LEIGH
Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Philippines airways, welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Ramil Hasar with First officer Ramirez and the rest of the team, we thank you for choosing Philippines airways as your airline of choice.
Napangiti ako nang marinig ang landing announcement ng sinasakyan kong eroplano.
Kasabay ng pag-usbong ng sabik sa dibdib ko.Sa wakas. Nakauwi na rin ako ng Pilipinas!
Nakapikit ang mga matang napahugot ako ng hangin. Sinamyo ko ang maalinsangan amoy ng Manila, amoy Pilipinas na talaga.
Ang nakangiti kong sambit. Hindi ako makapaniwala. After 3 long years, sa wakas!
May isang oras din siguro akong nanatili pa sa loob para sa bagahe ko.
Pagdating sa arrival area ay agad humaba ang leeg ko para tignan ang sundo ko.
Actually, hindi alam nila Tatay na darating ako ngayong araw. Gusto ko kasi silang supresahin.
Ang akala nila ay muli akong mag-e-extend ng isa pang taon.
Iyon kasi ang pinapakiusap na naman ng boss ko.
Nabanggit din iyon ni Tita Liza kay Tatay. Tinanong ako ni Tatay kung tatanggapin ko ba ang alok gayong tinaasan ang sahod ko.
Sumagot ako na hindi ko pa alam pero pinag-iisipan ko ngang tanggapin dahil malaki rin kasi ang idinagdag nila sa sahod ko.
Pero ang totoo, decided na akong umuwi na muna.
May naging kaklase kasi ako noong college ang nakabase sa Italy at nakausap ko.
Nagka-chat kami at saktong naghahanap ng pastry chef sa hotel na pag-aari ng napangasawa niya.
Inalok ako ng libreng tirahan, may food allowance pa at malaki rin ang alok na sahod kaya syempre 'di na ako nagpapatumpiktumpik pa at talagang tinanggap ko ang alok.
Gusto sana niyang mula sa Dubai, ay deretso na ako ng Italy. Kaso ang problema, wala na akong sapat na oras para ayusin ang mga papeles ko.
Halos patapos na rin kasi ang kontrata ko nang magkausap kami.
Pero syempre, kailangan ko muna ring umuwi ng Pilipinas upang kahit paano ay makapagbakasyon ako.
Isa pa, kailangan ko rin naman talagang umuwi para makausap si Tatay at personal na makapagpaalam.
Mas maiging makapagbakasyon na muna. Tatlong taon rin akong hindi nakauwi at talagang nami-miss ko na rin sila kahit pa nga madalas ko silang nakakausap.
Pumayag naman ang kaklase ko at desidido naman siyang kunin ako.
Isang beses ko pang pinasadahan ang mga taong nakatayo sa arrival waiting area. Mga taong pawang mga naghihintay sa pagdating ng kani-kanilang kamag-anak galing ibang bansa.
"Leigh, look at here, Bestfriend. I'm here!" nangibabaw ang boses palakang iyon na kilalang-kilala ko. Napalingo ako sa taong halos magtalon-talon na habang hawak ang malaking placard kung saan nakasulat ang pangalan ko.
Siya lamang ang nakakaalam na darating ako at siya rin ang susundo sa akin.
Ang bestfriend ko simula pa noong elementary ako! Ang mas nakakakilala sa akin at nakakaalam ng mga sekreto ko.
Si Benjamin, aka Bentong!
Kita ko ang pagwagayway niya ng placard niyang dala! Naks, naka-placard pa talaga pangalan ko a!
"Bentong!" Masayang kaway ko. Tulak-tulak ang cart ng bagahe ko ay masaya akong lumapit sa kaniya.
"Tang*na, lalo tayong pumupogi a," ang agad niyang puna sa akin habang agad akong pinasadahan ng tingin. Pailalim niya akong tinignan.
Isang magaan na kaltok ang agad na binigay ko rito. "Aray naman, Besh. Kakarating mo lang kaltok na agad pasalubong mo e," ang reklamo nito pero agad din inagaw sa akin ang tulak-tulak kong cart.
"Nakakaasar kasi 'yang tingin mo, tang*na ka! Parang may ibig sabihin! " Natawa rin siya at napailing. Damn shit! Kahit ilang taon akong nawala at 'di nakasama ang abnormal na'to e, kilalang-kilala ko pa rin ang ligaw ng bituka nito no!
"Hindi na, kasi bagay sa'yo ang tibo-tibo! Lalo kang gumanda tol, at kahit yata magsuot ka pa ng barong, babaeng-babae pa rin ang dating mo!" Anitong huminto sa tabi ng isang nangingintab at bagong-bagong sasakyan.
Imbes na mag-react sa papuring sinabi nito ay napaawang ako sa sasakyang dala niya.
Alam ko naman na kahit paano ay may kaya ang pamilya nito. Nasa America na kasi ang mga magulang nito pati ang tatlong kapatid nito ay naroon na rin.
Siya na lamang ang namumukod tanging narito sa Pilipinas, at walang balak raw itong umalis at manirahan sa ibang bansa.
"Sasakyan mo'to tol? tang*na sobrang asensado ka na talaga. Dinaig mo pa ako a," palatak kong sabi habang namimilog pa rin ang mga mata kong nakatingin sa isang audi na kulay itim at bagong-bago.
"Ang ganda nito ano?" nagyayabang pa niyang sabi. Habang nakapamaywang na pinagmasdan din ang sasakyan.
"Shit, ganda talaga tol! Sarap ang biyahe natin nito," lalo akong na-excite makasakay.
Napakamot siya sa batok. Napapangisi ang gago! " Ganda talaga, pero hindi 'yan ang sasakyan ko, ito ang sasakyan ko." Turo nito sa katabi no'ng mamahalin at bagong-bagong sasakyan.
Isang lumang nissan na pula ang naroon. Maliit at kupas na ang kulay.
" Nakakahiya nga napatabi dito sa bagong-bago at mamahaling sasakyan e, kanino kaya to?" ang tuluyang ngising anito. Pero tulad ng sabi ko kilala ko 'to e, kaya alam kong sinadya ng gago!
Bago ko pa siya makaltokan na naman ay humahalakhak na siyang lumayo sa akin.
"Pang gasolina natin tol, ready mo na!" nakatawa pa niyang banat sa akin.
Binuksan nito ang trunk ng kotse nito at nilagay ang bagahe ko. Hirap pang pagkasyahin do'n 'yong isa kaya nilagay na nito sa backseat ang isa pa.
Ako naman ay pumuwesto na sa unahan katabi ng driver.
"Gusto ko sanang isama iyong mapapangasawa mo, si Ysiah? Kaso pumalaot kasama ni Landon," kapag kuway aniyang kuwento sa gitna ng biyahe.
"Bentong nasa biyahe tayo, marihap kapag nakaltokan kita baka maaksidente pa tayo," may halo pagbabanta ang tono ko.
Humagikgik siya. "Tol, ang guwapo no'ng ampon ni Kapitan, makalaglag salawal. Kahit ako, nababakla kapag nakikita siya, ginalingan talaga ni Kap ang pagpilili ng mapapangasawa!" Imbes na patulan pa pang-aasar nito ay natuon ang isip ko sa kaalamang wala roon ang isang kapatid ko.
TANGHALI na rin nang dumating kami sa bahay namin. Linggo ang pinili kong uwi para nariyan sana silang lahat. Pero wala si Landon at kasama raw pumalaot iyong Ysiah.
Nakita ko pang nakikipaglaro ang bunso namin sa mismong labas ng bahay.
Napalingon ito sa nakahinto nang kotse ni Bentong pero parang wala lang na bumaling muli sa mga kalaro.
Iyong isang kalaro niya pa ang unang nakakita sa akin at tinuro ako.
"Ate Leigh! " masayang sigaw nito at lumapit na sa samin.
Napalingon na rin ang ilang kapit bahay na nagkukuwentuhan sa harap ng munti naming bario hall.
Sabik ko itong niyakap ng mahigpit. Ang laki na niya. Ibang-iba na ang itsura niya noong iniwan ko. Ngayon dalaginding na kasi.
Nakatingin ako sa bahay namin nang may narinig akong sumigaw.
"Kapitan, dumating na si Leigh," isa sa kapit bahay namin.
Agad napalabas ng Bario hall ang Tatay ko at mabilis na lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.
"Bakit hindi ka nagpasabi bata ka, 'di sana nasundo ka namin," maluha-luha niyang sabi.
"Sinadya ko Tay, gusto ko kasi kayong surpresahin," masaya kong sabi.
Kasunod na rin noon ang pagdating ni, Larry.
"Ate!" tulad ni Tatay ay mahigpit rin ang yakap niya sa akin.
"Leigh, lalo kang naging singkamas a, nahiyang ka yata sa abroad!" ani Mang Karding. Isa sa mga tanod ni Tatay.
"Lalong gumanda kahit tibo tibo," pasegunda ni Aling Carmen.
"Huwag kayong mag-alala iyang mga pangbubola niyo may katapat na sabong mabango," ang sagot kong kinatawa nila.
AGAD nagpakatay ng baboy si Tatay mula sa mga alaga ni Larry. Isang kapit bahay na kagawad din at ilang tanod ang nagtulong-tulong katayin ang baboy.
Si Aling Carmen at Aling Beth na rin nagluto niyon.
Maya-maya pa'y marami nang tao sa bahay namin para sa handaan.
Ganito talaga sa Bario namin kapag may bagong dating mula sa abroad o 'di kaya'y bago umalis papuntang abroad.
Nagpakuha rin si Bentong ng vedio ok. Isa kasi ito sa mga negosyo niya ang pagpapaarkila ng mga vedio ok.
Ipinuwesto iyon sa terrace ng bahay namin.
Nag-umpisa na rin maglagay ng lamesa sa terrace namin. May dalawang lamesa pa sa labas ng bahay ang inilagay.
Ilang mga kaklase at kaibigan ko noong high school at college ang pumunta.
Mag-aala sais narin nang dumating sila Landon. Agaw dilim na rin ang paligid.
"Narito na pala sila Landon at Ysiah e," ani Bentong.
Nakita ko nang nanlalaki ang mata nitong binitawan ang pasan na lambat.
Napaawang ang labi nito at agad bumukas ang sobrang saya nang makita ako.
"Ate Leigh!" masaya nitong tawag sa pangalan ko. Napatayo ako sa kinauupuan.
Agad itong yumakap sa akin. Ginalo ko ang buhok.
"Ay basa na ako o," ang natatawang kako. Medyo basa kasi ang damit nito mula sa dagat.
"Yakapin mo rin ang mapapangasawa mo Leigh," biro ni Bentong. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero humagikgik lang siya at ninguso pa ang kasama ni Landon.
Agad rin akong napatingin sa lalaking may buhat ng malaking balde.
Hindi naman siya nakatingin sa amin. Pero saglit ko siyang pinagmasdan.
Wala sa sariling napalunok ako. Bahagya siyang nakayuko pero alam ko na agad na guwapo nga siya.
Ibang iba ang itsura niya sa mga guwapong nakilala ko na noon.
May ganito pa palang kaguwapong nilalang sa mundo?
Napakatangkad niya at maskulado ang katawan. Kayumanggi ang balat na alam kong nababad sa araw.
Inilapag niya ang baldi at dinampot ang mga lambat at iniayos na sinampag sa sanga ng puno nang manggang naroon.
"Nariyan na pala kayo, Ysiah, Landon halina kayo't kumain." Ani Tatay.
Doon pa lamang nag-agat ng mukha ang lalake. Nagkasalubong ang tingin namin.
Mas lalo yata akong natigilan nang mapagmasdan na siya nang tuluyan.
"Ang dami niyo yatang huli, anak." Ang ani Tatay na humakbang na papalapit sa lalake.
"Malalaki pa po," ang aniya.
"Pinakyaw na nga ng mga biyahirong nakaabang kanina sa daungan. Nagtira lang kami ng pang-ulam." Sabat ni Landon.
May tumikhim mula sa mesa kung saan kami nag-iinom. Alam ko si Bentong 'yon e.
"Nako magtitigan lang ba kayo, diyan. Ysiah may masarap na ulam sa loob, saka muna ulamin si Leigh kapag nakasal na kayo," ang sabi ng walang hiya.
Kakaltokan ko na sana ito pero agad na nakaiwas ang gago! Nakakahiya kay...
Shit nahihiya ko na tuloy banggitin ang pangalan nito.
Nasa akin pa rin ang mga mata niya.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito.
Kimi akong bumalik sa upunan ko. Shit bakit ganito?
Bakit sobrang bilis nang tibok ng puso ko?