Zayn Erwan Point Of View
Nawala ang presensya nina Mikey at Rum. Maaaring nag-teleport sila papunta sa ibang lugar, sa hindi ko matutukoy na dahilan hanggat hindi ko sila mismo, tinanong.
Sigurado akong napansin din ng ibang mga High Ranking Officers ang pag-alis ng dalawa pero mas naka-pokus ang lahat sa labanan.
Sa pag-eensayo na aking ginawa, nalagpasan ko pa ang kayang gawin ng Advance Aura Perception Sub-Technique nina Gemmalyn at Johnbhel. Ang 'Field Master'. Kaya lamang makita nina Gemmalyn at Johnbhel ang mga galaw ng mga tao sa malayong lugar pero ang akin, kaya ko ding marinig ang mga sinasabi ng mga ito.
Dahil nakikita ng mga mata namin ang laban sa pagitan ni boss at ng Bakunawa, hindi na kailangan na gumamit nina Gemmalyn at Johnbhel ng Field Master. Subalit, mas nakatuon ang atensyon ko kay Franz at sa kalaban niyang medyo napalayo sa kinaroroonan namin at hindi na makita ng mga mata namin. Para na lamang silang tuldok kung titignan.
Kaya naman, nakapikit ako at ginamit ko ang Field Master ko upang makita at malaman ko ang magiging resulta ng laban, dahil, si Franz ang pinakamalakas na miyembro ng Havoc Gang sa ngayon, pangalawa kay Boss.
Sa laban ni Franz sa isang newly revived monster race, binuhos agad ni Franz ang kaniyang lakas upang ipakita sa kaniyang kalaban na hindi nila kailangan magsukatan ng kaya nilang gawin.
Ibang klaseng labanan.
Ang FuMaPoTra na ginawa nilang dalawa ay pambihira.
Dahil naririnig alam ko ang pinaguusapan nila, naliwanagan ako sa ibig sabihin ng FuMaPoTra.
Hindi naapektuhan ni Franz ang paligid niya dahil isa siyang Disciplinary Magus habang si Kraken naman ay isang Caster Magus kaya naapektuhan niya ang kaniyang paligid.
Ang malawak na bahagi ng tubig sa paligid ni Kraken ay naging kulay itim, naging ink ito. Mayroon ding maraming bilang ng bola ng tubig na naging ink ang lumutang. Maging ang water vapor na papunta sa mga ulap ay naging visible sa mga mata dahil naging ink din ang mga ito at mistulang tubig na inilalabas ng isang host ang daloy pataas.
"Die idiot!!" Sigaw ni Kraken na bumuga kay Franz ng ink.
Sinubukan na hawakan ni Franz ang ink na bumuga sa kaniya para ito ay kaniyang kontrolin. Nagulat siya nang ang kaniyang kamay ay nangitim at umusok.
Nakakalason ang ink na ginagamit ni Kraken.
Sa muling pagbuga ni Kraken ng ink ay umilag na si Franz rito. Tumalon siya ng mataas sa himpapawid at hinawakan ang ulap na kaniyang naabot.
"Haze Maze!" Hinagis ni Franz ang ulap kay Kraken. Lumaki ang ulap at siyang parang naging hamog sa paligid ni Kraken.
Ginulo ni Franz ang hangin sa pamamagitan ng pagsuntok sa ere. Nahulmang parang mga javelin ang hangin na sumugod sa hamog.
"I wonder if this is enough?" Tanong ni Franz sa hangin. Maya-maya'y mayroong hangin na malakas ang pwersa na namuo sa kaniyang likuran. Naging isang hulmang humanoid na halimaw ito.
Sa kabilang banda naman, bumuga ng maraming ink si Kraken upang alisin ang hamog.
Gigil na gigil ang itsura nito.
Si Franz naman ay tumawa sa kaniyang nakitang mukha ng kalaban.
"I'm sorry...we're not on the same level. Say good bye to this world okay?" Mayabang na sabi nito.
"Don't underestimate me you annoying moron!"
"Don't call me moron you simpleton!!"
Inasar nilang pareho ang isat-isa.
"I'm not going to die! I'm going to revive my race!!"
"Revive your race? You're just a human who was modified by a mad scientist! You're not a monster, you're the real moron for falling for your desire for power!"
"What can you understand about me? About the citizens of Zcaford!? We lost honorable warriors that can save our country but our own foolishness kills those people! I'm going to free my homeland! I don't need some naive group like yours to be getting in my way!! I'm going to slay Don Mori Sette myself!!" Inilahad ni Kraken sa kaniyang gilid ang kaniyang dalawang kamay.
Ang bahagi ng dagat na naging ink ay unti-unting tumaas.
"Let's see how strong is your will..." Sabi naman ni Franz na kampanteng kaya ng kaniyang ginawang halimaw na hangin ang malaking daluyong na kaniyang sasalubungin.
"Disappear from this world! Havoc whatever!!"
"It's Havoc Gang you moron!"
Parehong pinakawalan ng dalawa ang kaniyang mga atake.
Sa pagsalpukan ng mga ito, inulan ng kulay itim na tubig. Naging mas maalon ang dagat. Nagkaroon ng higanteng buhawi sa lugar ng salpukan. Sa madaling salita, gumawa ng bagyo ang sabayan ng atake ng dalawa.
At sa bandang huli, sa pagkalma ng nangyari, si Franz na lamang ang aking nakita na nasa himpapawid. Si Kraken na naubusan ng enerhiya sa kaniyang ginawa ay nawalan ng malay at nahulog sa malalim na karagatan. Nalunod, at sa ilalim ng dagat humimlay.
"Don't worry!! Consider your death as the trigger for me...to take revenge for you. Mori Sette is going to die, your land will be free, so rest in peace." Rinig kong sabi ni Franz bago ito nagpunta pabalik sa barko namin.
*****
Mikey Bajirou Point Of View
"Nasaang lugar tayo Mikey?" Tanong ni Rum sa akin.
Nakarating kami sa dimensyon na aking natagpuan. Isang kakaibang dimensyon na hindi ka papayagan na umalis hanggat hindi ka nagiging mas malakas keysa dito.
"Rum! Stage 0 is needed for you to be able to escape this place. All you need to do is survive. When you feel that you are strong enough, come back here. Don't worry, the time in this place is broken, even if you stay 5 months here, it will not last long in the real world we're living. Also, this place is rejecting people who are Stage 0, but because I boldly announced that I'll destroy this dimension if it didn't let me enter freely. As a result, this mini room, is the only place I can go through here..." Matapos kong magpaliwanag, tinulak ko si Rum palabas sa isang transparent na cube na siyang nagsisilbing room dito sa dimensyon na ito.
"Mikey!!"
"You need to become stronger... that's all you need to think!!" Paalala ko naman sa kaniya.
Ilang hakbang palang ang nagagawa niya paatras sa akin ay mayroon ng bumagsak na mga bolang sumasabog sa kaniya.
Mabuti na lamang at hindi siya lampa at naipagtanggol niya ang kaniyang sarile.
"Good luck, Rum!!" Sigaw ko kay Rum.
Iritado naman ang mukha niya na tumalikod sa akin at pinaghandaan ang posible na mangyari sa paligid niya.
That's the spirit!
*****
Third-person Point Of View
Samantala, sa Zcaford Region, sa Sette city, sa palasyo ng Big Daddy Bandits...
Isang lalaki ang nakangite na nagpunta sa isang medyo madilim na silid kung saan naroon ang kaniyang pinagsisilbihan na amo, si Don Mori Sette. Lasing na lasing ito na nakaupo sa kaniyang upuan.
Siya si Lugh Antropette. Isang dating Adventurer na umanib kay Don Mori Sette upang makuha ang kaniyang layunin na maging pinakamalakas. Kaniyang tapat at masikap na tinutulungan si Don Mori Sette na pabagsakin ang ibang mga Don bago niya pabagsakin mismo ang Don na kaniyang pinagsisilbihan.
"Lasing ka na naman, Bossing." Pagkausap ni Lugh kay Don Mori Sette.
"Oh-hik...Lugh, what the 'hik' hell are you doing here? Need something from me-hik..."
"You drank too much you shitty old man!" Reklamo nito. "The censors that are attached to the Bakunawa sent some signal with us. There are enemies that giant-ass is fighting right now. Do you want me go there and assist it?"
"Don't even bother...it will end soon. It's going to be Bakunawa's defeat!" Matapos magsalita ay tumawa ng tumawa si Don Mori Sette.
"That's why I really need to go there and kill the enemies...don't be so overconfident about yourself, that may lead to you fall one day."
"If you go, those fledglings will kill you! Thay are yet to be awaken beasts! 'Hik' just listen to me 'hik'."
Nairita si Lugh sa kaniyang narinig.
Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng Don sa kaniyang siya ay mamamatay kung pupuntahan niya at tutulungan ang Bakunawa na harapin ang mga kalaban na nagpunta sa kanilang teritoryo.
(I'm really envious about you two when it comes to situations like this...wild and free, not leashed into someone. Right, my late comrades who I hate and love the most, Mary...Xebec!) Sabi ni Lugh sa kaniyang sarile. Wala na siyang ibang sinabi kay Don Mori Sette.
Lumabas na lamang siya sa silid at nagpunta sa cafeteria ng kanilang palasyo.
Umorder siya sa counter ng kaniyang kakainin. Nagtanong din siya sa mga nasa counter kung nasaan si Nadare. Umiling naman na sumagot ang mga ito sa kaniya dahil hindi nila alam kung nasaan si Nadare.
Hindi nagustuhan ni Lugh na malamang wala si Nadare sa palasyo dahil tuwing hindi alam ng mga staff kung nasaan ito, ibig sabihin ay wala ito dito.
Mayroong malaking responsibilidad si Lugh kay Nadare Setsuna dahil silang dalawa ay 'Engaged' sa isat-isa.
Nalalapit na din ang kasal nilang dalawa na siyang nasasabik na daluhan ni Lugh.
'It's the best way to move on'. Ito ang kaniyang tanging paraan na naiisip upang makalimutan ang babaeng kaniyang minamahal, na ang pagkamatay nito ang siyang sumira sa mala matibay at polido na posteng puso at fighting spirit ni Lugh, kaya si Lugh ay pinili ang landas ng kasamaan.
Itutuloy.