Chereads / Daver Mclarenz ( Billionaire Series #1 ) / Chapter 1 - CHAPTER 1: THE BEGINNING

Daver Mclarenz ( Billionaire Series #1 )

🇵🇭QueenJM22
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1: THE BEGINNING

( Noelle )

"Ano ba 'yun girl? At inabala mo ako sa matamis pero wild na pakikipag se---"

"Shuta, bunganga mo gaga. Ang bastos talaga."

Putol ko sa iba pang malalaswang sasabihin ni Cherry. Magkaiba kami sa halos lahat ng bagay pero ewan ko ba't naging kaibigan ko ang mabungangang babae na 'to. Kapag bumuka ang bibig, asahan mo ng walang matinong lalabas d'yan kundi kabastusan at puro tungkol sa lalakeng nakasama niya. Nasanay na rin siguro ako kahit wala pa akong karanasan sa mga lalake.

"Pa-virgin? Oops, masikip ka pa rin nga pala."

"Ewan ko sayo."

Ang bastos talaga ng bunganga ng babaeng 'to.

"So, ano na nga? Bakit inabala mo ang masarap kong gabi. Binitin mo pa ako. Mabuti binayaran pa rin ako ni papapogi, may tip pa."

"Ang bastos talaga ng bunganga mo."

"Okay lang dahil naman sa bibig ko na ito maraming nababaliw." at tumawa ito na parang baliw.

"Ba't ang tagal mo? Inugatan na ako dito kakaantay sa'yo." turan ko at hindi na lang pinatulan ang sinabi nito.

"Hello, alam mo ba kung anong oras na? Girl! 2:30am na!" anito saka sumalampak ng upo sa katabi kong stool at humarap sa'kin.

"Alam ko, kaka-out ko nga lang sa isang part time job ko."

"Gaga! Nasa kalagitnaan ng kasarapan ng chukchakan ko 'yun. Ang yummy pa naman ng boylet na nasungkit ko ngayong gabi tapos tatawagan mo ako, paiyak iyak ka pa d'yan."

"Haist! Oo na. Ganito kasi."

"Wait, hulaan ko. About ba 'to sa boyfriend mong mukhang paa?"

"EX, naghiwalay na kami."

"Hallelujah. Totoo?" nanlalake ang mga matang tanong nito sabay kagat sa hamburger na inorder ko kani-kanina lang.

"Bakit mukha kang masaya? Kaasar ka."

"Tsk. Matagal mo naman ng alam na hindi ako boto sa boyfriend, este Ex mong kulang sa aruga." irap nito at ngumuya.

"Grabe ka naman."

"Totoo naman diba. So, bakit kayo naghiwalay? Kahit masaya ako sa nangyare tatanungin ko pa rin dahil mukha ka ngang nagluluksa na hindi naman dapat."

"Dahil hindi daw compatible ang panlasa namin sa isa't isa at kung anu ano pa."

"Hano daw? Anong panlasa pinagsasabi mo d'yan? Ano ka putahe?"

"Sabi niya, hindi daw pareho ang panlasa namin sa mga bagay bagay."

"Ang arte ng mukhang paa na 'yun. Oh sige, ano daw ang ipinuputok ng butse niya aber?"

"Tulad ng hindi niya gusto ang maaasim samantalang paborito ko iyon, hindi ko gusto ang matatamis samantalang siya gustong gusto niya ang sweets. Ayoko sa maalat pero siya gusto niya 'yun. Mas gusto niya ang mga action movies samantalang romantic movies naman ang gusto ko. At kung anu ano pa."

"Anong connect? 'Yun lang?" tila hindi makapaniwala na tanong nito habang kunot na kunot ang noo.

Lumabi ako sa naging reaction nito habang tumatango at nakapangalumbaba sa lamesa. Humarap ako dito at inilipat sa side ng ulo ang kamay at itinukod muli iyon sa lamesa.

"So, tikiman lang ang naging relasyon niyo? Na Kapag ayaw niya ng lasa aayawan na lang niya bigla? Na kapag ayaw niya ng movie na panunoorin niyo ay iiwan ka niya. Wow! Ang gwapo niya ha! Akala mo naman mukha siyang masarap, e mas masarap pa 'yung papaitan na itinitinda ni aling Marites sa kanto namin."

Napasimangot ako sa sinabi nito. Humingi ako ng tulong rito kasi hindi ko na alam ang gagawin pero mukhang nadepressed ako lalo.

"So ano ngang gagawin ko?" Stress na tanong ko sa kanya at sinabunutan ang sarili.

"Edi mag party tayo."

"Gaga. Kastress ka alam mo ba 'yun?"

"Sa ganda kong ito stress ka pa? Ang daming naglalaway na mga lalake matikman lang ang alindog ko tapos ikaw, nakakasikip ka ng dibdib ha." anito na hinawakan ang boobs at inipit iyon habang inginungudngod sa pagmumukha ko.

Edi siya na ang may mala-bundok na dibdib.

"Pwede ba Maria Conception yang bibig mo hinay hinay ka sa pagsasalita kinikilabutan ako sa'yo." nahihiyang tiningnan ko ang nagtitinda ng burger na kinakainan namin ngayon na natatawa sa pinagsasabi ni Cherry.

"My goodness Noelle, pwede bang 'wag mong buo-in ang pangalan ko pinananayuan ako ng balahibo. Cherry na ang pangalan ko ngayon." inirapan ako nito matapos sabihin iyon.

Ayaw daw nito ng pangalan niya dahil hindi daw bagay sa ikinabubuhay niya ngayon kaya yung inimbento na lamang niyang pangalan ang ginagamit niya ngayon na Cherry nga.

"Ewan ko sa'yo, ang laki ng naitulong mo sa'kin."

"Ito naman. Tampo yarn?" iningusan ko lamang ito.

"Isa lang ang nakikita kong tama sa nangyare."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wait, there's more!" Natatawang dagdag nito.

Hindi na talaga ako nakahanap ng matinong kausap. Napailing na lang ako.

"Hindi mo deserve masaktan. Ibig sabihin lang no'n si God na ang gumawa ng paraan para malayo ka sa lalake na hindi mo deserve."

Iyon naman pala.

"Ang daming lalake d'yan girl. Kung imumulat mo lang yang mga mata mo mas maraming nararapat sa'yo hindi ang tulad lamang ng Gerald na 'yun na kulang sa aruga. Tara sama ka sa'kin, may ipapakilala ako sa'yo."

"Sabi ko tulungan mo ako, at hindi ibugaw sa ibang lalake. Kaloka ka."

"Alam mo, hindi kasi niya natikman man lang ang kabibe mo girl, kaya iniwan ka niya. Ikaw naman kasi pihikan ka. Pero mabuti na rin 'yun hindi mo ibinigay ang talaba mo." anito habang pinanlalakihan ng mata ang kabibe ko at patawa tawang kumagat muli sa burger nito.

Nakakahiya talaga ang bibig ng babae na 'to.

Inikutan ko na lamang siya ng mga mata saka kinagatan rin ang burger na hawak ko kanina pa na medyo lumamig na.

Gerald Ruchard ang ex ko. Isang itong pure pinoy ngunit nakapangasawa ng kano ang nanay nito kaya pinalitan ang apelyido. Hindi siya gwapo tulad na rin ng sinabi ni Cherry. Hindi siya 'yung tipo na lilingunin mo kapag nakasalubong mo sa daan, sakto lang. Hindi rin naman siya panget, pero okay lang dahil mabait naman siya, sweet at maalaga.....noon. Noong nanliligaw pa lamang siya sa'kin at nitong mga unang buwan namin together. Sinagot ko siya dahil matagal na rin siyang nanliligaw sa'kin almost 2 years din. Nagkakilala kami sa isa sa mga part time jobs ko. Naging kapalagayan ko siya ng loob dahil maboka ito. Magaling magpatawa at madaldal, hindi ka maboboring. Ngunit nito lang nag-iiba na ang ihip ng hangin. Madalas na kaming mag-away. Isa rin sa dahilan ayokong pumayag na may mangyare sa'min kahit matagal na nito iyong ini-uungot sa akin, hindi pa kasi ako handa para ibigay ang talaba ko, ika nga ni Cherry. Tapos lahat ng gagawin namin at mga pupuntahan pinag-aawayan pa namin, hindi kami magkasundo. Ultimo simpleng bagay pinupuna nito na nauuwi pa rin sa away.

Kaya ayon, nakipaghiwalay ito sa'kin sa hindi ko talaga maintindihan na dahilan. Nakakapanghinayang lang dahil mag-iisang taon na kami sa susunod na buwan.

"Musta pala kayo ni ate Beth? Inaaway ka pa rin?" tanong nito makalipas ang ilang minuto.

Hindi lingid sa kaalaman ni Cherry ang pagtatalo at hindi namin pagkakasundo ni nanay Beth. Hindi ko ito tunay na magulang. Ito na ang nakagisnan ko noong ako'y bata pa lamang. Isa itong GRO sa isang club sa subic na mismong pinapasukan din ni Cherry slash Maria Concepcion at gusto nitong doon rin ako magtrabaho. Ngunit tumanggi ako. Doon na nagsimula ang palagi naming pag-aaway ni nanay Beth sa araw araw. I mean pang-aaway sa'kin ni nanay Beth. Ni minsan hindi ko ito sinagot dahil nirerespeto ko ito, humindi lang ko dahil hindi ko talaga kayang magtrabaho sa club. Hindi ko kayang halos hubad na ang katawan ko sa harap ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan. Gusto rin kasi akong i-recruit ng baklang may-ari ng club na pinagtatrabahuhan ni nanay Beth at Cherry. Hindi man mala-bundok ang dibdib ko tulad ng kay Cherry may umbok naman iyon at may kurba rin naman ang katawan ko.

Maraming part time jobs ang pinapasukan ko para kahit papaano makatulong kay nanay Beth ngunit parang kulang pa iyon dito. Nag-iipon din ako para sa susunod na taon makapasok na ako sa kolehiyo. Gusto kong mag-aral at makatapos dahil si nanay Beth hindi na ako gustong pag-aralin.

Kahit tambakan na ako ng maraming part time jobs, okay lang. Kakayanin ko huwag lang ang bagay na iyon. Isa pa rin naman akong babae na nangangarap makahanap ng lalakeng mala prince charming ang datingan ang nakalaan para sa'kin.

Oo, sa edad kong bente anyos, naniniwala pa rin ako sa fairy tales at happily ever after.