Chereads / PINKY GANGSTERS / Chapter 6 - CHAPTER 6: Problems

Chapter 6 - CHAPTER 6: Problems

Diana's POV

"Uyy, magsalita naman kayo. Okay ako." Aniya ni Ana sa amin, habang nanggigilid na ang mga luha.

Walang sumagot sa amin ni isa, nadagdagan pa ang Pinky gangsters pati si Wencie ay dumating na kanina lang, so si Maria lang ang kulang. Nakaupo kaming lahat sa living room ng mansyon nila Ana na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Uyyyy, o-okay lang ako." Pare-pareho kaming napabuntong hininga at nilapitan si Ana na naiyak na nang tuluyan.

"Okay lang naman sa akin yung nangyari. Hindi n-naman kasi kami, medyo masakit lang t-talaga." Muli nitong iyak.

I couldn't blame her, she fell in love with Zcirem for almost a decade, and no one knows when she would stop loving him. Yes, we're in a mafia group, pero uso pa rin naman ang mga mutual understanding status syempre.

Tulad ninyo mutual sa feeling, problema nga lang hindi mutual sa gusto sa life, kaya nauuwi kami sa mas mabuting walang lovelife dahil sakit lang sila ng ulo.

"Shhhh...." alo ni Maricris sa kaibigan namin.

She is the luckiest, dahil getting stronger sila ni Toffer, her loves. Isa rin kasi yung mafiaso kaya hindi mahirap para sa kanila na intindihin ang trabaho bilang mafiaso pero syempre may mga parte pa ring deligado para sa kanila.

"Kung hindi ka kayang pahalagahan, move on na. Hindi ka talaga 'nun mahal," advice ko kay Ana. I don't know anything about true love but I guess I can relate somehow because I felt it once.

"Yeah, tama." Tango ni Talline na sumasang-ayon sa akin. "If he can't accept who you really are, then he's not worth fighting for," dugtong pa nito.

"Tama na Ana, mamamatay rin 'yon," mataray na saad ni Eloi kaya medyo natawa kami.

"G*go ka talaga Eloi." Natatawang hampas sa kanya ni Talline. Maging si Ana ay natatawa na rin kahit may luha pa sa mga mata. Baliw talaga 'to. Heavy drama na eh!

"But... why don't you try na aminin sa kanya kung ano ka? Malay mo, matanggap ka pa rin niya, hindi ba?" Nakacross arms na tanong ni Wencie.

"Para saan pa? E, may girlfriend na nga eh." Kibit balikat ni Eloi.

Tama, nonsense na rin dahil may iba na nga.

"Well, kung ngayon.... wala na nga talagang use pero sana nung una sinubukan niya muna."

"Hindi naman lahat nakaiintindi sa atin." Sabat ko.

"Pero mayroon pa ring mga tao, na tanggap tayo," Wencie said confidently.

"Extinct na nga lang," Ana mumbled.

Hindi man extinct, pero parang karayom sa loob ng dayamihan ang peg nila.

Mahirap hanapin.

Eloisa's POV

Pagkatapos ang bonding ng Pinky gangsters (without Maria dahil mamaya nalang daw siya pupunta) ay nauna akong umalis dahil may mga aasikasuhin pa ako. Sinabi naman ni Maricris at Diana na hindi muna nila iiwan si Ana kaya nakahinga ako nang maluwag.

Na dapat lang talaga dahil baka maluka 'yon at magbigti nalang bigla.

Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang number ng impaktong si Zcirem. Of course, may number ako 'nun. Pasalamat pa siya dahil nasama rito ang walang kwentang phone number niya.

Halos 2 years din kasi ang pagiging m.u. nila ni Ana, may mga pa m.u-m.u pa kasi. Ayan mga nasasaktan tuloy.

"Hello?" Napataas ang kilay ko nang mapansing kilala niya ang number ko pero halata ang pagkabigla na lumabas ang maganda kong numero sa old fashion niyang cellphone.

"Wala kang kwenta."

"A-ah ano Eloisa?"

"PAASA!" Sigaw ko sabay patay nung phone, nakakainis!

Mabilis kong pinaandar ang Ducati na halos banggain ko na ang mga kotse sa aking harapan kung hindi tatabi. Ipinark ko ang aking kotse sa malawak na parking lot ng isang mataas na building na halos gawa sa glass.

Bumaba ako bitbit ang isang backpack na naglalaman ng mga kailangan ko. Tumawid ako sa kabilang kalsada para doon magbihis sa banyo ng fastfood.

Later ko na ulit kakamustahin si Ana, after I made this mission cleared.

"Excuse me, ma'am. May appointment po ba kayo ngayon?" Pigil sa akin nung guard sa pagpasok ko sa company.

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Empleyado po ako rito," pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo niya na tila hindi naniniwala. May malaki kasi akong salamin na soot, full bangs habang nakapony tail. May soot na blazer at mahabang palda na hanggang tuhod.

Anastasia Steel lang ang peg.

"Sigurado ka? Ngayon lang kita nakita."

Tumaas ang kilay ko saka ipinakita ang I.D na peke lamang pero kapag tiningnan mo ay talagang makatotohanan.

Naningkit ang mga mata niya habang ichine-check iyon.

"Sabihin mo lang kuya kung pumanget ako, hindi yung nakasulat na sa mukha mo pero dinedeny mo pa." Mataray na ani ko.

"A-ah, hinde n-naman sa g-ganun ang ibig kong sa--"

"Hinde kuya, hinde. Ganyan ka naman eh, yung feeling na lagi akong dumadaan dito? Tapos maski seen zone hindi mo nagawa?" Naiiyak kong acting sa harap niya.

Wushu! Epic ang expression niya. Hahahaha.

"M-ma'am..."

"Sobra ka. Pinalagpas ko na nga ang hindi mo pagpansin at pagbalewala sa akin, tapos ngayon pati ba naman kapangitan ko kailangan pinapamukha pa?" Nagpahid ako ng pekeng luha saka nagtuloy sa pagsasalita. "Napakajudgemental mo. Hindi ko alam na ganyan ka pala kasama, pero don't worry, ipagdadasal ko pa rin ang kaluluwa mo na sana h'wag kang masunog nang paulit-ulit sa impyerno."

"M-maam sorry kung--" itinaas ko ang kamay ko para sabihing stop kaya nahinto siya sa pagsasalita.

"Naiintindihan ko." Kunwari pinipilit kong ngumiti when all I want to do is to laugh because of his priceless face.

"Sige kuya." Dali-dali na akong naglakad papasok ng building.

Totoo niyan, wala sa plano ko ang umacting na talagang magaling naman ako. Wala lang, napagtripan ko lang. Pake mo ba.

Dumiretso ako sa operating system ng buong company, inabutan ko ang dalawang lalaki roon na mabilis ko namang napatulog gamit ang isang smoke bomb, na ang ability ay mapatulog ang makalalanghap nito for 20 minutes, pagkatapos 'non ay hinanap agad ng aking mata ang lugar kung nasaan si Alexander.

Ang totoo niyan ay hindi ko talaga alam kung bakit pinapapatay ng DQM itong si Cooper, isang matandang lalaki na kabilang sa maimpluwensyang tao sa buong Pilipinas pero wala na akong pakielam doon ang mahalaga matapos ko ito.

Nasa loob siya ng isang conference room kung saan sila nagmi-meeting. Sinunod kong hinagilap ang distansya ng office niya simula sa pwesto niya ngayon. Ang alam ko kasi 7 pm ang tapos nito. Ilang minuto nalang at babalik na agad siya sa office.

Like duh, hindi naman pwedeng sumugod ako rito na walang kaalam-alam. Common sense naman diyan!

Pagkatapos ko sa aking ginawa ay mabilis akong umalis sa room at siniguradong walang maiiwang ebidensya, at magiging ebidensya.

Tsss, ang tagal naman nila, inaantok na ako rito.

"Okay Sir, you don't have any appointments for today."

Napatayo ako nang maayos nang marinig ang iba't ibang boses na pumapasok sa pintuan na nasa gilid ko, kaya sumilip ako nang bahagya.

"Okay,okay.. Just----" hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil sumara na ang pinto, pero may sumilay namang malademonyitang ngiti sa aking labi.

Kaya tumalikod na ako at naglakad palayo sa office na 'yon.

5..

4..

3..

2..

1..

BOOGSHHHH!

Isang malakas na pagsabog ang maririnig sa buong building at kasabay rin nito ay naramdaman ko ang pagyanig ng sahig sa kinatatayuan ko. Sunod kong narinig ay ang mga ingay sa paligid.

Takbuhan at sigawan. Hindi naman masyadong malakas yung bomba na inilagay ko sa ilalim ng lamesa ni Cooper ah?

Mga exaggerated lang?

Pumasok ako sa banyo para makapagpalit ng kasuotan, ang hirap kayang magpapangit kung inborn na maganda ka. Todo effort na ko niyan, pero feeling ko mas maganda pa rin ako sa mga nakasasalubong ko.

"Grabe kawawa si Sir Cooper."

"Patay ba?"

Isinosoot ko ang sando sa aking katawan habang naririnig ang usapan ng mga chismosang employees sa labas ng cubicle pagkatapos ang ilang minuto sa insidente.

"Oo! Halos hindi na nga raw makilala si Sir dahil sa napuruhan ito nung bomba, ang sabi pa ng mga pulis, pinagplanuhan daw talaga ang pagpatay."

"ohmy, napakasama naman ng gumawa 'non."

"Masama talaga, biruin mo 'yon. Hassler daw sa bombs ang nagset-up nun, dahil as in kwarto lang ni Sir ang sumabog at wala nang ibang nasira pa."

"Naku, nakakatakot talaga. Bilisan na natin at pinapatawag na ang lahat."

Ha-ha-ha-ha. Nandito kaya ako! Gusto ninyo bang isunod ko kayo?

After kong i-zipper ang bag ko ay lumabas ako ng dire-diretso, na halos hindi na nga ako napansin nung dalawang madada.

Taas noo akong naglakad papunta sa elevator at pinindot ang button. Napalingon ako sa loob nang bumukas ito at....

"Ow, ikaw yung mataray na babae, hindi ba?" Nakasmirk na tanong niya.

--------

NEXT CHAPTER: POWER