Chereads / PINKY GANGSTERS / Chapter 3 - CHAPTER 3: Kill

Chapter 3 - CHAPTER 3: Kill

Wencie's POV

I shut the door closed behind me, at dahan-dahang naglakad papaakyat sa hagdanan. Ngayon lang ulit ako umuwi rito sa mansyon para kumuha lamang ng mga gamit.

Ramdam ko kasi ang paisa-isang pag-ubos ng DQM sa iba't ibang mafia groups and gangsters these past few days, kaya dapat handa kami sa bawat oras.

"Where have you been?"

Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang pinakakinatatakutan kong boses, kasunod nito ay naramdaman ko rin ang mga papalapit n'yang mga yapak papunta sa akin.

"Don't worry, aalis din ako agad." Diretso kong sagot sa kabila ng kaba na bumabalot sa akin.

"Still dreaming honey?" I rolled my hand into a shape of ball, eto nanaman siya sa pagsasalita sa akin nang masasama at pangunguna sa mga desisyon ko.

"No, Mom."

She laughed evilly, "how many times do I have to tell you that you must stop that dream of yours?"

"Not until the day that you will accept what I really want."

I bit my lower lip when a disapproved and disappointed look flashed automatically on her face.

"Honey, honey, honey, you are really kidding me."

"I will go ahead."

Nasaad ko na lamang dahil hindi ko na kaya ang mga sinasabi ng sarili kong ina. I'm so jinx, because of her.

"Babalik ka rin kung saan ka nanggaling. Nailed it, baby." Napapikit ako nang mariin habang isinasara ang pinto ng aking kwarto. Hindi ko maisip na may magulang ako pero parang hindi niya ako itinuturing na tunay na anak.

Talline's POV

"Oh, sh*t! Ya, look like sh*t!" I shouted to the girl standing right before me.

"S-sorry miss, pero 'yun po talaga ang sabi sa amin. Bawal ang magpapasok ng hindi naman invited."

Inirapan ko yung taga-assist dito sa venue dahil obvious namang alam ko.

"I told you I have the invitation, but I just left it at my house."

"Miss, h'wag na po kayong manggulo di---"

Pinandilatan ko siya ng mga mata saka itinaas ang kanang kamay sa harap nito na parang sinasabing 'just shut up'.

"Excuse me!?" Mukha naman siyang natakot kaya napayuko muli ito nang sigawan ko siya.

"H-hey, what is happening here?" Lumapit sa amin ang isang naka-black tuxedo na lalaki nang mapansin na may kaunting pagkakagulo.

Well? Hindi pa ba halata na kung nasaan ako ay laging may gulo?

Nang wala nang sumagot ay muli itong nagtanong.

"Anong nangyayari rito?" He asked directly to the assistant.

"S-sorry Sir, nagpupumilit po kasi siyang pumasok pero wala naman po siya sa guests' list natin."

Nilingon ako nung lalaki nang nakasibangot pero bigla rin namang ngumiti nang mapagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

Kaya tinaasan ko ito ng kilay, checking me out huh?

"I'm sorry ma'am pero 'yun po ang pinakamahigpit na utos sa amin."

I flipped my hair and then gaped at the girl beside him.

"Paki-check ulit ang name ko."

"Po? Pero ma'am wala po talaga di----"

"I demanded you to search it!"

Pareho silang nanigas sa kinatatayuan nang sigawan ko ang mga ito. Nang maka-get over ay yung lalaki na ang nagsalita para magtanong.

"Ano po bang pangalan n'yo ma'am?"

"Kristalline Williams," nakasmirk kong ani. Kinuha naman nung lalaki yung listahan at siya na mismo ang naghanap.

"Ang sabi ninyo po sa aki-" nilakihan ko nanamang muli ng mata yung babae kaya natameme nanaman ito.

Psh, sisirain niya pa ang mga plano ko. "Williams?" Pinagbalik- balik niya ako ng tingin at yung hawak na book.

"Kristalline?"

"If you are an idiot, you'll repeat it again." Mataray kong komento.

Sinabi ko na nga ba 'di ba? Ayaw pa ring maniwala?

"Naku sorry po ma'am. Sorry po talaga, baka hindi niya lang po napansin na isa kayo sa mga VIP guests. Pasensya na po."

Panay ang yuko nilang dalawa sa harap ko dahil sa ginawang pagkakamali.

"Actually, I'm not accepting sorry, unless you'll guide me to meet Mr. Felix now."

"O-okay po. This way ma'am." Naunang naglakad sa akin yung lalaki kaya sumunod na ako habang taas noong nilalagpasan ang babaeng natarayan ko.

Soot-soot ko ang isang long black gown with matching heels, dahil isa itong formal party.

This is just a part of my plan.

Ang gumawa ng scene doon para mapansin nang ibang tao, sinabi ko kanina sa babae ang ibang pangalan para mamali siya nang tingin sa guests' list.

And I succeeded, dahil ngayon todo asikaso itong lalaki sa akin. I'm a new business partner of Mr. Felix na nagse-celebrate ngayon ng anniversary ang company niya. As you see, I'm not here to be with them and to celebrate the anniversary but to kill him.

I held my pouch tightly as I followed the spot as his employee directed me. Si James Felix ang mission ko. Isang mayamang bussiness man na maraming utang sa DQM kaya ngayon ay sinisingil na.... gamit ang kanyang buhay.

F*ck that DQM.

When the time comes that I will have the chance to kill the Queens, I won't hesitate twice, they kill for pleasure and debts, and I will do the same. Eye to eye. Teeth to teeth.

Huminto ang lalaki sa tapat ng isang kulay asul na pintuan at sinabi nitong narito na kami sa pinakamain door ng party.

"No, tell to your boss that I will be waiting for him the next door and I want him to come alone."

"Pero ma'am marami po siyang inaasikaso rito sa par--"

Tinaasan ko nanaman ito ng kilay, parang wala siyang naaalalang ginawa nilang kapalpakan sa akin.

"What, are you disobeying me? Fine, ako na mismo ang magsasabing aayaw na ako sa pakikipagpartnership sa kanya dahil mga tanga ang empleyado niya."

Nakita ko ang pagrehistro nang pagkagulat sa mukha nung lalaki. "S-sorry po, sasabihin ko po sa kanya."

Tinalikuran ko siya at naglakad papalayo sa door kung saan punong-puno ng mga nagpaplastikang entrepreneurs.

Sh*t them.

Nang pumasok na ang lalaki sa maindoor ng party ay pumunta ako sa kwartong itinuro sa akin nitong paghihintayan ko sa kanyang amo. Binuksan ko ang pinto kung saan ay may mga katabing mga kwarto rin. Parang condominium ang ayos ng mga ito.

Pagkapihit ng doorknob ay inuwang ko lamang ng bahagya ang pintuan saka pumunta sa kabilang kwarto at nagtago sa loob nito. I clenched my fist while holding my British Sea Service Pistol, and readied myself for shooting his head.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig na ako nang mga yapak, kaya sumilip ako mula sa pinto na pinagtataguan ko. Alam kong dun siya papasok sa kwartong nakaawang dahil aakalain niyang nandun ako.

Alam ko ring hindi siya papayag na walang kasamang body guards but I know na babawasan niya ang mga ito. Sumilay sa aking mukha ang ngiting panalo dahil dalawa lang ang kasama niyang bodyguards.

Hindi tulad noon na nasa sampu.

Well, kung alam mo bang mamamatay ka na eh, ay talagang dadamihan mo ang magbabantay sa'yo. Nang hawakan nito ang doorknob ay mabilis kong pinaputukan sa ulo ang dalawang bodyguards niyang kasama nang baril kong may silencer. Oh, shiz bloods.

"What th--"

"Sorry."

I said saka binaril siya ng tatlong beses sa dibdib. Utos kasi 'yan, pagpapatayin, patay talaga. Nang makita ko na ang paghiga nilang lahat sa lapag at siguradong wala nang buhay ay itinago ko na ang baril kong may silencer sa pouch.

Naglakad ako papalayo roon at nagpunta sa left side ng venue nang party, na kunwari doon talaga ako naghintay. Of course, these are all my plan. About sa CCTV? I already hacked all of them, inilipat ko sa ibang lugar ang mga cameras para hindi mapansin ng mga nagbabantay.

Pagkapasok ko sa kwarto ay umupo na agad ako sa mahabang couch na kulay mint, at kunwaring natakot dahil sa mga pagkakagulong nangyari pagkatapos ng ilang minuto pa.

Mission Accomplished.

Maricris's POV

"Okay, class. Finish your assignment, and I'll wait for your paper until tomorrow at 3 pm. If you are not going to submit it on time, then don't show off anymore," paliwanag ko habang inaayos ang mga gamit sa lamesa.

"Wow, ang cool talaga ni ma'am 'no?"

"Ganda pa."

"Sana kapag nag-teacher ako ganiyan din ako." Napangiti nalang ako sa bulung-bulungan ng aking mga estudyante.

Lagi kasi silang ganyan, they always compliment me like backstabbers. But, come on, I won't blame them, they were just saying what they are seeing, and it's okay with me naman.

"Crush ko nga si ma'am eh!"

"Ano? Future ko 'yan!"

"Yuck! Ang babata n'yo pa kaya."

"Hu! Inggit ka lang dahil mas maganda sa'yo si Ma'am!"

"Hahahah."

"Class quiet," saway ko habang yakap ang mga folders sa aking braso. "Take care and class dismissed."

Tumalikod na ako at lumabas ng room papunta sa parking lot nang makaalis na.

I'm a professional teacher. At an early age, I already had a master's degree.

"Good afternoon ma'am."

"Goodafternoon ma'am Maricris," muli nanamang bati nang isa pang hindi ko kilalang student. Sa exclusive school ako nagtuturo, mayayaman at mga kilalang tao ang mga magulang ng mga nag-aaral dito.

Ilang pagbati na ang narinig ko hanggang sa huminto ako sa isang estudyanteng babae na may malaking ribbon sa ulo.

Duh, she's rich, but that ribbon makes her cheap.

"Hi, ma'am."

Ngumiti ako bago nagsalita. "Uh, where did you buy this ribbon?"

Nahiya pa siyang hinawakan ang kulay violet na ribbon na may polka dots na red.

"I don't know where po, but my designer bought this for me."

Designer?

"If I were you, fired him, Ija."

"P-po? Bakit po?"

"That ribbon isn't cool. It's weird in the eyes. So go ahead, pumunta ka sa C.R. alisin mo 'yan."

"Ma'am! Panget po ba?" Tanong niya habang inaalis na ang ribbon sa buhok, nagpatulong pa nga ito sa classmate niyang katabi.

"The color violet wasn't good as the complementary for the color red. Maybe, pink will do and also.... polka dots was not a good design for normal days like this, it makes you look like a 90's girl, maybe just a plain ribbon since you're just a teenager, okay? " advice ko sa kanya.

It was so cheap kaya.

Simplicity is beauty.

"Ah-h, t-thank you po." Yumuko pa ito para lang mag-thank you.

"You're welcome." Tango ko at bago ako makaalis ay narinig ko pa ang bulungan nila.

"Aya! Lokong stylist ko na 'yon."

"Ang galing ni ma'am no? Idol ko nga 'yan sa fashion eh. Ang galing kasi."

"Oo, ang gaganda kaya ng mga sinosuot niya lagi."

Ow, my dear students, they were so honest every time they saw me.

Naglakad na akong muli at napahinto nang marinig kong magring ang aking cellphone.

"Yes?" I asked while making my way to the parking lot of the school.

"Hi, hon."

Bigla na lang akong napangiti nang marinig ang boses ng aking boyfriend. "Hi, what with the suddenness?"

"I just missed you so I'm waiting here."

"Where?" Luminga-linga ako at saka napangiti nang makita siyang kumakaway mula sa kanyang kotse. Mabilis naman akong nagtatakbo papalapit sa kanya na tila sabik na makita ito.

"I got you."

He hugged me and then kissed my cheek when we touched each other.

"How's your day?" He asked, then guided me to mount on his car.

Hinintay ko naman siyang pumasok bago ako sumagot habang inaayos ang seatbelt. "Getting a nice day, I guess."

"Let's make it nicer, then."

"How?" I asked, giggling.

"Dinner?" Sagot ni Kristoffer Brooks na nagpangisi sa akin.

-Data-

Dark Seuss

Name: Kristoffer Brooks

Age: 24

Skill: Intermediary

"Sure, I love you."

"I love you too."

-------

NEXT CHAPTER: ASK