Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 98 - (Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 97 - Rialyn Madzua Versus Franz Fin

Chapter 98 - (Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 97 - Rialyn Madzua Versus Franz Fin

South Avalo Point Of View

Idinilat ko ang aking mga mata, ang masiglang mukha ni Isda ang sumalubong sa aking paningin.

"Good morning papa!" Pagbati niya sa akin.

"Morning ka diyan, ramdam ko ang init sa paligid. Halatang tanghali na!!"

"Ang talas talaga ng pakiramdam."

"Eh, kasi, Plant Chaos Magic ang kapangyarihan ko."

Napa-lingon ako sa gawi ni Senju. Tahimik parin siyang nakahiga at walang malay.

"Worried about her papa?"

"Anong her? Lalaki 'yan."

Napahawak naman siya sa kaniyang sintido. Dumila din siya, parang bata talaga kung umasta.

"Papa, nakakalito parin kasi talaga. Ang ganda-ganda niya eh..."

"Huwag kang papaloko sa gandang mayroon 'yan...tomboy kaba?"

"Hindi po."

"Anyways, kamusta naman ang lagay ng mga Havoc Gangsters? Anong balita? Ganoon pa din ba? Nag-sasanay silang lahat?"

"Opo." Mabilis na tugon niya sa akin. "Mukhang hindi pa susugod ang Gang sa mga kalabang Dons!!"

"Hindi ko pa masyadong naigagalaw ang aking katawan. Matatagalan pa ako sa pananatili ko dito sa lugar na ito." Malungkot kong sabi.

"Huwag kang malungkot papa, dapat ka lang pong manatili at magpagaling dito, kasi po, matapang mong hinarap ang pinuno ng mga kalaban. Isa pa, kahit po lumakas ang mga Havoc Gangsters sa pagsasanay nila, hindi ka parin mapagiiwanan, because you're Stage 1 and 1,000 more level points you can attain, you are going to rank up at Stage 0. Sabi nga din pala ni boss Shannon, kapag pinilit mong umalis dito, patulugin daw kita."

"You're not supposed to say that." Napatakip naman agad siya sa kaniyang madaldal na bibig.

"Forget about that papa."

"Still, this 'Magic Waste Storage' thing is handy." Papuri ko sa nakadikit sa aking paa na isang parang supot na kulay itim.

Dito napupunta ang ihi at tae na dapat inilalabas ng katawan ko.

"Do you want it to stick with you forever?"

"No way!!" Sabi ko.

Tumawa naman siya. "I know you will say that, papa."

"Lapit ka nga dito." Utos ko.

Umalis siya sa kinauupuan niyang upuan sa tabi ng hinihigaan ko. Umupo siya sa hinihigaan ko, sa tabi ko. Agad kong hinawakan at tinapik-tapik ang ibabaw ng ulo niya.

"Did you behave as a good person while I'm resting in this hospital?"

"Opo naman. Ako pa po ba."

"Good..."

Acting like a real parent to her is not bad at all. Even though she's a Mutant Animal Fish and older than me, she's a child brain from the inside which I really need to care of and guide her to greatness and kindness.

Malalakas na boltahe ng kidlat ang tumama sa lupa, ang ilan ay sa direksyon ni Franz tumama. Inilagan ni Franz ang ilang boltahe, habang ang huling tumama na boltahe sa kaniya ay kaniyang hinawakan. Naging tuwid na boltahe ang parang sanga ng puno na kidlat na tumama sa kaniya.

"Back at you, Lightning Spear!" Hinagis ni Franz papunta sa kinaroroonan ni Rialyn ang boltahe ng kidlat.

Muling tinamaan si Rialyn. Labis itong nasaktan sa lakas ng boltahe ng kuryente na tumama sa kaniya. Para namang nalungkot ang mga ulap sa nakita ng mga ito na nangyari kay Rialyn, kaya nagkaroon ng ulan na umabot hanggang 15 kilometro mula sa kinaroroonan ng bumagsak sa lupa na si Rialyn.

Lumapit naman agad si Franz kay Rialyn at kinarga ito. "Maganda ang ipinakita mo, Rialyn Madzua, no, Vice-president." Natutuwa na sabi ni Franz.

Dinala nito sa pagamutan si Rialyn.

*****

Third-person Point Of View

Samantala sa lugar sa kagubatan sa labas ng Palkia City, ang magkasama na nagsasanay na sina Rialyn at Franz ay naisipan na maglaban gamit ang mga magic nila...

"This is your final stage, if you'll pass on my expectation, you are ready for your role as the Vice-president of Havoc Gangsters, Rialyn." Sabi ni Franz kay Rialyn na seryoso na nakatingin sa kaniya.

Ilang metro ang layo nilang dalawa mula sa isat-isa.

"I'm really thankful on you for training me...now, I won't disappoint you..." Mabilisan na inactivate ni Rialyn ang kaniyang kapangyarihan. "Ruling The Sky Chaos Magic, Monster Wind!!"

Nagkaroon ng mga humanoid na mga halimaw na gawa sa hangin malapit sa paligid ni Rialyn. May mga pakpak ang mga ginawang halimaw ni Rialyn, kaya lumilipad ang mga ito na sumugod kay Franz.

"Starting with a strong spell right from the start? Not bad..." Natuwa na sabi naman ni Franz. "Power Grabbing Chaos Magic, Emperor Disappearance." Bumigkas naman si Franz ng kaniyang spell. Nagkaroon ng visible na mana sa mga kamay nito, kalaunan ay naglaho din ang mana.

Sa paglapit ng mga hangin na halimaw na ginawa ni Rialyn ay mga dalire lang ni Franz ang ginamit nitong panghawak sa mga halimaw. Nawala ang porma ng mga halimaw, naging normal na hangin muli ang mga ito na humalo agad sa ere.

Habang abala si Franz sa ginagawa nito, si Rialyn ay lumipad sa himpapawid. Gumamit siya ng 'Wind Camouflage' spell kung saan ginaya ni Rialyn ang clear na kulay ng hangin.

"Now where are you?" Sabi naman ni Franz pero alam na nito kung nasaan si Rialyn. Sa kaniyang pagtingala ay pinawalang bisa na ni Rialyn ang Wind Camouflage nito at nag-ipon ng malakas na enerhiya sa kaniyang mga kamay. Nabulabog ang hangin sa kanilang paligid. "Is she gonna fire a wind blast?"

"Take this, Franz Fin!! Tempest Beam!!" Nagpakawala ng malakas na wind blast si Rialyn.

Mabilis na sumugod ang kaniyang atake na ginawa papunta kay Franz.

Nag-arm sideward naman si Franz at muling gumamit ng mana sa kaniyang mga kamay. Hinawakan ni Franz ang hangin sa kaniyang dalawang kamay. Inangat niya ang kaniyang dalawang kamay na animo'y hinagis niya ang hangin na para lamang isang kung anong bagay. "Power Grabbing Chaos Magic, Demolition Wind!!" Kumawala ang malakas na pwersa ng hangin na nagawang hawakan at mabulabog ni Franz. Sumabay ang ginawa niyang atake sa atake ni Rialyn na ginawa.

Sa pagsasabayan ng mga atake nilang ginawa, mistulang nagkaroon ng malakas na bagyo sa himpapawid. Nadaig ng atake ni Franz ang atake na ginawa ni Rialyn. Natamaan ng direkta si Rialyn sa atake ni Franz. Lumipad ito ng pagkataas sa himpapawid dahil sa natamo niyang malakas na hanging atake ni Franz.

"Nakakainis!!"

Nagkaroon siya ng mga galos sa kaniyang buong katawan, nagkapunit-punit din ang damit niyang suot.

Tumingin si Rialyn sa mga ulap na kapantay na niya ngayon.

Unti-unti na naging kulay itom ang mga ulap na malapit kay Rialyn. Sa presensya ni Rialyn, sumusunod sa emosyonal na nararamdaman nito ang kalangitan.

Nagsimulang magkaroon ng kulog at kidlat sa mga ulap.

Namangha si Franz sa kaniyang nakikita ngayon.

Hindi siya nagkamali sa kaniyang nahulaan noon nang unang beses niyang ipagamit kay Rialyn ang kapangyarihan nito.

(She created her own Chaos Magic. And it was worth it helping her to try to dive deep and explore what her power can do.) Natutuwa na sabi ni Franz sa kaniyang sarile.

*****

Zayn Erwan Point Of View

"How are you?" Tanong ni boss sa akin sa aking pagpasok sa kaniyang opisina dito sa aming headquarters matapos niya akong papasukin.

Mukhang kinakamusta niya ako patungkol sa naging resulta ng Demon Binding Ritual noong isang araw na aking ginawa. Dahil din sa tagpo na iyon, sina Que, Meryl at Devorah ay inaya ni Gemmalyn na mag-ensayo sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Nakaupo siya sa kaniyang mesa, habang ako ay sa isang sofa na mahaba naman umupo.

Mabuti naman at si boss ay naabutan kong narito, madalas kasi siyang lumalabas, minsan nag-eensayo, minsan hindi ko alam kung anong ibang ginagawa niya.

"Ayos naman po ang lagay ko, boss." Tugon ko sa kaniyang tanong.

"What do you want to report today?"

"Nakahanda na ang mga karwahe na gagamitin natin boss kung sakaling aalis ang Gang para salakayin ang mga Dons. Na-check na ni Rum lahat, at nilagyan na din ng mga upgrades para mas mapabilis ang magiging pag-biyahe boss. Hindi na kakailanganin ng kabayo, dahil mana na lamang ng mga magmamaneho ang gagamitin para mapa-andar ang mga ito."

"You did another great job, Zayn." Sabi ni boss sa akin. "Take a break from training for a while... enjoy a normal blissful moment..." Sabi niya sa akin.

"H-hindi maaari boss... kailangan kong ipakita sa mga unit members na ang mga high ranking officers ng Havoc Gang ay mga pursigido. That way, atleast we can give them inspirations." Katwiran ko naman kay boss.

"You are really a nice person, a true leader."

Nag-blush naman ako sa sinabi ni boss. Even though she said it without smiling, it still give a positive touch with my heart.

*****

Third Person Point Of View

Zcaford Region, dalawang mga islang nakahiwalay sa mainland dahil sa nangyari na insidente anim na taon na ang nakakaraan, sa pagitan nina Don Nova Chrono at Don Mori Sette.

Malayo ang Zcaford Region ng 100 kilometro sa mainland. Maalon ang tubig ng dagat papuntang Zcaford at maraming mga 'Mutated Marine Animals' ang namumuhay, isa na sa mga ito ang bantay ng Zcaford Region, ang isa sa pitong Mutant Animal Lords, ang 'Bakunawa'.

Tinatawag din ng mga mamamayan ng Vlade Empire na 'Flower Region' ang Zcaford. Kung titignan sa himpapawid ang Zcaford, para itong isang 4 petals flower na nakahiwalay sa tangkay nito. Ang hinihahalintulad sa isang tangkay na isla ay walang may naninirahan dito kun'di mga mababangis na mga hayop at Mutant Animals.

Ang islang inihahalintulad naman sa isang 4 petals flower ay mayroong limang bayan. Ang bawat bayan ay mayroong mga ibat-ibang tawag ng gubat na naka-palibot sa mga ito.

Bawat gubat ay mayroong ibat-ibang mga aspeto na mayroon at wala sa isat-isa.

Sa Hilaga, isa sa mga petal land, dito matatagpuan ang Chivane City. Nakapalibot sa bayan ang gubat ng Chivane Forest. Chivane ang tawag sa bayan at gubat dahil sa napakaraming mga 'Chivane Trees' rito. Ang mga Chivane Trees ay matigas na kulay itim na punong mayroong puting mga dahon. Ginagamit sa paggawa ng mga barko ang kahoy nito at maaari namang tahiin upang gawing tela ang mga dahon nito.

Sa Silangan naman, isa din sa mga petal land, dito naman matatagpuan ang Metalle City. Ang gubat nito ay tinawag na Metalle Forest. Metalle ang tawag sa bayan na ito dahil sa puno ng metal ang lugar. Ilang hukay mo lang kasi sa lupa, makaka-hanap kana ng metal ore. Ginagamit ito sa paggawa ng mga malalakas na sandatang gaya ng baril at espada. Tinawag namang Metalle Forest ang gubat na naka-palibot sa bayan dahil sa espesyal na halaman na mayroon dito. Isang halaman na mayroong taas lamang na isang metro, isang halaman na bakal at nagbubunga ng isang bilog na bungang ang loob nito'y puno ng pulbos na pareho sa isang pulbura na ginagamit sa mga bomba at bala. Mas epektibo pa nga ang prutas na ito keysa sa pulbura kapag ginamit. Isang kilometro ang layo naman mula sa Metalle City, sa pagitan ng dagat ay matatagpuan ang islang naihahalintulad sa tangkay.

Sa Timog naman, sa isa din na petal land, ay matatagpuan ang Verhin City. Ang nakapalibot na kagubatan dito ay ang Verhin Forest. Tinawag na Verhin City at Verhin Forest ang lugar dahil sa mga 'Verhin Trees' na marami dito. Ang Verhin Tree ay isang punong mayroong matigas na balat na siyang nagagamit bilang secondary armor option. Ang dahon naman ng punong ito ay mas madikit pa sa pinakamadikit na pandikit kapag dinikdik at hiniwalay ang katas na nakuha.

Sa Kanluran naman, kung saan naroon ang isa pang petal land, matatagpuan dito ang Zickhan City at Zickhan Forest. Tinawag na Zickhan City at Zickhan Forest ang lugar dahil sa bibe na matatagpuan sa lugar na nangingitlog ng ginto. Zickhan ang tawag sa bibe na nangingitlog ng gintong itlog.

At panghuli, sa pinakasentro ng 4 petals flower island, ang lupain na nakakonekta sa apat na petal lands, ang Sette City. Hango sa pangalan ng namumuno sa Region na isa sa mga Don, si Don Mori Sette. Tinawag namang Killer Forest ang naka-palibot sa bayan na gubat dahil pinamumugaran ito ng mga Mutant Animals.

Isa lamang ang paraan ng apat na bayan sa Zcaford Region upang makapunta sa Sette City nang hindi dumadaan sa Killer Forest. Mayroong apat na tulay na konektado sa mga apat na bayan ang Sette City sa ibabaw mismo ng mga puno sa Killer Forest na gawa sa lupa.

Ang sinumang dadaan sa mga tulay patungo at palabas sa Sette City ay mabusising sinusuri ng mga bantay sa magkabilang dulo ng mga tulay.

Sa palasyo ng Sette City...kung saan naglulungga ang Big Daddy Bandits na pinamumunuan ni Don Mori Sette. Sa underground prison ng palasyo, pumasok sa isang selda si Don Mori Sette at kinalagan ang naka-kadena na babaeng duguan ang ulo at maraming bugbog sa katawan.

"Sana naman ay nagtanda kana." Pag-kausap ni Don Mori Sette sa babaeng matalim na nakatingin sa kaniya at naghahabol ng hininga nito. "Huwag ka na ulit makikialam sa mga misyon na gagawin namin, Nadare!" Madiin na napataas ng boses na sabi muli ni Don Mori Sette.

Tumayo naman ang babaeng naka-kulong sa selda na si Nadare Setsuna Sette. Ang babae na noo'y siyang unang humarap kay Don Celestial Mañokaw sa Uzbane City at dahil sa kaniya ay nagkaroon si Shannon Petrini ng tsansa na manalo at tinalo si Don Celestial Mañokaw.

"The torture is not painful, stupid dad." Matapos itong sabihin ay lumakad si Nadare Setsuna. Nilagpasan niya ang kaniyang ama at lumabas sa kaniyang selda. "I won't interrupt on your missions ever again." Pahabol na sabi ni Nadare sa kaniyang ama. (For now...just wait till I finally reach your level and I will be the one who will destroy this Organization of yours, stupid father Mori Sette.)

Sa pag-akyat ni Nadare Setsuna patungong ground floor ng Palasyo, sinalubong siya sa hagdanan pa lamang ng isang mababang ranggo na tauhan ng kaniyang ama at inabot nito ang Club na sandata ni Nadare sa kaniya.

"Salamat." Matapos tanggapin ni Nadare ang kaniyang Club ay hinampas niya ang nag-abot sa kaniya na lalaki. Bumaon sa pader ang ulo nito sa lakas nang paghampas na ginawa ni Nadare.

"Shit, I want to eat." Sabi ni Nadare sa hangin.

Itutuloy.