Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 105 - (Big Daddy Bandits Saga - Bakunawa Encounter Arc) Chapter 104 - Bakunawa Emerges

Chapter 105 - (Big Daddy Bandits Saga - Bakunawa Encounter Arc) Chapter 104 - Bakunawa Emerges

Third-person Point Of View

Sa Palkia City, ilang oras makalipas ang pag-alis ng Havoc Gang...

Nagpakita na sina Venom, Spir at Dimen sa pagamutan kung saan naroon si Senju.

Hindi nila nagawa agad ang dapat nilang gawin dahil sa nakaramdam sila ng kakaibang panganib. Mas pinili muna nilang obserbahan ang paligid nila, ngayong nasiguro nilang wala na ang panganib na hindi pa nila matukoy kung ano, pumasok sila sa kwarto kung saan nakahiga ang walang malay na si Senju.

Pinatulog ng tatlo ang lahat ng mga Havoc Gangsters na naiwan bilang bantay ni Senju.

"Hello, Senju Finnes!" Bati ni Venom sa walang malay na si Senju sa kaniyang paglapit dito.

Hinawakan ni Venom ang noo ni Senju.

"What's going on?" Tanong naman agad ng dalawang kasama ni Venom sa kaniya nang sabay.

"Mukhang tama ang sinabi sa atin ni Sheina...mayroon siyang overmana disease." Sagot naman sa dalawa ni Venom.

"What's that?" Tanong muli ni Spir.

"You stupid woman how come you've forgotten about that...it's a condition where the Magus have strong amount of Mana but his physical stats is not ready to take on such strong mana." Paliwanag ni Dimen.

"I see..." Naintindihan na sabi naman ni Spir. "How did he even acquired such strong Mana? It's weird because South Avalo should've suffered the same condition because they both train and get stronger at the same time?"

"Siguro ay nalaman na ni Senju Finnes ang tunay na katangian ng kaniyang kapangyarihan. 'Elasticity Molding Level Flame', what a terrifying Chaos Magic. Nakuha niya ang ganito kalakas na Mana dahil sa Mana Transfer Advance Mana Visualization Sub-Technique. That supposed to be temporary Mana adapted the property of his own mana and became one with it, making it permanent mana of his own. Isang lugar lang ang naiisip ko kung saan niya maaaring makuha ang malakas na Mana na mayroon siya ngayon, noong nagpunta sila sa isang Labyrinth na sa labas ng bayan na ito matatagpuan." Paliwanag ni Venom.

"Malakas pala ang mana na mayroon siya bakit hindi niya ginamit noong lumaban sila sa Crimson Orange Gangsters?"

"Ano ka ba naman Spir...that's obvious, right Venom? He can't control such strong mana so he didn't use it. If he did, who knows what will happen, he could've went out of control and slaughtered everyone present in the battlefield."

*****

Matapos maghanda ni Venom sa kaniyang gagawin kay Senju, ay isinagawa na niya ang kaniyang dapat na gawin.

Ang malakas na pwersa ng Mana nj Venom ay bumalot sa buong katawan ni Senju, kalaunan ay pumasok ito sa loob nito.

Matapos ang ginawa ni Venom ay napaluhod ito sa sahig at naghabol ng kaniyang hininga at pinagpawisan nang husto.

"Venom..." Nagaalala na sabi ni Spir na inalalayan na tumayo si Venom.

Enhancer Mana...isang Advance Mana Visualization Sub-Technique. Para lang itong Mana Transfer na ang pinagkaiba lamang ay, ang Mana Transfer ay literal na pinapahiram sa ibang Magus ang mana o kaya naman ay inilalagay ito sa ibang bagay, gaya ng sandata habang ang Enhancer Mana naman ay pumapasok sa katawan ng isang Magus hindi para ito ay mahiram.

Kayang palakasin ng Enhancer Mana ang Mana at pisikal na aspeto ng katawan nitong pinasok sa loob lamang ng isang Linggo.

Mapanganib na gamitin ang Enhancer Mana Mana Visualization Sub-Technique, dahil 80 percentage ng Mana ang dapat gamitin para dito.

"We're done here. I'll be useless for a month, I'm counting on you guys for protecting me." Sabi ni Venom sa kaniyang mga kasama.

"Aalis na ba tayo? Hindi ba tayo magiimbistiga sa nasagap ko na panganib?" Tanong ni Dimen kay Venom.

"Hindi mo na siya naramdaman hindi ba? Ibig sabihin ay wala na siya sa saklaw ng Aura Perception mo, umalis na siya dito sa Palkia City. Isa pa, nandito si Sheina sa bayan na ito, tatawagan natin siya sa Contact Orb at pakikiusapan na bantayan si Senju Finnes." Tugon ni Venom.

"O-okay..." Hindi naman sigurado na sabi ni Dimen.

Dahil ang naramdaman nitong panganib ay pareho sa isang nakakakilabot na pakiramdam kapag mayroong 'Real Demon'.

Ginamit ni Dimen ang kaniyang 'Detective Aura, Advance Aura Perception Sub-Technique'. Kayanag basahin ng Detective Aura ang mga Aura na itinago ng sinumang nagtago nito.

Naramdaman ni Dimen ang Aura ng isang purong masamang Aura kaya hindi nila agad nilapitan si Senju Finnes bagkos ay naghintay sila ng pagkakataon.

Sinuwerte ang tatlo na pinili mismo ng nilalang na umalis sa Palkia imbis na hanapin nila ito mismo at kwestunin.

*****

Franz Fin Point Of View

The silent smooth voyage was ruined by a mysterious being that used it's magic. Causing a disturbance on the ocean waves.

"Grabe ang lakas ng alon." Sabi ni Alena.

"Kakayanin kaya ng barko na ito ang alon na ganito?" Sabi naman ni Moon.

Nagkaroon ng pagyanig. Lalong lumakas ang alon na sobrang taas.

Sinubukan ni Moon na gamitin at Isda na gamitin ang kanilang Water Magic upang kontrolin ang bawat hagupit ng malalaking alon sa barko na aming sinasakyan. Hindi naman sila nabigo, nagawa nilang makontrol ang bawat alon.

Nagtungo na sa upper most deck sina boss kasama ang mga miyembro ng 9 Great Clans na mga Havoc Gangsters High Ranking Officers. Mukhang tapos na ang paguusap nila.

"Franz, this aura..." Sabi ni Mikey sa akin na humihinge ng aking opinyon. He's really sharp for a 12 year old kid.

The aura I am sensing from the bottom of the ocean is coming from a Mutant Animal.

"Gravity Magic, Forceful Peace!" Gumamit si boss ng kaniyang spell mula sa isa sa sampung magic mayroon siya.

"B-boss, are you okay using that? Members saw it." Nagaalala na sabi naman ni South kay boss pero walang naging tugon si boss.

Gamit ang Gravity Magic spell, nagawa ni boss na pagkalmahin ang alon sa paligid ng barko na sinasakyan namin.

"Don't worry, I applied a strong gravity in the area of the ship...the problem is, when the Mutant Animal Lord come up from the bottom, it is a troublesome foe." Paliwanag ni Boss sa amin.

"Ang galing talaga ni boss!!" Sigawan naman ng mga natuwang Havoc Gangsters.

I breathe a sigh of relief.

They didn't get suspicious about our boss using a Gravity Magic instead of the usual Fire Magic they knew she's using in front of them.

"Here it comes..." Sabi ni Gemmalyn.

Bumulwak ang malaking tubig, umahon ang isang napakalaking Mutant Animal.

Mistulang umulan ng malakas sa ginawa lamang nitong pag-ahon.

Isa itong malaking ahas na mayroong ulo ng isang dragon. Pulang-pula ang mga mata nito at matutulis ang mga ngipin.

Sa magkabilang gilid ng katawan nito, ilang metro ang layo mula sa ulo nito ay mayroon itong maliliit na mga kamay.

"Look at those spikes on it's top..." Sabi ni Rum.

"More like on it's back." Sabi naman ni Zayn.

Naglabas ito ng mas malakas pang aura. Maraming Havoc Gangsters ang natakot sa naramdaman nila.

"Foolish Don Farezona minions. You think you can enter Zcaford? Not on my watch." Bigla itong nagsalita. Sa lakas ng boses ng Mutant Animal na ito, halos mabingi kami.

"Don Farezona minions? You got it all wrong dumb ass." Inis na sabi naman agad ni Rum. "We are Havoc Gang, this is a ship we have stolen."

"You're really guarding the cost of Zcaford? Sorry but, we are in a hurry." Sabi naman ni boss.

Handang-handa naman sina Rialyn at Devorah na mayroong mga mana na nakabalot sa kanilang mga paa at tumalon-talon sila sa himpapawid pasugod sa Mutant Animal.

"Ice Magic, Giga Drill Ice!" Gumawa ng malakas drill na yelo na patuloy sa pagikot si Devorah. Pinasugod niya ito sa Mutant Animal.

"Wind Buster!" Nagpakawala naman ng malakas ng pwersa ng hangin si Rialyn.

Sabay na tumama ang mga atake nila. Malakas din ang impact ng mga ito. Pero walang naging epekto sa Mutant Animal na sa ulo nito nila pinatamaan.

"Balik!" Sigaw naman ni boss sa dalawa na siyang agad nilang sinunod.

Tumawa naman ang Mutant Animal.

"Damn!" Asar na sabi ni Devorah.

"It is a tough one..." Sabi naman ni Mikey.

"That being is a Mutant Animal Lord. Stand back, I'll do it." Anunsyo ni boss sa amin.

"I'm going to help boss...we can't let you waste so much mana." Sabi ko kay boss.

"Me too." Nagpresenta din si Mikey ng tulong.

"Sige..." Sumangayon si boss. "Protect the ship, Havoc Gangsters!" Nagpalabas si boss ng pakpak na gawa sa apoy at lumipad ng mataas sa ere.

"TSK!! I want to fight too!" Sabi naman ni Rum.

"Baby Rum, please calm down." Yumakap sa kaniya si Que.

"Get off me..."

"Let's go Mikey!" Sabi ko naman kay Mikey.

"Ahh..."

Naglagay kami ng mana sa aming mga paa at nagpatalon-talon kami sa ere.

Tumawa na naman ang Mutant Animal.

"Three people? What a joke!" Sabi nito sa amin.

"You! Bakit ka nagta-trabaho sa ilalim ng isang Don, Bakunawa!?" Tanong ni boss sa Mutant Animal.

"Simple lang... dahil mamamatay ako kung susuwayin ko siya. I chose my life over my pride of losing against his overwhelming strength." Tugon ng Bakunawa kay boss.

"Kung ganoon, hindi na magiging ganon kasakit sa pakiramdam mo kapag namatay ka sa kamay ko." Nakakatakot na ngumite ang boss matapos niyang magsalita.

"B-boss...?" Nagaalala na sabi ko.

It gives me chills seeing her like this.

"Such insulting words to say, you damn human!!" Nagliwanag ang mata ng Bakunawa.

Hindi nagtagal, naramdaman ko na parang medyo bumigat ang aking pakiramdam.

"This bastard...it doubled the gravity." Sabi naman ni Mikey bilang kaniyang reaksyon sa nangyari sa paligid.

Lumingon ako sa mga kasamahan namin.

Nagulat akong makita kong nakabalot na ng mana ang buong barko.

It was both Johnbhel and Gemmalyn who did it.

Mukhang hindi nagawang apektuhan ng gravity ang mana na nakabalot sa barko at itulak ito palubog sa ilalim ng tubig.

Ibig sabihin lang nito ay sa bagay na mayroong buhay lamang umeepekto ang dumoble na gravity sa paligid.

Dahil mayroong oxygen sa hangin at tubig, na siyang responsable sa pagbibigay ng pananatiling buhay ng mga nilalang liban sa mga halaman, kung nahuli sa pagbalot ng mana sa barko sina Johnbhel at Gemmalyn, malamang kanina pa sila lumubog at nalunod.

"Malakas pa siya keysa 'dun sa tinalo ko na True Spirit." Sabi ko naman. "Boss?"

Nag-channel ng malakas na pwersa ng apoy sa kaniyang dalire na nakaturo sa direksyon ng Bakunawa si boss.

"Mimic Sun Ray!" Bigkas niya sa spell na kaniyang ginamit.

Kumawala ang isang manipis na beam ray ng apoy pasugod sa Bakunawa. Sa bilis ng pagkilos ng apoy na beam, hindi ito nasundan ng Bakunawa.

Tumama sa kanang mata ng Bakunawa ang atake ni boss. Nagkaroon ng pagsabog doon, at sa lakas ng impact ay muling nagkaroon ng seaquake.

"Walang hiya ka!!" Sigaw naman ng nasaktan nang husto na Bakunawa. Tumulo pa nga sa dagat ang pulang dugo nito mula sa kaniyang mata na nabulag.

"Serves you right!!" Sigaw naman ng natutuwa na si Mikey. Mabilis siyang sumugod papunta sa likuran ng Bakunawa. Parang wala lang sa kaniya ang gravity na dumoble sa paligid. "Judgemental Thrust!!" Itinusok niya ang espada niya sa likod ng Bakunawa.

Nawasak ng nakabalot ng puting enerhiya na espada ang matatalim na mga spikes na nasa likuran ng Bakunawa.

Muling napasigaw sa sakit ang Bakunawa sa ginawa ni Mikey.

Mas marami pang dugo, na mala fountain ang lumabas.

Mabilis ding bumalik malapit sa kinaroroonan namin si Mikey.

Naliligo ng dugo ang kaniyang espada na hawak.

"Putangina niyong mga tao kayo!!" Galit na sigaw ng Bakunawa sa nangyari sa kaniya.

"This is a death bath!" Sigaw naman ni Boss na sumugod sa Bakunawa. Hinugot niya sa kaluban ang espada na kaniyang binili sa Brylee City. "If you're not going to get serious, you will die!!" Sa pagwasiwas ni boss sa kaniyang espada ay malakas na pwersa ng White Energy Manipulation nito ang kumawala pasugod sa Bakunawa na ilang metro na lang ang layo sa kaniya.

Sa lakas ng impact na dulot ng atake ni boss ay nagkaroon ng sobrang taas na mga alon na kalevel na ang isang tsunami. Sa sobrang lakas ng hangin at tubig na nabulabog ay kinailangan ko na lumapit sa barko upang masalag ang malakas na hangin at tubig na maaaring makabuwag sa nakabalot sa barko na mana nina Johnbhel at Gemmalyn.

"Boss!! Havoc Gang is also here, you mustn't do reckless attacks!!" Payo ko kay boss pero mukhang hindi ako pakikinggan nito.

Muling inatake ni boss ang Bakunawa. Nagpa-lipad naman ng maraming mga bola ng tubig ang Bakunawa at pinasugod ang mga ito sa kinaroroonan ni boss.

Itutuloy.