Chereads / Elites Moon Academy Trilogy 1-3 / Chapter 1 - Prologue

Elites Moon Academy Trilogy 1-3

Erica_Villa_0481
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Eric! Hintayin mo ko!" Sigaw ng kaibigan ko. Hindi ko ito pinansin, takbo lang ako ng takbo, hindi naman ako takot pero nererespeto ko ang bawat nakalibing na. Kasalanan ng babaeng ito kung bakit napunta kami ngayon sa ganitong sitwasyon .

Hinahabol kasi kami ng mga kalansay, inaayos ko yong sasakyan namin kanina ng gusto niya raw munang mag c.r. Pumayag naman ako sa pamamagitan ng pagbaling dito at tango. Hindi man kakitaan ng emosyong pero sincere naman, nawiwi na ang tao e.

Pagkabalik niya ay may sumusunod na sa kaniyang ganyan. Takot pa naman yan. Mahilig sa away pero sa mga ganyan, tumitiklop. Nadawit ako ng tumakbo si Ayye. Kaya ayon na dala ako sa pagtakbo at tumatakbo narin.

Hindi naman siguro prank iyon. Liblib ang lugar na pinagbagsakan namin. Kaya nasira ang sport car. Pagmulat namin ay narito na kami at ito na ang bumungad sa amin. Puno ng hamog ang paligid. Hindi ko inaakalang babagsak na nga, sa bahay pa ng mga patay napunta. Sa sementeryo. R.I.P na lang.

Kuweninto niya sa akin kung bakit nag kaganon na hinahabol kami. Umihi lang naman siya sa isang tabi na di kalayuan sa kotse, may bato daw doon na malaki kaya doon sa likod siya umihi. Hindi daw niya napansin na may mga cross doon katulad sa sementeryo, akma na daw niyang susuutin ang kaniyang palda ng mapatingin siya sa ibaba. May kamay raw na buto-buto inshort kalansay ang dahan dahang lumalabas sa lupa kung saan mismo siya umihi kaya mabilis siyang umalis sa parteng yun at itinaas ang palda. Kadiri.

Napatingin raw siya sa katabi non at don niya lang nalaman na sementeryo iyon then everythings came. Hinahabol na kami ng mga iyon. Kaya ayan heto ang naging sitwasyon namin. Ang tanga kasi, don pa umihi kung saan natutulog ng matiwasay yang yang mga ribca- i mean mga kalansay na yan. Binulabog ng kingina.

Mahamog kaya hindi masiyado kita ang daan, nilingon ko naman si Ayye dahil sa hindi ko na narinig ang mga yapak niya. Nako! baka inulam na ng mga yon, well hindi naman siguro. Ano ba namang lalabas lahat ng kinain nila dahil wala naman silang mga balat me laman nga wala. Tss, hindi bagay.

Don ko na nga nalaman na hindi ito sumusunod, babalik sana ako papunta sa kotse kung saan kami galing ng may kamay na humawak sa paa ko. Kumalabog ang dibdib ko.Nagulat ako don ha!

Pew.. umihip ako, si Ayye pala na nalaglag sa malaking butas. Mabuti na lang at hindi nalaglag, nakakapit e. Tiyak kung pagnalaglag siya diyan patay ang aabutin niya ang lalim tignan, maitim ang loob. Madilim.

Yumuko ako para buhatin ang dalawang kamay niya ng may tumulak sa kin sa likod kaya ang ending nalaglag kaming dalawa. Yon ang tira ng kamalasan. Malas!malas!