Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter 6: The Stranger Guy

Chapter 6 - Chapter 6: The Stranger Guy

Napamulat ako ng aking mga mata dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto ng kwarto. Bumangon ako kaagad upang pagbuksan ito.

Naalis ang nararamdamang antok dahil sa isang pamilyar na bulto, wala ng iba kundi si kolokoy.

Padabog ko siyang sinagot kasabay ng pagkamot sa aking ulo, "Bakit ba? Ang aga-aga eh nang-iistorbo ka!"

"Take a bath and prepare yourself. We are going somewhere." seryosong saad niya at napakurap-kurap naman ako ng aking mga mata.

"Saan?" Tanong ko subalit hindi niya sinagot at tinalikuran na lang ako.

Lumingon siya saglit na tila may pahabol pa siyang sasabihin, "Just do what I've said. You have several minutes to prepare. I will wait for you in the living room. Do you understand?"

Wow! Sobrang bossy naman ng isang ito. Hindi naman niya ako alila o utusan para sumunod sa kanya kaagad.

May sasabihin pa sana ako pero kaagad na siyang naglakad palayo. Tignan mo, hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to. Minsan ang sungit niya tapos bigla na lang siyang magiging sweet.

Sinarado ko na ang pintuan ng kwarto saka naghanda ng aking susuotin at dumiretso na kaagad ako ng banyo at naligo.

Kailangan ko gayahin kung paano manamit si Athena kapag may date sila, yung paraan ng paglalagay ng make-up sa mukha pati ng lipstick. Hindi siya gumagamit ng pula at kulay pink ang madalas na kanyang gamitin.

Habang abala sa pag-aayos ng sarili bigla na nanaman muling may kumatok sa pinto. Tinanong ko muna kung sino.

"Pinabibilin po ni Sir Greige, pakidala niyo na raw po 'yong mga gamit niyo para raw hindi na kayo bumalik pa. Ihahatid na niya kayo diretso sa bahay niyo pagkatapos ng inyong lakad." saad nito sa labas ng kwarto.

"Sige." Maikling tugon ko lang at wala na rin akong narinig na nagsalita pa.

Laking tuwa ko na rin na makakauwi na rin sa bahay. Sobrang hirap na ako sa pinagagawa kong pagpapanggap kahit kilala at kapatid ko pa ang aking ginagaya. Sobrang hirap pa rin.

Lumabas ako ng silid dala aking gamit at kaagad namang bumungad sa akin si kolokoy.

Akala ko ba'y hihintayin na lang niya ako sa salas. Maya-maya pa dali-dali niyang kinuha sa akin ang bag saka naglakad na pababa ng hagdan.

Ngayon sweet at caring nanaman siya. Sumunod na rin ako sa kanya habang di naaalis ang ngiti ko sa labi at natigilan ako nang mapansin niya 'yon.

"Why are you smiling?" Tinititigan ko lang siya ng nakakalitong tingin.

"Nothing." Nakangising sagot ko.

"So nababaliw ka na ata. Ngumingiti ng walang dahilan, tzk." sabi niya saka naglakad na rin siya palabas ng mansion. Sinimangutan ko siya at inunahan maglakad papasok ng kotse.

Pagpasok ko pa lang ng kotse, bumungad sa akin ang isang new driver ni Greige. Mukhang mas bata ito ngayon kaysa iyong naghatid sa amin patungong resort.

Binati niya akong good morning at ganoon din ako. "Ako nga pala si Mr. Damian Pacheco, ang bagong driver ni Sir Greige." Nakangiting pagpapakilala niya.

"Nice to meet you." Napatango lang siya pagkatapos.

"Ang ganda niyo naman Ma'am Athena kaya hindi na ako magtataka..." Natigil siya sa pagsasalita nang biglang sumingit sa amin si kolokoy na nakakunot nanaman ang kanyang noo.

Napakabilis talaga magbago ng mood niya. "Ahm, let's go? Para mahaba ang oras ng date namin ni mi cielo." sabi niya lang at sumunod kaagad sa kanya ang driver nito.

Hindi ko alam kung bakit nagustuhan pa siya ni Athena. Pabagu-bago ang kanyang mood. Kailangan timplahin mo muna siya, hays.

Nakarating na rin kami sa pupuntahin namin. Mall. For sure, magsa-shopping lang naman kami dito na usually ginagawa nila ni kambal noon.

Nagpark sila muna ng sasakyan saka na kami bumaba ng kotse. Inakbayan niya pa ako papasok ng mall hanggang sa dumiretso kami sa isang botique dito.

Maraming magagandang display na damit dito at mukhang mamahalin rin, natatanging mga tulad lang namin ang afford makabili ng mga ito.

"You can buy anything you want." bulong niya habang naglalakad kami patungo sa female garment section. "But don't talk to my driver unless it is neeed." dagdag niya pa na dahilan upang matigilan ako.

Hindi ko akalain na napaka-possesive din pala ng lalaking 'to. Akala ko nga si Athena lang. Kaya naman hindi sila magkakasundo pareho nito.

"What did you say?" Paglilinaw kong tanong. Ngumisi ako, "Pati ba naman iyong driver pinagseselon mo pa? Baliw ka na ata, tzk". sarkastikong saad ko.

Iniwan na niya ako sa female garment section at pumunta siya sa male garment section. Nadako ang aking paningin sa isang blouse at nalipat ang paningin ko sa iba. Kailangan ko pa rin kasi maging maingat sa aking mga kilos. Hindi ko pwede masunod ang gusto ngayon. Kailangan ko pang matiis.

Kinuha ko ang paboritong style ni Athena saka narinig ko siyang nagsalita, "Iyan lang ba bibilhin mo?" Tanong niya sa akin nang makita niyang dalawang dresses lang pinili ko. Nakakahiya naman kasi na hakot lang hakot ako ng mga gusto ko pero ibang pera ang gagamitin.

Nginitian ko lang siya ng pilit, "Hindi naman. May kukunin pa ako." Napatango-tango lang siya saka naglakad muli siya palibot.

Ilang minutong lumipas tapos na rin ako at diresto na rin sa counter kasama siya. Pagkatapos, lumabas na rin kami at hatak-hatak niya ako habang dala ang mga pinamili namin.

Naglalakad-lakad na kami nang biglang tumunog ako cellphone ni kolokoy at mabilis niya itong kinuha sa bulsa.

"Hello?" tugon niya.

Mga ilang sandali pa ay natapos ang kanilang usapan. Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa aking mga braso.

"Can I leave you here first? May tumawag kasi sa akin na taga-opisina. Nagkaroon kasi ng problem ngayon." sabi niya pero wala akong sagot.

For real? Iiwanan niya ako dito for that sake? Wala ba pwedeng mag-ayos ng problema doon maliban sa kanya? *Wait, self! Kalma ka lang. Bakit masyado kang affected. Di naman ikaw ang girlfriend, nagpapanggap ka lang.*

"Text or call me if you need help. Kita na lang tayo mamaya sa parking lot. Message mo rin ako kapag uuwi ka na." Bilin niya sa akin at napatango na lang ako at di na tumanggi pa.

Hinalikan niya ako sa noo bago naglakad palayo sa akin. Medyo nakakainis lang kasi siya nagyaya tapos iiwanan lang pala niya ako.

Mahigit isang oras na akong naglalakad sa mall kaya nakaramdam ako ng pangangalay at naisipang maupo sa isang bench. Sakto nakita ko si Kuya driver na palapit sa gawi ko. Gusto ko na kasi ipaiwan na lang sa kotse itong mga pinamili namin.

"Pwede pong pakidala na lang sa kotse. Nangangalay na kasi ako kahahawak ng mga 'yan eh." sabi ko at inabot sa kanya ang mga nasa aking braso.

"No problem, Ma'am. Pinasasabi sa akin ni Sir Greige na kailangan tignan-tignan raw kita dito sa mall." tugon niya.

Natatawang naiinis ako sa lalaking 'yon. Pagkatapos, iwanan niya ako rito mag-isa ngayon uutusan niya yung driver na kinaseselosan niya kanina. Baka may sinabi siya dito ng kung anu-ano.

"Sige, kuya pakihatid na lang mga 'yan doon. Maglalaro muna ako roon." Turo ko sa kanya sa timezone.

"Sige Ma'am dito lang ako. Punta na po kayo roon." kanyang sagot kaya napalingon ako.

"Hindi niyo 'yan dadalhin sa kotse?" Tanong ko naman.

"Mamaya na lang siguro kapag uuwi na po kayo." Tumango lang at di nagsalita pa saka tinungo ang timezone.

Marami akong nilaro, nariyan din iyong nag-try ako sa videoke room. Abala ako sa paglalaro nang biglang may kumausap sa akin. Boses lalaki siya at di pamilyar sa akin.

"Hi, miss. Pwede ba makipagkaibigan?" Dinig kong tanong niya na hindi lumilingon.

"Hey miss! Pansinin mo naman ako..." muli niyang saad. Wala pa rin akong balak lingunin siya at patuloy lang sa paglaro.

"Bakit di namamansin? Suplada naman." saad pa niya dahilan para lingunin na siya.

"What do you want?" Pataray kong tugon. Ayos nahawaan na ako ni kolokoy sa pagsasalita ng Ingles.

Hindi lang kasi ako comfortable mag-English at mas gusto ko ang sariling wika.

Nginisian niya lang ako, "Cool!" kanyang bulong. "I said I want to be friends with you."

"Sorry ah di ako nakikipag-friends sa stranger na kagaya mo." giit ko.

"Grabe naman, Miss. Makikipagkaibigan lang sana 'yong tao eh." reklamo niya. "Anyway, ako nga pala si Mikael." Ilalahad na niya ang kamay nang may biglang sumingit sa pagitan namin.

Nagulat ako sa biglang paglitaw niya dahil sa aking pagkakaalam eh busy siya ngayon. Papaanong nakabalik kaagad siya rito?

"Naka-istorbo ba ako?" kanyang saad na may panlilisik na mga mata.

Halos di ako makagalaw. Masyado akong kinabahan sa itsura niya ngayon. Mas malala pa sa karaniwang mga araw na nakikita at nakakausap siya, para na siya ngayon na isang tigre at anumang oras lalapain na niya kaming dalawa.

Napapailing-iling si Mikael sa aming dalawa ni Greige saka nagsalita.

"Who are you?" Tanong niya kay kolokoy.

Napangisi ng mapait lang ang lalaking nakatayo sa harap ko.

"Who you, too? Bakit ka nakikipag-usap sa girlfriend ko? Don't you know she is my property? And no once can touch her skin and talk to her in a nice way!"

Kahit si Mikael gulat din sa kanya kaya halos hindi siya makapagsalita. Tinignan niya muna ako.

"Sigurado ka ba?" Sarkastikong sagot nito para matakpan ang kaba na nararamdaman niya.

"Do you want some proofs?" May kinuha siyang wallet sa kanyang bulsa at pinakita ang picture naming dalawa na magkasama.

Actually, silang dalawa 'yan ni Athena pa.

"Well, I am sorry. Hindi ko alam. Your girl didn't tell me." Sinimangutan ko siya.

In the first place, siya pa mismo ang lumapit sa akin at paanong ako.

"Ikaw ang unang lumapit." saad ko pero di na siya nakipagtalo pa sa akin saka naglakad nang palayo sa kinaroroonan ko.

Mga ilang sandali pa ay hinatak ako ni Greige palabas ng timezone. Bumitaw ako sa kanyang pagkakahawak. Natigilan din siya.

"I can't believe that you're entertaining other guy when I'm not around, uh. Siguro natagalan pa ako sa office magpapaligaw ka na sa lalaking 'yon." giit niya sa akin.

"Mali ka ng sinasabi, Greige. It's not like that ok?" Paglilinaw ko sa kanya.

"You know him? You set a blind date to that guy?" Napahinga ako nang malalim sa kanyang sinabi.

"Ofcourse not. Siya nga ang unang lumapit sa akin eh. So please itigil natin 'to?"

"Why are you talking to him kung di mo siya kilala?" muli nanaman niyang giit.

"Hindi mo ako naiintindihan. Di ko siya kilala at siya unang lumapit sa akin. That's all." Iniwanan ko na siya nakakapagod makipagtalo. I hate arguments.

Muli niya akong hinatak sa braso at napalingon sa kanya.

"Ano ba, Greige?" Naiinis ko ng sabi sa kanya.

"I don't want to see you talking to another guy." sabi niya lang saka niya ako inakbayan pagkatapos. "It makes me pissed."

Ewan ko bakit he looks cute kapag nagseselos. Wait, what did I say? Hays, lutang na rin siguro isip ko sa nangyari. Si Zen ang tanging lalaki na mamahalin ko lang at wala ng iba. Nangako ako na siya pa rin pagkatapos ng pagtatanggap kong ito.

Nakasakay na rin kami ng kotse. Sa wakas, makakauwi na ng bahay. Sobra na akong nahihirapan sa pinagagawa ko ngayon.

Biglang tumunog ang isang familiar na musika. Habang kinakanta ko siya sa isip biglang nagtama na lang ang tingin namin sa isa't isa kaya umiiwas kaagad ako.

Maya't maya, nakarating na rin kami sa mansion. Madali kong kinuha ang bag at pinamili ko kanina.

"Ako na magdadala nito." Biglang presinta ni Greige kaya hinayaan ko na lang siya.

Dumiretso na rin kami sa aking kwarto, binuksan ko ito at pumasok.

"Thank you." aking saad nang maiabot niya sa akin ang mga pinamili namin kanina.

"You're welcome. Keep safe." tugon niya at bigla akong hinalikan sa kanang pisngi.

"I'll be leaving." sabi niya ng nakangiti at ganoon din ako saka sinara ang pinto ng silid.

Minsan talaga napaka-sweet niya at kung minsan naman napaka-harsh. Hindi ko maintidihan ang ugali. Pero ang napapansin ko lang ngayon parang may pagbabago na siya.

Kinuha ang cellphone sa cabinet at napansing lowbat na ito kaya kaagad kong kinabitan ng charger.

Inayos ko muna ang mga gamit saka nagbihis. Napag-isipan kong kunin muna ang laptop at buksan ito.

Bumungad sa akin ang mukha ni Ginger sa screen.

*Gin: Hi bez musta na? Long time no see. Saan ka ba galing na hindi ka na nakaka-reply sa mga texts ko at tawag?*

*Me: Nagkaroon kami ng five-days vacation ni Greige.*

*Gin: Iyan ba yung girlfriend ng kakambal mo?*

*Me: Oo.*

*Gin: Nag-date pala kayo ah. Di mo man lang pinaalam sa akin.*

*Me: Biglaan kasi pagpunta niya dito sa house at magyaya na mamasyal kami.*

*Gin: Tapos?*

*Me: Ayon, kaagad akong nag-ayos ng mga gamit at wala ng time para makapag-usap pa tayo.*

*Gin: Kaya naman pala. Saka nitong mga nakaraang araw hinahanap ka sa akin ni Zen. Sobrang nami-missed ka na raw niya.*

*Me: Nami-missed ko na rin siya.*

Gin: Bakit siya lang? Di mo rin na ako na-missed? Magtatampo ako niyan.

Tinanong pa niya ako kung kamusta naman ang bakasyon ko kasama ang bf ni Athena.

Me: Ayos lang kaso medyo nakaka-imbyerna ang ugali. May bipolar disorder ata ang isang 'yon eh.

Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa 'first kiss', big deal na masyado 'yon. Mas magandang ako na lang nakakaalam. Actually, dalawang beses na niya ako hinalikan sa lips.

Pinilit kong maging kalmado dahil ayaw kong mahalata pa niya. Maya-maya nagpaalam na muna kami sa isa't isa. Tawagin ko muna raw si Zen.

Kumaway ako sa kanya at ngumiti siya nang napakalapad. Isa 'yan sa sobrang na-missed ko sa kanya. Ang mukha niya na parating nakangiti na kahit minsan puno siya ng kalokohan sa utak. Napaka-friendly kasi niya at approachable kaya halos ng mga katrabaho niya gusto siyang kasama. Napaka-sweet, caring at understanding niyang boyfriend. Sa aming dalawa, siya nagpaparaya. Iyan sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagsasawang mahalin siya.

Zen: Kamusta ka na?

Me: Ayos naman at na-enjoy ang vacation.

Zen: Woah. Sino kasama mo?

Ilang segundong lumipas bago ako makasagot.

Me: Boyfriend ni kambal.

Biglang nawala ang mga ngiti niya sa labi kaya kaagad akong nag-explain.

Me: Nagpapanggap lang ako di ba? Huwag ka magselos sa kanya.

Zen: Pero di ko maiwasan, wifey. Alam mo namang lalaki at ikaw babae. Ano na lang mararamdaman ko kapag may kasama kang iba?

Me: Alright, Zen. Huwag ka na magselos. Ikaw pa rin naman eh. Fake boyfriend ko lang siya at ikaw naman real boyfriend ko.

Zen: Kahit na. Paano kung mahulog ang loob mo sa kanya?

Me: Ano ba pinagsasabi mo, Zen? Impossible 'yang mga iniisip mo.

Zen: Maaaring magkatotoo, wifey at hindi ko na kakayanin pa 'yon.

Me: Hubby, naman eh. Huwag kang magsalita ng ganyan oh.

Zen: Ok, basta ipapangako mong ako lang talaga. Ako pa rin ang babalikan mo pagkatapos nitong iyang pagpapanggap.

Me: I promise that.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya napatitig na lamang sa laptop at napansin kong nakabalik na ito sa dati. Nagulat rin ako nang makalimutan kong tanggalin ang saksak ng phone ko kaya agad ko itong tinignan at binuksan saka bumungad sa akin ang isang katutak na text messages at missed calls ni Gin at ni Zen. Pero yung latest na message sa akin ni hubby ang una ko munang binasa.

Napahaba ang convo namin ni Zen kaya't di ko namalayan na gabi na pala. Kung di pa tumunog ang tiyan ko di ko pa mapapansin na hindi pa pala ako kumakain ng dinner.

Nagpaalam muna ako kay Zen na may gagawin saglit, ang totoo niyan kakain pa lang ako. Ayaw kong sabihin sa kanya baka mag-alala lang siya lalo sa akin kapag nalaman niyang di pa ako kumakain.

Pagkatapos kong maghilamos, bumalik ulit ako sa kama at tinignan ko muna ang cellphone ni kambal. Bumungad sa akin ang isang text ni kolokoy. Nag-i love you lang siya at nag-sweet dream. Wala akong balak replayan siya.

Ang ginawa ko na lang isinilid ang phone ni Athena sa desk table at pinagpatuloy ko pa rin ang pakikipag-usap kay Zen.