Chereads / You Are My Savior / Chapter 1 - Ang Pagtakas

You Are My Savior

Leah_Lopez_Felix
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 1.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Ang Pagtakas

Rhianna's POV

Heto ako ngayon nakaupo sa kama. Hinihintay ang pagpatak ng malaking kamay ng orasan sa 12. Balak kong tumakas ngayong hating-gabi. Gusto kong takasan ang aking amain na isang Drug Lord.

Ikinulong kami sa isang lugar na hindi basta-basta matatagpuan. Ayaw ko mang iwan ang aking ina at kapatid pero kailangan. Kailangang ko silang mailigtas sa kamay ni Don Ysmael. Tsaka ko nalang iisipin kung paano siya mahuhuli, ang mahalaga mailigtas ko muna ang aking Ina at kapatid.

Nang mamatay ang aking Ama labing-walong taong gulang pa lamang ako ay nag-asawa muli ang aking ina at ang nagtagpuan niya ay si Don Ysmael, na hindi niya alam ang totoong pagkatao nito. Nang malaman ng aking ina ang pagkatao ni Don Ysmael ay ikinulong sila.

Kaya wala akong nagawa ng ikulong kami sa isang katamtamang laking bahay na malayo sa kabihasnan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kapag tumakas ako. Kung makakatakas nga ba ako o baka mahuli din ako ng mga tagapagbantay sa gagawin kong pagtakas.

Itinali ko na ang pinagdugtong-dugtong ko na tela sa kama na siyang gagamitin ko sa pagbaba sa bintana. Sa bandang iyon ng bintana ay hindi ako makikita ng mga tagapagbantay ng mansyon dahil tago iyon.

Malapit na maghating-gabi. Pinuntahan ko ang silid ng aking ina at bunsong kapatid na si Ylona. Binuksan ko ang pinto sapagkat hindi iyon naka-lock. Pumasok ako sa loob ng hindi nila namamalayan.

Pinagmasdan ko sila, dahil ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang kanilang mukha. Dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita. Labag man sa kalooban ko ang gagawin ko dahil maiiwan ko sila. Ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko sila. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naglandas iyon sa aking pisngi, agad ko iyong pinahid gamit ang likod ng palad ko.

Lumabas na ako ng kanilang kwarto at dahan-dahan isinara ulit ang pinto. Nagtungo ako sa aking kwarto at saktong alas dose na ng gabi. Sana gumana ang mga plano ko ngayon, dahil ito lang ang tanging paraan para mailigtas ko ang aking ina at kapatid. Walang mangyayari kung magkukulong ako dito sa bahay na ito.

Kinuha ko ang ang pinagbuhol-buhol na tela at iniladlad iyon sa bintana. Hindi ko mapigilang mapalunok. Paano kung mahuli ako? Anong gagawin sakin ni Don Ysmael? Bahala na. Basta ang mahalaga sinubukan ko. Siguro naman hindi nila mapapansin ang aking pagtakas dahil kadalasan sa ganitong oras tulog ang mga tagapagbantay.

Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan nagpadausdos pababa gamit ang tela na iniladlad ko. Nang dumantay ang mga paa ko sa lupa ay hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga. Kinakabahan ako at natatakot sa mga sandaling iyon.

Nilakad ko ang kakahuyan. Dahil ang bahay ay napapalibutan ng mga matatayog na punong-kahoy. Ibig sabihin ang bahay ay nasa gitna ng kagubatan.

Nang mapansin kong walang sumusunod sakin agad akong tumakbo. Tumakbo ako sa kakahuyan na hindi alam kung ano ang dulo niyon. Sana sa dulo nito ay may makita akong kalsada at baka sakali may magligtas sakin. Sana.

Tumakbo ako ng tumakbo. Kahit nasusugutan na ako dahil sa mga halaman na nasasagi ko. Wala sakin yun ang mahalaga makatakas ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tumakbo. Hanggang sa nagpasya muna akong magpahinga. Nakaramdam ako ng uhaw sa ginawa kong pagtakbo. Umupo muna ako sa isang matayog na punong-kahoy at isinandal ko ang aking katawan doon.

Ilang sandaling pagpapahinga at nagpasya akong tumayo at ituloy ang pagtakbo. Takbo lang ng takbo ang ginawa ko. Mahapdi ang mga sugat na sanhi ng halaman na nasasagi ko. Pero balewala sakin iyon. Hanggang sa may makita akong labasan sa kakahuyan. Subalit nanghihina na ang aking katawan.

Nang marating ko iyon. Bigla-bigla ko nalang naramdaman ang pagod, uhaw at pagkahilo. May nakita akong ilaw ng isang sasakyan na papalapit sa kinaroroonan ko. Ikinaway ko ang aking mga kamay para malaman niya ang aking presensya. Nang makalapit iyon ay agad iyon huminto sa kinaroroonan ko.

Lumabas ang sakay niyon at nabungaran ko ang isang lalaki na sa tantya ko nasa anim na talampakan ang taas. Maganda ang pangangatawan. At may mapupungay na mata. Napukaw ang aking pagsipat sa kanya ng magsalita siya.

"Miss anong nangyari sayo?" tanong niya sakin.

Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako sa ginawa niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Sumakay ka na, ipapagamot kita sa co-iagent ko." wika niya.

Nag-aalangan pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Sa panahon ngayon hindi natin malalaman kung mapagkakatiwalaan ba ang isang tao. Dahil kahit matagal mo ng kakilala, trinatraydor ka pa. Naramdaman siguro niya na nag-aalangan ako.

May kinuha siya sa bulsa ng pantalon. Pitaka, may kinuha siya doon at tsaka ibinigay yun sakin. Isang ID. Kinuha ko iyon at mula sa liwanag na nagmumula sa buwan, nabasa ko ang pangalan niya.

"Leonardo Estralta Jr." bigkas ko sa pangalan niya. May Agent na nakasulat sa ibaba ng pangalan niya.

"Oo, pasensya ka na, isinunod kasi ang pangalan ko sa Ama ko kaya ganiyan ang pangalan ko." aniya.

"Wala naman masama sa pangalan mo." wika ko.

"Sumakay ka na." aniya at sumakay na sa unahan ng kotse.

Agad akong sumakay sa likuran ng sasakyan niya. Nagmukha tuloy siyang driver ko. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Isa siyang Agent kaya mapagkakatiwalaan siya. Pwede niya ako matulungan. Makakatulong sa kanya para mailigtas niya ang kanyang ina at kapatid.

Pero paano kung hindi pala siya Agent? Paano kung nagpapanggap lang siya? Wala na akong choice. Kung gagawan niya ako ng masama. Wala na akong magagawa doon. Marahil hanggang dito nalang talaga ako. May kinuha siya sa bag niya. Iniabot niya sakin ang alcohol at bulak.

"Lagyan mo ang mga sugat mo ng alcohol para kahit paano mawala ang pagdurugo." wika niya.

Doon lang niya napansin ang kanyang mga sugat na may bahagyang pagdurugo. Kinuha ko ang iniaabot nitong alcohol at bulak. Nilagyan ko ng alcohol ang bulak at tsaka idinampi iyon sa mga sugat ko. Napaungol ako sa sakit. Nilingon siya ng lalaki.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin.

"Oo ayos lang ako. Masakit lang dahil nadampihan ng alcohol ang mga sugat ko. May tubig ka ba dyan? Medyo nauuhaw kasi ako." wika ko.

Sobrang nauuhaw na ako dahil sa tagal ng pagtakbo ko. May kinuha siya sa bag niya, isang tumbler na may lamang tubig. Boy Scout? Laging handa? Iniabot niya sakin iyon. Kinuha ko iyon.

"Salamat." tugon ko. Sa ginawa niya siguro naman pwede ko na siyang pagkatiwalaan. Paano kung ginagawa niya lang yun para makuha ang loob ko? Hays. Tsaka ko nalang iisipin yan kapag narating na namin ang destinasyon namin.

"Sa itsura mo, nanggaling ka sa matagal na pagtakbo sa kagubatan. Bakit ka nandoon?" tanong niya sa sakin.

"Saan ba tayo pupunta?" hindi ko sinagot ang tanong niya. Kailangan ko muna malaman kung saan kami pupunta.

"Sa mga kasamahan ko. May meeting kami ngayon. Urgent meeting." sagot niya sakin. Minabuti kong sagutin ang tanong niya kanina.

"Tumakas ako sa amain ko, ikinulong niya ako kasama ng aking ina at kapatid sa isang bahay sa gitna ng kagubatan." sagot ko.

Naalala ko na naman ang aking Ina at Kapatid. Ano kaya magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman na wala na ako sa bahay? Minabuti kong huwag nang sabihin ang disisyon ko dahil ayaw kong mapahamak ang mga ito.

"Handa kitang tulungan. Palagay ko naman nagsasabi ka ng totoo." aniya.

Wala akong panahon para manloko. Gusto kong idagdag. Subalit, minabuti ko nalang na tumahimik. Sa katunayan, may utang na loob ako sa kanya. Hindi ito ang panahon para magalit ako dahil kailangan ko siya para mailigtas ang aking ina at kapatid.

"Malapit na tayo sa Head Quarters." wika niya.

Natanaw ko di kalayuan ang isang kontretong bahay. Simpleng bahay lang iyon na hindi mo aakalain na Head Quarters pala. Pumasok kami sa gate na nakaawang. May mga ilang sasakyan na rin na nandoon, marahil sasakyan ng mga kasamahan niya. Pagkapasok ng sasakyan niya sa loob ay ipinark niya iyon di kalayuan. Agad akong umibis ng sasakyan. May lumapit samin na lalaki na may maputing kutis at magandang pangangatawan. Tumingin ang lalaki sa kanya.

"Agent Leonardo Estralta Jr. Baka pwede mo ako ipakilala sa kasama mong babae?" wika ng lalaki kay Leo ng makalabas siya ng sasakyan. Hindi niya sinagot ang tanong ng lalaki bagkus lumapit sakin si Leonardo at kinuha ang kamay ko.

"Nasaan si Alexandra, Harold? Sugatan ang kasama ko at kailangan niyang magamot." tanong niya sa kasama niya na Harold pala ang pangalan.

Doon ako sinipat ng mabuti ni Harold. Marahil hindi niya napansin kanina na may mga sugat ako dahil may kadiliman ang lugar kung saan nag-park ng kotse si Leonardo. Naglakad kami patungo sa loob ng Head Quarters habang nakasunod si Harold.

"Napano yan pre?" tanong ni Harold.

"Mamaya ko na sasabihin Harold." sagot naman ni Leonardo.

Nang makapasok kami sa loob. Nabungaran ko ang isang lalaki at dalawang babae na nakaupo sa mahabang sofa. Huminto kami sa tapat ng mga ito.

"Alexandra, maaari mo ba siyang gamutin saglit?" tanong ni Leonardo sa isang babae na may pagka-kulot ang buhok. Tumayo ang babae at sinipat ako. Nakatingin din samin ang iba.

"Napano ba siya Leo?" tanong ni Alexandra.

"Mamaya ko na sasabihin ang lahat ng nangyari. Sa ngayon kailangan siyang magamot." sagot ni Leonardo sa kanya. Tumango naman si Alexandra.

"Halika Miss." Iginiya siya ni Alexandra sa isang pinto at binuksan iyon.

Tumambad sakin ang dalawang kama na magkatabi at isang cabinet na nasa kanan ko. Iginiya niya ako sa kama at nagtungo naman siya sa cabinet. May kinuha siya roon.