____________________________________
Isang buntong hininga ang iginawad ko at pinilit ko na wag maiyak. Kanina pa ako pa ikot-ikot at kung saan saan na ako napunta na kompanya pero wala paring tumatanggap sa akin college grad naman ako. Isang companya nalang ang susubukan nya ang Oliver's Group of Company hiring sila sana ay matanggap ako agad ko namang inamoy ang sarili ko buti nalang hindi ako nag amoy usok ng sasakyan at amoy araw agad ako lumakad papasok ng entrance.
"Excuse me Ma'am saan po ang punta" tanong sa akin ni Kuya guard
"Mag apply ho sana" sagot ko
"Mahaba ang pila Ma'am pasok na ho kayo" sabi sa akin ni Kuya guard
Pero pag pasok ko nag aalisan naman na ang mga nakapila.
"Saan naman kaya tayo mag hahanap ng trabaho nito" sabi nong babae
Wala nanaman pero naman ko ang isang babae doon agad akong lumapit sa kanya.
"Miss wala na bang available" tanong ko
"Pasensya kana meron ng nakuha" sagot nya sa akin
"Kahit Janitres lang ate o kahit maintenance lang ate kailangan lang" pilit ko dito
"Wala na talagang available marami pa namang kompanya" sagot nya sa akin
"Kahit ano lang ate pang gamot lang ng kapatid kong may sakit sa puso" pilit ko parin
"Pasensya miss, guard guard palabasin nyo na ito at baka manggulo pa" tawag ng babae sa guard
Pero bago pa naman ako kunin ng guard at palabasin ay may dalawang lalake ang dumating naka pang office attire ito.
"What's happening here" baritonong boses nong isang lalake
"Sir Oliver nag pupumilit po kase syang mag hanap ng trabaho pero puno na ho lahat" sagot nong babae
"Go back to your work i can handle this" savi nong boss ata nila ito
Agad na bumalik ang guard sa pwesto nya at nag mamadalibg umalis ang babae kanina upang bumalik sa pwesto nya.
"I'm Chase and the owner of this company" pakilala nya sa akin "You want a work right, why" tanong nya
"Para sa pang gamot nong kapatid ko may sakit ho kase sya sa puso" sagot ko at napayuko ako
"See you tomorrow in Wilson's Chain Hotel 7:00 am sharp if you don't show up it's not my loss" sabi nya at agad nya akong nilagpasan
"I'm Dax Miller owner of a famous perfume company here di lang halata, masungit lang yun ngayon pero totoo yung trabaho see you, i hope we will help you" pakilala nya sa akin at agad ding sumunod
Diko alam kung anong mararamdaman ko matutuwa pa ako kase may trabaho na ako o kinakabahan pa ak o kung sobrang hirap na trabaho iyun pero di bale na para kay Ryan. Agad naman ako napaayos para umuwi at maalagan si Ryan nakatingin ang ibang empleyado sa akin kaya binilisan ko ang lakad ko pero hinarang ako ni Kuya Guard.
"Ma'am napagalitan po kayo" tanong nya sa akin
"Hindi manong sa totoo ho ay binigyan nila ako ng trabaho doon sa Wilson's Chain Hotel bayun" sagot ko
"Ay sabi na sge Ma'am mag ingat kayo" sabi sa akin ni Manong Guard
Agad akong lumabas para mag abang ng Jeep gusto ko ng makauwi para masabi ko ito kay Ryan may trabaho na ako. Agad akong nakapara ng Jeep mahaba haba pa ang byahe ko pauwi sa amin kaya makakaidlip pa ako bago umiwi. Nagising ako nong halos mag babaan na ang mga pasaheto sakto dito rin ang baba ko buti nalang meron nag hihintay na Jeep uli malapit nalang ito sa amin pero medyo malayo layo kung lalakarin pa kaya sasakay nalang ako ng Jeep para mabilis makauwi dahil medyo pasaway si Ryan at minsan ay nahuhuli ko sa court at may hawak na bola kaya minsan parang ako ang aatakehin sa puso dahil sa ginagawa nya. Ulila na kami namatay ang nanay at tatay namin nong pauwi sila ng probinsya dahil sa pag kawalang preno nong bus masaklap hindi nakaligtas sina nanay at tatay non mahirap dahil 3rd year palang ako non at may butas pa ang puso ni Ryan halos wala na akong tulog para mag-aral at mag-trabaho para lang sa gamot nya ayokong makita na nahihirapan na huminga si Ryan diko kakayanin na maulit ang nakaraan. Agad naman akong mapasigaw ng para kay manong nong makita ko nanaman si Ryan kaya agad agad ko itong hinabol.
"Ryan" sigaw ko dito
Agad naman syang napahinto at humarap sa akin napakamot pa sya sa ulo nya habang papalapit sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay gusto ko na talaga itong bigwasan mukha man syang walang sakit dahil malusog ang kanyang pangangatawan.
"Ate" masayang bati nya sa akin at nitakap ako
"Ikaw talaga kahit kailan ka talaga" inis na sabi ko sa kanya at bahagyang kinurot
"Boy sa sususnod nalang" sigaw nya sa mga kasama nya
Agad ko syang hinila "Anong sa susunod, aba hoy Ryan Ivan Reyes ipapaalala ko lang ha yang puso mong loko loko ka" inis na sabi ko sa kanya
"Ate di naman ako nag lalaro promise nanonood lang pero mali talaga yung nakita mo nong nakaraan hawak ko pang talaga yung bola" paliwanang nya sa akin
"Oo na, kumain kana" tanong ko
"Oo naman ate ako paba" sagot nya
"Good, at good news rin may trabaho na ako bukas ko pa malalaman" balita ko sa kanya
"Talaga, bagong trabaho, bagong ipon, bagong ipon para sa operasyon naks ate bat kase ayaw mo akong pag trabahuhin" sabi nya sa akin at taas baba ang kilay nya
"Ay aba tigilan mo ako, ayoko baka bigla akong multuhin nina nanay at tatay dahil pinag trabaho kita" sagot ko sa kanya
Bahagya naman akong inakbayan ni Ryan "Paano kaya kubg mayaman tayo tas nag pa heart transplant ako no ate tas mag lalaro ako ng basketball tas maraming sisigaw ng pangalan ko Ryan ang galing mo ang pogi mo tas syempre yung number one fans ko ate ko, ano kayang felling non ate" malungkot na tanong nya hindi man lang ngumiti
"Ryan naman wala kabang bilib sa akin, isang hotel ako natanggap business administration ang natapos ng ate mo makakaipon tayo nya ako paba" sabi ko sa kanya
Hindi na sumagot si Ryan at sakto rin nakauwi na kami sa bahay si Ryan ang nag bukas ng pinto namin agad naman akong pumuntang banyo para maligo. Matapos kong maligo nag hanap ako ng makakain buti nalang may tirang ulam si Ryan at ang lalaking ito ay nakahilata nanaman napailing nalang talaga ako kay Ryan hindi na ako magugulat kubg may ipakilala sya sa aking girlfriend nya sa pogi ba naman ni Ryan minsan ay nakakapag paiyak sya ng babae naawa ako sa babae at lalo na kay Ryan dahil ayaw nya muna dahil natatakot sya na baka isang araw ay mawala sya di man nya maiwasang isipin yun pero nakakaiyak mang isipin na kahit ako mismo ay gusto ko syang maging normal na walang iniisip na kong anong mang yayare bukas hindi biro kalaban ang heart disease minsan bigla namang bumabagal ang tibok ng puso ni Ryan ang pag hinga nya na kahit ako ay gugustuhing wag syang iwan mabantayan lang pero kung hindi ako kikilos walang mangayayare sa amin ni Ryan. Napahinto ako sa pag iisip ng may kumatok sa may pinto namin kaya agad ko itong nilabas
"Sino yan" tanong ko
"Classmate po ni Ryan, Asia po idadaan ko lang po sana yung project namin sya na po kase ang tatapos nito" sabi sa akin ni Asia
"Ay nako tulog pasok ka muna kaya at gigisingin ko lang mainit pa sa labas" pag ayaya ko sa kanya
"Ay hindi na po may assignment pa po kase akong tatapusin kaya kailangan ko pong umuwi medyo mahirap po ang calculus" sabi nya sa akin "Pa abot nalang po kay Ryan" sabay pahad nya sa akin
"Sge sasabihin ko nalang pag nagising na sya ingat ka pauwi Asia" paalam ko sa kanya
Kumaway naman si Asia nakakatawa mang isipin pero trip ko sya sa kapatid ko di kase tulad nong iba na halos maihi na sa mga shorts nila pag tinatanong si Ryan. Agad naman akong pumasok sa bahay sakto at wala na sa sofa si Ryan kaya hinintay ko nalang sya baka nasa banyo lang agad ko namang nilagaw ang project nila sa lamesa sa tabi ko lang at sinimulan ko narin ang kumain nakakadalawang subo palang ako nong lumabas sya sa banyo.
"May pumunta dito Asia pangalan" sabi ko sa kanga at uminom ng tubig
Agad naman syang napatingin sa akin at sa pintong sarado.
"Umalis na, ay kakaalis lang" dagdag na sabi ko
"Bat dimo ako ginising ate" tanong nya sa akin
"Ito project nyo" turo ko sa tabi ko
Agad naman syang lumapit at kinuha ito
"Sabi ko gigisingin kita kaso sabi nya wag na" sagot ko rito
"Kahit kailan talaga tapos na ito ih" sabi nya habang nakatingin sa project nila
"Ganda non simple lang" biglang sabi ko
Bahagya naman syang umupo sa harap ko at uminom sa ng tubig sa baso ko.
"Alam ko" simpleng sagot nya
"Gusto mo" tanong ko uli habang sumusubo ng kain at ulam
"Hindi" mabilis na sagot nya
"Labas sa ilong Ryan" pang aasar ko sa kanya
"Ang daming alam ate" asar na sabi nya sa akin
"Hoy Ryan bat ka naaasar gusto mo non ikaw ha binata kana ha, pwede naman maganda naman si Asia simple lang di tulad nong mga nag daang pumupunta dito" sabi ko sa kanya
"Ate imagination mo lang yan ikain mo lang yan" sagot nya at iniwan ako sa lamesa at pumasok sa kwarto nya
Napairap nalang sko masyadong halata Ryan. Tinapos kona ang kinakain ko kailangan kong ayusin ang susuotin ko bukas ayoko malate dahil syang naman ang trabaho na iyun baka sa trabaho na iyun pa ako makakuha ng sapat na pera para kay Ryan. Agad ko namang iniligpit ang pinag kainan ko at hinugasan at pumsok na sa kwarto ko hindi naman mahirap mag hanap ng susuotin ko kailangan ko lang talagang mayusin dahil maaga ako aalis bukas. Isang slacks at white long sleeves na hindi gaano ka fitted sa akin hindi lang siguro ako nasanay sa mga masyadong fitted sa akin lalo na ang mag suot ng skirt kumpleto rin ang mga requirements ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako nagising ako nong ginising ako ni Ryan para kumain na ala syete na pala. Habang kumakain ay hindi nya maiwasan ang mapansin ang pangiti ngiti ni Ryan.
"Saya ka" tanong ko dito
"Hindi ah, imagination" sagot nya sa akin
"Imagination, imagine nandito si Asia" asar ko sa kanya
"Ewan ko talaga sayo ate kumain ka nalang tas mag pahinga ka maaga ka aalis bukas diba" pag iiba nya ng usapan
"Walang ibahan ng topic, pero sige kakain na ako" sagot ko sa kanya bahang may mapang asar na tingin
Kumakain nalang kami ng tahimik at hindi narin gaano ngumingiti si Ryan. Matapos naming kumain ay agad na nag ligpit si Ryan at sya narin ang nag hugas kaya pumasok uli ako sa kwarto. Nakatulala lang ako sa kisame iniisip kong anong mangyayare bukas.
"Simula na bukas ng bagong kalbaryo"
____________________________________