Chereads / Heartless Husband / Chapter 8 - Paalam Ina

Chapter 8 - Paalam Ina

HINDI mapakali si Xylona habang nasa loob sila ng isang okupadong silid sa hospital. Kanina pa naghumuruntado ang kanyang dibdib sa kaba. Umupo ulit si Xylona sa kama at bahagya niyang pinisil-pisil ang kanyang mga kamay na ngayo'y nanginginig na. She want to go out this room and be there to her mom-hug her tightly.

Hindi niya namalayan na humikbi na pala siya kasama ang panginginig sa katawan at lamig ng aircon sa loob. Parang pinaghalo-halo ang naramdaman ni Xylona sa gabi nayun. Naramdaman niyang may yumakap sa kanyang likod at doon niya ibinuhos ang lahat ng emosyon.

Nagulat pa sila ng biglang nahulog ang picture frame na nasa side table. Nanginginig na tumayo si Xylona at nilapitan ang litrato na nahulog sa side table ng kama. Kinuha ito ni Xylona at parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niya na ang parte lang ng sa larawan kanyang ina ang nasira.

Dali-dali siyang lumabas sa silid at tiningnan ang OR sa pamamagitan ng glass wall. Maraming nurse at doctor ang nasa loob kung saan nakaratay ang kanyang ina-tinutulungan sa mga doktor.

"Time of death 10:31 pm."

[ A mothers love by: Jena Hill ]

She gave me life showed me

what was right. Thought me

not to fight the battles that

weren't worth the fight right

from the start she held me close.

And, as time went on she was

strong enough to let me go

Napaupo si Xylona sa sahig at parang tumigil ang kanyang paghinga. She lost her mother without talking and bonding. She lost her mother without saying goodbye to her. She lost her mother without saying that she loves her so much. And, she felt...she lost everything.

"Anak, ito lang ang tatandaan mo ha. Na mahal na mahal ka ni nanay."

There's nothing you can do

That will change her love for you

When the world comes crashing down

Her love will pull you through

"Nanay" munting tawag niya sa kaniyang ina na animo'y kaharap niya ito.

There's nothing you can stay

That will take her love away

Through the heartache & the pain

It was her love that still remained

Her love, is gonna shine through everything

"Tahan na anak. Hindi kapa iiwan ni nanay, no! Malakas pa kaya ako, oh!"

There's nothing in the world

Like a Mothers Love

"N-nanay...n-nanay, bakit mo ako iniwan?"

Yakap ni Xylona ang kanyang sarili habang patuloy siya sa paghagul-gol.

"Nanay... H-hindi mo man...lang h-hinintay na na operahan k-ka...sabi mo...hindi m-mo ako iiwan."

"Zabie, tahan na please."

She filled every need

made my life complete.

Time and time again

she was with me to the end

she'll believe your dreams

however hard they seem.

When you'd almost given up

she was there to lift you up

(Continue play the song)..

Limang araw na ang lumipas simula nung nawala ang kanyang ina. Kanina pang naka-upo si Xylona sa damuhan habang kaharap ang lapida ng kanyang ina. Katabi niya ang kanyang kaibigan habang inaalo siya.

Hindi mapigilan ni Xylona ang pagbuhos nang kanyang emosyon. Mula ng mawala ang kanyang ina para na rin siyang nawawalan ng pag-asa na mabuhay sa mundong ginagalawan niya. Ngayong wala na ang kaniyang pinakamamahal na ina-mag-isa nalang siyang matulog gabi-gabi, mag-isa nalang siyang kumain at higit sa lahat mag-isa nalang siyang mamasyal sa dalampasigan.

Mukhang nakikisabay rin ang langit sa kanyang pagluluksa dahil unti-unting dumilim ang paligid.

"Nanay, a-alam kung masaya na kayo diyan sa kunaruru-unan mo. Hindi mo na...m-maramdaman ang sakit at paghihirap na diranas mo dito sa lupa," napahagul-gol si Xylona nang pumasok sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang ina, "Nanay...marami pa ho akong pangarap na gustong tuparin kasama ka. Ipapasayal pa kita sa lugar na paborito mong puntahan... S-sabi mo hindi mo pa ako iiwan dahil malakas ka pa," tumingala si Xylona sa kalangitan-pinipigilan na napahagul-gol ulit.

"Zabie, umuwi na tayo. Dumidilim na ang kalangitan baka maabotan tayo ng ulan dito."

Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan saka huminga ng malalim-mataman niyang tiningnan ang lapida ng pinakamamahal niyang ina.

Paalam muna sa ngayon ina. Alam kong masaya kana ngayon diyan sa itaas. Ma-miss kita ina ko.

Unang tumayo si Zoee saka inalalayan niya ang kaibigan. Mabigat sa dibdib ni Xylona na malayo na ang kanyang ina, inalalayan siya ni Zoee pasakay sa taxi.

Napabuntong-hininga na lamang si Xylona habang ang mga mata ay nasa labas. Hindi niya mai-paliwanag ang sakit na lumukob sa kanyang dibdib. Ngayon, bukas at sa mga susunod pang araw ay mag-iisa na lamang siya.

"Xylona Zabie!" napabaling siya sa kaibigan na ngayon ay nasa labas na ng taxi, nakatayo.

Kunot-noo siyang tumingin sa labas at ganun na lamang ang kanyang pagkagulat ng nasa tapat na siya sa kanilang bahay. Huminga muna siya ng malalim saka lumabas na nang taxi. As, she look there house-her tears starting to falling down again. Walang buhay siyang pumasok sa bahay at umupo sa silya na gawa sa kahoy.

"Nanay..."

"Doon muna ako sa labas, ha. May tatawagan lang ako."

Tumango lang siya sa kaibigan saka pumasok sa silid ng ina. Sa bawat sulok ng silid sa kanyang ina ay bumalik sa kanyang alaala ang ina nito na namimilit sa sakit ng suso.

She sat on the bed that made of bamboo and letting her tears falling down to her cheeks.

Ninamnam ni Xylona ang lamig ng hangin na pumasok sa silid ng kanyang ina na tila yumakap sa kanyang buong katawan.

"Anak, Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita inay"

"Nanay... N-nanay, bakit?, " huminga ng malalim si Xylona saka pinunasan ang luha na pumapatak sa kanyang pisngi.

Napatingin si Xylona sa pintuan ng biglang bumukas ito. And, there she saw her best friend smiling her sweetly. Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang luha niya gamit ang hintuturo nito.

"May naghahanap sayo sa labas Alexander Luna ang pangalan. Matalik na kaibigan daw siya ng nanay mo. Hindi ko akalain na may mayaman palang kaibigan ang ina mo, taray!"

Napailing-iling nalang si Xylona saka lumabas ng silid nang kanyang ina. And, there she saw an old man sitting in the sofa. Nang makita siya ng matanda agad itong ngumiti sa kanya.

"Iha, how are you? I'm sorry for what happened to your mother. And, condolence by the way."

"Thank you po. A-ano po ang ginawa niyo dito?"

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," huminga muna ito ng malalim saka tumingin sa kanya ng deretso, "I'm here to pick you up."

Naguguluhan siyang tumingin sa matanda, "Ho? Anong pick me up po Tito?"

"Noong, nag-usap kami ng nanay mo humingi siya sa akin ng pabor. A favor that if she gone on this world, I would pick you up and move to our house."

Hindi makapaniwalang tumingin si Xylona sa Tito Alexander niya. Ito ba ang kanilang pinag-uusapan ng kanyang ina. She couldn't believe what to her hear from his Tito Alexander.