Singdilim ng kalangitan ang ekspresyon ng kanilang mga mukha
Tila ba ang bawat isa sa kanila ay kinakapos ng hininga
Walang makapagsalita, barado ang mga lalamunan, at putol ang mga dila
Ang pananatili sa lugar na ito ay walang kaibahan sa pakikipagpatintero kay kamatayan,
Parang paghalik sa labi ng baril at ang bala'y handang tumagos sa kanilang pawis na mga bumbunan,
O kagaya ng isang kutsilyong diretsong nakatapat sa kanilang mga dibdib,
Kayang manaksak nang matulin,
Handang pumaslang anumang segundo nito naisin
Pagtakbo ang tanging magagawa nila
Kahit pa ang isa sa kanilang mga paa'y nakaposas na
Ang buhay ay isang laro,
Kaya galingan niyo, ang sinumang madaraig ay talo
Marapat lamang na matulin ang yabag ng mga paa ninyo
Tumakbo kayo kasama ang marurumi niyong mga sikreto
Kilala niya ang bawat isa
Hindi mo na kailangang yumuko pa
Matagal siyang naghanda,
At ngayo'y nasa likuran mo na sila
Huwag kayong lilingon o madarapa
Dahil sa oras na mangyari 'yon,
Nasisiguro kong katawan niyo sa alabok ay ibabaon.
---
Isinumpa ka na, ang sinumang hindi handa ay maaari pang umurong. Hindi pa tuluyang nakapulupot sa 'yo ang kadenang hawak nila.
Isarado mo na ang libro.
At magdasal ka na.
Huwag mo akong sisisihin kapag may biglang humawak ng iyong kaliwang paa.
Dahil binalaan kita.
++ a fiction.