sigaw niya saka na ako tumungo sa kusina para kunin iyong pagkain na kakainin ni Greige ngayong lunch.

Naabutan ko rin si Yaya Helena habang abala na ito sa paglalatag ng pagkain sa mesa. Kaagad niyang napansin nang magsalita ako

"Hahatiran ko po muna si Greige ng lunch niya." bungad ko habang kumukuha na ng dalawang lunchbox sa pinaglalagyanan nito sa bandang itaas.

"Bakit hindi ka muna kumain, iha? Baka malipasan ka ng gutom niyan." Napangiti ako pero isinantabi ko muna iyong sinabi ni Yaya.

Kailangan ko kasing mahatiran ng pagkain si Greige. Ganito naman talaga ang ginagawa ng isang girlfriend-- ang alagaan ang kanyang boyfriend. Kung di man ito ginagawa ni Athena noon, ako na lang ang gagawa dahil tutal gusto ko rin makuha ang loob ni kolokoy. Gusto kong mas kamahal-mahal ang kakambal ko para sa kanya saka para di halatang nagpapanggap lang ako bilang siya.

"Sabay na lang po kami sa office niya kakain nito." paliwanag ko at napatango-tango na lang si Yaya Helena.

Kaya tinulungan na niya ako kaagad maglagay ng pagkain sa lunchbox para mapadali ito. Maya't maya nagpasalamat ako sa kanya saka nagmadaling lumabas ng bahay.

Kasalukuyan na akong nagmamaneho ng sasakyan habang nakikinig ng music. Biglang nagplay ang isang pamilyar na kanta. Napakunot ang aking noo nang napakinggan ang bungad nito.

No More Rhymes ni Debbie Gibson.

Naalala ko tuloy ang eksena nang pagtitinginan namin ni Greige noong mga nagdaaang araw. Napahugot ako ng hininga at nagfocus lang ulit sa pagmamaneho.

Pagpasok ko pa lang ng building binati kaagad ako ng Manong sekyu at ganoon din ako sa lumapit sa receptionist ng opisina nila.

"Can I talk to Mr. Wexford Greige Escorial?" agad kong sabi saka may tinawagan siya sa telepono saglit. "Pakisabi girlfriend niya 'to."

Mga ilang segundo lumingon siya ulit sa akin, "Sure Ma'am Athena. You can see now Sir Greige on his office."

Nagpasalamat ako at nagmadaling sumakay ng elevator. Nang makarating na sa 5th floor kaagad akong humakbang at hinanap ang office ni kolokoy.

Maraming empleyado ng kumpanya ang nakaagaw ng aking atensyon habang naglalakad. Nginitian ko lang sila lahat ng pilit para di masabing suplada ako saka kumatok muna sa pintuan bago pumasok.

Walang sumagot kaya binuksan ko na pintuan ng hindi na hinintay pa ang kanyang permiso.

"What are you doing here?" Iyon kaagad ang bumungad sa akin.

Wala man lang kaunting lambing. Kaya hirap akong tansahin ang mood ng isang 'to. Hindi ko alam kung kailan siya magiging tiger mode at kailan naman 'yong sheep mode.

Sa halip na sabayan ang pagiging bad mood niya, nilatagan ko na lang siya ng pagkain na hinanda ni Yaya Helena. Tiyak kong mawawala ang busangot ng isang 'to.

"Heto nagdala ako ng lunch mo para di ka na nag-abala pang lumabas ng office dahil sobrang busy ka ngayon." Habang inaayos ko na ang table at ang mga pagkain.

"I didn't tell you to come here and bring me some food." Malamig niyang tugon na dahilan nawala ang ngiti ko sa mga labi.

*Ano nanaman ba problema niya?* Naiinis kong tanong sa isipan ko. Mas iba itong reaksyon niya ngayon kumpara sa dati.

Sa halip na makipagtalo, pinagpatuloy ko na lang ulit ang pag-aalis ng kalat sa mesa para makakain na.

"Huwag ka na pabebe diyan. Hinatiran na kita ng pagkain para di ka na maabala pa sa ginagawa mo." muli kong saad sa kanya.

"Leave me alone. Di ko kailangan ng concern mo." Mapait pa niyang tugon subalit nakiusap pa rin ako sa kanya.

"Mabuti pa kumain na tayo. Masarap pa naman itong niluto ni Yaya oh." pagpupumilit ko pa rin baka sakaling magbago ang mood niya subalit bigo pa rin.

"I said leave me alone!" Sabay turo niya sa akin ng pintuan para lumabas.

Kaunti na lang bubuhos na ang luha ko sa mga mata. Di ko alam pero nasasaktan ako sa ganitong cold treatment niya sa akin na di malaman ang tunay na dahilan.

Napapikit siya at magsasalita pa sana ulit nang tinalikuran ko na siya at iniwanan na lang ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Hindi ko na kayang marinig pa ang sasabihin niya baka tuluyan lang pumatak ang luha ko sa kanyang harapan at magmukha lang ako kawawa.

Naglakad ako nang mabilis papalayo sa kanyang opisina. Pinunasan ko muna ang natulong luha sa mata bago muling naglakad patungong elevator.

Nakarating ako ng bahay at di ko gaano pinahalata sa kanila na umiyak ako dahil nagmadali akong pumasok ng kwarto saka nag-message kay Tery na siya muna bahala sa office. Nagdahilan akong di mabuti ang aking pakiramdam pero ang totoo, ayaw ko ipakita sa kanila na nagkaroon kami ng misunderstanding ni Greige.

Nagising ako nang may kumatok sa aking kwarto. Si Terylene. Pinapasok ko siya kaagad habang may dala siyang tray na may pagkain.

Nagising ako sa isang tawag sa phone at nakita kong pangalan ni Ginger ang nakarehistro rito. Inayos ko muna sandali ang sarili, nagsuklay ng buhok at naglagay ng pulbos sa mukha.

*Gin: What happened to you bez? Bakit namumula mga mata mo? Umiyak ka ba?*

*Me: Mangako kang walang pagsasabihan nito kahit kanino lalo na kay Zen.*

*(Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig kaya napakunot ang noo ka sa reaksyon niya)*

*Gin: Don't tell me na...*

*(Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya dahil alam ko na kung ano pumapasok sa isip ng kaibigan ko)*

*Me: Huwag kang green-minded. Hindi ako buntis.*

*(Inirapan ko siya pagkatapos. Ang advance niya talaga mag-isip)*

*Gin: Ano nga ba kasi nangyari na bakit umiyak ka?*

*(Pinikit ko muna ang mga mata bago nagsalita muli)*

*Naikwento ko ang nangyari. Syempre sobrang na-frustrate siya. Hindi nga niya raw maintindihan ang ugali ng isang iyon.*

*Gin: Ang lakas naman palang topak ng syota ng kapatid mo.*

*Me: Sinabi mo pa.*

*Gin: Bakit hindi ka na lang umalis diyan at bumalik ka na rito. Sobrang missed ka na namin.*

*Me: Bez, alam mo naman ang situation ng kumpanya saka kapag umalis ako, mas mahahalata lalo. Nakakontrata kami sa kumpanya nila Greige. Nakapirma ako roon kasama ang parents ko, siya pati mga magulang niya. Mas lalong magkakaroon ng problema.*

*(Napabuntong-hininga si bez sa naging paliwanag ko. Ramdam ko ang pag-alalala niya sa akin pero kailangan ko ito gawin)*

*Gin: Naiipit ka tuloy sa sitwasyon na 'yan, bez. Kasalanan ng kapatid mo kasi.*

*(Sinisisi ko pa rin nga kay Athena ang nangyayari kundi dahil sa kanya wala ako rito)*

*Me: Huwag kang mag-alala sa akin, Gin. Kaya ko naman 'to masasanay lang din ako. Umaasang magigising na si Athena at makakabalik na ako diyan.*

Naging mahaba pa ang kwentuhan namin ng best friend ko. Nariyan 'yong nagda-dramahan kami pareho pero ayos lang kahit papaano eh nailabas ko lahat at naging ok ulit ako.

Naligo muna ako saka balak tawagan si Zen para kamustahin siya ulit. Sobrang missed ko na talaga siya. Gustung-gusto ko na muli siya makasama ulit katulad ng dati pero di ko alam kung kailan pa.

Nagsimula kaming bumati sa isa't isa. Halatang sumaya siya nang makita niya ako ulit.

Zen: Kamusta?

Me: Ayos lang, ikaw?

Zen: Heto medyo na-stress sa trabaho. Wala ka kasi.

(Napangiti naman ako)

Me: Hayaan mo kapag nagising na si Athena, babalik kaagad ako diyan.

Zen: Sana nga dahil sobrang miss na miss na kita, wifey. Araw-araw at gabi-gabi ikaw lang nasa isip ko. Ikaw 'yong nagbibigay inspirasyon sa akin kaya kahit nakakapagod ang trabaho nagiging malakas pa rin ako.

Me: Nami-missed din kita sobra.

(Medyo naluluha na ako pero di ko pinahalata sa kanya dahil ayaw kong nakikita siyang nalulungkot)

Zen: Virtual hug nga saka kiss sa cheeks.

(Biglang uminit ang pisngi ko sa binanggit niya)

Me: Ang sweet.

Zen: Sana wifey ako pa rin mamahalin mo pagdating ng panahon na makabalik ka na.

(Bigla napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Naging feeling guilty tuloy ako dahil nagawa kong maglihim na sa kanya. Nasasaktan sa tuwing naiisip ko 'yon. Pinilit ko pa rin maging kalmado sa harap niya)

Me: Ano pinagsasabi mo Zen?

(Nagmamaang-maangan ko na lang na tanong)

Zen: Sinasabi ko lang ang possibilidad na mangyayari. Di ba naging strangers din tayo sa isa't isa naging magkaibigan hanggang sa nahulog ang loob natin?

Me: Hubby naman. Huwag mo sabihin 'yan. Magkaiba iyong sa atin at iyong ngayon.

Zen: Sana nga magkamali ako ng assumptions sa mangyayari kasi di ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko, Althaea kasi ganoon kita kamahal.

Me: Impossible 'yang mangyari, hubby. Ikaw pa rin ang pipiliin ko, promise!

Zen: Huwag ka na munang mangako wifey masakit 'yong mag-e-expect ako...

Biglang naputol ang kanyang sasabihin nang may tumawag sa pangalan niya. Katrabaho ata ni Zen 'yon.

Zen: Sige wifey ingat ka na lang diyan.

(Nginitian niya ako sabay pagpapaalam namin sa isa't isa)

Humiga ako sa kama upang isipin ulit ang mga nangyari at nangyayari. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko sa mata. Hindi ko na mapigilan. Sobrang bigat na.

Natatakot ako sa mga possibleng mangyari ang malaman tungkol sa aking pagpapanggap, mahulog ang loob ko sa lalaking 'yon at masaktan ko si Zen nang lubusan. Parang di ko na alam ang gagawin kapag nangyari 'yan. Iniisip ko pa lang nanghihina na ako paano kung mangyari pa.

Bumababa ako ng kwarto at nakasalubong ko sa sala si Terylene at kaagad niya akong nilapitan.

"Ma'am, ayos na po kayo?" Nag-aalalang tanong niya. Napatango lang ako bilang tugon. "Oh nga po pala, heto yung USB. Iaabot ko na sana 'yan sa kwarto kaso nakita kong nakababa ka na pala." Sabay abot niya sa akin ng Ultra Serial Bus at nilagay ko muna siya sa bulsa ng aking pantalon.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Halika, magmerienda ka muna bago umuwi sa inyo." Pagyaya ko sa kanya saka dumako na rin patungong kusina at sumunod naman siya.

"Sige po, Ma'am tutal nagugutom na rin ako." sagot niya.

Pinaupo ko siya at kinuhanan ng pagkain.

"Di po kayo kakain?" Nagtatakang-tanong niya.

"Kumain na ako." Inabot ko sa kanya ang tinimplang kape.

"Kamusta po pala pag-uusap ni Sir Greige."

Sa tanong niyang 'yon, natigilan ako at mabilis na nagbago ang mood ko. Ewan ko masyado akong nasaktan sa mga sinabi niya sa akin at pagbabalewala. Di ko alam ang dahilan kung bakit siya galit sa akin. Wala akong naisip na bagay na nagawa kong mali para umabot siya sa gano'n na parang itrato niya akong trapo sa harap niya.

Nag-effort pa naman akong hatirin siya ng pagkain tapos ganito lang. Nakakadismaya di ba? Pero di ko sinabi kay Terylene ang nangyari.

"Ayos naman. Sobrang busy niya nga eh halos di makaalis sa pwesto niya." Pagsisinungaling ko na lang at kaagad naman siyang naniwala na ikinaluwag ng aking paghinga.