Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

FLICH DREUZ: My possessive stalker

GONZALES_ERLYN_ANN
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.4k
Views
Synopsis
Being in love is the most hardest thing in the world. Kapag in love ka lahat ng bagay magagawa mo. Magpaka-tanga, mabaliw, maging martyr, maging desperada. Lahat! Paano kung dahil sa sobrang mong in love sa isang tao nagawa mong maging stalker nito? Ang mas malala pa, naging possessive stalker ka. Ano nga bang magagawa mo kung hanggang pangs-stalk ka lang at hindi mo maamin ang nararamdaman mo? Paano mo maipagdadamot ang taong mahal mo? Anong mangyayari kung dahil sa ginagawa mo nakakalimutan mo nang nakakasakit ka na? Anong gagawin mo? Paano mo aaminin? Paano mo siya haharapin matapos lahat ng kasalanan mo? Mapapatawad ka ba niya? Matatanggap kaba niya?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1

FLICH POV

My lip immediately curved when I sent my text. Kahit sa ganitong paraan manlang naipapakita kong may feelings ako sa kanya though di'ko maamin. Hindi din naman ako sure kung aware siya minsan kasi talagang tatanga-tanga siya.

"You...." duro ni Zyria kay Queenie. "Gusto mong isungalngal ko sayo tong straw ng milk tea ko?!" gigil na sabi nito.

"Relax girl" awat sa kanya ni Clarah.

"Ayaw mapersonal ni ateng haha" nangaasar na lintayan ni Queenie.

Kanina pa nila inaasar yung isang yan. Palibhasa kasi wala si Aldrake ng mahigit isang linggo na. Kung sabagay ngayon lang sila nakabawi kasi kapag nandito si Aldrake isang masamang titig lang, wala na shut up na all.

"Tsk... tsk... tsk yari kayo kapag nagsumbong yan" iiling-iling na sabi ni Gio.

"Haha legit tol alam naman nating never pang hindi naniwala si Aldrake sa kanya" sabat ni Andrew.

"Tama na yan kain na tayo" gutom na ulit ako.

"Seriously?" sabay-sabay na tanong nila.

"Uyy ang galing sabay-sabaw ah! Ilang linggo niyong prinactice?"

"Gago!" mura ni Andrew.

"Tara na gutom na ako" may pa-pout na sabi ko.

"Alam mo nagtataka ako your so macho pero your so takaw naman" conyong sabi ni Aleah.

Sa maniwala kayo o hindi girlfriend siya ni Andrew. Paano nangyari yon? Hindi ko din alam itatanong ko palang sa kanila. Ang sabi sa'kin ni Gio niligawan daw yan ni Andrew after nung graduation tapos ayon hindi ko na alam. Wala na akong alam.

Hindi naman ako chismoso para alamin yung love life nila. Mapapasana all lang naman ako kasi hanggang ngayon binabalot ako ng katorpehan ko.

"So you mean I'm not macho kasi hindi ako matakaw like him?" taas kilay na tanong ni Andrew. Nag-conyo din si gago.

"I didn't say babe no!"

Lord bakit ganito yung magjowa na to!

Ako ata yung ma s-stress sa kaharutan nilang tinataglay. Napa-iling nalang ako ng ilingkis ni Aleah yung kamay niya sa braso ni Andrew. Sana all okay? Sana all talaga.

"Yuck!" nasusuka kunwaring arte ni Queenie.

"Ewww" dagdag ni Gio.

"Alam niyo tara na kain nalang tayo pagbigyan natin si Flich na patay gutom" sabi ni Zyria. Kahit kailan talaga napaka-harsh sa'kin ng babaeng yan.

"Grabe sa patay gutom ha!" reklamo ko.

Hindi ko alam bakit ganito sila ka-harsh sa'kin. Etong gwapong to? Patay gutom? Tsk

Tinaasan niya ako ng kilay. "Aangal?" mataray na sabi nito. Nahawa na talaga siya sa katarayan ni Aldrake yawa!

"HAHAHAH tara na nga Zyria niyo high blood nanaman" natatawang sabi ni Clarah.

Nauna na itong naglakad sa amin. Sumunod naman kaming lahat sa kaniya. Syempre hindi mawawala yung dalawang magjowa na kung makapag-PDA akala mo naman sila na talaga pornever.

Si Aldrake nga saka si Zyria wala pading label hanggang ngayon. We asked Zyria kung bakit pero ang sagot niya sa amin trip niya lang daw. Tinanong naman namin si Aldrake kung bakit wala pa silang label ang sagot naman niya hindi daw sila nagmamadali.

Ewan ko ba sa dalawang couple na yan. Kung makapag harutan naman sa harap naming lahat daig pa mag-asawa. Nakatira na nga sila sa iisang bahay, oo bahay na talaga. Nung bakasyon kasi nagpatayo si Aldrake ng bahay nila kaya doon na sila nakatira ngayon.

Sana all mapera!

Hindi naman daw siya nanghihinayang na magwaldas ng pera para kay Zyria. Everything is worth it naman daw. Sana all di'ba?

When kaya self?!

Umiling ako ng madiin. Ayoko munang isipin tong feelings ko. Simula nung huling paguusap namin ni tanda parang na-triggered ako aa mga sinabi niya. Natakot ako sa katotohanang baka nga mangyari lahat ng ayokong mangyari and worst wala akong magawa.

I can't even tell my feelings to her! I can't even talk to her formally! Nakakainis na ang lakas ng loob kong makipag biruan sa kaniya pero kapag usapang nararamdaman ko na natotorpe ako. I want her but damn how?!

"Okay ka lang?" tanong ni Clarah.

Napatingin naman ako sa kaniya saka tumango. "Oum okay lang ako. Inuubos ko lang talaga yung amoy ng pagkain para wala ng amoy sa inyo" biro ko.

Ayokong may makahalatang madami akong iniisip. Wala pa nga doon yung pagkatigang ko ng mahigit isang buwan na.

"Hinay-hinay sa pag amoy baka mamaya putok na ni Gio maamoy mo HAHAHAHA" nagsisimula nanaman ng pang aasar si Queenie.

Feeling ko talaga crush niya si Gio. Lagi niya kasing target asarin. Natawa nalang din ako sa sinabi niya. Sinamaan kami ng tingin ni Gio.

"Kahit dito pa kita tirahin este dito kapa tumira wala akong putok" gago!

"Anong tirahan yan ha?" sabat ni Zyria. Nakangisi ito ng nakakaloka.

Ang manyak amp!

"Queenie oh titirahin ka daw"

"Tira well kamo" nakangising sagot ni Queenie kay Andrew.

"Aba'y matapang na bata" may pag-cheer na sabi ni Clarah.

"HAHAHAHA nood ako ng tirahan niyo ha"

"Gago! Mga yawa talaga kayo! Magsikain na nga lang tayo!" nailang din ang gago siya naman nagsimula.

Natatawa nalang akong umiling bago sumubo. Dumadami kami kaya umiingay nadin. Minsan kapag nagkalalakad kami sa daanan napagkakamalan kaming mga napariwarang estudyante.

Pake ba nila kung ganoon kami kaingay? Kulang pa nga yan eh. Wala pa si tanda. Namiss ko nadin yung hinayupak na yon. Antagal ng hindi nagpaparamdam sa amin. Wala na nga ata talaga siyang balak bumalik sa pamilya niya, wala nadin atang balak si gago magpakita sa kapatid niya.

Kawawang Aldrake. Ang sabi pa naman walang Kreus, walang kasal ang hirap non. Kung ako sa kanya itatatanan ko nalang si Zyria.

Wow self lakas maka-suggest try mo kayang umaamin!

Tangina panirang utak to. Lagi nalang kontrabida sa lahat ng sasabihin ko. Mukhang need ko nanaman magpunta sa gym mamaya para mawala tong iniintindi ko.

ZYRIA'S POV

Ang boring huhu!

Ayoko na sobrang boring wala si Aldrake! Ewan ko ba doon nagpaalam sa'kin may aasikasuhin daw siya sa Cebu ng one week kaya sila Flich daw muna bahala sa akin.

Naoabuntong hininga nalang ako habang nasa tabi ni Flich. Nandito kaming dalawa sa tambayan nila.

"Grabeng buntong hininga yan ha naglalabas ng masamang enerhiya" pangaasar ni gago.

"Manahimik ka diyan ganitong may nami-miss ako baka masakal kita nonstop" inis na sabi ko.

Natawa naman si gago. "Kalma HAHAH. Pauwi na yun"

"Wala akong mainis antagal niyang umuwi" sabi ko sabay simangot. Ai Aldrake lang talaga yung gusto kong inisin sa maghapon.

"Wala pa talaga kayong label sa lagay na yan ha?"

Napatingin naman ako sa tanong niya. Bakit ba palagi nilang tinatanong yung label namin ni Aldrake.

"Naninigurado lang naman ako" dugtong pa niya.

"Wala nga kaming label ang kulit mo" inis na sabi ko.

Idinukdok ko nalang yung mukha ko sa lamesang gawa sa kawayan. Naiinip ako kapag wala siya tapos naiinis naman ako kapag nandito siya. Ang landi niya kasi.

"Sana kaya ko ding umamin gaya ng ginawa ni Aldrake" mahinang sabi ni Flich. Mahina pero narinig ko.

Napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Tinitigan ko siya na ngayon ay nakatitig sa malayo. Ay mali hindi sa malayo kundi sa isang babaeng masayang nakikipag usap sa kaibigan niya.

"May gusto ka kay...." lumingon siya sa akin saka tumango.

"Matagal na hindi lang ako makaamin" mapait itong ngumiti.

Okay teka Zyria mag-isip ka ng ir-react mo. Ay wala pala akong isip paano ako makakapag-isip? Hanggang dito ba naman dala ko padin tong katangahan ko bwiset!

"Pero bakit hindi mo subukang umamin?" wala akong masabi kaya magtatanong nalang ako.

Umiling naman ito. "Ayoko. Look at her hindi ako papapasa sa standard niya"

Nega naman neto

"Nega mo naman! Try lang syempre. Wala namang masama kung hindi ka niya magustohan sa una"

"Ayoko nga! Okay na ako sa pang s-stalk sa kanya" mataray na sabi niya.

Attitude naman nito nag s-suggest lang. Kasalanan naman niyang nagsabi siya sa'kin. Itinuro niya pa pero secret lang namin kung sino man yon. Wait ini-stalk niya?!

Seryoso?!

Legit?!

Gago ang creepy non sa part ni ate girl!

"Ini-stalk mo?" paniniguradong tanong ko. Tumango naman siya. "Gago ang creepy mo!" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Wala naman akong pake doon ang mahalaga kahit sa messages lang naipaparamdam ko sa kanya yung feelings ko" muli nanamang nalukot ang mukha niya.

Pareho sila ni Aldrake mukhang aso. Ang pinagkaiba lang si Aldrake wild na aso, si Flich naman asong ulol.

"Awts sad boy yarn?" pangaasar ko.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Tangina? Paano ba na-in love sayo si Aldrake?!" ako pa talaga tinanong amp.

Nagkibit balikat ako. "Malay ko. Sobrang ganda ko kasi kaya nagustohan niya ako" mayabang na sabi ko may pa-flip hair pa yan.

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Happy pill nanaman niya ako jusme. Ang galing ko talagang magpasaya ng tao enebe.

After niya tumawa nanahimik nanaman kami. Ang boring kasi talaga kapag wala si Aldrake parang gusto kong pumatay ng madaming lamok tapos bibilangin ko sabay ibebenta ko sa pawn shop.

WAHHH ALDRAKE ASAN KANA BA?!

Nakakainis ka iniiwan mo ako dito sa mga bwiset na to! Actually nasa Cebu siya kasi may sakit yung lola niya. Hindi niya ako sinama, hindi ko alam bakit. Inaasar ako nila Queenie kasi baka daw kaya ayaw ako pasamahin kasi magkikita sila ng ex niya sa Cebu. Wala naman akong pake doon, wala kaming label so anong pake ko. Ang concern ko lang naman is wala akong mapag tripan. Nakakainip!

CLARAH'S POV

Kanina pa ako naiinip. Kasama ko ngayon si Gio. Well siya talaga ang madalas kong kasama dahil kaming dalawa ang mas close sa lahat.

"Gago ang boring!" sabi nito na ikinalingon ko.

"Palagi ka namang nab-bored may bago paba?"

"Mas malala ngayon. Wala tayong magawa oh!" reklamador talaga siya.

"Akyatin mo yung puno tapos talon ka sabay sigaw ng "ako to si natoy mahal na mahal ka" thanks me later" matinong suggestion ko.

Dahil sa sinabi ko nabatukan niya ako ng malakas. As in malakas muntik na nga atang matanggal yung ulo ko dahil sa ginawa niya. Masama akong tumitig sa kaniya pero mas masama yung titig niya.

"Gago kaba?!" galit ata.

"Cute ako hindi gago" pamimilosopa.

Napahilamos naman ito ng mukha. "Clarah, umalis ka nga sa harap ko. Nandidilim yung paningin ko sayo baka maibigti kita ng wala sa oras" sa tono ng pananalita nito halatang inis.

Yumuko siya tapos itinakip ang dalawang palad sa mukha niya. Halatang nagpipigil ng inis sa akin. Ganyan po talaga siya kapikunin, sobrang pikunin niya na kahit sino talagang susukuan siya. Maliban sa'kin itabi nyoko matyaga akong babae.

"Kapag madilim bigyan ng flashlight para luminaw. Basic" pangaasar ko pa.

Umangat ang ulo nito. Masama ang titig niya sa'kin ngayon. Gusto niya ata akong patayin help me!

"CLA.RAHHHHH!" madiin na sambit niya sa pangalan ko.

Uh-oh hide self! Run!

Agad akong tumayo sa kinauupoan ko saka tumakbo palayo sa kanya. Ayoko pa kayang mamatay. Medyo may takot pa ako mga 50% ata?

Sa paglalakad ko nakita ko si Flich na nakangiti habang nakatitig sa cellphone niya. Agad ko itong nilapitan sabay hampas sa braso niya. Dinungaw ko din kung ano yung nginingiti niya pero agad niya iyong in-off saka itinago sa bulsa niya.

"Sino yon?" usisa ko.

Umiling naman siya. "Wala. Secret lang yon"

"Andaya naman may pa-secret kana sa amin ha!"

"Ganon talaga. Oh himala hindi mo kasama si Gio o kaya yung dalawa mong kaibigan" akala ko hindi na niya mapupuna.

"Well ai Queenie kasi may emergency, si Gio naman nagalit sa akin at yung isa wag mo ng tanungin busy siya sa paglandi" paliwanag ko.

Ewan ko ba lagi nalang akong iniiwan. Okay lang hindi naman masakit. Hindi nga ako nasasaktan parang kagat lang siya ng mommy dinosaur.

"HAHAHAHAHA kawawa ka naman" nang-asar pa talaga siya tsk.

"Kawawa your face! Nasaan nga pala si Zyria bakit hindi mo kasama?" tanong ko din. Alangang siya lang ang may karapatang magtanong hindi ba?

"Hinatid ko siya kay Blake. Doon daw muna siya kasi naiinip daw talaga siya HAHAHAHA"

"Tingin mo kailan kaya magkakaroon ng label yung dalawang yon?"

Masyado na akong ma-usisa!

Nagkibit balikat ito. "Hindi ko alam. Wala namang nasasabi sakin yung dalawang yon."

Sunod-sunod naman akong napatango dahil sa sinabi niya. Siguro nga talagang wala pa sa isip nilang lagyan ng label yung relasyon nila. Well mas maganda nga yung ganoon, mas nakikilala nila yung sarili nila. Mas may time sila para malaman yung mga dapat at di dapat nilang gawin.

"Sabagay maganda nga yon para kilala na nila yung isat-isa. Ikaw ba?" jusme ka self masyado kang mausisa.

Hindi kasi kami ganon ka-close nitong si Flich. Sa kalokohan nagkakasundo kami pero mas madalas ko kasing kasama si Gio kaya lagi kong nakakakwentuhan yung baliw na yon.

"Anong ako? Hoy napapansin na kita ha! Dami mong tanong!"

Akala ko di niya nahalata.

"Sorry na HAHAHAH curious lang ako sayo. You know hindi naman kita ganon kadalas makausap so nagtataka ako na parang wala ka atang nagugustohan. Wala ka ding nao-open up sa amin"

"Meron naman yun nga lang secret ko lang siya"

Meganon? May pa-secret?

"Wow may pa-secret kana ngayon ha" natatawang sabi ko.

Tumawa lang din si gago. "Hindi ako masyadong open about sa babaeng nagugustohan ko. Basta ang alam ko maganda siya kahit ano siya at sobrang ganda niya kahit sino siya" nakangiting sabi niya habang nakatingin sa daanan.

Sana all nalang Flich!

Isa pa, sana all!

Dalawa pa, sana all sana all!

Yung mapapasana all ka nalang sa mga ganyang lalaki kasi naa-appreciate talaga nila yung babae. Karamihan kasi sa lalaki ngayon mahal ka kapag maganda ka, maipagmamalaki ka, mapapakinabangan ka, may ibubuga ka, may cocomelon ka, kaya mong makipag-sex sa kanila. Basta ibang-iba yung mga lalaki ngayon.

"Naks seryoso ata ninyong dalawa ah!" nakangiting bungad ni Queenie ng makalapit siya sa amin.

Hindi ko alam saan siyang planeta nanggaling. Ganyan talaga siya mas bet niya mag-ikot ng mag-ikot tapos maya-maya magyayaya ng uwi kasi nab-boring na daw siya.

"Ganda ng ngiti ah" bati sa kanya ni Flich. Nakangiti din ito ng matamis sa kaniya.

I smell something fishy.

Hindi kaya? Oh my god! Baka nga siya talaga yung gusto ni Flich kaso hindi lang siya makaamin? Well in that case matutulongan ko siya.

"Well may nagaalaga eh kahit sa internet lang HAHAHAHA" sana all nanaman.

"Sige taga sana all nalang ako dito" sarcastic na sabi ko.

Natawa naman sila pareho. "Wala bang nagaalaga sayo?" tanong ni Flich.

"Madami mga sarili ko"

"Gago HAHAHAHAHA" sabay pa talaga.

Self love lang talaga ako ngayon. Self love after magmahal ng sobra sa isang tao na sinayang lang naman ako. Hanggang ngayon andito padin yung pain na iniwan niya. Andito padin yung sugat na minarka niya. Nakatatak pa sa isip ko lahat ng memories na meron kami.

Hindi na ako umaasa na babalikan niya ako. Wala na at hindi na mangyayari yon. Gusto ko ng explanation kung bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako pinabayaan? Bakit yung babaeng yon ang pinili niya kesa sa akin? Bakit niya nagawang talikuran ako kahit alam niyang may obligasyon siya sa akin noon?

Gusto kong masagot yung bakit ko.