Chereads / Mansty Res / Chapter 1 - 1 Anino

Mansty Res

Hanli21DgM0
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1 Anino

Bakas ang pagmamasid sa mata ng magkaibigan nang dumaan sila sa masukal na kagubatan.

"'Di ba usap-usapan ang kakaibang nilalang sa bahaging 'to ng gubat?" kabang tanong ni Adies, isa sa tatlo na sobrang nagpapaniwala sa mga sabi-sabi.

"Ayan ka na naman, Adi! Tinatakot mo naman kami masyado!" singhal ni Aria.

Natahimik na lamang si Adies at tahimik na lamang na nanlalamig sa sobrang takot.

"Ang ingay niyo." sambit ng babae sa mahinang tono habang sinusuri ang mga halamang tumutubo sa iba't-ibang parte.

Hindi na nagtalo ang dalawa at nakasunod na lamang sa babaeng panay ang suri at ngayon nga'y sinisimhot na ang halamang may berdeng bulaklak.

Nagmadali naman ang dalawa na makasabay ang nauna ng babae nang makarinig sila ng kaluskos.

"Nephi..." mahinang tawag nila sa babaeng patuloy sa pagsuri ng halaman, na ngayon ay ang may kulay kahel nang kulay.

Alam ng dalawa na hindi na nila maiistorbo ang babaeng tinawag nilang Nephi kaya nagkasya na lamang sila sa gilid nito at busy sa pagmamasid sa paligid.

Puno ng misteryo ang gubat ngunit parte na ng kanilang buhay ang mga ito. Ang gubat na tahanan ng iba't-ibang elemento.

Minsan lamang kung sila ay dumayo sa gubat at sa pagkakataon ngang ito ay isa sa minsan na 'yon. Ngunit kung bakit ganon na lang ang kanilang reaksiyon? 'yon ay sa kadahilanan, bago ang araw na pupunta silang gubat ay may bali-balitang kakaibang paglaho ng mga estudyante na galing din sa kanilang paaralang pinapasokan.

Isang araw na naghanda sila sa dapat nilang mahanap sa gubat ay siya namang pagkaroon ng krimen kung saan misteryosong pagkawala ng mga estudyante.

Napasigaw si Adies nang may biglang nahagip ang kaniyang mata sa unahan, aninong mabilis na naglaho.

"Ayan ka na naman!" singhal ni Aria sa kaibigan dahil sa biglang pagsigaw nito na dahilan nang pagtaas ng kaniyang balahibo sa katawan.

Tapos na si Nephi sa bahaging 'yon kaya nang may napansing kakaiba sa unahan ay bigla siyang pumunta at tiningnan ito.

Habang papalapit siya ay tuluyang nagliwanag ang kaniyang mukha. Ang halamang rare kung makita sa kahit saan ay siyang nahanap niya.

Nawala ang atensiyon niya sa paligid at tanging nasa halaman lamang. May kakaibang dulot kasi ang halaman na 'yon sa kaniya.

Noon paman ay bihira na niya itong mahanap, siguro dahil minsan lang siya kung pomasyal sa gubat. Isa pa sa bihira at kakaiba kasi sa bulaklak is sa gubat lang na 'yon niya mahahanap kaya bawat pamasyal niya ay kailangan niyang mahanap ang halaman na 'yon ngunit matagal na rin mula ng makakita siya ng isa kaya natuon lang ang atensiyon niya roon at hindi pinansin ang paligid na kung saan may mga yapak na naririnig at may aninong unti-unting lumalapit.

Humangin ng malakas na nagpapalipad sa bawat pintas ng bulaklak, ang mala-nyebe nitong kulay ay sumabog sa itaas na siya namang pagbuhos pataas ng hangin, dahilan ng unti-unting pagkahulog ng mala-nyebeng bulaklak na nagpatigil sa anino sa paglapit.

Namamangha si Nephi sa umuulang mga bulaklak, napapikit siya at dinaramdam ang ligayang naramdaman. Mula sa kinatatayoan ng dalaga ay ilang metro ang layo sa aninong natigilan, na kung saan nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok na tanging makikita sa anino niyang may matinding pagkasuya sa nakikitang kagandahan at ligaya ng kaharap.

Sa muling paghangin ng malakas ay ang matinding panlilisik ng mga matang namumula habang nakatitig sa dalagang hanggang ngayo'y nakapikit at dinaramdam ang nadarama.

Habang sina Adies at Aria ay natigilan nang wala na si Nephi sa kanilang tabi. Agad-agad nilang hinanap ito na kung saan natatago lamang si Nephi sa mga malalaking halaman.

Iba ang kanilang napansin, ang namumulang mata na tanging anino lamang ang makikita. Doon nila nakita ang babaeng lumalalim na ang pagpikit. Dinadala na ito ng isipan sa malayong panahon.

Nanginginig man ay pilit pinapatibay ng magkaibigan ang kanilang kalooban.

"W-what's that?" tanong ni Adies na hindi napigil ang panginginig.

Sinamaan siya ni Aria ng tingin. "Shhh!"

Napatikom na lamang ng bibig si Adies at mabilis na napausal ng panalangin. Walang tigil ang kabog ng dibdib nito na para bang may magagawa 'yon sa panganib na nakaambang.

"Pagbilang ko ng tatlo, ready to go, okay?" saad ni Aria sa katabing nanginging pa rin.

"O-okay.."

"One... two... thr--"

Hindi pa natapos ang pagbilang ni Aria nang nauna na si Adies na nanginginig na umatake. Ni hindi man lang nito nilabas ang sandatang nakatago sa kaniyang kataohan.

"Adi-- sh*t!"

Hindi na natapos ni Aria ang sasabihin nang mula sa kanilang kinatatayuan ay may mga yapak na paparating.

Ngunit huli na nang kanilang napansin, tuluyan na silang umatake at inatake ng hindi kilalang kalaban. Ang mga aninong nagmamatiyag lamang kanina pa.

Hindi lang isa, dalawa o tatlo man...

Marami sila! Mga aninong naglabasan, umaatake sa kanila. Atakeng nagpapadilim sa buong kagubatan.