Nang matapos si Samarra sa kaniyang paliligo ay hindi niya magawang lumabas sa loob ng CR. Nakailang paroo't parito ang ginawa ni Samarra sa loob ng CR para kalmahin niya ang sarili. Gosh! Stop thinking, Samarra, pagalit niyang saway sa sarili.
Inis siyang napahilamos ng mukha bago tiningnan ang sarili sa salamin. Go! Samarra, kaya mo 'yan, pag-cheer niya sa kaniyang sarili bago lumabas.
Ang akmang paglabas ni Samarra sa pintuan ay siyang dagli niyang pag-urong papasok nang mabungaran ang guwapong mukha ni Zachary.
"Oh, my," aniya at pasimpleng napabuga ng hangin, ramdam na lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
"Akala ko matutulog ka na sa loob kanina pa kita gustong katukin sa loob," ani ni Zachary na patuloy ang paghakbang papasok sa loob ng CR.
Sa bawat hakbang ni Zachary ay siyang pag-atras ni Samarra papasok sa loob hanggang napasandal si Samarra sa glass wall ng shower.
"You look terrified." Napapikit si Samarra nang hawakan ni Zachary ang kaniyang pisngi, dahan-dahan nitong pinadaan ang daliri mula sa kaniyang pisngi patungo sa kaniyang leeg.
Pasimple napahugot ng hininga si Samarra at sinalubong ang tingin ni Zachary, kita niya ang pasimpleng paglunok nito nang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napapiksi siya nang hapitin siya ni Zachary.
"W-wait, what are you doing?" nagpa-panic na tanong ni Samarra nang mapansin niyang iniangat ni Zachary ang laylayan ng damit nito at walang pakialam na naghubad sa kaniyang harapan. Bigla siyang napatakip ng kaniyang mata.
Gosh! Round two ba ito? What if may mangyari sa kanila? Tapos mabuntis siya, tapos maghiwalay sila. Gosh! Magiging single mom siya. Naipilig ni Samarra ang ulo sa advance niyang mag-isip sa mga nangyayari.
Napapitlag at napadilat si Samarra nang hawakan ni Zachary ang kaniyang balikat. Sa pagtama nang kanilang mata kita niya ang ningning at punong-puno nang kapilyuhan.
"Relax, Ara, I won't eat you," natatawang wika ni Zachary habang umiiling-iling ito ng ulo. Napalunok si Samarra nang mula sa kaniyang balikat ay bumaba ang kamay nito patungo sa kaniyang baywang.
"W-what are you-" hindi na natapos ni Samarra ang sasabihin nang inayos ni Zachary ang kaniyang suot na bathrobe.
"Nakikitaan ka na, paano kung may ibang pumasok? Ara, your body belongs to me. Hmmm, I won't share what is mine. Naiintindihan mo ba ako?" Napakurap-kurap si Samarra ng kaniyang mata habang nakatingin kay Zachary. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito, ang narinig na lang niya ay ang huling sinabi nito.
"Ara, naiintindihan mo ba 'ko?" wala sa sariling napatango si Samarra at sinapo niya ang dibdib, nag-aalala siya na baka marinig ni Zachary ang tibok ng kaniyang puso na palakas nang palakas ang kabog.
Napabuntong-hininga si Zachary at tumingala pilit niyang pinapakalma ang sarili bago muling binalingan ng tingin si Samarra. Napalunok siya habang nakatingin sa maamong mukha ni Samarra, habang patagal nang patagal pansin niyang paganda nang paganda si Samarra.
"Excuse me." Tila nagising si Zachary sa kaniyang iniisip nang marinig niyang nagsalita si Samarra.
Nang makita ni Samarra na bahagyang gumilid si Zachary para bigyan siya ng daan, ay natataranta siyang kumilos papaalis sa loob ng CR, hindi pa man nakakalayo si Samarra, impit siyang napatili at napapikit nang madulas siya. Inihanda na ni Samarra ang sarili kung sakaling babagsak siya sa tiles ng CR.
"Are you okay?" Napadilat si Samarra ng kaniyang mata at napalunok nang makita halos gahibla lang ang layo ng mukha nila ni Zachary, ang kamay nito nakapulupot sa kaniyang baywang.
"Y-yeah," mahinang tugon ni Samarra at iniwas ang mukha para hindi sila magkahalikan ni Zachary.
"Huy, what's wrong." Tinapik ni Samarra ang balikat ni Zachary nang mapansin na walang kakurap-kurap ito na nakatingin lang sa kaniya.
"Oh, shit!" Nasundan na lang ni Samarra nang tingin si Zachary na nagmamadaling binuksan ang shower at tumapat doon.
"Get out!"
Ano raw? Siya ba ang tinutukoy na lumabas? Hindi magawang ihakbang ni Samarra ang paa palabas dahil para siyang natulos sa pagkakatayo. Nang hinubad ni Zachary ang suot nitong short na kasama ang boxer. Napalunok siya habang nakatingin sa pang-upo nito na nakahantad sa kaniya. Shit!
"Ara, get out or else?" may pagbabantang wika ni Zachary habang nakatalikod sa gawi niya Naramdaman siguro nito na hindi pa siya umaalis sa kaniyang pagkakatayo.
"Wait," natatarantang wika ni Samarra na nagmamadaling lumabas sa loob ng CR, halos matalisod siyang muli sa pagmamadali. Bago pa tuluyang makalabas narinig niya ang mapanuyang halakhak ni Zachary marahil nakita nito na kamuntikan na siyang madulas sa sobrang pagmamadali.
Wala sa sariling naisandal ni Samarra ang likod sa pintuan nang mailapat niya 'yon pasara. Sapo niya ang dibdib habang habol niya pa rin ang kaniyang paghinga. Ilang minuto rin siyang nakasandal nang masiguro niyang okay na siya, saka niya lang napagpasyahang maglakad papalayo sa pintuan ng CR. Napahinto siya sa salamin na nadaanan nang makita ang sariling ayos, napaawang ang kaniyang bibig at binalingan ang pintuan ng CR at ibinalik ang tingin sa salamin. Ngayon, niya lang napagtanto na halos nakalabas na pala halos ang kaniyang kaliwang dibdib sa suot na bathrobe, marahil lumuwang 'yon nang madulas siya kanina sa CR.
Idiot! Samarra, what are you thinking? pagalit niyang wika sa sarili habang napahilamos ng mukha, Gosh! Nakakahiya.
Kanina pa nakalabas ng CR si Zachary pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa habang nakatingin sa babaing nakaupo sa kama na tila problemado. Nakayuko ito at habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa mukha. Hindi niya tuloy alam kung babalik ba siyang muli sa CR or magpapanggap na lang na hindi niya ito nakikita. Napabuga si Zachary at pumasok muli sa CR. Ilang minuto rin siyang nagpalakad-lakad sa loob bago muling lumabas.
Pagkalabas ni Zachary napakunot-noo siya dahil hindi na niya naabutan si Samarra sa kanilang silid. Agad niyang hinayon ang walk-in closet para kumuha ng maisusuot, nang makapagbihis nagmamadali siyang bumaba patungo sa dining.
"Mom," malakas na tawag ni Zachary nang naglalakad papalapit sa dining area.
"Oh, Zach, where's Samarra?" tanong ni Mommy Lorraine nang matapos niya ito hagkan sa noo.
"Hindi pa ba siya bumababa?" Kunot-noong tanong ni Zachary.
"Wala pa, gusto ko na nga ipakatok kayo kay Leslie sa taas dahil alas diyes na hindi pa kayo bumababa,"
"Paglabas ko ng CR wala si Samarra sa aming kuwarto kaya nga 'ko nagmamadaling bumaba, akala ko nauna na sa akin." Napatingin si Zachary sa isang kawaksi na nasa malapit sa kanila.
"Si Kuya Zeke, lumabas na ba?" Agad na umiling ang kawaksi na tinanungan niya, may kung anong kaba ang dumaklot sa puso ni Zachary.
"Mom, hanapin ko lang si Samarra," aniya at nagmamadaling tumalikod sa ina. Pag-akyat niya pa lang ng staircase iisang lang ang hinayon niya, 'yon ay ang kuwarto ng Kuya Zeke niya. Ewan, pero iba ang pakiramdam niya.
Malalakas katok ang ginawa ni Zachary sa harap ng pinto ng kuwarto ng kaniyang Kuya Zeke, mga ilang minuto rin ang ginawa niya nang tuluyan ito magbukas.
"What's wrong? Kung makakatok ka parang gusto mong sirain itong pintuan?" naiiritang tanong ni Kuya Zeke.
"Ahm, pinagigising ka ni Mom," ani ni Zachary at pasimpleng tumingin sa loob ng kuwarto.
"Really?"
"Yeah, why?" napakunot-noo ni Zachary nang mapanuyang humalakhak ang kaniyang Kuya Zeke.
"Come inside," pag-aaya ni Kuya Zeke at niluwangan pa nito ang pagkakabukas ng pintuan para kaniya na agad niyang tinanggihan dahil pakiramdam niya na alam nito kung anong totoong dahilan kung bakit siya naroon sa kuwarto nito. Ayaw man niyang mag-isip ng masama pero wala naman siyang maisip na maaaring puntahan ni Samarra.
"You sure?" may pang-uuyam ang tinig nito.
"Yeah, I'm sorry." Napapahiyang tumalikod si Zachary at pumasok muli sa sariling silid.
Pagkapasok sa loob ni Zachary ng kaniyang kuwarto agad siyang dumiretso sa balcony para lumanghap sana ng sariwang hangin ngunit bago pa siya tuluyang lumabas ay iniluwa roon ang isang magandang babae na kanina niya pa hinahanap. The next thing he knew ay yakap-yakap na niya ito.