Third Person's P.O.V
"Vreihya, stop crying please," nag-aalang pag-aalo ni Mino sa walang tigil na umiiyak na prinsesa at marahan niyang tinakpan ang isa niyang kulay pulang mata. Nagbabaka sakali siya na hindi makikita ni Vreihya nang matagal ang nakikita nila ngayong mapait na kalagayan ng kanilang kaharian.
Nasa harapan niya ngayon ang sira-sirang palasyo at ang patay na kagubatan na siyang buhay at ligtas nang huli silang umalis.
Tila ayaw na niyang makita pa ni Vreihya ang buong kagubatan at maging ang mga nawasak, nasunog at mga tahanang may nagkalat na tuyong dugo sa paligid.
The lively forest seemed to be deserted and dried up dahil sa tuyong-tuyong mga halaman at bulaklak. Nagkalat din sa paligid ang mga buto ng mga namatay na siyang lalong ikinalugmok ng prinsesa.
Kahit pa ilang beses niyang patahanin si Vreihya nang paulit-ulit ay tila bingi ito dahil sa matinding pag-iyak. Marahang napatingala si Mino sa kalangitan kung saan tila nakakapaso ang mainit na araw na batid niya sa kaniyang balat.
Mas lalo nitong pinatutuyot ang malawak na patay na kagubatan na tila ba isa ito sa mga kamalasang nakadaragdag ng kilabot sa paligid.
Hindi maiwasan ni Mino na sisihin ang kaniyang sarili dahil batid niyang kung pumayag siya kaagad na bumalik sila ni Vreihya ay baka may naabutan sila kahit papaano.
Kung naging buo siguro kaagad ang kaniyang loob o hindi naman kaya ay mas mabilis na naging malakas upang makabalik siya ay hindi dapat ito ang sinapit ng bagong tahanan ng prinsesa.
Tila punyal na tumatarak sa kaniya ang mapait na pag-iyak at paghihinagpis ni Vreihya na patuloy niyang naririnig. Kung naririto lamang ang prinsesa ay kanina niya pa ito nayakap nang mahigpit.
"Vreihya, please, stop crying," naaawa niyang saad sa binibining hindi na magkamayaw sa pag-iyak at pagdadalamhati. Mabilis na gumawa ng ingay si Silvestre sa kanilang likuran na tanda ng matindi din nitong pagdaramdam.
Bago sila makapunta sa lugar na ito ay bahagya pa silang nabigla nang bigla na lamang sumulpot at lumapag si Silvestre mula sa himpapawid. Gumawa ito ng tila mangiyak-ngiyak na ingay nang masilayan niya kanina si Mino.
Samantalang ang nagdadalamhating prinsipe ng nyebe ay umakyat sa isang matayog na nagyeyelong kabundukan habang tangan-tangan ang malamig na bangkay ng kaniyang binibini.
Batid ni Mino na gagawin ni Calix ang napag-usapan nilang plano sa kabila ng malalim nitong galit. Bahagya pang nagulat si Mino at Vreihya nang makita nila ang malaking kalmot sa mata ni Silvestre na siyang tuluyang nagpabulag dito.
Doon na nila nadama na tila may masamang nangyari dahil wala ang tiyo Alonzo ni Vreihya na siyang laging kasama ni Silvestre. Dahil nga dito ay mabilis silang sumakay kay Silvestre na siyang nagpakita at nagdala sa kanila sa kalunos-lunos na kagubatan na ito.
"MGA WALANG HIYA SILA! MGA HALANG ANG KALULUWA!" malakas na sigaw ni Vreihya habang nababakas sa kaniyang tinig ang matinding paghihinagpis at galit. Bahagyang napaluhod si Mino nang mabatid niya ang tila marahas na pagpantig ng kaniyang ulo dahil sa matinding galit ng prinsesa.
Mabilis niya iyong ininda habang patuloy na nagwawala at nagsusumigaw ang prinsesa sa kaniyang isip. Para itong isang mabangis na halimaw na ninanais na makawala sa hawla.
Marahas na nagsilabasan ang mga ugat sa sintido ni Mino dahil sa nagpupuyos na galit ni Vreihya na siyang nararamdaman ng kaniyang katawan. Marahas niyang hinawakan ang kaniyang ulo na tila ba unti-unting binibiyak.
"MAGBABAYAD SILA! MAGBABAYAD SILA!" marahas na sigaw ni Vreihya habang bahagya na ding napapasigaw sa sakit si Mino.
"Vre-Vreihya!" mahina niyang pag-awat sa prinsesa habang nagsisimulang manginig ang kaniyang katawan dahil sa matinding sakit. Tila hindi kinakaya ng kaniyang katawan ang matinding poot na nararamdaman ng prinsesa.
Nakadaragdag pa sa kaniyang nararamdaman na dalamhati nang hindi niya nakita ang kaniyang tiyo at ina. Ayaw man niyang isipin ngunit hindi maalis sa isip niya ang matinding pag-aalala at takot na baka tuluyan na siyang iniwan ng mga ito.
"AHHH! VREIHYA!" nahihirapang pahayag ni Mino habang tila hinahati sa dalawa ang kaniyang utak dahil sa matinding kirot. Ilang sandali pa ay nabatid ni Mino na tila may malakas na pwersa na humila sa kaniya bago niya naramdaman na tila hindi na siya ang may kontrol sa kaniyang katawan.
Agad na mabilisang tumayo ang katawan ni Mino bago tuluyang nagningas ang dalawa niyang mga mata, naging kulay pula ang mga ito na tila handang pumatay sa anumang oras. Marahas niyang itinaas ang kaniyang mga kamay at mabilis na umuga ang lupa.
Mula sa unti-unting nabibitak na lupa ay marahas na lumabas ang malalaking ugat ng puno. "Vreihya! No! Give my body back please," mabilis na pag-awat ni Mino sa prinsesa ngunit lalo lamang itong nagpupuyos sa galit.
Ilang sandali pa ay marahas na napatingin si Vreihya sa mga nilalang na unti-unting lumabas mula sa kanilang pinagtataguan.
Nang mabatid ng mga ito na may bumalik sa patay na kagubatan ay mabilis silang sumugod at naghanda upang umatake. Matagal na nilang hinihintay na may kung sinumang babalik sa lugar na ito upang isama sa listahan ng mga walang awang pinaslang sa lugar na ito.
Mabilis na lumabas ang mga pangil ni Mino at ang kaniyang mahahabang kuko habang tila handa na siyang baliin ang leeg ng kahit na sino.
"Utos ng kaatas-taasang hari ng mundong ito na paslangin ang sinumang makikita sa kagubatan na ito," madiin na saad ng punong kawal at sa kaniyang hudyat ay mabilis na itinutok ng mga nakapalibot na kawal kay Mino ang kanilang mga pana.
Mabilis na tila nangatal sa takot si Silvestre dahil hindi ito ang unang beses na nakaenkwentro niya ang mga kawal na ito at hanggang ngayon ay batid niya ang matinding takot matapos niyang masaksihan ang madugong labanan na siyang nagbura sa kaharian ng Zecillion.
"Anong ginawa niyo sa aking kaharian!" madiin na singhal ni Vreihya habang gamit niya ang tinig at katawan ni Mino mabilis niyang iginalaw ang kaniyang magkabilang kamay at sa kaniyang hudyat ay mabilis na bumulusok ang isang malaking ugat at agad nitong tinusok ang tatlong kawal na magkakahanay.
Agad na narinig ang pagkaputol ng kaniyang mga buto at marahas na itinapon ang kanilang mga katawan. Mabilis na pinakawalan ng mga kawal ang kanilang palaso sa direksyon ni Mino ngunit mabilis na nabalutan ang kaniyang katawan ng isang simboryong gawa sa makakapal na ugat.
Mabilis na nawala ang simboryo habang balot na balot ito ng mga tama ng pana. Marahas niyang inihampas ang kaniyang kamay sa direksyon ng mga kawal sa kaniyang kanan at agad na may lumabas na mga ugat mula sa ilalim ng lupa na siyang bumalot sa kanilang mga leeg bago ito marahas na nagkaroon ng tinik na siyang bumaon sa kanilang mga leeg.
Mabilisang nangatal ang mga nakasaksi nang sabay-sabay na nahulog ang mga ulo ng mga kawal habang mabilisang dumanak ang kanilang mga dugo sa lupang matagal nang nakasaksi ng malagim na mga pagpatay.
"Oh God Vreihya!" hindi maiwasan ni Mino na makaramdam ng kilabot habang nakikita niya ang ginagawang brutal na pagpatay ni Vreihya gamit ang kaniyang katawan.
Muling umatake ang marami pang kawal gamit ang kanilang mga pana ngunit sa mabilis na kumpas ni Vreihya ay agad na natusok ang mga katawan ng mga kawal nang bigla na lamang may lumabas na matatalas at malalaking tinik mula sa mga katabi nilang malalaki ngunit tuyot na mga puno.
Muling dumanak ang masaganang dugo sa paligid habang tila babaliktad ang sikmura ni Mino sa kaniyang nakikita.
Sa hudyat ng punong kawal ay inilabas ng kaniyang mga taga-sunod ang kanilang mga espada habang nagningas na din ang kanilang mga mata. Gumawa ng ingay ang mga ito habang pinapatalas na din ang kanilang mga kuko at pangil.
Sabay-sabay na sumugod ang mga ito sa direksyon ni Mino ngunit napatigil sila nang mabilis nanawala sa kanilang harapan si Mino.
Ilang sandali pa ay sunod-sunod na sigawan ang naririnig kasabay ng pagkabali ng mga buto at mga leeg. May iilan din na hinahati sa dalawa ang katawan at ang iba ay pinapatay sa malalim na mga kalmot. Rinig na rinig ang nakakadiring pagkapunit ng mga laman at maging ang pagtalsik at pagbaha ng dugo sa paligid.
Kahit si Mino ay hindi na kayang sabayan ang bilis ni Vreihya sa pagkilos at pagpaslang sa mga bampirang kawal. IIlan din sa kanila ang kinagat nang marahas hanggang sa mabali ang leeg o hindi naman kaya hanggang sa mapunit ang malaking bahagi ng katawan.
Rinig na rinig ang nakakakilabot na pagdaing ng mga kawal habang tila dugo na ang siyang dumidilig sa lupa. Ang mga malalaki at matatalim na ugat ay sumasabay na din sa kilos ni Vreihya na walang awang pinapaslang ang bawat madaanan na kawal.
Tila walang magawa si Mino kundi panoorin na lamang kung paano tila isang demonyo na pumapatay ngayon ang prinsesa habang gamit ang kaniyang katawan. Mas lalong bumaligtad ang kaniyang sikmura nang makita niya kung paano nadurog ang bungo ng isang kawal nang madiin na ikinuyom ni Vreihya ang kaniyang palad na nakahawak sa noo nito.
Mabilis na lumabas ang utak nito at maging ang dalawang pares ng mapupula nitong mga mata. Ilang beses din ibinabaon ni Vreihya ang kaniyang mahahabang kuko sa leeg ng mga kawal at walang habas na hihilahin ang lalamunan nito na siyang nagpapalabas nang masaganang dugo.
Ilang sandali pa ng walang awang pagpaslang ay hawak na ni Vreihya ang punong kawal sa kaniyang leeg. Marahas itong nagpupumiglas nang iangat siya sa ere habang mahigpit ang pagkakasakal sa kaniya.
Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kilabot lalo na nang makita niya ang katawan ni Mino na balot na balot ng dugo habang ang mga mata nito ay tila kumukuha ng buhay na kaluluwa.
Mas lalo siyang nangatal lalo na nang makita niya ang iilang balat ng kaniyang mga kawal na nakasingit sa mahabang kuko ni Mino. Mabilis siyang napasuka ng dugo nang marahas na idiniin ni Mino ang pagkakahawak sa kaniyang leeg na siyang nagpabaon sa mahahaba nitong kuko sa kaniya.
Ilang segundo pa ay itinapon siya ni Mino sa ere at sa kaniyang pagbulusok paibaba ay inihanda ni Mino ang kaniyang mahahabang kuko at mabilis na itinutok sa bumubulusok na punong kawal.
Mabilis na tumarak sa dibdib ng punong kawal ang matatalas niyang kuko at walang ano-ano ay hinawi niya sa magkabilang gilid ang kaniyang mga kamay na naging sanhi kung bakit nahati sa dalawa ng katawan nito.
Mabilis na bumuhos sa kaniya ang masaganang dugo habang karumaldumal na tumilapon sa kaniyang magkabilang gilid ang nahating katawan ng punong kawal.
Para na siyang naligo sa dugo at ilang sandali pa ay nawala ang pagniningas ng mga mata nito. Mabilis na napadapa si Mino sa lupa at mabilis na sumuka. Ramdam niyang siya na muli ang may kontrol sa kaniyang katawan ngunit batid pa din niya ang nagpupuyos na galit ni Vreihya.
Agad na nangatal ang kaniyang duguang katawan habang hindi niya magawang tignan ang nakakadidiring paligid. Nagkalat doon ang magkakahiwalay na katawan at maging ang mga lamang loob.
Tila mabilis na natutuyo sa kaniyang balat ang sariwang mga dugo dahil sa nakakamatay na sikat ng araw.
Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng prinsesa, tila kinilabutan siya nang husto sa kaniyang nasaksihan at hindi niya alam ang tamang reaksyon.
Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong uri ng karumaldumal na pagpatay. Tila hindi niya alam ngayon kung paano kakausapin ang prinsesa na hindi siya makakaramdam ng matinding takot at pangingilabot.
At that moment, he knows exactly na mas nakakatakot pala ang totoong madilim na bahagi ng pagkatao ng prinsesa kaysa sa nilalang na nakita niya noon.
Vreihya is much scarier and ruthless than her evil persona itself.