Chereads / One Bite To Another / Chapter 71 - REVENGE

Chapter 71 - REVENGE

Minos P.O.V

What mends a broken heart and soul?

Some might say forget, forgive and move on but I am not some.

For me... REVENGE

At the back of my mind, I always dream about this thing whereas I am not the one who's at the bottom. I am not the one they consider as weak and vulnerable.

Now that I got that in the way I don't know how I will make sure that they will feel the same pain and rage that's consuming my heart every now and then.

"Please please stop!" she cried in pain and strong urge for me to move away from her as my bite continued to deepen. Oh God! Her blood... its as sweet as I remember.

Her screams and cries fell into deaf ears as I continue to savor her blood. This is what you want? Right? Mino?

Hindi na lang ikaw yung simpleng lalaki na walang laban at mahina kaya nagawa ka niyang saktan at lokohin nang husto. This time... ako naman.

Mas lalo kong idiniin ang aking pagkagat sa kaniya dahilan kung bakit lalo siyang nagpumiglas at nagsusumigaw dahil sa takot at sakit. Domoble ang panginginig ng kaniyang katawan habang tila wala akong naririnig.

What you've done to me Vreihya is much more painful than being bitten. You shred my heart into pieces that I cant even put together.

She continued to cry until I can fell her weakening, her breaths became heavy until it became a whisper. Remember that Vreihya? You did that to me too? How does it feels? Being this afraid and hopeless, begging for life but someone can easily snap it away from you.

"Please I wi- will do everything you ask me just please!" nahihirapan niyang saad habang tila wala na siyang lakas na gumalaw pa o manlaban.

I quickly move away from her at mabilisan siyang napaupo sa lupa habang nanghihina niyang hinawakan ang marka ng pangil ko sa kaniyang leeg.

I smirked. I think I like that idea better. I will make you feel the same pain you cost me princess. Hindi mo alam kung gaano kasakit, kung gaano ko pinilit na kalimutan ang lahat ngunit parang sirang plaka na bumabalik sa akin kung gaano kasakit ang magamit at lokohin para sa pansariling kagustuhan.

I lowered myself to her level habang patuloy siyang nangangatal dahil sa takot. I slowly held her chin with my left hand and caress her nape.

Whether she is a princess or a human, what can I say? Her beauty is still ethereal, but no Mino! Sadya mang nakakabaliw ang kaniyang kagandahan ay hindi ko dapat malimutan na siya pa din ang babaeng naging dahilan kung bakit makirot ang bawat pagtibok ng aking puso.

Now you know how it feels being this weak, I whispered at her as I started lowering myself to her bitten neck. Be my slave Vreihya then maybe I will spare you your life, I stated as I slowly lifted her hand covering my bite mark.

Tila wala na siyang lakas na lumaban pa kaya matagumpay kung naialis ang kamay niyang nakaharang sa marka. I lowered myself further until my lips are inches apart from my mark.

"Hindi kita nauunawaan, wala akong ginawa sa iyo na kahit ano! I don't even know you!" nanghihina at naiiyak niyang saad na batid kong dala ng takot na muli ko siyang kakagatin.

I smirked. I will make you remember. I will make you fell it too.

I slowly opened my mouth and started to lick my mark on her neck, I felt her body stiffening because of the sensation that she's feeling right now.

I playfully bit her neck slowly causing for a soft moan to escape on her lips. Agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig na tila iniisip na hindi siya dapat gumagawa ng ganoong tunog dahil sa aking ginawa.

"You're mine!" I whispered at agad kong itinapal sa kaniya ang panyong tumatakip sa aking mukha kanina na mabilis kong tinanggal bago siya kagatin.

I covered it to her mark atsaka ako marahang tumayo at tumingin sa nanghihina niyang katawan.

"You will marry me Vreihya," I commanded habang kitang-kita ko ang pagtanggi sa kaniyang mga mata. "I don't even know you! Sino ka sa tingin mo para sundin ko?" matapang niyang saad.

She's still the feisty princess that I used to know.

"Do I need to remind you that you said literally a minute ago that you will do everything that I will ask you?" I sarcastically said and I saw how her jaw clenched. Now you know how it feels to be at the dead end of your choices. Ang pakiramdam na wala kang pamimilian upang labanan ang lahat.

I used to feel that! And I fucking hate it!

"You're a monster! Isa kang halimaw!" malakas niyang sagot sa akin pabalik na tila ba ginagamit niya ang kaniyang natitirang lakas upang ipakita sa akin ang kaniyang galit at pagtutol.

"You used to be the monster, I am just returning the favor," I stated back na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.

"Damn you! Ni hindi kita kilala kaya huwag mo akong pinagbibintangan!" matapang niyang sagot pabalik. I grinned as wide as I can. I will freaking enjoy this.

"Sleep for me my love," I whispered and as my eyes turned into slits, she fell asleep quickly.

Mabilis ko siyang binuhat ngunit tila matinding pag-aawat ang kailangan kong gawin sa aking sarili. The moon shines on her body, allowing me to see his gorgeous face again but her fragrant scent will always make me crazy to the core.

I quickly looked away from her face, I need to stop myself from being affected by her presence or anything about her. This is exactly why my heart turned into ashes. I let my guard down and allow myself to be enchanted by her.

"I will make you fall for me," I whispered at bago pa man ako makapag-isip nang maayos ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na inaalayan siya ng isang magaan na halik.

Why is this still happening to me? I still miss every inch of her, I still crave for her touch or the way a smile formed on her rosy lips.

I moved away from the kiss immediately as the same throbbing of my heart emerge again. No! Not this time Mino! Maawa ka naman para sa sarili mo.

After walking into a portal just to get in this palace safely, I laid her down to bed as gentle as I can be ngunit hindi pa din talaga ako sanay na ako ang kinikilalang prinsipe sa mundong ito.

They greeted me and give me respect na tila hindi ko lubos na nakasanayan. I can't stop thinking who's responsible for all of this?

Bakit bigla na lamang naging ganito ang lahat sa isang iglap. I doubt that this is Calix's doings. I doubt to the core that he is capable of doing this kind of sorcery. What I felt before this is a stronger presence that Calix didn't posses.

I am dealing with someone that I don't know YET.

Agad akong tumingin sa malawak na kabayanan na natatanaw sa veranda ng aking silid sa palasyo. I can't help but to feel at ease lalo na ngayon na nakikita kong buo at tila buhay na buhay ang mga taga-baryo.

How I wish that it never changed, na sana ayos lamang ang mga totoong taga-baryo na nakilala ko and not this I don't know, whether this is an illusion, a spell or maybe just a dream. I just don't know.

Everything felt strange to me, this life, this title, this sudden switch of position, and even this royal attire that I am wearing. Kahit sa totoo kung buhay ay hindi ko alam kung sino nga ba ako.

There is always new questions and puzzles that are emerging na tila ba hindi ako hinahayaan na mawalan ng iisipin.

Sino nga ba ako? Totoo nga bang kilala ko na ang totoo kong pagkatao? Am I even a human being after all or there's more to me?

BLAG!

"Mahal na prinsipe! Tumakas po ang binibini."

Agad akong napatingin sa isang kawal na marahas na pumasok sa aking silid habang naghahabol ito ng kaniyang hininga.

"Saan siya nagtungo?" mabilis kong tanong sa kaniya.

"Tumakbo po siya sa landas na patungo sa kaharian ng Berbantes," agad na sagot ng kawal na agad kong tinanguhan.

"Pakisabi kay Ina na pansamantala muna akong lilisan," agad kong utos at hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at mabilisan akong tumalon sa veranda.

Sa aking paglapag sa malawak na hardin ay ginamit ko kaagad ang aking bilis upang makita si Vreihya at nang makita ko na siya na takot na takot na tumatakbo palayo sa isang mapuno ngunit mabatong daanan ay agad akong napahinto.

I can smell her mortal scent at malayo na kami sa palasyo kung saan kayang itago ni Tiyo ang kaniyang samyo. I already knew the basic dahil nag-usap muna kami ng reyna at ni tiyo tungkol sa mga bagay-bagay.

Batid kong nagtataka na sila dahil kung magtanong ako ay parang wala akong nalalaman na kung ano. Well, do I really know anything?

This can only means that trouble will have it's fast way to get into her because of her scent. Hmmm? Okay!

Ilang segundo pa ay tumama nga ang aking hinala dahil kahit pa pasikat pa lamang ang araw ay may nilalang na kaagad na lumapit sa kaniya.

Isang mangangalakal na tila nababaliw dahil sa bigla itong tumawa nang pagkalakas-lakas nang makita si Vreihya na nanginginig ngayong nakasalampak sa lupa.

"Sa iyo pala nanggagaling ang samyong pang-mortal binibini," mapanlokong pahayag ng mangangalakal habang prente lamang akong nagtatago sa likod ng isang malaking puno.

I concealed my presence just to spy on the both of them.

"Matagal-tagal na din simula ng makatikim ako ng isang mortal," the merchants excitedly stated and he lowered down his hood, revealing his face and his pale skin.

"Fuck you!" matapang na pahayag ni Vreihya as she lifted her middle finger to the merchant's face na batid kong nainis nang todo sa kaniyang ginawa.

"Matapang ka! 'Yan ang gusto ko sa mga pagkain! Nanlalaban!" natatawang pahayag ng mangangalakal ngunit agad itong napainda dahil sa bigla na lamang pumulot ng bato si Vreihya at ibinato ito sa direksyon ng mangangalakal at tumama ito sa kaniyang noo.

"ENTRANTE!" nanggagalaiti na singhal ng mangangalakal habang agad na tumakbo si Vreihya pabalik sa direksyon ng palasyo. Mabilis akong nagtago nang mabuti upang hindi niya ako makita.

THUD!

Mabilis na bumulusok ang kaniyang katawan habang inaapakan ng mangangalakal ang kaniyang likuran dahil sa mabilis siyang nahabol nito.

"MAGBABAYAD KA!" galit na galit na usal ng mangangalakal habang nakatingin sa direksyon ko si Vreihya at ang kaniyang kaliwang pisngi ay nakalapat sa lupa kung saan siya nakadapa at idinidiin ng mangangalakal.

I looked at her coldly as her tears begun to dwell on her eyes.

I want you to ask for my help Vreihya. I want you to beg for my protection upang mabatid mo naman na maging mahina at ano ang pakiramdam na kailangan mo pang ingatan ng iba upang maprotektahan ang iyong sarili.

You promised me that you will protect me with your strong will kahit na hindi ko iyon hiningi sa'yo dahil akala ko ay mahalaga ako para sa'yo ngunit para lamang pala iyon mapanatili mong buhay ka!

Now! I want you to ask for it or better yet beg for your protection! Feel my pain!

"Help!" nahihirapan niyang bulong habang iniinda ang marahas na pagtapak sa kaniya ng mangangalakal.

I smirked and looked at her intently. "Beg for it." Sinabi ko ang katagang iyon na walang tinig ngunit alam kong naintindihan niya.

"Ple-please... I beg of you," nahihirapan niyang saad na tila mawawalan na siya ng malay.

"Walang sinuman ang makakatulong sa'yo! Sa akin ka na-ACCK!" mabilis kong ginamit ang aking bilis upang tunguhin ang mangangalakal at isandal siya sa malaking puno.

Agad na humigpit ang pagkakasakal ko sa kaniyang leeg at agad na nangatal ang kaniyang buong katawan. "Akin lamang siya!" madiin kong saad tsaka ko inilabas ang aking pangil at mariin na kinagat ang leeg ng mangangalakal.

Agad siyang nagpumiglas at tinangka akong kalmutin ngunit mabilis siyang nawalan ng buhay. Mabilis kong itinapon ang walang buhay na katawan sa kung saan at muling nagtapon ng tingin sa babaeng batid kong takot na takot.

Akma na sana akong magsasalita ngunit agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may malalim na kalmot sa kaniyang likuran.

Damn it! Hindi ko nakita na inatake siya, siguro ay nangyari ito nang sandali akong nagtago nang maayos.

I saw the blood coloring his beautiful dress habang nakadapa siya at nanghihina. The memory of her when she was covered in blood when she healed Kypper flashed back to my mind.

Muli kong nakita ang kakila-kilabot niyang mga sugat na nagdurugo habang tila mababaliw siya kakasigaw dahil sa matinding sakit para lamang magamot si Kypper.

Mabilis akong tinangay ng aking emosyon at naramdaman ko ang matinding pagnanais na lumapit sa kaniya at aluin siya upang lumaban.

Mabilis akong lumapit sa nakadapa niyang katawan. Damn it! No! Vreihya!

Hindi mo ako pwedeng iwan!