Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 102 - (Big Daddy Bandits Saga - Bakunawa Encounter Arc) Chapter 101 - Departure

Chapter 102 - (Big Daddy Bandits Saga - Bakunawa Encounter Arc) Chapter 101 - Departure

Shannon Pretini Point Of View

Naipon ang maraming mga karwahe at aking mga Gang members sa mala plaza na harapan ng headquarters.

Nasa rooftop ako ngayon.

"Starting today, from this very moment. We're going to go in a dangerous journey into Zcaford Region. Steel up your hearts and minds for we're going to face a Don's organization. No matter what happens, we won't give up even if it will cause our lives. Tayo ang Havoc Gangsters at wala tayong uurungan na mga masasamang mga kalaban!!" Anunsyo ko sa kanilang lahat.

Halos mabingi naman ako sa naging sigawan ng mga kasamahan ko. Tumalon ako kalaunan pababa sa kinaroroonan nila.

Yumuko naman silang lahat ng 90 degree's. "Good luck sa atin, Miss President." Sabay-sabay na sabi nila sa akin.

Mas sumeryoso naman ang mukha ko. "Havoc Gang! Tayo na sa Zcaford Region!" Deklara ko sa kanila.

Agad naman silang nagsisakay sa mga kabayo at karwahe nila. Ang ilan sa mga karwahe ay hindi na kailangan ng kabayo para gumana, kailangan lang ng magus na magmamaneho sa mga ito gamit ang kanilang mga mana.

Sa magkasunod na mga karwahe kami naman sumakay na mga high ranking officers sa pinakagitna ng mga members naming lumarga.

Kasama ko sa loob ng iisang karwahe sina Franz, Devorah, Meryl, Rum, Rialyn, South at Mikey habang sa kasunod na Karwahe naman sumakay sina Isda, Gemmalyn, Alena, Johnbhel, Tinzel, Zayn, Frosh, Que at Moon.

"Ilang araw kaya tayo makakarating sa port city ng Brylee?" Tanong ni Rum na siyang bumasag sa namuong katahimikan sa loob ng karwahe naming sinasakyan.

"Probably 10 hours. It won't take us a day to go in Brylee City." Tugon kay Rum ni Franz.

"Anong sasakyan natin kapag napunta na tayo sa Brylee? Magrerenta ba tayo ng barko doon patungong Zcaford?" Tanong naman ni South.

"We're going to steal a ship." Tugon ko sa kaniya.

"H-Hah?!" Sigaw naman ni Rialyn bilang reaksyon sa sinabi ko.

"What's with the shouting? It's not surprise because we are gangsters, we are criminals." Reklamo naman ni Meryl kay Rialyn. Napa-suksok pa nga ito ng kaniyang hinliliit sa kaniyang tenga.

"Sira ka talaga Rialyn. Hindi mo ba alam na kilalang Illegal Port ang Brylee City? Halos lahat ng barkong dumadaong doon ay mga barko ng mga Gangsters na umiikot sa karagatan ng Vlade Empire upang gumawa ng kalokohan. Gaya ng pakikipagpalitan ng mga droga o armas. Wala kasing masyadong pakialam ang Guild sa mga Gangsters na nasa dagat. Mas gusto din nilang Gangsters vs Gangsters ang labanan sa Emperyo na 'to." Paliwanag naman ni Devorah kay Rialyn habang naka-cross arms.

"Himala nagawa mong makakalap ng impormasyon na ganiyan kadetalyado?" Tanong naman ni Meryl kay Devorah na nagtaas ng kilay.

"Ganon pala 'yun." Sabay na reaksyon naman nina Rialyn at South.

"Still, if we're going to steal a ship to go in Zcaford Region, we really need to hide very well our carriages and horses so that we can still use them when we come back." Sabi naman ni Franz.

"For now let's take our rests so that we can fully prepare for what we're gonna do when we arrived at Brylee City." Pahayag ko sa kanila. Nagsitanguan naman sila sa akin.

*****

We're finally near Brylee. Nasa isang kagubatan kami ngayon sa labas ng bayan.

Tumigil lahat ang mga kabayo at karwahe na sinasakyan naming Havoc Gangsters dahil sa tatlong 'Mutant Animals' na humarang sa amin. Tatlong mga Gorilyang nasa 20 metro ang taas.

Nakasilip ako ngayon sa may bintana. Grabe, tumutulo ang mga laway ng mga ito. Halop na halop sa dugo ng mga tao.

Lumabas ang mga miyembro ng Gang na nakasakay sa mga karwahe at dumistansya naman sa mga higanteng mga Gorilya ang nakasakay lamang sa mga kabayo.

"Boss." Lumapit sa akin si Senju na mula sa katabing karwahe namin dahil nakita niya akong nakalabas ang ulo sa bintana.

Lumabas na din ang mga kasama ko sa loob ng karwahe na sinasakyan ko, ako na lang ang naiwan dito sa loob.

"Boss. Can I battle those Gorillas?" Tanong sa akin ni South. Kita ko naman sa mga mata niya ang determinasyon. Halatang excited na makipag-laban ang loko sa Zcaford Region.

"Do it." Pagbigay ko ng pahintulot sa kaniya. Muli kong pinasok ang ulo ko sa loob ng karwahe at lumabas sa karwahe mismo. Tumalon ako sa bubungan ng karwahe at umupo.

Hindi lang si South 'kundi pati narin si Rum at Devorah ay sumugod sa mga higanteng mga Gorilya. Pinanood ko silang kalabanin ang mga ito.

Sigurado na ang panalo ng tatlo, pero gutso kong makita kung paano sila lumaban. Gusto ko ding makita kung talagang ayos na ang lagay ni South na siyang napuruhan sa pakikipaglaban kay Andrew.

Sobrang sangsang ng dugo ng mga Gorilya na mga 'to matapos ang mga atakeng ginawa ng tatlo sa mga ito. Hindi ko maiwasan na mapabahing.

Hinagisan naman din agad ako ni Franz ng isang facemask na kulay itim. Smooth and soft ang tela ng face mask na binigay niya sa akin na agad kong sinuot. Nag-thumbs up ako sa kaniya as a sign of thank you. Nakita ko namang agad siyang siniko ni Alena na katabi nito at mukhang tinutukso din siya ni Rialyn.

These Kids.

*****

Tinzel Zacha Point Of View

Finally, pumasok na kaming buong Gang sa Brylee City habang si Miss President naman ay nagpaiwan sa labas dahil ayaw niyang ipakita sa mga members namin ang gagawin niya sa mga kabayo at karwahe naming sinakyan papunta sa bayan na ito.

"Dumiretso na tayo sa daungan." Anunsyo ni Rialyn sa aming lahat na siyang tinanguan ng lahat liban sa akin. Lumihis ako ng daan sa kanilang lahat, dahil mayroong lugar akong nais puntahan at mayroong bagay akong gustong subukan sa Magic ko. Hinanap ko ang branch ng black market na nasa bayan na ito dahil pugad ito ng mga Gangsters.

Kung saan-saang bahagi ng bayan ako naghanap sa Black Market. Pumasok pa nga ako sa isang pub para makakuha ng impormasyon. Sa front desk kung saan naroon ang bartender ako umupo. Nagbigay ako ng malaking halaga ng Gilden para lamang bigyan niya ako ng impormasyon.

"Vodka." Sabi ko sa order ko.

"This is more than the required payment. Is there any other service I can provide?" Sabi ng bartender agad sa akin saka nagsalin ng alak at inabot sa akin ang baso.

"Alam mo ba kung nasaan ang Black Market Branch na nandito sa Brylee City?" Diretsahang tanong ko naman agad pabalik saka ininom ang Vodkang nirequest ko.

"Oh...that's a very...but anyways, I'll just write down the address." Sabi ng bartender sa akin na agad sumulat sa isang piraso ng papel saka ito binigay sa akin.

"Salamat." Sabi ko naman saka tumayo sa kinauupuan ko.

"Come again sir." Sabi naman ng bartender sa akin nang nasa pintuan na ako ng pub.

Aksidente ko namang nakabangga ang isang dambuhalang lalaki na mayroong taas na 8 feet at talagang malalaki ang mga muscle sa katawan.

"Hoy! Puta ang labo naman ng mata mo para hindi mo ako makita?" Galit na angal nito sa akin.

Sinubukan pa niyang dakmain ang ulo ko pero agad ko siyang sinuntok sa kaniyang sikmura at tumilapon siya. Hindi man lang siya nakapasok sa pub.

"Wala akong panahon sa mga katulad mo. Nagmamadali ako." Inis na sabi ko pabalik pero siyempre, hindi na niya ako maririnig.

Nagtanong-tanong ako sa mga taong nakakasalubong ko ng direksyon kung saan ko makikita ang address na ibinigay sa akin ng bartender kanina, luckily, I was able to locate the whereabouts of the Black Market.

Sa isang malawak na hagdanan pababa sa isang underground na lugar dito sa isang tagong lagusan na nasa likuran ng mga nagtataasang mga bahay. Humakbang ako pababa sa hagdanan patungo sa black market. Sa aking pag-dating, nakita ko ang malawak na medyo may kadiliman na lugar na ito kung saan ang daming mga nagbebenta at namimili ng mga bagay-bagay na hindi pinapahintulutan ng Emperyo at ng Guild. Sa madaling salita, illegal.

Maraming makikita dito sa Black Market, mayroong mga internal organs, mga magic items, mga weapons, mga drugs at kung ano-ano pang mga wirdo at mapanganib na mga bagay.

Pero kung ikukumpara naman ang Branch ng Black Market na ito, mas malaki siguro at mas mapanganib ang Main Branch nito na nasa Holie Region, kung saan naroon Guild.

Naglakad-lakad ako at naghanap sa bagay na nais kong bilhin dito. Isang bagay na sigurado akong ibebenta dito.

Naharang naman ang daan ko bigla sa dami ng taong nandito at nagtipon. Mukhang mayroon silang pinapanood sa may bandang unahan.

Sumingit ako sa mga tao agad upang marating ang harapan.

Fuck!

Nagulat ako sa nakita ko.

"Miss President!?" Sigaw ko dahil si boss ang nakita kong gumawa ng eksena dito sa Black Market.

Ginulpi niya ang mga Gangsters na mayroong Blue na mga Coat, sa likuran ng coat ay may tatak na kamaong mayroong sinuntok na salamin na nabasag at pangalan sa itaas at ibaba ng tatak na ito, sa itaas ng marka ay 'Don Farezona Ally' ang nakasulat at sa ibaba naman ay 'Wrecker Gang' ang nakasulat.

Isa sigurong Gang na kaalyado ang Farezona Family, isa sa 5 Organizations, na pinamumunuan ng isa sa mga Don na si Don Farezona.

Hawak ni Miss President sa kwelyo ang isang lalaki na hindi ko na mamukhaan dahil sa dugong bumalot sa kaniyang mukha at sa grabeng bugbog doon na inabot niya kay boss.

Lumingon din agad sa akin si boss nang pasigaw ko siyang tawagin. "Tinzel? What are you doing here?" Takang tanong niya sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya at lilinga-linga sa mga taong nanonood sa kaniya.

"Anong ginawa mo sa kanila?" Tanong ko pabalik.

Pabagsak naman niyang binitawan ang lalaking hinahawakan niya sa kwelyo nito. Pinahid niya din ang dugong tumalsik sa kaniyang mukha. "Binastos ako ng lalaking 'to kaya naman bumwelta ako." Tugon niya sa aking tanong na tinu-tukoy ang lalaking kinukwelyuhan niya kanina ang bumastos sa kaniya.

"These guys are allied with Farezona Family. Are you sure to make them like this?" Alalang tanong ko sa kaniya ngayon.

"Don't worry. Sooner or later we'll face Farezona Family. Isa pa, kung kaalyado lang sila ay walang pakialam si Don Farezona sa kanila lalo pa't napaka-hina ng mga 'to." Confident na sabi ni Miss President sa akin.

Parang may hinahanap naman siya at nang makita sa direksyon na iyon ang hinahanap niya ay tinungo niya iyon at may pinulot. Hindi naman siya gaanong malayo sa akin.

Isang kakaibang espada na manipis ang talim.

Thinking about it, she's don't have that usual sword she brings with her.

"Damn, I can't fight without using a sword." Sabi ni Boss. "Ano palang ginagawa mo dito Tinzel?"

"I'm just looking for a certain thing that can help me I guess in our battle at Zcaford Region." Tugon ko.

"Oh? Kung ganon samahan na kita." Pahayag niya sa akin.

"O-Okay lang boss?"

"Siyempre."

Hinanap agad namin sa lugar kung saan mayroong nagtitinda ng bagay na nais kong mabili.

Hindi kami nabigo dahil nakita namin agad ito ni Miss President mula sa transparent na salamin na pader ng isang tindahan.

"Welcome to my Weaponry Store." Bati ng tindero sa akin.

Pumasok kami ni Miss President sa kaniyang maliit na tindahan. Diretso kong hinawakan ang stun gun na para lang isang baton sa haba nito.

"You're planning to electrify your enemies?" Tanong ni Miss President sa na siyang ikinailing ko.

"Manong, ito na ba ang may pinakamalakas na voltage na stun gun na binebenta mo?" Tanong ko sa tindero.

"Oo naman hijo. 500 Million Bolt ang output ng stun gun na ito. Malakas na iyan at kahit nasa malayo kang distansya sa kalaban mo basta iwasiwas mo lang ang 'Lightning Baton Stun Gun' na iyan ay mayroong pwersa ng kidlat ang kakawala. Hindi iyan madaling maubusan ng enerhiya kaya magagamit mo ito ng pangmatagalan." Paliwanag ng tindero sa akin.

"Paano naman kapag naubos na?" Biglang tanong ni Miss President naman sa tindero.

"Wala ng kwenta 'yan. Itapon muna." Tugon naman nito agad.

"Huwag mo na lang bilhin. Walang kwentang Magic Item." Sabi ni Miss President sa akin.

"Hindi, gusto ko lang talagang subukan boss kaya bibilhin ko." Ani ko naman. "Magkano po?" Tanong ko sa tindero.

"Isang Milyong Gilden!" Anang tindero naman.

Bigla namang umapaw ang aura ni boss at tinignan ng nakakatakot na tingin ang tindero.

"One Thousand Gilden lang 'diba?" Pananakot niya dito. Napa-lunok naman ang tindero at tumango sa kaniya.

Napakamot naman ako saglit sa sintido ko at kalaunan kumuha ng One Thousand Gilden sa wallet ko.

Matapos bilhin ang Stun Gun ay agad din kaming umalis ni boss sa Black Market at nagtungo sa daungan kung saan naroon ang mga kasamahan namin.

Balak kong gamitin ang Stun Gun na ito para subukan 'yon at gawing panapos sa kalaban kong kakalabanin.

Itutuloy.