Third-person Point Of View
Isang normal na umaga para sa mga Havoc Gangsters na nasa headquarters. Nagpapahinga ang mga ito sa kanilang mga inuupuan na mga upuan na mayroong lamesa at sa ibabaw ay mga pagkain at inumin. Ito ang parehong lugar, sa ground floor kung saan nagmi-meeting ang Gang.
Tumigil ang mga Havoc Gangsters sa kanilang mga katuwaan na ginagawa. Naramdaman nila ang aura na nanggaling sa lalaking pumasok sa loob.
Naalarma ang lahat, mayroong naghanda na, na makipaglaban. Ang ilan naman ay nagpunta sa second floor ng headquarters para humingi ng tulong sa kung sino mang Unit Captain o Vice-captain ang nasa lugar.
"Nararamdaman niyo ang aura ko?" Tanong ng lalaking pumasok sa headquarters.
"S-Sino ka? Anong kailangan mo sa Havoc Gang?"
"This is a enemy hideout, I hope you knew about that?"
"One wrong move, you're dead!!" Reaksyon naman ng ilang Havoc Gangsters sa lalaki.
Tumawa naman ito.
(Amazing. As expected of Mary Mchavoc. She have this bunches of strong people in her Gang.) Sabi naman ng lalaki sa kaniyang isipan.
"Hindi ako kalaban. Hindi ako nagpunta dito para makipag-away." Sabi nito sa kanila. Tinanggal niya ang kaniyang suot na hood at nakita ng mga Havoc Gangsters ng maigi ang itsura nito.
"Sino ka?" Napa-lingon ang lahat sa boses nilang narinig. Galing ito Rum na kasama si Mikey at kababa lang nila sa ground floor galing second floor.
Kasama din nila ang ilang Havoc Gangsters na siyang nagsabi sa kanila patungkol sa dumating na lalaki. Pero kahit hindi ito sabihin sa kanila, alam na nina Mikey at Rum na may pumasok na hindi pamilyar sa kanila sa gusali.
"Ang lakas yata ng loob mo na magpakawala ng malakas na aura habang nasa presensya ng mga high ranking officers ng Havoc Gang." Sabi naman nang kararating lang sa loob ng gusali na si Zayn.
"Nandito kana naman Zayn?" Reaksyon naman agad ni Rum kay Zayn.
"Bawal bang pumunta dito? Kayo ngang dalawa ni Mikey dito na nakatira ehh...isa pa, hindi ka miyembro ng Gang, Mikey!!" Sigaw naman ni Zayn. Si Mikey naman ay seryoso lang na nakatingin sa lalaki.
(Stage 0...sino ang lalaking 'to? Pero ang pakiramdam na ito, mayroong mali...) Sabi ni Mikey sa kaniyang sarile.
"I'm glad I made it on time." Sabi naman ng lalaki na pumasok sa Headquarters ng Havoc Gang.
Nagulat ang lahat nang bigla na lamang itong bumagsak sa sahig at nakita nila ang pag-agos ng dugo mula sa katawan nito.
"He fainted? What's going on?" Reaksyon ni Rum. Linapitan niya ang bumagsak na lalaki. Tinanggal ni Zayn ang suot nitong hooded coat. Nakita ng lahat ang mga malalang sugat sa katawan nito.
"I'm amazed that he was alive with such wounds." Reaksyon naman ni Mikey nang makita niya sa kaniyang paglapit ang mga sugat ng lalaki. "What to do? Zayn?"
"Hindi natin siya maaaring hayaan na mamatay ng hindi natin nalalaman kung anong ipinunta niya sa Havoc Gang Headquarters." Paliwanag ni Zayn kay Mikey. Lumapit din ito sa kinaroroonan nila.
"You heard him Rum, dalhin mo siya sa second floor." Sabi naman ni Mikey kay Rum.
"Hah? Stupid brat. You're not my boss!!" Reklamo naman ni Rum kay Mikey.
"Ganoon? Kapag namatay 'yan dahil sa pagrereklamo mo, ikaw ang malalagot kay ate Shannon." Pananakot naman ni Mikey kay Rum.
Inis na binuhat ni Rum ang lalaki papunta sa second floor, dinala niya ito sa isa sa mga kwarto doon.
"Isang doctor puntahan at gamutin ang lalaki, pakiusap." Anunsyo naman ni Zayn sa mga Havoc Gangsters.
Dalawang babaeng miyembro naman ang nagtaas ng kamay, "Kami na po ang bahala." Nagpresenta ang mga ito na sila ang gagamot sa lalaki.
"Do ate Shannon have a Contact Orb?" Tanong ni Mikey kay Zayn.
"She don't want to get anyone's contacts except for only, Senju!" Paliwanag naman ni Zayn.
"Why Senju?"
"You are too young to understand why." Madiin na sabi naman ni Zayn kay Mikey. "Ilang beses ko nang iniligay sa Contact Orb ang contact information ko pero parati itong binubura ni boss..."
"Then I'll just teleport her here. Para malaman natin kung sino ang lalaki na nagpunta dito at kung anong pakay niya?"
"Hindi ka sigurado kung kilala ni boss ang lalaki na iyon."
"Pero hindi masamang subukan. Nasaan nga ba si ate Shannon ngayon?"
"Ewan ko. Umalis sila kahapon ni Franz, gusto ni boss na subukan ang kaniyang FuMaPoTra."
"Then, they may be resting right now after the extreme exhaustion FuMaPoTra gave to them. How envious, I also want to try FuMaPoTra."
"Then reach Arcane Stage. Narating mo ang Stage 0, hindi malabo na maabot mo ang Arcane Stage. Hindi katulad ko."
Bumuntonghininga si Mikey. Nag-channel siya ng malakas na enerhiya sa kaniyang kamay. Mabilis na naglakbay ang kaniyang mana at hinanap sa labas ng Palkia ang aura ni Shannon. Nang mahanap niya ang aura na nanggagaling kina Shannon at Franz ay mabilis na hinila ng mana niya ang dalawa papunta sa kinaroroonan niya. "Summon, Shannon Petrini and Franz Fin." Bigkas ni Mikey sa spell na ginamit niya. Sa paglitaw nina Shannon at Franz na nagtataka sa nangyari, napaluhod sa lupa si Mikey dahil sa sobrang pagod na kaniyang naramdaman.
"Sinabi ko na nga ba. Ikaw ang may gawa 'nun, Mikey." Sabi ni Shannon.
"What's the big idea?" Tanong naman ni Franz na humarap kay Zayn.
"Ahh...this aura..." Sabi naman ni Shannon na naramdaman ang aura na nanggagaling sa lalaki na nagtungo sa Headquarters kani-kanina lamang.
"It's an unfamiliar aura. Who's the person that is on the second floor?" Tanong muli ni Franz kay Zayn.
"Isang lalaking pumasok dito sa headquarters pero bigla na lang bumagsak. Marami siyang sugat sa katawan. Kahit na hindi namin siya kilala, magiging komplikado kung hindi namin aalamin, kaya pinagamot ko siya." Sabi naman ni Zayn kay Franz.
"That person is not a nobody. He is the Spy of this Gang." Nagulat sina Mikey, Zayn, Franz at siyempre pati na ang mga miyembro na nasa loob sa sinabi ni Shannon. "This aura is coming from Star Voided, there's no doubt about it. So he finally return." Mabilis na tumakbo si Shannon sa hagdanan at umakyat sa second floor. Sumunod sina Zayn at Franz sa kaniya habang si Mikey ay naiwan.
(Rum told me that ate Shannon is waiting for their spy's return before they start attacking all of the Dons using the information the spy have gathered. So that guy was their spy? I'm definitely going to join Havoc Gang... there's nothing for me to return to anyway as my Gang was destroyed by that idiot...) Sabi naman sa sarile ni Mikey.
Tumakbo na din siya kalaunan para pumunta sa second floor.
*****
Shannon Petrini Point Of View
Matagal na oras ang hinintay ko bago magising si Star.
"Boss." Pagtawag niya sa akin sa kaniyang pag-upo sa kaniyang katawan sa kaniyang paggising. "Mukhang iniligtas ako ng mga Havoc Gangsters."
"They are pretty considerate...kamusta ang pakiramdam mo?"
"Sinasabi mo sa akin iyan nang hindi ka man lang ngumingite. Kagaya parin ng dati, poker face ka parin?"
"Is there a problem with that?"
"Wala naman boss. Oo nga po pala...pasensya na sa maagang pagbabalik na aking ginawa."
"It's not early. I was expecting you to come sooner or later. I told you to retreat if the enemies noticed you...what the hell happened?"
"I was about to successfully get out of the territory of Don Farezona holding some information I gathered, when that beast attacked me. Mukhang pinagmamatsagan niya lamang ang aking ikinikilos. Sinubukan niya akong paslangin nang hindi nagsasabi kay Don Farezona nang sa ganon, kapag siya'y nagtagumpay, bumuhos ng papuri ang Don sa kaniyang ginawa. Maswerte akong nakatakas, kahit na sugatan ang aking sarile." Paliwanag niya naman agad sa akin.
Bumukas bigla ang pinto. Pumasok sina Franz, Zayn at Mikey sa silid.
"Mga high ranking officers nga pala ng Havoc Gang, Star, liban sa bata." Anunsyo ko kay Star.
Napangite naman ito sa kaniyang narinig mula sa akin.
"Ikinagagalak ko kayong makilala." Sabi ni Star kina Zayn at Franz.
"Ang tagal ni Rum, para pagtawag lang sa ibang mga high ranking officers natagalan pa siya." Reklamo naman ni Mikey. Para bang naiinip na ito ng husto.
"Sa tono ng pananalita mo, Mikey...huwag mong sabihin..." Naghula na sabi ko kay Mikey. Ngumite naman ito ng malapad.
"I'm joining Havoc Gan-"
"Hindi pwede." Mabilis naman akong tumanggi.
Sumimangot naman ang mukha niya.
"Sasama parin ako, ate Shannon!!" Pagpupumilit niya. Lumapit naman ako sa kaniya at sinampal siya.
Matapos ko siyang masampal ay tumakbo siya paalis.
"You shouldn't have to slap the kid." Sabi naman ni Franz sa akin. Si Zayn naman ay walang sinabi bagkos ay malungkot lang na yumuko.
"What's the matter Zayn?" Tanong ko kay Zayn. Sa pagtingin niya sa akin, mas lalong lumungkot ang mga mata nito.
What's going on?
"B-boss...please let Mikey join Havoc Gang. I'm using my power as the Advisor of Havoc...Mikey is kid in appearance but he is more mature compared to other Unit Captains and Unit Vice-captains. Hindi lang po iyon, Stage 0 si Mikey, that's the more reason I want him to be a part of our Gang. That person...he is the saddest kid that I've ever met." Matapos magpaliwanag sa akin, lumuhod si Zayn.
Napapikit ako sa aking mata. There's no way to not accept his proposal, because Zayn is doing everything he can for the sake of this criminal organization that I created.
"Stand up, lift your head. Mikey can join. You can go after him and say my sorry." Utos ko sa kaniya.
Tumayo naman siya at yumuko ulit bago umalis para habulin si Mikey.
"Boss...pasensya na talaga kung hindi ako makakasama sa unang pagsalakay sa kalaban na gagawin ng Havoc Gangsters. Ilang araw na akong mayroong malalang sugat kaya hindi maysado na gumana ang Healing Potion. Dadaanan ako sa natural na proseso ng pagpapagaling."
"Puro ka na lang pasensya Star. Let's hear about your report."
"Opo."
*****
After reporting the information about the Dons Star have collected, he fainted.
He should rest. Kaya naman nagpunta kami ni Franz sa kwarto upang doon din magpunta ang mga High Ranking Officers ng Havoc Gang.
Umupo sa isang sofa si Franz habang ako naman ay umupo sa upuan sa tabi ng lamesa ko.
"It's unbelievable that he survived in the territory of Don Farezona." Sabi ni Franz bigla sa akin.
Magbabasa sana ako ng libro pero agad ko ding isinara ang libro na hinawakan ko at binitawan sa ibabaw ng mesa. Isinalo ko ang aking baba gamit ang kanang kamay habang nakatukod sa mesa ang siko ko.
"He's amazingly lucky." Sabi ko kay Franz. Napataas ito ng kaniyang kilay.
"Sana nga ganoon."
"Hah? Bakit? May naiisip kabang ibang maaaring ibang dahilan?"
"W-wala."
"Still, to think that Zcaford was like that. Was that Island Region like that before?"
"What do you mean? Nakapunta kana noon sa Zcaford?"
"Hindi."
"Boss...let's not go to the 'Taal Volcano' first."
"Bakit?"
"Because I know Farezona. If we attacked him with the level of Magi Havoc Gang have, we'll all be Dead meat."
Napatawa ako sa sinabi ni Franz.
"Hindi tayo susugod sa 'Taal Volcano'. I'm going to wait for the Aces' to awaken their real potentials. I'm not going to rush things, I'm preparing everything for the better with the right time set."
"For me, you are taking your time too much. I'm repeating this to you, these 5 Dons are not the strongest enemies you will encounter. Before Farezona became a Don, before we even faced the Dryads, he secretly created his Organization while still being a member of a different organization, he said to us that he's preparing for a big battle against beings that are from different domain."
"Real Demons or perhaps, True Spirits...why do Farezona think these beings will attack this world? How will a large amount of them gonna be able to go out from their dimensions...it's a mystery only Grace and Aces can solve if we find the Giftia."
"Wala bang sinabi sayo ang Giftia nung tinawag ka nito?"
"Wala akong matandaan. Nakakainis!! Hindi ko alam kung bakit, kung anong nangyari sa memorya ko pagdating sa Giftia at Grace at Aces."
Itutuloy.