Ayye P.O.V
Nagising ako na masakit ang katawan at nasisinagan ng araw. Pagkamulat ng mata ko ay agad akong napabalikwas ng bangon.
Tumayo ako at lumapit sa railings. Mula sa kinatatayuan ay natanaw ko ang napakalawak na dagat na nasa harap.
Pinikit-pikit at nilukumos ko ang mga mata, sa hindi kapani-paniwalang nakita. Nang may maalala, mabilis kong hinanap ito. Nakita ko siyang nakaupo at iniistretch ang mga braso bago tumayo at lumapit sa akin.
"Eric!" Agaw pansin ko sa atensyon niyang nakatingin sa karagatan. Tumingin siya sakin ng walang emosyon, sanay naman ako sa palaging ganong itsura niya ngunit sa ngayon parang natatakot akong salubungin iyon. "Ahmm.." Tumikhim muna ako dahil parang may bumara sa bandang lalamunan ko.
Do you see what I see?" Tanong ko at itinuro ang dagat. "Oo." Walang ganang sagot niya.
"Eh,heheh ah.. Eric alam mo ba kong nasan tayo?" Nakangiti ako ngunit nauwi lang sa ngiwi dahil sa tingin niya.
"Yeah I know, We Are In The Middle Of The Sea At nasa loob tayo ng barko, alam mo naman siguro iyon ano?" May diing sabi nito, straight foreward parin ang mukha. Ano kaya kung mag iba din. Napakamot ako ng batok at magsasalita na sana ng may tumutok sa aming mga sibat, malalaking wasay, espada at palaso. Ano naman to.
"Sino kayo?" Hindi ko alam kung sino yong nagsalita pero ang alam ko, nasa malayo at ibang lugar na kami napadpad. We're totally lost.
Nang walang sumagot sa aming dalawa, mas inilapit pa nila sa mga leeg namin ang mga hawak-hawak nilang armas. Well I like their wepons its an old-fashioned style katulad ng mga style sa panahon ni magellan. Mabuhay!
"Lapastangan! Sumagot kayo!" Akala siguro nila matatakot kami. Mas malala pa dito ang naranasan namin oy, tinignan ko si Eric kung magsasalita ba siya. Nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang jeans at walang paki na tumingin sa mga iyon. Ayy ganon, sege ako na lang at ako na lang talaga dahil hindi mo talaga makukunan ng magandang puhunan ito.
"Ah, kuya? Pasensiya na pero.. can you throw it away baka machop chop kami e, hehe."
***
Eric P.O.V
Nasa harap namin ngayon ang iba't ibang klaseng nilalang na ngayon ko lamang nakita sa tanangbuhay ko. Nakaupo at nakatingin kami sa kanila at nakatayong nakatingin din sila sa amin.
"Sino kayo't napadpad kayo dito?"
"Ahm, h-mm..Naligaw?" Gusto kong mapasapo ng noo. Nangunot ang noo ng mga nasa harapan namin, ayusin mo lang Ayye. Kundi ako ang tatadtad sayo.
"Naligaw? O baka naman mga kaaway kayo. Mga kasama maghanda kayo!" Sabi ko na nga ba. Otomatic na humawak ng mga sandata ang nasa harap namin, haisst. I'm tired, you know that guys? Gusto kung sabihin ngunit sayang ang mga laway ko sa kanila.
"Wait! Sandali! sandali ok? For your information were not enemies, sabagay hindi ko nga alam kung saang lupalop kami eh. Baka kayo pa ang enemies dito, alien kayo no! Sabihin niyo lang, handa ako. Tatadtarin ko yan mga katawan niyo at baka gawin ko pang giniling. Gusto niyo ba yon? Lalagyan ko pa ng sili para instant spicy." Ikaw na talaga Ayye woah your the best. Party! Ang lawak ng isip mo. Ang tingin ng mga nilalang ito ay sapat na para sabihin kong pareho kaming lahat ng iniisip para sabihing may sira ang utak ng kaibigan ko. Yeah, kaibigan.
Hindi ko na napigilang sumabat. Hindi pa nga namin alam kung anong lugar o parte pa ba ng bansa itong nabagsakan namin yes nabagsakan dahil nalaglag kami, nalaglag mula sa taas. Hindi ko naman masasabing nasa impyerno kami. Dahil may araw at hindi masakit sa balat ang dampi non o di kaya ng hangin, atsaka nakakahinga pa naman kami.
"Pasensya na, napunta lang talaga kami dito dahil sa may humahabol sa amin. Naglayas kasi kami sa aming pinanggalingan kaya ang kinalabasan ay napunta kami dito. Pasensya na talaga. Malamig ang tubig, ayaw ko pang maligo at hindi marunong lumangoy itong kasama ko , baka mamatay nalang ito at sa dagat pa talaga." Pagpaparinig ko sa aking katabi. Mukhang naniniwala naman yong mga nasa harap namin. Mabuti naman.
Bakit nga ba kami napunta dito? Sandali alalahanin ko. Ahm, ayon!
(Flashback)
Nagkaroon ng karerahan para sa mga sasakyan. Sa lugar ng candoni, kung saan hinirang na gagawin sa bukid ng paco ang karera. Nag-iingayan, hindi sa ingay ng mga tao kundi mula sa ingay ng mga sasakyan na dumadating at sa mga nagpapasikat lang. Marami na ang nagkakarerahan, isa na doon ang Pagani huayra L'ultimo at ang sport car. Kulay itim ang huayra at pula naman ang sports.
Ang Paco ay napapalibutan ng mga kakahuyan, magubat at may mahabang daanan. Ang daanang iyon ang siyang dinadaanan ngayon ng mga sasakyang nagpapaligsahan. May parteng lubak-lubak, lupa o kaya tabi ng bangin. Ang nasabing bukid ay isang pribadong lugar, kaya hindi basta-basta ang pumupunta.
Ang karerang ito ay hindi normal, isa itong karera kung saan puwede kang pumatay o gumamit ng dahas para lang manalo at sumikat. Kapag nagkamali ka, tiyak patay ka. Ang karerang ito ay hindi sakop ng gobyerno kundi ay sakop ng isang organisasasyon. Organisasyong kalaban ng gobyerno na kung saan may mga gangster, mafia at corrupt na mga taong nasa gobyerno.
Paliko-liko din ang daanan at may mga kahoy na malingat kalang at magkamali ay babangga ka, ito yong sitwasyon ng dalawang ngayon. Nauuna ang black at humahabol naman ang red.
Kahit mahirap ang sitwasyon nila ay nagkaroon pa rin ng pagkakataong makapagpaputok ang taong nasa sasakyang kulay pula. Hindi pa nakontento at nagtawag ng kampon dahil may biglang sumulpot sa likod nito. Dalawang puting van, isali nalang din natin ang dalawang motorsiklo.
Mas bumilis ang takbo ng siyang nasa unahang sasakyan, ang itim na kumikintab na sasakyan. Dahil sa umuulan, naging madulas ang takbo ng mga iyon. May mga camera na naging daan para makuhanan at mapanood ang nangyayari. Bawat puno o lupa ay meron nito.
Magsisimula pa lang kanina ay marami na ang nanood, nagpustahan at excited. Ito ang kanilang matagal ng inaabangan, ang paglalaban ng Vil Bella and dark summoning.
Vil Bella ay binubuo ng dalawang babae, hindi basta-bastang babae. Magaganda, sexy, magaling sa mga armas o away at nakakalason. Well, nakuha ang Vil sa Villa at Vilimpin, Bella naman para sa dalawang babaeng magaganda pero maykaakibat na nakalalason.
Dark summoning, ito naman ang grupo ng mga gangster na siyang kinatatakutan ng marami. Masasama at pasikat. Sa name palang, gets niyo na. Sa katunayan labing-dalawa ang parte nito. Kumpleto nga sila.
Kumpletong nakasunod sa amin. Nakayuko ako sa front seat at ang nagdadrive ay walang iba kundi si Ayye. Nakaheadset pa ang gaga, bored na bored na ko. Kung hindi lang sa pera at sasakyang papanalunan ay hindi ako sasali dito. Mas gusto ko pang matulog.
Mabilis kong nagalaw ang aking kamay para buksan ang pintuan ng sasakyan sa aking gilid ng humaharurot na papunta sa unahan gilid ang isang motorsiklo. Kaya ayon natumba. Tanga kasi, lalapit lapit hindi man lang kinalkula ang gagawin. Siguro gustong harangan kami sa unahan. Edi siya na ang walanghiya dahil daanan iyon kaya walang dudang babanggain talaga namin kahit nandon pa. R.I.P nalang sa kaniya.
Nagpaputok na naman ang nasa likod kaya naiirita nako pero siyempe stay calm, walang paki kasi. Binuksan ko ang pinto, itinutok ko ang dulo ng baril sa bawat goma ng kanilang sasakyan ng hindi tumitingin bago ipinutok. Ang isang van ay na sentro kaya ayon, nagpagewang gewang at naiwan. Hindi naman kami masyadong brutal ano. Ang konsensya, meron pa ko non.
2 down in different situation 3 next, 1 sa motorsiklo 4 sa isang van kaya may lima pa. Nasa gilid na kami ng bangin kung saan madulas na nga ay napakamapanganib pero yon ang mas exciting.
"Ayye, hoy! Kunin mo muna headset mo at baka madisgrasya tayo, sasakalin kita." Banta ko, hindi pa naman masiyadong marunong ito. Isang araw pa lang itong nakapagpractise at kahapon lang iyon, ito kasi ang naghatak sakin papunta dito.
Nagpalista-lista pero hindi naman pala marunong. Suwerte na lang kung hindi kami malaglag sa bangin na ito ngayon, kukutungan ko to mamaya.
Kinuha nga, nagpeace sign pa. Sabay tira ng baril niya sa gilid ng kaniyang pintuan. Sumulpot kasi ang isa pang motorsiklo na may nakaangkas na kasama kaya ayon, patay. Heneadshot ba naman. Well yon naman talaga ang ginagawa ng Vil Bella's. Headshot ang tira.
Nagkataon lang na naboboring ako kaya, wala akong time para diyan. Ayaw niyo pa non nakasave ako ng buhay.
Ngumisi si Ayye. Yan ang hindi puwede pag yan ngumisi ang pangit ng kalalabasan ng kung ano ang gagawin niya.
Akalain niyo ba naman, kinabig niya ang manobela at inikot. Bumungad sa amin ang unahan ng nakared na sasakyan at van. Nakaharap na kami ngayon sa kanila. 2 down 6 left.
Napangisi na rin ako, siyempre palihim ulit ok, hindi na ako nabobored. Alam kung nagulat ang kabila, hindi siguro inaasahan ang gagawin ng nagmamaneho sa sasakyan namin.
"Ready?" Hindi tumitinging tanong ko kay Ayye. Ramdam kung sumulyap ito sa akin bago tumingin ulit sa unahan.
"Yeah, i'm super duper ready!" At mabilis kaming lumabas sa bawat pintuan ng sasakyan sa aming gilid. Tinutok sa kanila, pinagbabaril ang bawat ulong makikitang lumabas sa van at kotse. Last ay ipinutok namin ang panghuling bala sa bawat driver niyon, kaya ang kinalabasan ay nagkabunguan. Mabilis ni Ayye tinapon ang paborito niyang laruan, isang granada.
"Happy new year guys!" Sabay bukas ng pin at tapon.
*Boggs*
"Ahahah-ack, ack.. hmm, hmm" Nabulunan pa kaya agad ko naman hinagod ang likod nito, sa sobrang kahalakhak ay yan ang naging resulta ng makapasok kami sa loob. Abnormal. Tumawa pa ulit at nagfistbump sa akin.
"Ayye, may nakalimutan ka ba?" Tanong ko agad, parang may nakalimutan talaga siya e. Ah, yung manibela. T-teka, yong manibela? Nagkatinginan kami ni Ayee sa isa't isa. May nakalimutan nga!
"Ahhhh!" Sigaw naming dalawa, nakabaliktad kaming nalaglag sa bangin kasama ang sasakyan. Ayye!
The end
I mean, the end of flashback.