A/N: Lahat ng mga Pangalan, Pangyayari, lugar at bagay na mababasa sa istoryang ito ay pawang gawa gawa lamang ng baliw na author. Salamat.
Enjoy:)
Misss A.:)
"OUT !!" Galit na sigaw ni Lord sa kanyang mga Tauhan ! Mabilis naman umalis ang mga ito. Kasalukuyan syang nandito sa kanyang study room. Hawak ang Pangalwang Death Threat letter na natanggap nya. Hindi sya galit dahil takot syang mamatay. Galit sya dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga threat.
"Michael" Tawag nya sa kanyang kanang kamay. Lumapit naman ito. "Siguraduhin mong may maganda ng resulta bukas. Fuck all those bastards ! Mga walang silbi ! Ang dami nila, Hindi man lang nila mahuli kung sino ang nag iiwan ng mga Letter na yan ! Siguraduhin mo rin, na hindi ito malalaman ng Mama ko." Utos nito. "Yes Lord." Pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto. Naiwan syang mag isa sa loob.
Alam nyang marami syang kaaway sa mundo ng business. At hindi na sya nagugulat sa mga ganitong Pangyayari. Pero ibang iba ang nangyayari ngayon, Hindi katulad noon, agad nilang nalalaman kung sino ang mga nananakot sa kanya. Ngayon, wala silang ma trace na kahit sino. Sya si Lord Devonn Black. At wala syang kinatatakutan na kahit sino. Sya ang kinatatakutan ng lahat, lalo na sa Business Industry.
Habang nagbabasa sya ng ilang Dokumento, Tumunog ang kanyang Cepllphone. Bumuntong hininga sya bago nya ito sinagot. "Hello there Ma." She answere her Mother politely. "Anak, hindi ka ba uuwi ngayong gabi dito sa bahay ? Namimiss kana ni Mama" Malambing na sabi sa kanya ng ina. Humugot naman sya ng malalim na hininga saka sinabing "Ma, I'm sorry, I have very important things to do. Hindi po ako makakuwi." Kilala sya biang walang pusong lalake, Cold Hearted person sa mund ng negosyo. Pero pagdating sa kanyang ina, isa lang syang simpleng anak na lalake para dito.
"No, youre going home tonight, Sa gusto mo man, O sa gusto mo man." Saka na nito pinatay ang phone call. Sa totoo lang, ayaw nya munang umuwi sa Bahay nila dahil ayaw nyang madamay ang Mama nya sa mga nangyayari ngayon sa kanya. Lalong ayaw nyang malaman ng Ina ang mga threat na natatanggap nya. Pero wala syang magagawa kung hindi sumunod dito.
Pagkatapos ng ilang oras na byahe, nakarating sya sa bahay na kinalakihan nya. Authomatic na bumukas ang gate ng nasa tapat na ito ng Mansyon nila. NAkasunod sa likod nya ang dalawa pang itim na kotse na lulan ay mga Bodyguard. Pagkababa nya ay sinalubong sya ng mga katulong at binati ng magandang gabe.
Napapalibutan ng Security ang mansyon nila, kaya naman kampante sya kahit na mag isa lang ang Ina dito. Limang taon na lumipas mula ng mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente kaya naman sila nalang dalawa ng kanyang ina sa buhay. Nadatnan nyang naghahanda ng pagkain ang kanyang ina sa Dining table. Nasanay na sya dito. Sa tuwing uuwi sya dito para kumain, mas gusto ng kanyang ina na sya ang umasikaso at magluto ng kanyang kakainin.
Linapitan nya ito saka hinalikan sa pisngi. "GoodEvening Ma." Agad naman syang niyakap ng ina. "Akala ko hindi ka uuwi ee." Biro nito. "Pwede pu ba iyon sa'yo ?" Lambing nya sa ina. Sumimangot naman ang kanyang ina saka sya kinurot sa singit. "Ma, Don't do that again ! I'm just teasing you.". Tawa naman ito ng Tawa. How he love this scene. Ang makitang masaya ang kanyang ina.
Niyaya sya ng kanyang ina na umupo na kumain. Sa kalagitnaan ng kanyang pagkain ay kinuha nya ang kanyang cellphone at may tinawagan ito. "Pumunta ka dito sa Dining Hall, i want you to meet my son" Seryoso nitong sabi sa kausap. Kunot noo naman nyang tinignan ang ina. Pero nginitian lang sya nito.
Sa kabilang banda, "Listen Perez, youre going to do this because her Mom requested it. At dahil di pwedeng kami ang magpapanggap na secretary nya, kailangan mong magtiis sa suot mo ngayon." Dinig na sabi ng kanilang TL sa ear piece na nasa Hikaw nya. Pasimple naman syang nagsalita pabalik dito. "Ito na ang huling beses na mag susuot ako ng ganitong kaikling damit Sir. Walang problema kahit ako ang maging cover, wag nyo lang akong paki alaman kung ano ang isusuot ko." Inis nyang sabi dito. Nakasuot lang naman sya ng Black Dress na 2 inches above the knee ang haba dahilan para ma expose ang long legged legs nya. Nakalugay din ang mahaba nyang itim na buhok. "Why ? you look beautiful in you outf........." Hindi na nya pinatapos pa ang sasabihin ng lalake ng marinig nyang nag vibrate ang phone nya.
Pinapapunta sya ng ginang sa dining hall. Napapikit nalang sya ng mariin. Dahil sa laki ng mansyon na ito, hindi nya alam kung saan sya pupunta. Damn it ! mura nya. Lumapit sya sa isang katulong at tinanong kung san ang dining hall, mabuti alang a sinamahan nya ito. Napagdesisyunan ng grupo nila na protektahan ang Binatang CEO habang nilulutas pa kung sino ang mga taong nagbabanta ng buhay nya. At sya ang na asahan na maging cover. Magpapanggap sya bilang secretary nito. At the same time, Secret Bodyguard nya.
Sumalubong sa kanya ang eleganteng dining hall, pagdating palang nya dito kanina, ay hindi na nya maiwasan ang mamangha. Sa litrato lang nya nakikita ang mga ganitong bahay, at hindi aakalain na makakakita sya ng ganito sa totoong buhay. Nadatnan ang dalawang taong kumakain doon, Si Mrs. Black at malamang ito na nga si Lord Devonn Black. Sa isip nya. Hindi maiwasan ni Marg ang hindi humanga sa binata sa angking kagwapuhan nito. Ang akala nya ay gwapo na ito sa litrato, pero hindi lubos ma isip na mas gwapo ito sa personal.
"Ehem," Tawag pansin sa kanya ni Mrs. Black. "Ms. Cruz, i want you to meet my son Lord Devonn Black, and Vonn, She will be your new secretary from now on." Nakita nyang nagulat ang binata sa tinuran ng ina. Pero hindi ito nag reklamo bagkus ay tinignan nya ito mula ulo hanggang paa. Hindi alam ni Marg kung bakit bigla syang na consious sa sarili nya dahil sa pagtingin ng binata. "Son, Meet your new secretary, Ana Cruz. She will be your secretary from now on, kahit saan ka magpunta, kailangan kasama sya. Maipapangako mo ba sa akin iyon anak ?"
Tinignan ng binata ang ina ng may pagtataka sa mukha. "MA, i don't need a secretary, i have my own secretary and you know him. Hindi ko na kailangan ng isa pa, Lalo na at isa pang babae." Sabay tingin nito sa kanya. Iniinsulto ba ako nito sa isip ng dalaga. Hindi sya naki alam sa pag uusap ng ina. Nakiramdam lang ito sa dalawa habang nakatayo. Salamat nalang at naka flat shoes sya. "Yes, i know. but gusto ko pa rin makasama mo sya. Kahit na anong posisyon pa ang ibigay mo sa kanya." Pilit ng ina. Bumuntong hininga nalang ang binata saka tinanguan ang ina.
Hindi nya alam kung ano ang dahilan ng ina kung bakit pinipilit nyang tanggapin nya ang istrangherong dalagang nasa harapan nila para maging sekretarya nya. Siguradong sya ang magiging mata ng ina sa kanya. Kaya naman hinayaan nalang nya ito sa gusto. Matapos ang kanilang dinner ay umalis na sya sa mansyon kasama ang dalaga.
Napansin nyang lagi nitong binababa ang suot nyang dress. Hindi naman ito ganon kaikli pero mukhang hindi ito komportable sa suot. Pinagmasdan nya ang dalaga na ngayon ay nasa passenger seat kasama ang driver sa harap. Maganda ito. At hindi maipagkakailang sexy. Pero kahit ganon ay hindi pa rin sya nagtitiwala dito.
Napanganga ulit ang dalaga sa nakikita ng makarating sila sa bahay ng binata. Hindi ito kasinglaki ng mansyon ng ina, pero hahangaan mo pa rin ito dahil sa disenyo at lawak nito. Naunang bumaba ang binata at sumunod naman sya dito. Hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ang earpiece nya sa tenga kaya naman hindi nya naririnig ang pinag uusapan ng mga kasamahan nya. Sumalubong sa kanilang pagdating ang kanang kamay ni Lord.
"Lord, nakahanap na kami ng lead" Mahinang sabi nito. Pero sapat na para marining ng dalaga. Hindi sya nagpahalatang narinig nya ang sinabi ng binata, bagkus ay nilibot ng kanyang paningin ang kabuuhan ng bahay. Kung titignan sya ay parang nagagandahan sya sa bahay. Pero Mga cctv camera ang kanyang hinahanap. "Stay here." Sabi ng binata sa kanya. Saka nya pinasunod siMichael sa study room niya. Pa simple nyang in-on ang nasa tenga nya.
"Busit ka Perez ! Bakit ngayon mo lang binuksan !" Napapikit sya ng marinig nya ang sigaw ng leader nila. Hindi nya ito pinansin bagkus ay naglakad sya papasok sa loob at nilibot ang buong bahay. Gamit ang lens na nasa mata nya. Malalaman na rin ng mga ka grupo nya ang bawat posisyon ng mga camera. Aminado syang maganda at malawak ang bahay ng binata. Pero masyado itong tahimik. She wonder kung masaya ba ang binata sa buhay nya,.
Pa simple syang naglagay ng maliit na bilog sa ilalim ng mesa ng daning table nito. Isa itong gadget kung saan maririnig mo ang pinag uusapan ng mga taong mag uusap dito.
"What are you doing here" NAtigilan sya ng marinig ang britonong boses ng binata. Damn it.! Nakita ba sya nito ?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Sorry po sa typo's and Wrong grammar
Please don't forget to vote and comment. SALAMAT