Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 5: Chef

Chapter 5 - Chapter 5: Chef

Katatapos lang namin magluto at maghanda ng pagkain ni Yaya Celeste kaya medyo masakit itong likod ko dahil sa pangangalay kaya naupo muna ako saglit. Pinanood ko muna siya habang abala sa pagtitimpla ng inumin.

Lumipas ang limang minuto, napag-isipan ko na ring puntahan si Greige sa mini office niya upang yayain na rin kumain.

Napahinto na lang ako sa paglalakad nang mapansin kong may kausap siya sa cellphone. Lumapit ako ng kaunti upang marinig ang pinag-uusapan nila. Narinig ko ring kausap niya ang mga taga-opisina at tungkol iyon sa trabaho kaya umatras na lang ako at hindi ko na siya nilapitan pa. Tutal hindi rin niya napansin ang presensya ko dahil occupied siya sa kanyang ginagawa at maging sa kanyang kausap.

Bumalik na ulit ako sa kusina at nagtaka si Yaya Celestina kung bakit hindi ko kasama si kolokoy.

"Busy pa po kasi siya at kausap pa yung mga katrabaho niya kaya di ko na lang siya inabala baka magalit pa kasi 'yon sa akin." sabi ko nang malumanay kay Yaya.

"Ganoon na talaga yung si Greige at mabuti pa kumain ka na at huwag mo na siyang hintayin." suwestiyon nito kaya laking tuwa ko na lamang na makakain na ako.

Pagkatapos kong kumain, agad na akong pumanhik sa kwarto at nagsipilyo bago mahiga sa kama.

Nanood muna ako ng mga videos sa youtube at maya maya pa'y nakaramdam na rin ng antok at naipikit na rin aking ang mga

5:00AM pa lang gumising na ako para makapagluto na rin ng almusal hindi na rin kasi ako makakatulog pa dahil nagising na ako sa kalampag sa may bintana, mga pusa lang pala nag-aaway.

"Goodmorning iha, ang aga mo naman ata nagising. Dapat natutulog ka pa." sermon agad sa akin ni Yaya Celestina.

Binati ko rin siya pabalik at nginitian.

Nagtimpla na rin ako ng kape pagkatapos, "Hindi na po kasi ako makatulog buhat makarinig ako ng ingay sa labas ng bintana."

Umupo muna ako sa saka sinumulang humigop ng kape, "Tutulong na lang po ako ulit magluto ng agahan ngayon."

"Nako, Thaea huwag na!" pagtanggi na niya sabay sa pagkaway ng kamay. "Baka magalit si Sir Greige akala niya inuutusan kita niyan."

"Ako na po bahala magpaliwanag sa kanya, Yaya Celestina at hayaan niyo na akong tumulong dito tutal maiinip lang ako doon sa kwarto ko."

Pumayag na rin siya pagkatapos kong sabihin iyon kaya sinimulan ko na rin ang paglabas ng mga pagkain sa frig.

"Sige ikaw ang bahala sa pagprito ng mga iyan ako na lang sa mga pagsaing ng kanin at pagpapakulo ng tubig." sabi niya pa kaya tumungo na siya sa dirty kitchen upang doon na lang niya gagawin ang pagpapakulo ng tubig at pagsaing ng kanin dahil ako raw dito sa stove.

Sa aking pagtutok sa niluluto, nabigla na lang ako nang lumitaw sa kolokoy sa harap ko.

"What are you doing here?" seryoso niyang sabi.

Aga-aga nakabusangot agad.

"Syempre, nagluluto at nakikita mo naman oh." turo ko sa kanya sa mga niluluto ko.

"Sa pagkakaalam ko hindi ka marunong magluto." ngayon binigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti.

Lumunok muna ako ng laway ko bago sumagot.

"Nagpaturo ako kina Yaya Helena at iba pang maids sa bahay noong panahong nasa Amerika ka." pagdadahilan ko na lang dahil actually hindi nga talaga marunong magluto ang kakambal kong niyon.

Alam niyo naman sosyal si Athena at hindi tulad ko.

Nag-iisip pa siya kaya saglit kong nilingon muna ang niluluto ko baka matutong na.

"Ganoon ba? That's good." saka siya napatango at umupo sa silya.

"Titikman ko yang luto mo kung magaling ka na nga talaga."

Sure. Ako pa hehe. Ipapakita ko sayo ito para hindi mo pagtatawanan. Baka mas lalong mainlove ka pa sa akin kapag natikman mo luto ko.

Ano ba itong pinagsasabi ko? Maiiinlove pa siya sa akin? Baliw ka na ata, Thaea.

Ilang minutong lumipas naluto ko na ang agahan namin. Natatakam na rin akong kumain hehe.

Inayos ko na ang hapag kainan.

Nanalangin muna kami bago nagsimulang kumain.

Walang umimik sa aming dalawa pagkatapos kaya sinimulan ko na ring sumubo ng pagkain.

Ilang sandali binasag ni kolokoy ang katahimikan kaya uminom muna ako ng tubig baka mabilaukan ako sa kanyang sasabihin.

"Masarap ang luto mo. I can't believe that you are now excellent in cooking." komento niya saka sumubo ulit ng pagkain.

"Sabi ni Yaya Celeste sa akin." lumingon siya saglit sa matanda pagkatapos sa akin. "Iyong kinain ko kagabi isa doon niluto mo raw." pagpapatuloy niya ng kanyang sasabihin.

Tumango lang ako bilang sagot dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Sa bagay matalino ka naman kaya madali lang sayo matutunan lahat." sabi pa niya.

So isa sa pagiging matalino ni Thena kung bakit mo siya nagustuhan?

Sabagay magaling talaga ang kapatid kong iyon kaya paborito ni Mom and Dad. Samantalang ako average lang kaya parating hindi napapansin ng mga magulang namin.

Kahit sa school noon top 1 siya palagi at parating nakakakuha ng medals samantala hanggang top 15 lang ako kaya binabalewala lang din ako ng parents ko.

Marami ring naging manliligaw ang kakambal kong iyon dahil sa pagiging matalino, maganda at fashionable pa samantala ako old-fashioned dahilan kaya di napapansin ng mga kalalakihan noon.

Manang daw kasi ako.

Oo sobrang magkahawig kami ni Thena pero sobrang magkaiba naman ang ugali namin sa isa't isa. Siya kasi spoiled at may pagkaisip bata dahil sinanay ng ganoon nila Mom samantala ako naging isang independent person at open-minded din sa mga bagay- bagay dahil namuhay na kasi akong mag-isa.

Oo umalis ako noon, kasi hindi ko na kaya yung nakikita at naririnig ko na lagi kaming pinagkukumparang dalawa na parang tingin ko dinadown nila ako at parang di nila ako anak.

"Hey, Thena!" nabalik na lang ako sa ulirat nang tawagin ako ni Greige.

"Ok ka lang? Bigla ka kasi natulala at lalim ng iniisip." dugtong pa niya.

"Ayos lang ako." pilit kong ngumiti sa kanya baka kasi tuluyan akong tumulo ang luha at mag-alala pa ang isang ito.

Narito ako muli ngayon sa garden at tahimik na pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak.

Ang gaganda nila at sisigla.

Dahil sa kanila napawi yung lungkot naramdaman ko kanina at naging ayos na ulit.

Lumapit ako isa sa mga bulaklak saka hinawakan ko ang mga iyon at inaamoy-amoy pa.

Labis ang aking pagkagulat nang biglang may yumakap sa akin sa likod nang mahigpit dahilan upang hindi makahinga at makakilos.

Sinubukang kong kumawala pero iniisip kong nagpapanggap pa pala ako.

"Papaano mo nalaman nandito ako ah?" naiinis na tanong habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Napansin kong medyo lumuluwag na iyong hawak niya sa kaya bumuwelo na ako para kumawala sa kanya.

"Sabi ni Yaya nandito ka raw." sagot niya saka ako hinila sa isang bench.

Bakit ang lalaking ito ang hilig manhatak tapos manggugulat?

"Oh tapos?"

"Pinuntahan kita." pagkatapos tumitig siya ulit sa akin kaya napatigil ako sa aking pwesto.

Hanggang sa unti-unti nang lumapit ang mga mukha namin sa isa't isa hanggang sa nakaramdam ako ng kaba.

Alam kong mauulit nanaman ang nangyari sa hotel. Omg!

Napaatras ako ng bahagya pero palapit pa rin siya ng palapit sa akin hanggang sa hinawakan na niya ang baba ko upang mas lumapit pa ang mukha namin sa isa't isa.

Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang halikan ako. I have no choice lalo pa kung nagpapanggap pa rin ako bilang si Athena.

Pumikit na lang din ako nang naramdaman ko na lang na dumampi ang mga labi niya sa labi ko. Mababaw lang ang halik pero may katagalan.

After we kissed, he touched my hands as we walked inside our house.

Dumiretso na rin ako sa kwarto pagkatapos ang nangyari at napaisip sa eksena namin kanina.

Sa totoo lang wala naman epekto sa aking yung kiss niya, wala akong naramdamang spark o kilig. Ordinary lang na pangyayari.

Naalala ko pa pagkatapos niya akong halikan sa labi nakita ko siyang ngumiti isang kakaibang ngiti na hindi ko pa nakikita sa kanya noong nasa resort pa kami. Parang napakasincere ang dating ng ngiti niya sa akin na hindi ko alam ang dahilan.

Kaya heto nakahiga nanaman ako at napatitig sa kisame. Hindi namalayan mag-aalas diyes na pala ng gabiat biglang pumasok sa isip kong maligo.

Dali-dali naman akong kumuha ng damit sa maleta at pumasok sa banyo.

Pagkatapos kong magbihis lumabas muna ako ng kwarto subalit napalingon ako sa aking likod nang tawagin ako ni kolokoy.

"Where are you going mi cielo?" bungad niyang tanong habang palapit ng palapit siya sa akin.

"Sa kusina." maikli kong sagot.

"Bakit ka nanaman pupunta doon?" dagdag pa niyang tanong kaya napakunot ako ng noo.

"Syempre magluluto. Wala pa tayong kakainin, oh. Malapit nang magtanghali." kasabay ng pagturo ko sa oras nasa relos na suot ko.

"Sila Yaya na bahala doon saka nandito ka para magbonding tayong dalawa at magdate at hindi para magtrabaho bilang cook." seryosong pahayag niya na nanatili pa ring nakatitig sa akin.

"Alam ko naman 'yon pero gusto ko magluto." pagmamatigas ko pa. Umaasa akong pumayag siya.

"Sige papayag na ako." sagot niya agad. "Pero manonood ako." pahabol pa niya.

"Ano?" gulat kong tanong.

"Huwag na nakakahiya, eh. Ayaw ko nang may nanonood o tumitingin sa aking ginagawa." reklamo ko.

"Bakit ka naman mahihiya?" tanong naman niya na may nakangising nakakaloko. "Sige na pumunta ka na doon susunod ako." pagpapaalis niya sa akin at sumunod naman ako pero parang bagsak ang aking mga balikat habang naglalakad patungong kusina.

Ayaw kong pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Yaya Celestina." tawag ko rito.

"Oh, bakit iha?"

"Tutulong po ulit ako magluto." sabi ko sa kanya.

"Siya sige. Ako na lang nitong sinimulan ko at doon ka na ito lulutuin." sabay turo niya sa bandang dirty kitchen.

"Ikaw na lang nitong chicken curry bahala magluto. Alam mo naman siguro siya lutuin na di ba?" paninigurado niyang tanong.

Tumango na lang ako sa kanya saka nagfocus sa aking lulutuin.

Nagsisimula na akong balatan ang patatas at carrots. Pagkatapos hinugasan ko na mga ito at sinimulang hiwain.

Napalingon ako sa gawing kanan ko nang may narinig ako paggalaw ng upuan at napansib kong si Greige lang pala. Panonoorin niya raw ako magluto.

Talagang tinotohanin kanyang sinabi kanina at akala ko biro lang niya yun kasi tumagal ng ilang minuto bago siya nakarating na rito.

Nadidistract pa naman ako kapag may nakatingin sa akin o kaya may nanonood ng ginagawa ko.

Huminga ng malamin at nagconcentrae sa pagluluto.

"Ang bilis mo kumilos ah halatang sanay na sanay ka na talaga sa magluto." puna niya nang mapansin na mabilis kong nahiwa ang mga ingredients at maging sa pagsalang sa kawali.

"Sabi ko naman sayo di ba?." sagot ko.

Wala sana siyang mapansin na kakaiba sa ginagawa ko.

Please wake up, Thena! Gusto ko na tapusin itong pagpapanggap ko at nang makabalik na sa dating buhay sa Manila. Habang tumatagal kasi parang mas kinakabahan ako sa mga mangyayari sa darating pang mga araw.

"Ngayon napabilib mo na talaga ako at sa susunod pwede na tayo magpakasal." sa pagkakasabi niyang 'yon muntikan nang mahiwa ng kutsilyo ang daliri ko at kasabay ng pagtindig ng aking mga balahibo sa buong katawan.

"Ouch!" Kaagad siyang lumapit at tinignan kung saang bahagi ako napaso.

"Ano nangyayari?" Nag-alala niyang tanong habang hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Wala. Kaunting paso lang 'to." mabilis kong sagot. Tinignan niya ang kamay ko at inihipan iyon saka na niya binitiwan.

Sa kalagitnaan niyon, biglang tumunog ang cellphone niya kaya nag-excuse na muna siya sa akin at naglakad palayo.

Laking tuwa ko na wala na ang kolokoy.

Pagkatapos kong magluto ganoon rin si Yaya Celestina, hinanda na namin ang mga pagkain at sakto naman pagdating ni Greige.

Kumain na kaming dalawa ng sabay at kapwa walang umiimik.

Ilang minuto lumipas, tahimik pa rin kami habang ako naman patapos na kumain.

Pagkatapos tumayo na ako sa hapag at bigla siyang nagsalita.

"Where are you going, mi cielo?" seryoso na may paglalambing pa rin ang tono niya.

Napailing lang ako bago nakapagsalita.

"Sa kwarto at magpapahinga muna."

"No. Just stay here!" seryoso niyang utos.

"Wait me here until finished eating my lunch."

Tinignan ko siya ng pagtataka at tinanong ko na rin siya dahil hindi ako mapalagay.

"Why?" maikli kong tanong.

"May gagawin tayo?" sabi niya pero hindi ko na-gets ibig niyang sabihin.

Ano naman kaya ang gagawin?

Nanahimik na lang ako at inaabangan na lang ang sasabihin niya.

Kinse minutong lumipas nang matapos na siya kumain.

Tumayo na rin siya at pinatayo na rin niya ako. Sumunod lang din ako.

Maya-maya pinaupo niya ako sa sofa.

"Diyan ka muna may kukunin lang ako. Huwag na huwag kang aalis sa inuupuan mo. Is that clear?" maotoridad niyang bilin at tumango lamang ako bilang tugon.

Kinuha ko cellphone ni Thena para magkalikot muna saglit habang hinihintay si kolokoy.

Hindi ko namalayan tutok na tutok na pala ako sa nilalaro kong game nang may hinagis na anumang bagay na medyo matigas na muntik namang tumama sa mukha ko at mabuti na lang nasalo ko agad.

Isang maliit at manipis na tila nilalagyan ng mga diyamante sa pelikula na pinapanood ko.

Tinignan ko ang laman nito at napatingin ako kay Greige dahil sa aking nakita.

Tiles lang pala na may mga letrang nakaukit roon at binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya at napansin kong may hawak siyang scrabble board.

Biglang nagpop-up sa isip ko ang laro na iyon.

"Ano gagawin natin diyan?" bungad kong tanong sa kanya.

"Ano sa tingin mo ginagawa sa scrabble board at sa tiles na hawak mo?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Don't tell me?

"Bakit biglang naging slow ka ngayon Thena? Ano nangyayari sayo? Natakpan na ata ng usok yang utak mo tzk!" sabay ngisi niya sa akin ng nakakaloko.

Hays, bakit hindi ko kasi na-gets agad 'yon? Hay, nako Thaea ano na nangyayari sayo?

"Maglalaro tayo niyan?" pagtukoy ko sa scrabble board na nakapatong sa table.

Napalunok ako ng laway sa sinambit kong iyon lalo pa hindi ako naglalaro ng game na 'yan dahil mahina ako diyan. Tanging ang kakambal ko ang nakakapaglaro sa aming dalawa sa mga classmates niya noong high school at college pa kami.

"Obviously Thena." sabi niya pa habang inaayos na ang board at bumunot na ng isang tile.

OMG! Sana makalusot ako sa laro na 'to kundi malalaman na niya ang totoo.

Magaling kasi ang kapatid kong iyon sa word games kaya sana magaya ko siya.

Bumunot na rin ako ng letra at mabuti mauuna si kolokoy na titira.

Marunong naman ako kung paano laruin siya dahil nakikita ko ito kina Thena noon kaso sa pag-iisip ng words at makakapuntos ng mataas iyon ang di ko kaya.

Pero sana ngayon magawa ko.

Tapos na siya tumira kaya ako naman. Infairness mas mataas ang score ko kesa sa kanya. Yay!!!

Nagpatuloy lang kami sa paglalaro hanggang nagsawa naman kami kaya dumako naman kami sa kanyang mini office.

May limang desktop computer sila roon at nakahanay ang mga ito.

"Ano naman gagawin natin dito?" usisa ko sa kanya habang nakaupo sa malambot na silya.

"Maglalaro tayo." agad niyang sagot.

Maglalaro rin pala at gora naman din ako dahil mahilig din kasi sa mga video games.

Siya ang pumili ng lalaruin namin at naparelax naman ako sa napili niyang laruin namin.

Easy lang sa akin yan dahil dati na kami naglalaro ni Zen nito.

"Focus." sabi niya sa akin na may kasamang kindat dahilan para mainis ako kaya inatake ko na rin siya.

Sa sobrang tutok namin sa laro, hindi na namin namalayan ang oras at magagabi na pala.

Napansin lang namin nang tinawag na kami ni Yaya Celeste para kumain na ng dinner.

Pagkatapos naming kumain nagkanya-kanya na rin kaming pumanhik sa aming mga kwarto.

"Mi cielo." sabi niya sa endearment nila ni kambal kaya napalingon ako.

"Hmm, wala. Sige matulog ka na at maaga pa tayo bukas." sabi na lang niya.

"Bakit? Ano meron bukas?" pag-usisa kong tanong.

"Basta matulog ka na." mabilis niyang sabi saka siya pumasok sa kanyang kwarto at sinaraduhan ang pinto.