Ana's POV
Iniayos kong mabuti ang soot kong puting sumbrero at pati na rin ang puting uniform saka binuhat sa magkabilang kamay ang isang tray na may mga gamot.
"Hm! Hm!"
Napahinto ako sandali at binalingan ng tingin ang umaangil na nurse sa likuran ko. Itinali ko kasi ito at inilagay sa sulok habang may pasak ang bibig at nakapiring.
"Sorry, miss. Pahiram muna ako nitong uniform mo. I have something to accomplish pa eh," paalam ko habang ibinababa ng isa kong kamay ang dulo ng soot kong palda.
Tsss. It's too short for me, ang tagal kasing magsibalikan nung mga nurse tuloy no choice na ako rito.
"Hmm. Hmmm."
"Here, nag-iwan ako ng pera kapag may tumulong sa'yo d'yan, kunin mo nalang. But please, shut your mouth. Okay?"
Dahan-dahan na akong lumabas sa kwarto, saka pinakiramdaman ang paligid.
Iilan-ilan lamang ang tao na dumaraan sa hallway. May dalawang nurse na hindi kalayuan sa akin at sila ay nag-uusap. May babae ring pasyente na naglalakad na bibit ng nurse na lalaki ang dextrose n'ya sa likuran.
Ayos, kaunti lang ang tao ngayon. Kaya naman ay sinimulan ko na rin ang maglakad papunta sa...
Room 46.
Halos maghahating gabi na ngayon kaya kaunti lang ang mga tao sa corridor ng hospital. Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ay hindi na ako nagtaka na maraming guards ang nakabantay sa kanya.
"Miss, anong kailangan mo?" Pigil sa akin ng lalaking may malaking katawan.
Tiningnan ko s'ya mula sa aking mahahabang pilikmata saka ngumiti. "Ah, e-eh. Oras na po nang pag-inom ni Sir." Nahihiya kong sabi.
Kinakabahan tuloy ako baka mamaya hindi na nakahinga yung babaeng itinali ko ron. Malay mo wala pa ring tumutulong sa kanya.
"O, sige. Pumasok ka na." Pinagbuksan n'ya ako ng pinto kaya ngumiti ako at tumango sa kanya. Muli naman akong sumulyap sa tatlong lalaki pa na nakatayo sa aking gilid.
Bali 4 sila, hindi ako mahihirapang patumbahin ang mga ito pero dapat maging maingat pa rin dahil nasa hospital ako at ayaw ko namang guluhin yung mga natutulog na patients, kawawa naman.
Naglakad ako papalapit sa table malapit sa natutulog na lalaki saka s'ya tiningnan. Nakapikit ito at tila natutulog. Nakita ko rin ang isang bata na nasa mga sampung taong gulang na.
Nagta-tablet ito at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Silang dalawa lang dito sa kwarto kaya kung babarilin ko itong target ko ay okay lang pero ayoko namang mabahiran ng kasamaan ang bata.
He's too young to perceive the wildness of the world.
Nakabukas ang television at medyo maingay rito sa loob. Sarado ang mga bintana at ito lamang ang nag-iisang daan para makapasok sa loob bukod sa pintong bantay-sarado ng mga guwardiya.
Lumapit ako sa bintana at ibinaba ang handle. "What are you doing there?" Tanong nung bata.
Napalingon ako saka nagkibit balikat. "Pinagmamasdan ko lang kung gaano kaganda yung lugar sa parte na 'to tsaka tulog pa kasi yung pasyente," paliwanag ko at hindi na ako nito pinansin.
Naglakad akong muli papalapit sa pasyente at nilagyan ng CCTV's camera ang mga lugar na pwede kong pagdikitan nang hindi nahahalata at pwede kong makita ang paligid gamit 'to.
"Bata," tawag ko roon sa batang lalaki, lumingon naman ito pero sandali lang.
"Iiwan ko na yung gamot paggising nalang n'ya tsaka mo sabihing inumin 'to."
"Okay." Simple nitong sagot, kaya lumabas na ako ng kwarto at dali-daling bumalik sa kotse ko sa may parking lot para magpalit ng damit.
Pagdating ko sa kotse ay pumasok agad ako at binuksan ang laptop na connected sa mga CCTV na inilagay ko sa loob ng kwarto.
Pinapanuod ko lang ang monitor habang hinuhubad ko na yung damit na halos hindi na ako makahinga sa sikip. Psh, buti nalang mabait ako at marunong magtipid.
Sinoot ko ang itim kong leather jacket saka isang black denim pants. Itim na gloves at ang aking shades.
Kumunot ang noo ko nang makitang lumabas ng kwarto yung bata, mukhang sinundo na na kanyang parents.
Binuksan ko ang bulsa ng bag na nakalagay sa likod ng kotse at inabot ang aking Colt Model 1855 (Root Revolver) nang hindi tinatanggal ang tingin.
May pumasok na lalaking nakasuit sa loob ng kwarto na may dalang pagkain, gising na rin yung target ko hanggang sa kumain sila. Halos 30 minutes na akong nanunuod at nabobored na. Napaayos na lang ako ng upo nang lumabas na ang lalaking nakasuit kasama yung mga guards pero may naiwan pa rin na isa sa loob.
Hmm. Kaya na 'tong patahimikin.
Nang handa na at kumpleto ang lahat ay isinuksok ko na ang baril kong may silencer sa aking baywang. Isinara ko ang aking laptop at lumabas na ng kotse.
I sensed under my skin the cold air of the misty night.
Silence all over.
Hinawi ko ang aking buhok, then close the door of my car.
If I'm not able to kill in front, then kill him from the back.
Nagtatakbo akong nagpunta sa likod ng hospital at nang makarating ako ay hinagis ko ang lubid pataas. Binaltak ko pa ito ng ilang beses upang masigurado kung nakakawit na ito nang maayos sa pader at nang okay na ay nagsimula na akong umakyat.
I can use the door if I want to, but I won't. I like deadly ways and extreme ones, para kasing lumalakas ang aking loob at naactivate ang mga tulog kong veins kapag nahihirapan ako.
I did not try to suppress the smile upon climbing. I like the thought of him dying, lalo na nang malaman kong marami s'yang nagawang kasalanan.
Not only to DQM pero sa lahat. He needs to pay his debts, and his life is enough.
Kaya s'ya nasa hospital ngayon ay dahil binalaan na s'ya ng DQM nang muntik na rin s'yang patayin pero hindi s'ya sumunod para magbago, kaya ako na mismo ang inutusan para patayin ito.
Sinipa ko ang bintana at nagpaslide na pumasok as soon na makatapat ko ang floor at room nito.
"Oops," ani ko saka binaril sa kamay yung bantay nang makita kong itututok na sana sa akin ang kanyang baril. Sinunod ko naman ang kanyang binti.
Nang makatapak na ako sa sahig ay mabilis kong kinuha sa bulsa ang isang injection na may lamang lason. Itinusok ko agad ito sa tube nang dextrose ni Mr. Chu. Ayan! Mas masaya kung mamatay ka nang dahan-dahan para dama mo ang pagbabayad.
Muli kong binaril sa dibdib yung bantay nung maramdaman kong babangon pa sana ito.
Napangiwi ako nang makitang naghihingalo na siya sa hirap.
"Hindi kita papatayin, okay na 'yan." Binigyan ko pa siya nang ngiting binibigay ko lamang sa mga taong natutuwa ako kasi naghihirap. Cool 'yan.
Muli kong tinapunan ng tingin si Mr. Chu tsaka tumalon na palabas ng kwarto.
Wencie's POV
Binusinahan ko ang kotse na nasa harapan ko. Akala ba nila pag-aari nila ang kalsada?
Umandar naman ito, pero hindi na ako nakatiis at nag-over take na. Parang mga pagong, binilisan ko pa ang pagdadrive nang mabilis na sana akong makarating sa aking pupuntahan.
"Jeez!" Singhap ko at gulat na tinapakan ang brake dahil biglang may humarang na isang asul na kotse sa aking dadaanan.
Nakapahalang ang sasakyan kaya hindi ko magawang makadaan. Tumaas ang aking kilay nang makitang bumaba ang isang lalaking may nakalolokong ngiti sa kanyang labi.
My car was tinted, so he wouldn't see me inside. I'm just staring at him, giving a 'what the f?' look even though he can't see it. He stepped forward towards me, and in just a second, I heard him knocking outside my window.
Tss, I wonder what he needs from me now.
Binuksan ko ang pinto saka lumabas ng kotse. Hindi na n'ya hinintay na masara ko ito bago magsalita.
"Long time no see, Smith," he said, smirking.
Isinara ko ang pinto saka sumandal dito habang tinitingnan s'ya nang masama.
"What do you want?" Pranka kong tanong.
"You are a sharp one, aren't you? Wala man lang bang hi o hello?"
"I have something to do CaUx, so if you don't mind stop playing around."
"Okay, okay. Join us."
"From what?" Atat kong tanong. Kapwa kong mafia member si CaUx, kabilang ito sa Rebellion group pero matagal na akong walang balita sa kanila dahil nawala sa Dark World ang grupo nito.
-Data-
Dark World
-"Mafia World"
-Data-
Dark Rebellion
Name: CaUx (Cayux) Benneth Parker
Age: 23
Skill: Sniper
"DQM killed Maunstro," he said with gritted teeth and with a sad tone at the same time.
"Maunstro Lepard."
"And then?" Kilala ko si Maunstro, co-member n'ya ito sa Rebellion pero ano naman ang pakielam ko kung pinatay 'to ng DQM.
"Tsk, you are still so heartless. They almost killed half of the Rebellions. Join us Wencie, we need Pinky Gangsters, we have a plan. On the exact day of the party of Queens, we will be having our revenge."
Hindi ko naiwasang mapatawa dahil sa sobrang kaswal n'yang pagkakabitaw sa mga salitang iyon. "Mamamatay ka lang CaUx."
"Stop being a coward Wencie. Hihintayin mo nalang ba na kayo naman ang patayin kapag nawalan kayo ng gamit?" Inilabas ko ang aking baril saka itinutok sa kanya. I had enough.
"Psh, are you going to shoot me?"
Umirap ako pero hindi inialis ang nakatutok na baril sa kanya.
"Wala kang alam at hindi lahat nang ayaw lumaban, duwag."
"Nilapitan kita dahil alam kong malalakas kayo, the savage Pinky gangsters. Pero hindi ko alam na mananatili ka sa pagkontrol nila sa inyo."
"Everything has a right time." Ibinaba ko ang baril at binuksan ang pinto ng kotse sa aking likuran. "Maybe you are thinking that this is your right time, but I deter to that. The right time hasn't come for us and I won't budge still, I just don't want to sacrifice anyone. No more."
"Malapit na ang Queens' Party, you have still time to decide."
"Go ahead CaUx, but I refuse to the hope that I will change my mind." Hindi na n'ya ako napigilan pa sa pagpasok kaya bumusina ako para malaman n'yang nakaharang ang kanyang kotse.
After 5 years, gaganapin nanaman ang Queens' Party.
This isn't good; I almost forgot about it.
Umiling naman ito bago tumakbo pabalik sa loob at iniliko ang kanyang kotse.
Hindi n'yo kilala ang Dark Queens' Mafia, wala pa sa kalingkingan nila ang kasamaan nila ngayon. At ayokong isugal ang buhay nang mga kagrupo ko, hindi pa ngayon.
Hindi pa.
-----
NEXT CHAPTER: INFORMATION