Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Proposal(Tagalog)

đŸ‡”đŸ‡­yanniecillo_24
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.8k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - The Proposal

Nagising ako sa isang 'di pamilyar na lugar, puro puti ang nasa paligid at tila walang buhay. Napapaligiran ito ng usok at tanging ako lang ang naroroon. Bigla kong naalala ang mga pangyayari bago ako napunta sa lugar na ito.

"Nasa langit na ba ako?" Unang tanong na sumagi sa aking isipan. May napansin naman ako sa di kalayuan, habang papalapit ito ay mas lumilinaw ang pigura nito na para bang isang tao hanggang sa bigla nalang tumulo ang aking mga luha noong mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Nakasuot ito ng damit na may mahabang manggas na kulay puti, ganoon din ang kanyang pang-ibabang kasuotan pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay iyong nasa likuran niya. Mayroon itong pakpak, tulad ng isang anghel.

"Isang taon na rin ang lumipas mula noong huli tayong magkita." Saad nito, nakangiti na para bang wala lang lahat ng nangyari.

"Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago sadyang iyakin," dagdag pa nito, sabay haplos sa pisngi ko.

"Nananaginip ba ako?" Bigla kong tanong. Ngumiti ito sa akin, at naupo kami sa isang upaan na kulay puti rin.

"You're not supposed to be here, that's why I am here to save you from those pain inside and heal the wound I leave for a year-"

"What do you mean?"

"Babe, alam ko kung gaano kasakit ang iwan at umiwan. Pero this is not the right solution to ease those pain. Di umiikot ang ating mundo sa iisang tao lang, at ayokong itali mo ang sarili mo sa akin. Nahihirapan akong makita kang nahihirapan, pero ang mas masakit iyong pilit mong binabalikan ang nakaraan na hindi naman kailangan. There are lot of chances to live without hurting yourself, just open your heart, may tao pang nanghihintay kung bubuksan mo ang pinto," wika nito na may sinsiridad sa mga mata.

"Paano ko bubuksan ang puso ko sa iba kung ikaw pa rin ang tinitibok nito, mahirap Ryke mahirap." Sagot ko habang napahagulgol sa iyak, di ko alam pero kahit isang taon na ang lumipas di pa rin matanggap ng puso ko na wala na siya.

"I love you Jas, and I'm sorry. But, I don't want you to give up easily so I'm turning you back there. Someone is still waiting and fighting for you, even though I want you to stay here and be with me. Hindi ka pa nararapat sa lugar na ito, sana maintindihan mo. Mahal na mahal kita," di ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng antok na para bang hinihili ako, at tanging huling salita nalang niya ang klaro kong naririnig. Halos kinain na ako ng dilim noong nakaramdam ako ng pagpisil sa balikat ko, at para bang may nakadagan sa dibdib ko.

"Please don't give up yet, I need you here. Please Jas, wake up. Mahal na mahal kita," iyan ang unang salita na narinig ko, pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang napakasilaw ng liwanag na nagmumula sa ilaw ng isang kwarto halos puti ang lahat ng nasa loob. Iginalaw ko ang mga kamay ko, dahil sa hindi ako makahinga.

"J-Jas, you're alive!" Kitang-kita sa mata nito ang tuwa, kahit na nag-ngingilid ang mga luha. Nakasuot siya ng puting gown tulad ng isang doctor, habang nakasabit sa kanyang leeg ang isang esthetoscope. Isa ba talaga iyong panaginip, o isang uri ng imahinasyon at halusinasyon?

"You're really alive," dagdag pa nito, at hinalikan ako sa noo. Lumapit naman ang iba pang mga nurse akin, ramdam ko rin ang hapdi sa aking kamay dulot ng aking paglaslas na muntik ko ng ikamatay. Somehow, I realized na nandiyan lang siya at di ko lang nakikita. He's the true angel who's waiting for his guided one to notice him, siya na ba ang sinasabi ni Ryke? Siya ba iyong taong hindi tumigil at ipinaglaban ang buhay ko? Siya ba ang hihilom sa sugatan kong puso? Siya ba ang bubura sa mapapait kong nakaraan? Siya nga ba ang taong dapat kong pagbuksan ng pinto?

Makalipas ang ilang linggo ay nakalabas na din ako ng hospital kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan kaharap ang puntod ni Ryke.

"Dre, wag kang magalit sa akin. Gusto ko lang naman talagang alagaan siya ngunit nahulog ako eh, patawad kung minahal ko siya. Maiintindihan mo naman diba?" Bigla akong napatingin sa katabi ko, tumutulo ang mga luha nito at seryosong nakatingin sa puntod ni Ryke. N'ong may paru-parung dumapo sa balikat nito, at biglang umikot sa akin na di kalaunay dumapo din sa balikat ko.

"I-is that a sign for yes? Did- did you say yes?" may galak sa mukha nito at parang batang pinunasan ang mga luha. Bigla akong napangiti, di ko alam pero nakakatuwa siyang tingnan. Itinayo niya ako, kaya tiningnan ko siya na may halong pagtataka.

"Jasmine Althea Perez, I want you to turn at your back."

"For?" Tanong ko, subalit ngumiti lang ito at di ako sinagot kaya lumingon nalang ako. Laking gulat ko naman noong makita ko ang family ko doon, nalinya sila habang may hawak-hawak na letters pero mas nagulat ako sa pinakadulong salita, dalawang taong may hawak ng letter M at E. They're the parents of Ryke, tito Rey and tita Mikey.

"I asked for there blessings, kasi alam kong may karapatan din si Ryke. I want him to know, na mahal na mahal kita at hindi kita pababayaan. Aalagaan at ituturing kitang prinsesa higit pa sa tunay na prinsesa. Ganyan kita kamahal Jas," paglingon ko sa kanya ay nakaluhod na ito habang may hawak na singsing. I saw sincerity in his eyes and that made me uttered the word-

"Yes."

"Yes? Yes, you mean- she said yes, she said YES!" Sigaw nito, at tumalon-talon pa bago nito isinuot ang singsing sa daliri ko sabay halik sa noo ko. I said yes, 'cause I know I love him, I wear the ring 'cause I am sure that I found the man who is worth to be loved and shouldn't be ignored once again.

"I love you, Laurence Kyle Suarez."