The Devil's Love by carpsdisplay

CARPS_DISPLAY
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Honor your heart. Love and be happy. Live at your fullest extent and love when you are ready. Cry when you are sad, eat when you are hungry, and laugh when you are happy.

Yan ang palaging sinasabi sa'kin ng aking ina.

Habang tumatakbo ang oras ay tumatanda ang mga tao. Habang tumatanda ako ay mas lalong lumalalim ang ibig sabihin ng mga salitang iyan.

Tumulo ang aking mga luha sa lupa. Kung maari lang sana na maibalik ko ang panahon ay gagawin ko.

"Rosa.. it's time to go home." Nahimig ko sa boses ng aking ama ang lungkot niya ngunit ay nanatili siyang nakangiti sa amin. Sa harap ng aking bunsong kapatid.

Gusto kong manatili dito. Sa tabi ni Mama. Ayaw kong umalis. Kahit wala na siya. Ngunit may pagpipilian ba ako kung hindi ay sumunod nalang kay Papa?

Tumayo ako at magalang na nagpaalam kay Mama. "Mahal na mahal kita, ma.." kahit ang daya-daya mo.

Naramdaman ko ang pagkuha ni Nathan sa aking braso. Malungkot ang kaniyang mukha kahit wala siyang alam kung bakit nawalan siya ng ina.

"Ate.. are you okay?" I nodded and smiled to show him that I am really.. not.

"Of course, Nathan! What do you think of your Ate? Weak?"

"Ah! Hindi naman po sa ganon, Ate.. pero tuwing birthday ko po kasi ay malungkot kayong dalawa ni Papa. Hindi po ako magrereklamo na palagi tayong pumupunta dito kahit ay palagi akong pinapapansin nung babae kanina pero ayaw ko naman po na malungkot kayo!" Mahaba niyang sambit.

"Gusto ko happy kayo po."

Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya pagtapos kong isuot ang seatbelt niya. Kahit kailan talaga, ang batang 'to ay sobrang galang pa rin. Sabi ko ay bitawan na ang pag-po sa'kin dahil pinapatawad ko na siya!

Nathaniel Hawthorne de las Klosa. The reason why my mother passed away is because of my younger brother. She can't.. bear the pain anymore when she was giving birth at me.

"We are happy, Nathan. But you know.. we also love Mom. That is why it's just sad. Mom was a great person."

"Rosa." Babala sa'kin ni Papa.

"What Mama really is like, Ate?" He curiously asked.

"Mama loves flowers–"

"Rosa."

"She even named me after a rose–"

"Rosangela Arella de las Klosa."

Napahinto ako dahil hindi ko sinasadya na mabingi sa babala ni Papa. Si Nathan ay nilagay ang maliit na mga kamay sa harap ng mukha ko at binigyan si Papa nang isang galit na tingin.

"No screaming to Ate, Papa! It was I who insisted!"

Papa sighed while hands on the steering wheel. "Let's not talk about your mother today, please.."

Of course, Papa was deeply in hurt with the sudden death of Mama. He cried when he noticed how I treated Nathan when he was still a three years old. I was hurt too. Very hurt. Mama did not even left me a goodbye hug when she and Papa hurriedly leave for her water that broke.

I never stop my treatment at my younger brother even when my father beg for his knees. Why? Why can't he understand?

"Mama died because of Nathaniel!"

"Please, Rosa, my love.. Understand your mother.. he's the last thing that your mother give to us.." He reached for my hands. My tear dropped when my sight infront was my father..crying.. he's hurting.. in pain.. he also had so much regrets..which I don't understand and will never be.

I went down to be on his level. Went also on my knees, and whispered to him,

"I love my family, Papa.. but please.. don't get down on your knees. Don't do this, please.."

Even things are getting messy, my thoughts drifted to abuelita's mad face. Never have been a de las Klosa beg on their knees. If abuelita found out about my father, all of us will be thrown out. All of us will be forcefully changed our last name. Our gift.

"Angela!"

"Not now, Mister Peterson."

Mister Peterson is a student-teacher here in Cuevez Integrated School, who likes good girls. They said that he's a pedophile but he's not of my concern because I have more problems than dealing with a pedophile. And I don't know what pedophile is.

My missing assignments in Mathematics, Science and Filipino, Nathaniel, Abuelita's visit this Saturday and Mama's funeral.

How stressful. Mabuti pa ang mga kaklase ko ay chill chill lang, habang ako ay napupuno ng problema. Pagtapos matapos ang isa ay may kapalit na isa. Ang galing di'ba?

And fun fact is that I'm only in my 5th grade! Wala na rin akong balak magkagusto sa mga lalaki dahil.. wala lang. Trip ko lang.

"Uy, Angela! Balita ko ay wala na daw ang Mama mo, totoo ba? Condolence ha.." Ngumiti lang ako sa mga hindi ko kilala na nadadaanan ko. I even forget what their names is.

Maraming nag-condolence and some says that they would surely attend my mother's funeral. Hindi ko sila kilala pero alam ko na isa sila sa naitulong ni Mama bilang isang mayor noon. Vice Mayor pala! Si Papa ang Mayor noon.

Habang ngumingiti at nagpapasalamat ay naramdaman ko ang pagsunod ni Mister Peterson sa'kin. Hindi naman siya ang teacher student namin kaya hindi ko alam kung bakit ako ang sinusundan niya papunta sa room.

May kailangan kaya siya kay Teacher Via?

Napahinto ako dahil sa paghawak niya sa aking braso. Lumingon ako kaso nga lang ay naramdaman ko na ang hininga niya sa aking leeg, making me uncomfortable.

"Rosa. Itigil mo na ang pagiging hard to get, alam ko naman na gus–"

"Peterson!"

Hindi natapos ni Mister Peterson ang sasabihin niya dahil sa biglaang sigaw ng lalaki. Pumunta siya sa harap namin at nakita ko na galit na galit ito. Nagulat ako sa susunod na gawin ng lalaki kay Mister Peterson.

Sinuntok niya si Mister Peterson dahilan na napunta siya sa sahig. Lumingon ako sa isa pang lalaki na humawak sa'kin sa aking balikat. Malayo siya sa mukha ko, hindi kagaya ni Mister Peterson kaya naman ay medyo komportable ako. Ngumiti ito.

"Sorry, Angela. Are you okay? May ginawa ba siya sa'yo?" I shake my head off.

Napunta ang tingin ko sa suot niya at naka-uniform rin siya kagaya ng nanununtok kay Mister Peterson ngayon. Estudyante sila? Bakit hindi ko sila nakikita kung ganon?

"Angela! Andyan ka pala! Nagsisimula na ang klase." Tumakbo si Teacher Via sa'kin at nakita ko ang pagtapik niya sa kamay ng lalaki.

Binitawan yun ng lalaki at sinundan ko ng tingin habang siya ay umalis para pakalmahin ang mukhang kaibigan niya na nakikipag-away kay Mister Peterson.

Hindi ko muna sinagot si Teacher Via dahil ang tingin ko ay nasa lalaki pa rin.

Maayos ang uniform niya. Isama mo na ang kaniyang buhok na ang ganda ng gupit. Ang kaniyang paglakad ay namumukhaan ko bilang elegante. Ngumuso ako dahil hindi ko sinasadya na tumingin sa lalaking kaibigan niya.

Ito naman ay may magulong uniform. Ang tie sa uniform ay nakaluwag. Pati ang ilang butones ng kaniyang uniform ay bukas dahilan na makita ang kaniyang sando na puti sa loob. His blazer were tied in his waist.

Definitely, not my type. Masyadong magulo.

Malungkot akong napangiti sa marmol na sahig habang naglalakad papuntang room.

"Estudyante rin po ba sila, Teacher?" Tanong ko.

"Uh-hmm. They are already in 8th grade,"

8th Grade? Ganon na sila katanda? Sabagay ay matatangkad sila. Ako ang pinakamatangkad tuwing pilahan kaso natangkadan nila ako. Kaya hindi kataka-taka na matanda sila dahil sa tangkad nila.

"Next time you saw them, say thank you, Angela. They saved you from Peterson."

"Bakit po ba hindi nalang nila paalisin si Mister Peterson sa school? Atsaka ano po bang masama sakaniya? Balita ko po ay pedophile siya. Ano po ba ang ibig sabihin ng pedophile, teacher?"

"Kasi mga bingi ang tao, anak. Kaya paglaki mo wag na wag kang magiging katulad sa mga taong tinatakpan ang tenga sa sigaw ng mga nakabiktima."

Kinurot niya ang aking pisngi.

The fact that I was still young back then, understand what my student-teacher said. Mister Peterson were dropped off the day after that. He.. did something to the Azvameth's little princess.

They treated her like a princess even when she was the same age as Nathaniel. Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang isang rosas na ginawa ko lang sa papel. Wala akong pera pambili at hindi ko kayang kausapin ang aking ama para manghinge ng pera.

And here is a note. The Azvameth and de las Klosa never collided.

I don't why either. Kaya naman ay laking gulat ng lahat dahil sa biglang pagbisita nang mga Azvameth sa lamay ni Mama.

Hindi ko kilala sila. Hindi ko rin sila nakikita dahil palagi kaming magpipinsan na binabawalan ni Abuelita. Kaya nalaman ko lang dahil sa mga bulongan ng paligid.

Bumaba ako sa aming hagdan na yari sa kahoy ng acacia. Ang sahig ng aming mansyon ay gawa sa marmol na kulay puti at habang pababa ay tumutunog ang pag-apak ko sa kahoy. I was only wearing a black sandals to match with my black strap dress.

Bumaba ako doon at namataan ang isang lalaki. Napaawang ang aking labi at sa walang dahilan ay lumakas ang pagtibok ng aking puso matapos siyang matamaan.

A familiar man who looks like he's waiting for someone, staring back at me with his ruthless eyes. His hair were messy just like what our first meet and my eyes stop at his lips who is slightly bleeding like someone bit it. I stopped walking when I was already in the last stair.

I walked towards the man who is slightly leaning on the side of our grand door, where it leads us to our living room. Huminto ako nung nakarating na sa harap niya.

He raised one of his brows. "What do you want, kid?"

"S-salamat." Yumuko ako kaunti at hindi ko sinasadya na mautal sa harap ng lalaki.

"For what?"

Hindi niya ba alam? "Oh. You must be forgotten it already. G-ginugulo po kasi ako ni Mister Peterson–"

"Don't even mention him."

Natahimik ako dahil ang kaniyang kalmadong boses ay napalitan sa galit at matigas. Magpapaumanhin na sana ako nang bigla nalang may humila sa braso ko. Lumingon ako at nakita si Nathaniel na nakangiti habang may hawak na laruan.

He is still two years old and yet he can finally now walk and talk.

"Ache! Laro!"

Hinila niya ang dress ko at halos kabahan dahil nahulog ang straps ng bestidang itim.

"Mamaya muna, Nathaniel. May gagawin pa ako. Kay Elaine ka nalang makipaglaro." Inalis ko ang maliit niyang kamay at mabilis na umalis sa harap nang kanina pa nanonood na lalaki sa amin.

I'm still not even finished thanking him when I tried to leave. Ang kulit kasi ni Nathaniel! Sinubukan pa akong habulin kaya nadapa at nagkasugat siya. Kapag nalaman naman ni Papa ang nangyari sakaniya ay lagot ako kaya wala akong magawa kung hindi ay gamutin si Nathaniel na kanina pa umiiyak.

"Boys don't cry, Nathaniel. So stop crying already."

Ngunit mas lalo lang niyang nilakasan ang pag-iyak dahil nilagyan ng alcohol ang lalaki kanina sa sugat ni Nathaniel. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya dahilan na kaba kong tinabig ang kamay niya.

"Ano po ba ang ginagawa niyo?!" Medyo tumaas ang boses ko dahil sa pagod. "Hindi pa niya kaya ang hapdi ng alcohol!"

"Sorry?"

Kinuha ko ang bulak sakaniya at dahan-dahan kong pinahid sa gilid. Pagtapos ay pinakuha ko sa lalaki ang betadine at bulok.

Ilang sandali ay walang nagawa ang lalaki sa request ni Nathaniel na buhatin siya pagtapos siyang gamutin. Namana niya talaga ang kaartehan ni Papa. Umiiyak pa nang sinubukan niyang maglakad.

His small finger wants to carry my hands so I gave him my index finger. Masaya siyang nakangiti habang nasa bisig ng lalaki.

"Garvin, nandyan ka lang pala. Saan ka ba nanggaling?" tanong ng isang lalaki.

Mukhang matanda siya saaming tatlo dahil sa kaniyang pangangatawan. Ang kaniyang muscle ay kitang-kita sa fitted na black t-shirt at malinis ang pagka-shave niya ng kaniyang balbas. Namukhaan ko siya bilang ang lalaki sa tabi ko.

Lumingon naman ako rito at nakita ang pag-ngisi niya. "Sorry. Just did something. Where are the de las Klosa? Hindi pa bumababa?"

"Bumaba na, Garvin. Ano ba kasing ginawa mo?Kanina pa sila nakababa. Hinihintay nalang ang mga anak ni Elvira."

Napahigpit ang hawak ko sa rosas de papel na ginawa ko sa kwarto matapos marinig ang pangalan ng ina. Binitawan ko ang kamay ni Nathaniel at naalala ang galit ko sakaniya.

Mukhang ngayon lang ata ako napansin ng lalaki dahil tinanong niya ako kung sino ang kasama niya.

"Hindi ko rin alam. Bigla nalang silang lumapit at nag-away sa harap ko."

"Nag-away? Nako, bakit kayo nag-aaway? Hindi ba dapat naga-alaga kayo at magkapatid kayo? Masama yan ha. Ano nalang ang iisipin ng Mama niyo?"

Seryoso kong hinarap ang lalaki.

"Miss Rosa! Nariyan lang po pala kayo!" Napabaling ang mag-ama sa kasambahay na tumatakbo palapit sa'kin. Kinuha niya si Nathaniel sa bisig ng lalaki at inayos ang buhok ko.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir!"

"Sabihin mo ay papunta na. Mauna na kayo ni Nathaniel. Hindi maganda ang pakiramdam ko gayong nandito ang mga Azvameth at buo ang pamilya."

"Pero.. Miss. Hindi po ba myembro ng pamilyang Azvameth ang nasa likod niyo po?" sambit ng kasambahay na ikalalaglag ng buo kong mundo.

Lumingon ako sa likod ko para makita ang matanda na lalaki ay nakangiti sa'kin. Ang lalaki na bumuhat kay Nathaniel kanina ay seryoso ang mukha.

"Ikaw pala ang anak ni Elvira. Rosangela di'ba?"

Nagtama ang paningin namin ng lalaki at nakita ang pag-angat ng gilid nang kaniyang pulang labi sa binigkas ng ama.

"Rosa, huh.."