Beep!!
Beep!!
Sa isang umagang maaliwalas, makikita mo ang maraming tao na naglalakad. Paroo't parito.
Isang binata ang makikitang naglalakad sa May iskinita. Mababakas mo sa mukha nito ang lungkot.
Ang mukha niya ay namumula at May bakat pa ng isang kamay, putok ang kanyang labi medyo gusot ang kanyang lumang damit at May konteng punit, sa kamay nya ay may siyang bouquet ng bulaklak ngunit ang mga petals at dahon nito ay sira-sira na.
Siya si Clifford Allen Iverson, isang binatilyo na laki sa hirap. Siya ay dalawampu't -isang gulang. Kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad sa bayan ng San Juanico. Kahit laki sa hirap si Clifford ay sobrang puti nito na akala mo ay laking mayaman at hindi sa hirap. Marami sa mga nakakakilala sa kanya ang bansag sa kanya ay tisoy, sobrang kinis pa ng mukha at di kakikitaan ng pimples sa mukha. Pero sa pagkakataong ito ibang Clifford ang nakikita ng mga tao, ang tisoy na naglalakad ngayon ay malungkot taliwas sa nakasanayan nilang ugali nito.
Galing kase ito sa bahay ng nobya nito, dahil gusto niyang sorpresahin ang nobya ay di niya sinabi na dadalaw siya rito. Ngunit ng pagdating niya sa bahay ng mga ito ay halos gumuho ang kanyang mundo, ang kanyang girlfriend ay may kahalikang ibang lalaki at ang mas matindi pa ay nasa harap pa ng magulang ng nobya niya. Nakikilala niya kung sino iyon, si Daniel Lacsamana, anak ng kasalukuyang mayor ng naturang bayan.
Nang mga sandaling iyon di na siya nakapag-isip pa at sinugod ang dalawa at binigyan agad ng malakas na suntok ang binata.
Ang lahat ng mga naroroon ay nagulat sa mga pangyayari, habang si ang binatang si Daniel ay nakasalampak sa sahig hawak ang dumudugong labi.
Agad naman itong dinaluhan ng dalaga.
"Clifford! bakit ka nandito at basta basta na lang nanununtok',saad ng dalaga
Tinatanong mo kung bakit ako nandito ha. Naaalaa mo ba kung anong araw ngayon, anibersary natin ngayon kaya ang balak ko ay i- surprise at dalawin ka sa inyo pero ako yata ang nasorpresa sa mga nakita ko. At bakit nandito yang lalaki na yan at naghahalikan pa kayong dalawa ha.
"Well sa tingin ko, di ko na kailangan pang magtago. " Clifford, I'm breaking up with you, matagal ko na sanang sinabi yan sa iyo subalit naaawa lang ako sa iyo. Matagal na kitang hindi mahal at ngayon natagpuan ko na ang lalaking karapat-dapat sa akin at yung ay si Daniel, alam mo ba kung bakit kase sa kanya ko natatamasa ang maging isang prinsesa naibibigay niya lahat ng mga kailangan ko. Kita mo ba itong mga suot ko mga designer brands ang mga iyan na bigay sa akin ni Daniel. At ang mga iyan ay kailanman hindi mo maibibigay kaya sorry na lang pero mas pipiliin ko pang makipaghiwalay sa iyo kaysa manatili pa sa isang katulad mong wala naman kayang ibigay.
Hindi ko akalain na ganyan ka palang babae Ellise, ang akala ko ay iba ka sa ibang babae na hindi tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao, pero....
Hindi pa man niya natatapos sabihin ang kanyang sinasabi ay malakas na sampal ang natanggap niya mula sa dalaga. Namumula ang kanyang mukha dahil doon at makikita mo sa mukha ng dalaga ang galit.
Wala kang karapatang sabihin sa akin yan, bakit masama bang magkaroon ng ambisyon na umangat ang buhay ko, gusto kong guminhawa ang buhay ko at kung mananatili ako sa iyo ay kailanman ay di ko iyon makakamit dahil mahirap ka lang at si Daniel ay mayaman sa kanya ko makakamit ang lahat ng 'yun. Mabuti pang umalis ka na dahil simula sa araw na ito ay wala na tayo.
"Ellise, please pag-usapan naman natin 'to oh! alam mo naman na mahal kita at handa akong ibigay ang lahat ng gusto, kung gusto mo magdodoble ako ng trabahong pinapasukan at mag-overtime din ako kung kailangan para lang mabili lahat gusto mo, please huwag naman ganito.
It's useless Clifford, kahit anong gawin mo ay di na magbabago ang isip ko! I'm breaking up with you kaya huwag ka ng magsalita pa.
Pero.....
That's enough, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Ellise ha! Clifford ayaw na niya sa'yo, ako na ang mahal niya kaya ang mabuti pa ay bumalik ka na lang sa eskwater kung saan ka dapat naroroon.
Kumuyom ang mga kamay ni Clifford ng dahil sa narinig mula kay Daniel. Gusto niyang bigyan ito muli ng suntok. Habang nagtatalo silang tatlo, ang mga magulang ni Ellise ay nanonood lang sa kanila. Lahat ng mga naroroon ay nakatingin sa kanya ng may pagkadis-gusto. Ang mga mata ng mga ito ay parang yinuyurakan ang pagkatao niya