Chereads / The Billionare's Lucky Charm / Chapter 3 - Chapter Two

Chapter 3 - Chapter Two

Chapter Two

Chapter two

"Magandang umaga, Manong Sebastian at Manong Damian," masiglang bati ni Ellen sa mga ka-trabaho niya sa isang sugarcane plantation.

Nakangiti ang bawat taong nakatingin sa kaniya sa kaniyang dinadaanan.

Magiliw talaga si Ellen sa mga tao dito.

"Kamusta ang payroll natin, Ellen?" tanong ni Manong Sebastian sa kaniya.

Mula sa nakaipit na notebook sa balikat niya nilabas niya ang notebook niyang listahan ng mga papaswelduhing mga tao.

"Okay naman, Manong Sebastian. Maganda naman po ang crops ng ating mga tubo kaya tiwala lang na maganda rin ang sahod," ani ni Ellen sa mga ito.

May ilan naman nagpalakpakan sa naging tugon niya.

Masaya talaga siya sa lugar na 'to. Para sa kaniya ito ang pangalawang tahanan niya, maliban sa kanilang bahay sa Sitio Bagumbayan.

"Sa opisina na ho muna ako, magkikita na lang ho ulit tayo mamaya mga manong. Mag-iingat ho kayo," paalam ni Ellen sa mga ka-trabaho.

Tumuloy siya sa kaniyang opisina sa main building ng plantasyon.

Aayusin niya ang ilang gamit na kailangan niya para sa darating na oras sa pasahod.

Mamayang ganap na alas tres ng hapon, marami na namang magsusulputan na trabahante mula sa tubuhan sa patag. Kailangan niyang iayos ang lahat bago pa dumating ang mga ito at sigurado siyang hindi na naman siya makakapagpahinga.

Wala pa naman ang kaibigan niyang si Fernan para maging alalay niyang ayusin ang pila ng mga tao.

Lumuwas ito ng Manila para makipag-meeting kay Madam Felice, ang isa sa naiwang amo nila matapos mamatay ang kapatid nitong tunay na may-ari ng plantasyon.

Hindi rin kasi bumibisita ang nag-iisang anak ng mag-asawang maagang nawala sa mundo.

Napag-alaman nilang hindi ito interesado sa binilin ng mga magulang, kaya tanging si Madam Felice na lang na kung tawagin nila ang laging nandoon para alalayan sila.

Pero minsan kinakailangan din lumuwas ni Fernan, kung sakali hindi ito nakakadalaw sa kanila para mangamusta.

"Magandang umaga, Ellen," bati ni Kaila kay Ellen.

Isa ito sa inaasahan ni Madam Felice, bukod sa kanila ni Fernan.

"Magandang umaga, Kaila. Mabuti na lang at nandito ka may makakasama ako mamaya," ani ni Ellen dito.

Umupo siya sa sarili niyang desk at agad na binuksan ang laptop na nasa harap niya para makapagsimula ng mag-encode sa mga kailangan niya.

"Oo. Dapat ako ang aalis, pero alam mo naman kabuwanan ko na kaya si Fernan na lang din ang naatasan ni Madam Felice," sabi nito sa kaniya.

"Oo nga e. Mainam na rin 'yon, safety first pa rin naman para sa 'yo. At baka bigla ka na lamang manganak xa eroplano," ani ni Ellen sa kaibigan.

Tumawa ito ng marahan sa naging tugon niya rito.

"Sigi na. Gagawin ko muna 'tong payroll ng mga tao, baka mamaya dumagsa ang lahat dito wala pa naman si Fernan para maging alalay nating dalawa," ani ni Ellen dito.

Hinayaan naman siya ni Kaila at hindi na inabala pa. Ginawa na rin nito ang sariling trabaho para sa mga kailangan sa root crops ng ibang dako ng plantasyon.

`

ILANG beses nang tinawagan ni Lucky si Jasmine. Pero wala man lang itong sagot sa kabilang linya. Imposible naman na tulog pa rin ito kahit gaanong oras na, kanina lang natawagan niya pa ito.

Ayaw niya na rin masyadong mag-alala pa kay Jasmine. Nagpasya na lamang siyang puntahan ito. Agad niyang pinatawag ang katiwala nila, para ipahanda ang sasakyan na gagamitin niya. Gusto n'yang puntahan si Jasmine para masiguradong nasa maayos lang ito.

Nag-alala siya sa dalaga at hindi naman nito dinededma ang tawag niya madalas.

Ngayon lang yata siya tumawag dito na hindi nito sinagot agad. Hindi pweding nakatulog lang ito, knowing Jasmine— hindi ito nagsa-silent ng cellphone kahit gaano pa ito kapuyat.

Kaya baka may nangyari ng masama rito, 'yon ang tumatakbo sa isip ni Lucky.

"Sir, maayos na po ang sasakyan niyo," untag ng katiwala ni Lucky.

Agad naman itong tumayo at kinuha ang susi na inabot sa kaniya ni Ate Melba.

"Salamat, Manang. Huwag niyo na ako ipaghanda ng pagkain mamaya. Baka sa labas na kami kakain ni Jas," pagbibigay-alam niya rito.

Kilala ng mga ito si Jasmine. Madalas itong nasa kanila lalo na kapag nasa Ilo-Ilo or out of town ang Tita Felice niya.

Ayaw din kasi ng nobya niya ang magpang-abot sila sa bahay nila at may hindi lang magandang nangyayari sa kanila. Kung hindi sagutan may parinigan.

Minsan si Jasmine na lang din ang iniiwas niya at ayaw niyang masangkot ito sa kahit na ano.

Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na magugustuhan din ng mga ito ang isa't isa. Kilala niya ang Tita Felice niya, bigyan mo lang ito ng mamahaling bagay makukuha mo na ang kiliti nito.

Kaya nga kapag out of town siya, hindi niya nakakalimutan bilhan ito ng bag o kahit na ano pa man. Ito ang isa sa nagpapaligaya sa tiyahin nya, kahit noong nabubuhay pa ang magulang niya.

Madalas nitong i-request sa mommy niya, isang luxury bag at lagi naman itong pinagbibigyan ng nanay niya.

Para kasi sa Mommy Fely niya, walang mahalaga rito bukod sa kaniya kundi ang nag-iisa nitong kapatid na si Felice.