Chereads / Unanticipated Love (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2: Date

Chapter 2 - Chapter 2: Date

Narito ako ngayon sa kusina kasama ang ibang maids namin sina Ate Daisy at Yaya Helena, para tulungan na rin sila maghanda at maghain ng mga pagkain.

"Ikaw pa nga talaga si Thaea na nakilala namin, hindi ka pa rin nagbabago." Nakangiting puna sa akin ni Yaya Helena habang naglalatag na rin ng mga ulam.

"Hindi naman kasi ganito si Ma'am Thena eh." Dugtong naman ni Sandra na sumingit lang dito galing sala at mga dalawang taon tanda nito sa aming magkapatid. "Medyo may magkasuplada ba?" Binulong niya ang kanyang huling sinabi at napangisi lang din kaming tatlo dito.

Nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanila habang panay kinig lamang ang ginagawa ko.

"Sa magkambal talaga hindi magkakaparehas ang kanilang mga pag-ugali kahit magkahawig naman sila."  Paliwanag ni Yaya Helena sa amin habang abala ito sa pagsasandok ng kanin.

May katandaan na rin si Yaya at sa palagay ko nasa 50's na ang kanyang edad. Limang taon pa lang kami niyon siya na ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa amin ni Thena.

Niyaya ko na sila kumain kasama ako pero pinauna nila muna nila ako, walang saysay din yung pagpilit ko sa kanila kaya sa bandang huli hindi hinayaan ko na lang din. Pinikit ko muna ang mga mata bago magsimulang magdasal.

Tahimik lang nila ako pinagmamasdan habang kumakain pero nakaramdam ako ng pagkailang sa ganung sistema kaya nagawa na lang ni Yaya na ituloy ang usapan para di maging awkward sa akin. Naitanong rin niya tungkol sa pag-alis ko rito at pagpili na manatili sa Manila na mag-isa pero sabi ko masaya naman ako doon. Pero kalaunan di ko maiwasan maikwento ang tunay na dahilan.

"Mahal ka ng mga magulang mo, Althaea." Sabi ni Yaya. "Kung anuman ang pagkukulang at pagkakamali nagawa nila ay pwede mo naman sa kanila ipaliwanag iyon baka sakaling maintindihan ka nila."

"Hindi ganoon kadali Yaya. Kilala ko po sila, di sila ganung kadali kausapin pagdating sa ganitong mga bagay. Talagang kay Athena lagi ang atensyon nila at binibigyan ng importansya kaysa sa akin. Hindi sila patas." Paliwanag ko ulit sa kanila kaya bahagya namang nalungkot si Sandra at si ate Daisy habnag napatangu-tango lamang si Yaya Helena.

Magsasalita na sana si Ate Dai nang biglang tumunog ang cellphone ni Yaya. Tinignan niya ito muna saka sinagot ang tawag.

"Oh Jestoni." Bungad niya rito sa security guard namin. "Nandito raw si Sir Greige." Bulong ni Yaya dahilan para magsalubong ang aking mga kilay. Ano naman kaya gagawin niya dito sa ganitong oras? Wala man lang text na pupunta pala siya rito, tzk.

"Papunta na raw siya dito Thaea." Mahinang sambit sa akin ni Yaya habang nagmamadali kong ubusin ang aking kinakain.

"Bakit naman siya pupunta dito ng ganitong oras?" Tanong ko na nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila at maya-maya may naririnig na akong isang tunog ng yapak ng isang tsinelas patungo rito sa kusina.

"Hi, mi cielo!" Nakangiting bati ni Greige sa akin habang nagtataka naman ako sa biglaang pagsambit niya ng katagang iyon. Isang linggo bago siya dumating marami akong natuklasan at napag-aralan sa mga kilos ni Athena at napansin ko rin nga ang salita na'yon sa mga text messages nila dati sa phone.

Pagkatapos binati rin nito sila Yaya at iba pang maids na naririto. "Good afternoon po, Yaya Helena at sa inyo." Tinititigan ko lang siya ng buong pagtataka sa dahilan ng pagpunta niya rito.

"May pupuntahan tayo ngayon kaya maghanda ka na. Bilis!" Agarang utos nito pero hindi ko siya sinunod at naglakas-loob akong tanungin siya.

"Where are we going?" Sabay tayo ko sa aking inuupuan. Ang mga kasama ko rito ay tahimik lang din kami pinagmamasdan.

Sa halip sagutin ang tanong bigla na lamang niya ako hinila palayo sa kusina pero napatigil kaming dalawa. "Wait lang Greige. I just wanted to know kung saan tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at muli niya akong hinila patungo sa aking kwarto na aking kwarto. Sa sobrang gulat ko, naunang tumakbo ako patunngo roon at hinarangan siya.

"Kindly fix yourself and pack your things now." sabi niya lang sa akin samantala ako naman ay napapaisip pa rin. "One more question I would be the one enter your room and get your stuffs!" Paninindak niya pa sa akin. "Then, I've got already your parent's permission so you don't have to worry about this." Maotoridad niyang saad.

Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang hawak ko ang cellphone ni Athena at napahilamos na lang siya sa kanyang mukha sa inis. "What? No Thena. Kinausap ko na sila kanina kaya hindi mo na kailangan pang ulit magsabi sa kanila." As he is trying to explain but I ignored him.

Kinausap ko si Mom tungkol dito at maayos naman sa kanila subalit pinaalala niya pa sa kin ang tungkol sa aking pagpapanggap na dahilan para mapabuntong-hininga ako. Mga ilang sandali nagpaalam na ako kay Mom.

"Sige maghahanda na ako. Please wait for thirty-minutes." sabi ko na lang sa kanya.

"Ok fine but you need to do it fast at baka abutin pa tayo ng gabi sa daan." Pahayag niya at tinititigan lang ako sandali pagkatapos umalis. Hindi ko rin minsan naiintidihan ang ugali  ng isang 'to. Minsan bigla na lang nagiging sweet tapos mamaya maging tiger look na sa sobrang seryoso masyado ng itsura.

Kinuha ko lang yung mga bagay na talaga kailangang dalhin at pagkatapos nagbihis ng royal blue hanging blouse at tinernohan ng naka-porta dots na square pants na design. Pagkatapos, lumabas na rin ng kwarto at bumungad sa akin si Greige na siyang nagpresintang magdala ng aking gamit.

"Saan nga pala tayo pupunta? Siguro masasagot mo na ang tanong ko." Giit ko nang makapasok na kami sa isang SUV na sasakyan namin.

"Sa Haraya Beach Resort tayo pupunta." Diretsa niya ng tanong kaya napatango na lang din ako at di nanagsalita pa.

Hindi maiwasan sumagi sa isip ko yung moment na magkasama kami ni Zen habang ako ay nakapikit lang sa kawalan. Sobrang nami-miss ko na siya.

"Nandito na tayo." Nagulat na lang ako at napalik-mata nang magsalita si Greige. Napatingin muna ako sa labas ng sasakyan, napamangha ako sa aking nakikita rito. Isang white sand beach ang napuntahan namin. Di gaano mainit ang panahon kaya masarap sa pakiramdam malanghap ang hangin na nagmumula rin sa dagat. Bumababa na kami pagkatapos at si Greige na rin ang nagpresinta magdala ng mga gamit namin.

Mabilis kaming nakapasok ng hotel dahil may reservations na pala kami rito. Mabuti nga 'yon para makapagpahinga muna ako mula sa biyahe. Malayu-layo rin ito sa bahay. Nang makarating na kami sa labas ng room assignments namin, inabot sa akin ni Greige ang susi ng para sa akin. Nginitian ko lang siya ng pilit saka na rin pumasok sa loob subalit natigilan nang biglang lumapit siya ng bahagya sa akin, dahilan upang mapaatras ako hanggang sa makadikit na ang likod ko sa pader.

Hinalikan niya lamang ako sa noo pero sobrang nagulat pa rin sa ginawa niyang 'yon.

"Ahmm, mi cielo papasok na ako…." Naiilang kong tugon sa kanya at napansin kong napangiti ito. Biglang napakunot ang aking noo sa kanyang reaksyon. Kailangan kong magpakita na interesado ako sa kanya dahil nagpapanggap akong si Athena saka ganito siya ka-sweet sa boyfriend niya.

"Salamat, muli akong tinawag sa endearment natin. How I miss it, mi cielo!" Nakangiti pa ring saad niya. "Ito muli iyong hinihintay ko para lambingin mo ako ulit." Mas lalong naging maaliwas ang kanyang mukha na ikinapagtaka ko naman. "Ok na ba?"

Tanging tango lang ang naging sagot ko at pinisil ko lang siya sa matangos niyang ilong kaya namula ito.

"I'm glad that you already forgiven me. Thank you so much for being understanding." Saad niya at napangiti lang din ako. Hindi ko ikinala na may tinatagong ka-sweetan ang isang 'to.

"Thank you dahil naging maunawain ka na ngayon di gaya dati kaya parati na lang tayo nag-aaway dahil parati ka rin kasi nagseselos." Medyo nagulat nga ako sa huling sinabi niya. I can't deny that Athena is usually a demanding and jealous woman.

Pagkatapos ng usapan namin, hinayaan na rin niya ako makapsok sa aking silid kasabay ng aking mga gamit. Pumunta kaagad ako ng kwarto at nahiga, sinubukan muling tignan ang mga pictures nina Greige at Athena sa gallery hanggang sa dinalaw na rin ng antok at nakatulog.

Nagulat na lamang ako nang may marinig akong paulit-ulit na pagkatok ng pinto. Dali-dali ko itong buksan at bumungad sa akin si Greige.

"Bakit ang tagal mo buksan ang pinto!" Naiinis na bungad nito sa akin. Hindi ko rin talaga ma-gets ang ugali ng isang ito pabago-bago. Kanina lang ang sweet ngayon balik na nanaman sa pagiging sungit mode niya.

"Kakagising ko lang po kasi." Paliwanag ko sa kanya habang napapakamot na lang din sa sentido.

Nabigla na lamang ako nang hilahin niya ang mga braso ko palabas ng silid at mabuti na lang automatic itong nagsasara. Hanggang mapunta kami na kung saan maraming pagkaing nakahain na.

"You may now take a seat mi cielo." Umupo na rin ako pagkasabi niya sa akin.

"Do you like it?" Agaran niyang tanong habang nakatitig na siya ngayon sa aking mga mata kaya kaagad akong umiwas. Pero muli ko siyang nilingon at napaestatwa ako dahil sa kakaiba niyang tingin sa akin. From his attractive eyes, hindi ko maiwasan usisain ang mga ito. May time napapakurap ako sa pagtitig dahil sobrang nakakaakit ang pagtitig niya na parang hihilahin o hihigupin niya ako palapit sa kanya. Napakalakas talaga ng charisma ng isang 'to eh kaso napapatungan ng pagiging masungit.

Napabuntong-hininga na lang ako sa aking iniisip at iwasan na ang pagtitig sa kanya. Hindi ako mai-inlove sa isang lalaking tulad niya dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko kundi si Zen.

"Ganyan ka na ba talaga ka-inlove sa akin noh?" Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Hayan nanaman siya, hindi ko alam kung may bipolar disorder ang isang 'to.

"Feeling mo naman. Hindi ahhh." Pagde-deny ko na lang. Ang lakas din pala makapang-asar ang isang ito.

"Huwag ka na magdeny diyan dahil patay na patay ka naman sa akin eh! Sa gwapo at yaman kong ito, talagang lalo ka pang mahuhulog sa'kin." Pagbibida pa niya kaya mas lalo naman ako na-intimidate sa kolokoy na 'to.

"Grabe ang hangin naman, Greige." Sarkastikong tugon ko. "Lakas rin naman talaga ng tama mo noh?"

"Hahaha hay nako mi cielo, Athena." Natatawa pang tugon niya.

"Yabang!" Saad ko sa kanya saka muling nag-focus sa aking kinakain.

"Hindi mo lang kasi magawang aminin." Natatawa pa ring saan niya. Whatever!

"Masyadong mataas talaga ang confidence sa sarili mo noh?" Muli kong saad habang patuloy lang siya sa pagngisi.

"Bakit hindi ba totoo na head over heels ka sa akin?" Dagdag pa niya. Ibang klase talaga ang lalaking 'to, ang taas ng tingin sa sarili.

"Hindi." Biglaan at hindi mapigilan na sagot ko dahilan para mawala ang mga ngiti niya sa labi. Naka-offend ba ako? Nako dapat hindi iyon ang sinagot ko, hays.

"Bakit? May iba na ba?" Seryoso niyang tanong kaya hindi na rin ako mapakali sa aking inuupuan.

"I have noticed that you are so cold to me now unlike before that you are so sweet." Muli niyang saad at umiwas na rin siyang tumititig sa akin.

"Hindi naman sa ganun….Nabigla lang ako, ok? I am…." Magso-sorry na sana ako nang biglang nag-ring ang cellphone niya kaya naiwan muna niya ako rito. Sampung minuto pa bago siya nakabalik ulit pero naging iba na ang timpla ng kanyang mood.

"Who called you?" Tanong ko kaagad pero hindi na siya tumitingin sa akin. Halatang nasaktan ko siya sa naging sagot ko. Akala ko rin kasi hindi niya seseryosin ang sinabi ko.

"My secretary." Maikli niyang sagot saka lang niya tinuloy ang pagkain.

"Mi cielo?" Paglalambing kong saad hindi pa niya rin ako nililingon. "Sorry sa nasabi ko kanina ah. It is not my intention to hurt you." Dugtong ko.

"Magpahinga na tayo bukas na lang." Walang gana niyang sagot saka siya naglakad palayo sa kinaroroonan namin. Seriously, iniwan niya talaga ako ah. Malamang kapag ganito masasaktan nito si Athena.

Pagkarating ko ng kwarto, biglang naging palaisipan sa akin ang naging sanhi ng pagkaaksidente ng kakambal ko. Di kaya may malaking kinalaman nga talaga sa relasyon nila ang nangyari? Iyan ang nais kong malaman kaya hindi ako titigila hangga't di ko nalalaman ang totoo.