Chereads / Save Me, Baby (GirlSeries #1) / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

CHAPTER 3

"Hey babe, happy second anniversary."

"Ohh babe. You never fail to surprise me... Happy second anniversary. I love you."

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip na yun. I sighed. Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table ko at napapikit nalang nang makitang alas dos palang ng madaling araw.

Lagi nalang ba?

Tumulo nalang bigla ang mga luha sa mata ko ng maalala kona naman ang nakaraan. Ang hirap naman. Napayakap nalang ako sa dalawang tuhod ko habang mahinang humihikbi. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang baso ng tubig at gamot na pampatulog at ininom yun ng mabilis.

Ngunit mag aalas tres nalang ng umaga ay gising parin ang diwa ko at kahit anong pilit kong matulog ngunit bumabalik lang sa isipan ko na parang sirang plaka ang mga nangyari nung gabing iyon.

Kaya huminga nalang ako ng malalim bago magdesisyong tumayo nalang sa kama at dumiretso ng banyo para maligo. Iniisip na baka kelangan lang ng malamig na tubig para maialis sa isipan ang mga masamang pangitain.

Pagkalabas ko ng banyo ay madilim parin sa labas, nagsuot lang ako ng sports bra na puti at cycling short na puti din bago bumaba papuntang kusina para magtimpla ng kape.

Napatigil ako sa paginom ng kape nang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Agustito. My knight in shining armor. Napangiti nalang akong kinuha ang cellphone para sagotin ang tawag niya. I clicked the answer button and cleared my throat as a sign na pwede na syang magsalita.

Napatawa si Agustito bago magsalita. "Ahem pa haha. Si Mike Enriquez talaga tatay mo eh," napangiti ako sa sinabi niya at tumawa ng mahina. "You're awake early baby. Bad dream?" Napayuko nalang ako bigla sa sinabi niya.

Napaluha na naman ako dahil limang taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon bumabalik parin sa isip ko ang nangyari sa akin ng gabing iyon na nagkakilala kami dahil sa isang pangyayaring pilit kong winawaglit sa isipan ko.

"Baby." Tawag niya sakin na bakas sa boses niya ang pag-alala.

"I-im sorry. A-ahm, Pwede moba akong puntahan ngayon? Please." Nanginginig ang boses kong tanong sa kanya.

"Sure baby. I'll be there in ten minutes." He said in the other line. "Just.... just don't end the call okay? Speak or hum while I'm driving. Don't worry i'll be fast."

Napatango ako kahit hindi niya nakikita. I smiled bitterly with myself.

Palagi nalang ba akong ganito na para akong nanlilimos ng oras at atensyon sa ibang tao?

"Okay." I answered him almost whispering. Unable to talk or speak clearly.

Nang kumalma na ay inubos ko na ang kapeng tinimpla ko para kahit papano'y may laman ang tiyan ko dahil sa sobrang pagod at sakit ng naramdaman ko kagabi dahil sa nakita ay hindi na ako nakapag hapunan.

Tumayo na ako at hinugasan ang baso at kutsaritang ginamit. Naglakad na ako papuntang sala para dun nalang hintayin si Agustito. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko habang nakatulala sa sahig. Nagulat pa ako nang may biglang mag doorbell. I check the time in my wrist watch and my forehead creased ng makitang mag aalas singko na pala ng umaga.

Kaya tumayo na ako at binuksan ang pintuan. Medjo nagulat pa ako ng makitang naka pantulog pa si Agustito. He smiled at me and entered inside my condo and close it, habang ako ay parang napako na ang mga paa sa aking kinatatayoan.

He waved his hand kaya napakurap ako na ikinatawa niya ng mahina. Tinaas niya ang dalang paper bag ng paboritong fastfood chain ko na malamang laman nun ang paborito kong almusal.

"I brought you breakfast baby." Sabi niya tapos naglakad na papuntang kusina kaya sumunod na ako sa kanya. "Hey, come on, kumain ka muna bago tayo mag usap okay? Since maaga pa naman at wala ka namang pasok ngayon dahil sabado o kung meron man ay tatawagan ko nalang si Clara." Malumanay niyang sabi sakin na tinanguan ko nalang at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong kumain ay siya na ang nagligpit nang pinagkainan ko kaya umakyat nalang muna ako sa kwarto para mag toothbrush uli at magbihis dahil nakaramdam ako ng hiya sa suot ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Agustito na nakapikit ang mata kaya mahina ko siyang tinapik sa balikat para gisingin. "Inaantok ka pa?," tanong ko sabay upo sa tabi niya at tumawa lang siya ng mahina at umiling.

"Nag-iisip lang ako kung saan kita dadalhin para marelax ka," he said while combing my hair with his fingers.

"Sugar daddy yarn?" Pabiro kong sagot sa kanya sabay abot sa kanya ng pantali sa buhok.

"Daddy lang walang sugar." Seryosong sabi niya sabay tayo para ayosin ang baby hair at ginawa niyang bangs. "May make up ka ba dito?" Tanong niya sabay bukas ng drawer ko sa may center table.

"Wala. Nasa taas lahat." Sagot ko sabay hawak sa kamay niya na ikinagulat niya kaya ngumiti ako ng kimi. "Upo ka nga. Gusto kitang yakapin." Sabi ko sabay hila sa kanya kaya umupo siya agad at niyakap ako.

He sighed and kiss my temple. "You want to talk about it?" He asked carefully so I nodded my head as an answer to him.

"Baby, kung kaya ko lang alisin lahat ng sakit na nararanasan mo ngayon gagawin ko." Tumingin siya sa mata ko. "Gusto mo bang samahan kitang pumunta sa doktor mo?"

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at sinandal ang likod sa sofa at tumingala. Para akong nanlumo lalo dahil sa tanong niya na yun. Limang taon kona itong itinatago sa mga kaibigan at pamilya ko dahil ayaw ko na mag-alala sila sa akin at kaawaan nila ako.

Tinignan ko siya sa mata sabay ngiti ng malungkot. "Agustito, salamat. Pero siguro this time ako nalang ang mag isang pupunta dun." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Alam ko naman kahit dimo sabihin sa akin na nakaka abala ako sayo."

"Baby-

"Hindi. Please." Putol ko sa sasabihin niya sabay iling. "Please.... pangako kakayanin ko 'to. Limang taon na Agus, limang taon pero pakiramdam ko nakakulong parin ako dun sa sakit na dinanas ko ng gabing iyon."

He stood up and sighed. Napaiwas siya ng tingin ng makita niya akong umiiyak na naman. "Tell me Nina, tell me if you still love him."

I laugh sarcastically with his sudden question. "Love? Huh. Agus naman, anong  tingin mo sa'kin? Martyr?"

"No." He said looking at me intently. "No, of course. Pero Nina, nangako ako sayo diba?" Tanong niya kaya tumayo na ako.

"Yun na nga Agus. Nangako ka, nangako ka na sasamahan mo ako sa laban na ito. Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Nangako ka na aalalayan mo ako. Pero hanggang kailan Agus? Hanggang kailan?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Hanggang sa makalimutan mo ang lalaking yun na nanakit sayo Nina. Ang lalaking yun na naging dahilan kung bakit hanggang ngayon," huminga siya ng malalim at hinilamos ang kamay sa mukha. "Tangna. Hanggang ngayon kahit sa panaginip sinasaktan ka parin niya." Umupo siya sabay sabunot sa buhok niya.

Doon na ako mas lalong naiyak sa sinabi niya. Kaya napaluhod ako sa harap niya at hinawakan ang nanginginig sa galit na kamay niya. "Agus, I'm sorry," humihikbi kong sabi sa kanya. "H-hindi mo naman kailangan gawin yun para sakin. Agus-

"Tangna," Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo at huminga ng malalim. "Hindi?" Tanong niya sa akin sabay nun ang pagtulo ng mga luha sa mata niya. "H-hindi Nina? Ha? Paano? Paanong hindi ko yun gagawin kung para sa ikabubuti mo yun Nina."

I stood up and hug him from the back still crying. "Alam ko Agus. Alam ko. Kaya nga masaya ako na andyan ka palagi para sa'kin."

He face me kaya kita ko ang pamumula ng mga mata niya dahil sa pag-iyak. "Nina, hindi kita iiwan naiintindihan mo? Kahit ipagtaboyan mo ako o kaya ay magsawa kana sa pagmumukha ko. I'll stay.... i'll stay no matter what. You understand me?" I nod. Feeling defeated that made him smile. "Good baby. Good."

He wipe my tears using his thumb. "Ngumiti kana," so I did. "That's it baby. That's it." He hug and kiss my hair. "Don't let your past ruined your present life okay?" He whispered.

I hug him back and nod my head twice before breaking the hug. Tiningala ko siya at nginitian. "Salamat Agus," and I really mean it.

He kissed my forehead and smile. "You're always welcome baby." I smile.

For five whole years. Agus never left my side. He always make sure na maayos ako. Na nakangiti ako. Na ginagawa ko ang mga normal na bagay tulad ng pag kasama ko ang mga kaibigan ko at pamilya ko. Yung hindi iniisip ang nakaraan.

And that made me think the 'WHAT IF's'.

What if magsawa na siya? What if makahanap na siya ng babaeng makakasama niya habang buhay at bigla niya akong iwan sa ere?.

Kaya ngayon palang, susulitin kona habang nandyan siya. Susulitin kona lahat ng oras na kasama ko siya.

Pero SANA.

Sana wag muna. Wag muna siyang mawala at magsawa sa akin.

SANA.